Kabanata 1

Background color
Font
Font size
Line height

"Anong trip 'yan?" Conrad said and stared at the tie on my belly.

Naninira na naman 'yan ng trip. I saw this on Ate Astra's Instagram so I just thought that it might look good to me too. Pero ang reaksyon ni Conrad ay naninira sa pag iisip kong maganda nga ito sa akin.

Nilingon ko si Damien na nakikipagngisian sa mga kakilala. "Maganda naman di'ba, Dam?"

Inakbayan ako ni Seidon. "Oo, maganda. Kaya mauna na kayo sa gym. May sisilipin lang kami ni Rad dito," He whispered.

"Hindi babae 'to, Zeth. Promise," Conrad laughed.

Nanlilisik ang mata ko sa kapatid ko. Oh, I'm sure its girls!

Nagkamot sa batok si Sean na kanina pa iritado sa init ng araw. "Tangina naman, Rad! Tara na! Sayang kojik!"

Lima kami dito ngayon. Ang iba ay paniguradong kasama na si Asher ngayon. Hindi sumama si Collin sa lakad ngayon dahil may group study raw sila. Its Friday and its EWU's Intramural Day. As usual, dayo na naman kami dito.

Ash, my cousin, will play today. Bukod doon, kailangan ko ding manood ng dance contest sa gym. Nang marinig ko kay Damien na sila raw ang pambato ng EWU ay talagang walang atrasan akong umoo kaagad!

"Mauna na nga kayo! We have some business to do here." Seidon smirked.

"Ano? Monkey business?"

"Funny ka, Damien."

Tinulak ko si Seidon mula sa pagkakaakbay niya dahil sinisira niya ang buhok kong maganda ang tinintas para sa araw na ito. I looked at Conrad. He pointed my belly. Sinenyasan niya akong ibaba iyon gamit ang kamay niya sabay akbay kay Seidon.

I rolled my eyes. "Isusumbong kita kay Daddy!"

Hinila ko si Sean at kumapit sa kamay niya. Narinig ko pa ang sigaw ni Conrad sa akin. "Walang ganyanan, kapatid!"

Malayo pa lang sa covered gymnasium ay nagsisigawan na ang mga tao doon. I get more excited when we entered the gym. Malaki ang gymnasium ng EWU, mas malaki ng kaunti sa amin. Dalawang magkabilaang bench ang masa gilid na punong puno ng mga estudyante.

They were wild. Nagsasalita pa lang ang emcee ay nagsisigawan na sila. I fixed my designer bag on my side and fixed my hair thinking that he will take a glance on me later. Hindi niya ako makikita since nasa pinakalikod kami pero malay mo ay makita niya ako dito kahit imposible.

"Sinong panalo? TRADE SCHOOL! Sinong talo? EWU!"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng mga sigaw. Students wearing the same P.E shirts just like mine is shouting. Ngumiwi ako dahil sa kakalatan ng mga school mates ko. They're holding a large banner of our school's representative.

Tumawa si Sean at inakbayan ako. "Panalo daw? Pwe! Kung ako ang sasayaw, sure win!"

"Bakit sino ba?"

"Dam, can't you see those banners? Hindi ba obvious?"

Tumawa ako. "Ang sama mo naman sa ex mo."

"Yuck!" Nagreact kaagad si Damien. "Ex mo si Julianna?!"

I laughed harder. Well, I was just joking! Pero malay mo naman pinatulan pala ni Sean talaga 'yon.

"Dude!" Inalis ni Sean ang akbay sa akin at sinamaan ng tingin. "NGSB!"

"Feelingero."

Natigil ang banatan namin nang mag announce na ang emcee ukol raw sa first performer. Ako naman ay kaagad inayos ang pagkakasabit ng aking mamahaling bag at tumuwid ng tayo.

I thought it was their group but its not! Bumagsak ang balikat ko nang makita ko ang flag namin sa monitor. Ngumiwi na lang ako at sumimangot. God, I can't wait. Bakit ba sila ang nauna?

Naghiyawan ang crowd sa unang moves pa lang. I was so bored. Hindi naman masyadong maganda ang performance nila. Hindi pa nangangalahati ang kanta ay nabored na ako at siguradong matatalo kami!

"Dancer niyo, ang lalamya! Bulok!" Someone from the EWU shouted. Ngumisi ako, tama!

"Kaysa naman sa inyo! Hindi pa lumalabas, amoy talo na!"

Pumalakpak si Sean at humagalpak ang tawa. "Mga bobo! Matatalo tayo! Pusta ko bente!"

"Sean!" Bawal ko dahil napatingin ang iba sa amin.

Imbis naman na magalit ang mga school mate namin ay kumaway pa sila sa pinsan ko. I crossed my arms on my chest and rolled my eyes. Oh, come on! Napakasupportive ng pinsan ko!

I looked at Julianna's team again. Si Julianna ang nasa gitna. She turned her back and twerked. Napaawang ang labi ko dahil sobrang iksi ng suot nilang shorts! Dude, I can almost see her butt from here!

"Oh, pota! Lumalaban!" Sean said. I can almost see his twinkling eyes.

Hinampas siya ni Damien. "H'wag kang mamaha ng laway mo dito!"

The whole performance, I didn't do anything but roll my eyes and give out a sigh. It wasn't so good. But whatever, siguro 10% lang ang chance namin. It was all slutty moves anyway.

Nang natapos ay doon ako ginanahan. Bumalik ang tuwid ng likod ko at inayos ko pa ang buhok ko habang inaabangan ang tawag ng emcee sa pangalawang grupo.

"The pride of East West University!" The gay emcee called.

Everyone shouted. Pumalakpak naman ako. Nginisian ako ni Damien at sinabayan pa ako sa pagpapalakpak.

"Putangina niyo! Ngayon kayo tumahol, mga gago!" Pinakamalakas iyon sa mga babae ng EWU. Ngumisi ako.


The stage lighted up. Kasabay ay lumabas ang mga babaeng nakasuot ng longsleeve polo na may belt. They're all the same outfit but I'm seeking for someone.

Hindi ko siya nahanap dahil mga babae ang nandito. Nanlumo ako kaagad. Tumugtog ang musika nila. The crowd roared, specially the EWU students. Proud na proud sa mga pambato pero ang amin ay tahimik lang at kung ano ano ang binabato.

"Sino 'yung nasa gitna?" Turo ni Sean sa babaeng mahaba at kulay pula ang buhok na nasa gitna.

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin doon. My eyebrow raised when I realized who it was. Lumandas ang iritasyon sa mukha ko.

"Miles." Si Damien ang sumagot. "Akala ko ba crush mo 'yan?"

"Ang dami kong crush, Dam. Tingin mo ba memorize ko?"

"Akala ko si Farah ang crush mo?" Ako naman ngayon ang lumingon sa kaniya.

"Sino naman nagsabi? Hindi, ah!"

I rolled my eyes at him. I glanced at Miles Sanchez. The girl I usually see in their studio. Syempre, paano ko nga ba makakalimutan 'yan?

The music stopped with a bang. Pumalakpak ang lahat maliban sa akin. Sean was clapping too loud and almost shouting Miles' name. Sinamaan ko siya ng tingin.

Ngalay na ngalay na ako sa bag ko pero nagawa ko pa ding umayos ng tayo nang tumugtog muli ang hindi pamilyar na kanta sa akin. I cleared my throat and clapped my hands just like the others.

"Ayan na!" Damien announced and pulled my hair. Hindi ko siya pinansin.

Guys wearing the same outfit just like girls but they're not wearing a belt and a short. Dark jeans with a lot of chains on it and a loosed necktie. I almost lost my breath when I saw the guy in the middle.

Silhouette pa lang, alam na alam ko na! Tumikhim ako at iniwasan ang pagtili. Hindi ako pwedeng mag fan girl dito lalo na't kasama ko si Sean at baka maisumbong pa ako.

The music started. Kulang na lang ay putukan ng ugat sa leeg ang mga tao sa gym! Nagulat pa ako dahil nakisabay pa ang aming schoolmates! Akala ko ba talo 'yang mga 'yan? Bakit may timitili?

"Hazeth! 'Yung crush mo!"

I almost pulled Damien's hair. Sean raised his eyebrow on me. "Anong crush?"

Nagkatinginan kami ni Damien. Sige, isigaw mo pa. Patay ako kay Conrad kapag nalaman niyang puro ako crush crush dito. Kinunutan ko lang ng noo si Damien.

I looked at the stage again, never minding what Sean said.

Leander was fixing his necktie on his neck. Nakayuko siya kasama ang iba pa. He looked like a monster in stage. Nang tumugtog ay dumiretso ang tingin niya sa crowd. I didn't heard anything but shouts and annoying screams.

"Putangina, love shot!" Damien shouted. Niyugyog niya ang katawan ni Sean.

"Tangina, Dam!"

Inipit ko ang dalawang labi, trying not to smile. His moves were smooth and sexy. He was outstanding. Parang siya ang bida doon at back-up dancer niya lang ang iba. Isang pitik lang ng katawan ay mapapaungol na niya ang mga babaeng nanonood.

The chorus part was killing. Everyone is singing the song which I wish I knew, too. He was grooving on the song and moving his body slowly but in erotic way.

Kuminang ang hikaw sa labi niya at gumagalaw ang magulo niyang buhok kasabay ng bawat galaw niya. Every move, steals my breath. I can't even breath properly. Lalo pa sa moves na 'yon! Damn, that's illegal!

The whole performance was breath taking. Para akong nanonood ng isang diyos na nagsasaboy ng blessings sa mga tao. Bitin na bitin pa ako nang matapos ang kanta! Ano ba 'yan!

"Crush pala, Zeth, ah?" Pang aasar ni Sean sa akin nang umalis kami sa gym.

Mamayang hapon pa raw malalaman ang resulta. Bakit hindi pa ngayon? It was easy to critique! Galaw pa lang, sure naman na kung sino ang nanalo. Syempre sila Leander!

Dumiretso kami sa gym nang mag alas dos para sa laro ni Asher. Mula sa pangatlong upuan, nandoon ang mga pinsan kong nakahilera.

"Subukan mo, Lester, lagot ka kay Farah." Banta ko.

"Lagot agad? Bakit? Anong gagawin mo?"

"Ipapabasted kita!" Banta ko pa sa kaniya.

Kaagad nangunot ang noo niya. "Wala namang ganyanan, Zeth. Oo na! Hindi ko sasabihin!"

I smirked. Sinundan ko si Damien na nauuna sa amin. Nakita ko kaagad sila Conrad na nagtatawanan. Huminto ang tingin ko sa nag iisang Delavigne na naligaw doon. Si Zarrick na nakasimangot at mukhang OP sa kanilang tawanan.

Naupo ako sa dulo, katabi ni Damien habang si Sean ay dumiretso kila Seidon. I watched him. Masama na, baka isumbong pa talaga ako nito. Lagot talaga siya sa akin.

"Tagal niyo, ah?" Westley said.

"Nanood pa kasi kami ng performance ni crush! Di'ba, Zeth?"

Halos ibato ko ang bag ko sa kaniya. I saw Conrad's furrowed brows on me. "Anong crush na naman, Hazeth?"

"Crush ko, Rad! Ako!" Tumawa si Sean sabay hampas sa balikat ng kapatid ko. "Kinabahan naman kaagad si Zeth."

I gritted my teeth. Hinahamon ba niya ako? Oh, I can do what I told him a while ago. Akala niya siguro nakikipag biruan ako sa kaniya. Pwes, papabasted ko siya kay Farah kahit hindi pa siya nanliligaw!

"Where's Asher?" Damien asked, changing the topic.

"Maglalaro. Obvious ba, Damien?" Zarrick answered.


The game started. Students are currently shouting their own team. I was cheering too but not so loud as my cousins. I raised my eyebrow and watched the boys stood up and wave at Asher down there.

Si Zarrick lang ang natirang nakaupo. He was frowning because of irritation towards the boys. Pumapalakpak naman si Damien sa kakatawa samantalang ako ay halos batuhin na ang mga pinsan ko.


"Panalunin mo, gago! Limang daan pusta ko sayo, Abo! Umayos ayos ka!" Duro ni Seidon na pinakamaingay.


Tinulak ni Conrad ang mukha ni Seidon para manahimik. "Axcel! Putangina mong gago ka! Kapag ikaw natalo.. e'di talo!"



I was so embarrassed. Napatingin ako sa mga babaeng nasa harapan nila at mukhang natutuwa pa sa sigaw ng mga pinsan ko. Everyone is looking at us even though the game isn't yet started.

Tinago ko ang mukha ko at humarap sa kanan para sana itago ako sa nakakahiyang ginagawa nila. Pero imbis na mapanatag ako ay napatalon ako nang makita kung sino ang katabi ko.

Sumisigaw na Leander Hayden Salazar ang nakaupo sa tabi ko. He was just done shouting a curse towards someone in the game. Tumawa siya at nakipag apir sa katabi niyang lalaki.


His hair is curled and a bit long to cover up his eyes a bit sometimes. His arctic eyes is not almost seen because he's laughing. Kumikinang ang silver loop piercings niya sa kaniyang gilid ng labi. I've searched on that one. Side labret piercing ang tawag. May balak pa nga magpalagay si Sean ng ganoon.

Binalot ako ng kaba at ng pamamawis ng kamay dahil sa kaniya. Kaagad kong nilingon si Damien pero hindi naman siya nakatingin. Tumuwid ako ng upo at sinuklay ang buhok kong mahaba gamit ang kamay ko.


I fixed my feet. Pinatong ko ang isang paa ko sa kanan pero napahinto ako nang sumayad ito sa pantalon ng taong hindi ko pa inaasahan.


"Oh my god, sorry!" I immediately reacted.

I saw him looking at me, napawi ang ngiti niya. Even Theo, his friend, looked at me. Nakita ko ang pag angat ng dalawang kilay ng kaibigan niya at mapatingin sa kalat na ginawa ko.


"Hi, Zeth! Kayo pala 'yan?" Theo looked at my cousins. Hindi ko iyon binigyan ng pansin kundi tumingin ako sa pantalon ni Leander.


He couched to wipe it. I made a mess. Gumuhit ang kulay chocolate na dumi galing sa sapatos ko sa kaniyang itim na pantalon na suot niya pa kanina.


"I'm sorry. Hindi ko.. nakita," I tried to make myself calm but my voice is shaking.


How can I calm? Si Leander 'to. Si Leander!


"Hindi kasi nag iingat." Medyo kunot ang noo niya. He tried wiping it. Nawawala naman pero kitang kita pa din ang dumi doon. He tsked. "I don't have extras. Paano ito ngayon?"

Tumingala siya sa akin na parang biniblame niya ako doon. Well, ako naman talaga ang may kasalanan. But.. come to think of it, hindi naman iyon big deal! Well.. it is. Damit niya 'yon at mukhang mamahalin pa naman.


I geezed. "Uh.. I have handkerchief-"


"Pare, alam ko na!" Singit ni Theo at natatawang hinampas ang balikat ng kaibigan. "Ipalaba mo! Isama mo na ibang labahin mo para tipid sabon. Oh, di'ba?"


"Will you shut up? Hindi ka nakakatulong," Inis na singhal niya sa kaibigan. "May pupuntahan ako mamaya, ganito ang itsura ko?"


Wow, ang arte ha. Pero sabagay, ako din naman kapag nangyari iyon!

Tumikhim ako at talagang umaapaw na hiya ang naramdaman ko. Gusto kong ilabas ang panyo ko pero hindi ko lang talaga alam kong nadala ko iyon.

Damien seem to not notice me because she's busy minding my cousins. Rinig ko pa ang bangayan nila pero hindi ko na lang pinapansin.


"May alcohol ako!" That's the best thing I can say.


"Do you want to wet my pants?"


Kinagat ko ang labi ko. "Well, matutuyo din naman eventually."


"Fine." Umayos siya ng upo at nilahad sa akin ang kaniyang paa. Nagkatinginan kami ni Theo pero tinikom niya lang ang bibig niya at nagpapahiwatig na hindi siya kasali. "Wet my pants. Punasan mo.''

Wait, what?

Napaawang ang labi ko. Kumurap kurap ako sa utos niya sa akin. I know I messed his pants but its not too much! Ganito ba talaga siya ka OA? At ganito din ba talaga siya kayabang?


Nilingon ko si Damien para sana humingi man lang ng kaunting tulong pero nakikipag tawanan lang siya at hinihila ang damit ni Conrad para umupo.


"Ayaw mo naman pala, e."

Napatingin ako kila Leander ng automatiko. I didn't said anything! Malamang hindi ako makapaniwala na inuutusan niya ako ng ganoon kaya hindi ako nakapagsalita!


Nakita ko ang ngisi ng kaibigan niya at natatawa akong tinignan. "Pasensya na, may regla, e."


"Let's go." Leander suddenly said and stood up.


Matangkad siya. Halos harangan ako sa view sa ibaba kung nasa harapan ko. Kaagad umawang ang labi ko nang mapagtantong aalis na sila! Dahil lang doon? Galit ba siya?


"Aga naman, pare! Si Axcel!"


Damien noticed them. Kaagad niya akong siniko nang mapansin iyon. Marahil ay alam niyang type ko si Leander kaya ganoon.


"Manood ka mag isa mo. Badtrip na'ko, bahala ka d'yan."


Then he walked out. Not even looking at me or anybody but his friend. His eyes looked irritated just like how he usually is. Maya maya pa ay sinunsdan na siya ng kaibigan niya.

Naiwan akong nakanganga dahil doon. What the hell? Ang babaw! Napakababaw!




You are reading the story above: TeenFic.Net