Chapter 47

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 47

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatayo sa gilid ng sasakyan ni Meana. My mind is still hay wired. Hindi matanggal sa akin lahat ng sinabi ni Zaira.

Huminga ako ng malalim dahil sa paninikip ng dibdib ko. I don't want to doubt Olzen. May tiwala ako sa kaniya. At magtitiwala ako sa kaniya kahit parang sinusubok ang tatag at tiwala ko ng mga salita ni Zaira.

Suminghap ako nang biglang tumunog ang cellphone sa aking kamay. It was Meana. Kaagad ko 'yong sinagot at tiningala ang matayog na gusali sa harap ko.

"Saan ka? Ms. Shin told me you're outside pero wala ka naman. Tapos na ako." Bungad niya.

I bit my lip and puffed a breath. "Nasa baba ako, sa may parking. I'll wait you here."

Ilang minuto lang ay nasa harapan ko na siya. Kumunot ang noo niya nang mapagmasdan ako. Hindi ko alam kung anong itsura ko, I probably look upset but I tried hard to act normal in front of her.

"Are you alright? Ba't bigla kang umalis?"

Tipid akong ngumiti. "Sumama lang bigla ang pakiramdam ko. Aalis na ba tayo?"

Kumunot ang kaniyang noo, tinatantya ang reaksyon ko. Ngumuso ako at pinilit ang sariling ngumiti pa lalo. She pursed her lips and then her eyes turned to slits.

"Iyong totoo, Era? You don't look alright to me." Umiling siya.

Bumagsak ang gilid ng labi ko. Kinagat ko ang aking labi at pinirmi ito. Hindi niya alam na kilala ko si Zaira.

"Can we get out of here first?" I swallowed hard.

She stared at me for a second before she nodded and went to the driver's seat. Tahimik ang naging biyahe namin. Hindi na niya ako tinanong ulit. Hindi ko alam kung anong gagawin. Gusto kong kausapin si Olzen pero ayokong sa cellphone lang.

I need answers. I'm thirsty for answers. Ayoko siyang pagdudahan. Hindi ko siya pagdududahan dahil lang sa narinig ko. Kahit na ang sakit sa dibdib ng mga sinabi niya, ayokong mabuwag ang tiwala ko dahil lang do'n.

"Era, what is it? Anong problema?" Meana tried again when we're already home.

This time, I smiled genuinely at her. Seryoso ang tingin niya sa akin na may halong pag-aalala.

"I will try to solve it on my own." Tumango ako.

Huminga siya ng malalim. Hinaplos niya ang balikat ko at ngumiti. Tumango siya kalaunan. Alam kong hindi siya mamimilit dahil gano'n siya. She'd let me deal with alone if that's what I want.

"But please... know that I'm just here." She assured.

Itinulog ko ang bigat sa aking dibdib. Hapon na nang magising ako at nakita kong may missed call do'n si Olzen. Kaninang alas dos pa 'yon, alas singko na. There were also messages from him.

Olzen:

Did you have lunch?

Olzen:

Nasa Pasay pa rin ba kayo? I'm in the office now. Can I call?

Olzen:

Baby, are you busy?

Olzen:

Alright, I'll call later then. Babalik lang ako sa site. I love you.

Gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko dahil do'n. Magtitiis muna akong hindi magtanong kahit uhaw na uhaw na akong masagot ang mga tanong ko. I know Oliver Blazen. He won't do that to me right?

Ako:

I'm sorry, nakatulog ako. Kanina pa kami naka-uwi. Call me later if you're done with work.

Bumaba ako pagkatapos kong mag-shower. I went to Meana's room to call her out for dinner. May kausap siya sa cellphone nang pumasok ako pagkatapos kumatok ng dalawang beses. She smiled at me, kaharap niya ang laptop at may mga nagkalat na papers sa kama niya.

"Okay. Alright, fine. Next next week? May panibagong project kasi ako." Narinig kong sinabi niya sa kausap.

Lumapit ako sa kama niya at tiningnan ang mga nagkalat do'n. It's some different digital designs of rooms with diverse motifs.

"Yeah, yeah. Fine. Yes, I'll go." Tumawa siya bago binaba ang tawag.

"Dinner?" I offered.

Tumango siya at sabay kaming bumaba para kumain. We talked things over dinner. Some current issues and so on. Pagkatapos no'n ay umakyat na rin ako sa kwarto, gano'n din siya. It was exactly when I lay on my bed that Olzen called. Matagal kong tinitigan ang cellphone ko na nagri-ring pero sinagot ko rin iyon bago pa mamatay ang tawag.

"Hello," suminghap ako.

I heard some noises before I heard him clear his throat.

"Hey..." he greeted back hoarsely.

I closed my eyes as I tried to find comfort in his voice. Just like the old times.

"How's work?" I asked the usual.

"Fine. Ikaw? Kamusta ang araw mo. You've been busy?" Masuyo niyang tanong.

Kinagat ko ang labi at pinaglaruan ang dulo ng kumot. Nakatitig ako sa kisame habang nakikipag-debate sa isip ko kung sasabihin ko ba sa kaniya ang nangyari ngayong araw o pagbalik na lang niya. I sighed and shut my eyes.

"Okay lang. Pagka-uwi namin from Pasay, nakatulog ulit ako."

He chuckled softly. "Anong gagawin mo bukas?"

"I don't know." I replied plainly.

Natahimik siya saglit. I can hear his deep breathing. I stayed silent too, still finding the right words to make it all seem right. Because the truth is, it's not. I'm trying to be alright but I don't know why those words keep getting me swayed!

"Is there a problem?" He asked languidly.

I nibbled my lip and swallowed hard. "Wala naman. Why?"

"Kilala kita. I can always notice your real feelings in between your silence. What's wrong?" He demanded in his raspy baritone.

My heart clenched. I don't know why.

"I... I have a question..." I tried not to stutter.

"I will answer whatever those questions are, Elais." Seryoso niyang sinabi.

Huminga ako ng malalim at pinisil ang ilong ko.

"May naging girlfriend ka ba sa mga nakalipas na taon?" It was almost a whisper.

Nang hindi siya magsalita ay suminghap ulit ako. My heart is pounding for an uncertain reason.

"I'm... I'm just curious. Kung ayaw mong sumagot, okay lang naman." Bawi ko.

"Wala akong naging girlfriend." He uttered seriously after some silence.

I nodded even though he can't see me. I do believe him. I trust him.

"You never considered having one?" I asked with shuddering voice.

I heard him sigh heavily. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili sa muli pang pagtatanong. I guess I will ask him personally about my biggest question.

"Hindi. What's with the questions? Is there any problem? I don't like your tone, Era."

I pursed my lips and sighed. "Wala. Napapaisip lang ako na bakit kahit taon ang lumipas ay ako pa rin."

"Time fades but not these feelings. Not mine, Elais."

"Really?" Namamaos kong tanong.

Natahimik ang kabilang linya maliban sa malalim niyang paghinga. He puffed a breath then I heard some dangling of keys.

"Uuwi na ako. Hintayin mo ako. Huwag ka munang matulog." Aniya.

My eyes widened. Mabilis akong napa-bangon sa kama. My heart pounded even more.

"W-what? No, no... I'm fine! You don't need to come here! Gabi na!" I panicked.

"Uuwi na ako." He said with finality.

"Olzen, you don-"

My jaw dropped when the call ended. Napatayo ako sa kama at kinagat ng mariin ang labi. Nababaliw na ba siya? It's already eight in the evening! Baka quarter to 12 na siya makakapunta rito tapos babalik ulit siya bukas. My goodness!

I tried calling him but he's not answering. I dialed his number five times but there was no response. Nag-aalala na ako. We were just talking and then... ugh! Sana ay hindi na lang ako nagtanong. Bumuga ako ng hangin at hinilot ang sentido. Nang tumunog ang cellphone ko sa isang mensahe ay agad ko itong tiningnan.

Olzen:

I'm driving. Uuwi ako sayo kaya hintayin mo ako.

Dumiin ang kagat ko sa aking labi at napahiga na lang ulit ako sa kama. Marahas ang tambol ng aking puso. Nagdiriwang... nagagalak. I bite the insides of my cheek and hugged my pillow.

I stayed on my bed, motionless before I decided to get up and walked out of my room. Nadatnan ko si Meana na kaharap ang kaniyang laptop at abala ulit sa kaniyang trabaho.

"Uhm... Olzen is coming over tonight." Ngumuso ako.

Nagtaas siya ng kilay. "I thought he's in Laguna? Hindi ba next week pa ang uwi niya?"

"I don't know. We had a serious talk about something then suddenly he decided to go home. I told him I'm fine but he insisted. He's on his way." Ngumiwi ako.

Tinitigan niya ako pagkatapos ay umiling siya, may maliit na ngiti sa kaniyang labi.

"Magpakasal na lang kasi kayo." She chuckled.

I frowned at her even though her idea seemed to distract me for a moment. Isn't it too early for that? I want to spend more time as girlfriend and boyfriend. Besides, hindi ko pa nakaka-usap ang mga magulang ko sa aking plano.

"Dito ba matutulog o pupunta kayo ng condo niya?" Tanong niya.

"Hindi ko alam..." umiwas ako ng tingin.

"It's fine if he wants to sleep here pero kapag pupunta kayo ng condo niya, just text me. Baka tulog na ako kapag nakarating siya rito."

Tumango na lang ako bago lumabas ng kwarto niya. I couldn't hide my eagerness to my own self while waiting for his arrival. He sounds so serious during our talk. Kinakabahan tuloy ako na baka galit siya dahil sa mga tanong ko.

It was almost 11:30 in the evening when he called me, saying that he's already in front of the house. Napabalikwas ako sa kinahihigaan at hindi na nag-abalang magpalit pa. I was just wearing a loose shirt and silk shorts. Inayos ko lang ang buhok ko at mabilis na lumabas ng kwarto.

Tulog na ang lahat kaya naman maingat ang galaw ko para hindi makagawa ng ingay. Nang binuksan ko ang gate ay bumungad sa akin si Olzen na nakasandal sa kaniyang kotse. His arms were crosses on his chest. Nakatingala siya sa langit kaya kitang kita ko ang pag-iigting ng kaniyang panga.

Lumingon siya nang marinig niya ang pagbukas ng tarangkahan. His gray hooded eyes waned when he saw me. Umayos siya ng tayo at hinintay akong lumapit. Tatlong araw kaming hindi nagkita.

Mabilis ang paghinga ko habang mabagal na naglakad palapit sa kaniya. I noticed that he's wearing casual clothes. Short sleeve polo and dark pants. Medyo magulo pa ang kaniyang buhok at mukhang pagod. I nibbled my lip as I felt guilt coursed through me.

Nagtaas siya ng kilay sa akin nang makita niya ang pag-nguso ko. Sinimangutan ko siya at tumayo sa harapan niya. He pursed his lips and tilted his head. Tinatantya niya ang reaksyon ko.

He licked his lips and advanced to me. When his hands snaked on my waist, I was pushed to his chest. I folded my lips as I felt my heart on my throat.

I was really feeling bad today but now that he's in front of me and holding me like this... all the bad thoughts vanished. The storm that was aiming for its violence calmed down. He calmed it down.

"Nababaliw ka na ba?" Nanginig ang boses ko.

Hinampas ko ang dibdib niya pero mas hinila niya lang ako palapit. Humigpit ang yakap niya sa akin kaya wala akong nagawa kundi yakapin na lang siya pabalik. Gusto kong umiyak dahil pakiramdam ko ang sensitive ko na. My heart is clenching so hard in my chest.

"Anong problema ng baby ko?" Masuyo niyang tanong at hinaplos ang buhok ko.

Umiling ako sa kaniyang dibdib. Olzen will never do that to me. Kung ano man ang mga sinabi ni Zaira, hahayaan ko na lang. I trust Olzen. And it's scary that trusting him with all my heart will possibly break me. But I don't care, I will trust him still.

"Come on tell me what's the problem." He shook my body softly.

"W-wala. I was just asking you b-because I was curious. Tapos bigla ka na lang umuwi rito..." binitawan ko ang baywang niya.

Bahagya niya akong inilayo ang tinitigan ang mukha ko. Seryoso siya, bahagyang nakataas ang kilay at naka-awang ang pulang labi. Ikiniling niya ang ulo at hinaplos ang pisngi ko.

"Iyon lang ba talaga ang problema?" He sighed.

Ngumuso ako. "Umuwi ka para lang i-tanong 'yan?"

"I want to make sure that you are alright. Gusto kong malaman kung ano problema at maayos natin agad."

"I'm fine! Anong oras na, oh? You're making me feel guilty because you drove all the way here and you look tired!" Sumimangot ako.

Huminga siya ng malalim at muli akong hinila para sa isang yakap. I pursed my lips to prevent a smile kahit na disappointed pa rin ako sa sarili dahil pinagod ko pa siya lalo.

"Kahit pagod ako at mahaba ang biyahe, araw araw pa rin akong uuwi basta ikaw ang uuwian ko." He inhaled on my hair.

I wanted to cry so I just buried my face on his chest. He smells so good. Matagal kaming nanatiling gano'n hanggang sa tanungin niya kung inaantok na ba ako.

"Babalik ka ba ulit bukas?" I asked while ruffling his hair.

He licked his lips and nodded. "I need to. Ang daming kailangang pangasiwaan lalo't nagsisidatingan na ang mga materyales."

Mas lalo tuloy akong nalungkot. Mukha talaga siyang pagod pero ngumingiti pa rin siya sa akin habang inaayos ko ang buhok niya.

"Bibiyahe ka na ba ulit?" I nibbled my lip.

Tinitigan niya ako. Kinagat niya ang labi at tinagilid ang ulo.

"Maaga na lang ako bukas. I'll just sleep on my condo tonight. Are you sleepy? You should go inside now." He smiled a little.

I blinked and licked my lips unconsciously. Iniwas niya ang tingin sa labi ko at sumulyap sa bahay. His jaw moved aggressively while his hands settled on my waist, massaging it a little.

"I'll go with you. Don't worry, nagpaalam na ako kay Meana."

Tumaas ang kilay niya nang muling bumaling sa akin. Kumuyom ang kaniyang panga at mas lalong nagseryoso.

"Are you sure?"

Tumango ako at tipid na ngumiti. Huminga siya ng malalim at iginiya na ako papasok sa kaniyang kotse. Mabilis kaming nakarating sa condo niya. Kaagad siyang dumiretso sa bathroom nang pumasok kami sa kaniyang kwarto. Maaga siyang aalis bukas.

Umupo ako sa kaniyang kama habang hinihintay siyang matapos. I entertained myself by watching videos on my phone. Sa kalagitnaan ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone ni Olzen na nasa bed-side table. Pinatong niya ito kanina do'n. Nilingon ko ito at dahil naka-upo ako ay nakita ko agad ang message.

Engr. Laurice Tagle:

Why are you not answering my calls? I heard you went home. Babalik ka ba bukas? We need you here...

Hindi ko na makita ang kabuuan ng text dahil kailangan pa itong buksan. Kinagat ko ang labi at iniwas ang tingin do'n. It's his message so I should not meddle with it. Sumagi saglit sa isip ko ang galit ni Zaira kay Laurice. She seems so angry about her. Bumuga ako ng hangin at pilit i-winaksi sa utak ang mga alinlangan ko.

When Olzen went out of the bathroom, he's only wearing his sweatpants and the small white towel is on his broad shoulder. He put the towel on the rack before walking towards the bed.

"What time is it?" He asked.

Ngumuso ako at iniwas ang tingin sa katawan niya. "Pasado alas dose na. Uhm... you have a message."

Lumapit siya sa tabi ko. Umusod ako nang umupo siya sa gilid ko. Itinukod niya ang kaliwang kamay sa tabi ng hita ko. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang mensahe niya. Kumunot ang kaniyang noo at may ginalaw sa cellphone niya bago muling pinatong sa lamesa.

He swung his gaze to me after that. He smells mint. I can also smell the bath gel he used. Kumurap ako nang magkatinginan kami. Ngumuso ako dahil sa lalim ng tingin niya.

"We should sleep. Maaga ka pa bukas." I said softly.

"Uh-huh... where's my good night kiss then?" His lips protruded.

Gusto kong umirap kahit na umangat na ang gilid ng labi ko dahil sa sinabi niya. His eyes look amused as he watched my reaction. Humawak ako sa kaniyang braso at lumapit sa kaniya. I kissed the side of his lips before moving away.

"That's it?" Tumaas ang kilay niya.

Pinandilatan ko siya. "Maaga ka bukas. Anong oras na?"

Tumawa siya at umiling pagkatapos ay yumuko para halikan ako sa noo. Ngumiti na lang ako. Nang tumayo siya para i-off ang main switch ng ilaw ay inabot ko ang hook ng bra ko para tanggalin ito. Nang pabalik na siya ay nakita niya ang paglagay ko ng bra sa ilalim ng unan. Ngumisi siya sa akin kaya uminit ang pisngi ko. It's not like he's not used to that.

Humiga siya sa tabi ko at hinila ang bed sheet para sa aming dalawa. Kaagad na pumulupot ang kamay niya sa baywang ko. He adjusted the light of the lampshade, para maging dim ito. I sighed when I felt peace in his arms. Can we just stay like this forever?

"I love you. From then until now. Don't ever doubt that." He whispered when he felt me snuggled closer to him.

My heart tugged and all I could do was nod. I felt him kiss me softly on my lips before I felt his hand crawl inside my stomach. I groaned at him when I felt his hand on the valley of my naked breasts. He kneaded one of them.

"Kamay mo..." daing ko.

He just chuckled. "Let's sleep. My hand won't touch anything other than this."

At kagaya nga ng sinabi niya, maaga siyang nagising. Namalayan ko na lang dahil sa paghalik niya sa aking pisngi. Alas singko pa lang at bihis na bihis na siya. Sobrang inaantok pa ako at ang huling namalayan ko ay ang paglalagay niya ng bed sheet sa aking katawan.

Days passed by swiftly at hindi na muli siya nakauwi. Mas naging busy pa sila at paminsan minsan ay madalang na siyang mag-text pero tuwing gabi ay tumatawag siya sa akin. On the other hand, I got busy again with other things. Pinipilit kong abalahin ang sarili para hindi mag-isip ng kung anu-ano at gusto ko rin namang maging productive.

"My unemployed ass is thirsty for a job." I groaned while watching Meana work on her laptop.

Tumawa siya sa sinabi ko. "Wala ka pa bang nahahanap? Kapag sa Canada 'yan, tatlo tatlo pa ang job offers mo."

Ang totoo niyan, may magandang company akong nakita. Sana lang ay available pa ang offer nila kapag nakapag-decide na ako. Kung sakali mang hindi na ay may dalawa pa naman akong pagpipilian.

"Well, hello Philippines." I smirked.

Umiling siya at muling tumawa. Nang maghapon ay nag-grocery kaming dalawa. There was no text from Olzen all day aside from his message this morning. Lagpas one week na siyang hindi nakaka-uwi at baka raw ma-extend pa ito ng ilang araw. I'm not complaining though, I just reminded him to not overwork himself.

Pagkabalik namin galing mall ay agad akong umakyat sa kwarto. Alas nwebe na, hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatawag si Olzen. I called him once but he didn't answer so I guess he's busy. Kumain na rin kami ng dinner ni Meana sa mall kaya wala na akong gagawin.

After changing into my sleep clothes, I dialed his number again. I settled down on the bed. Baka matulugan ko siya. Nang halos matapos na ang pagri-ring ay sinagot niya ang tawag.

"Hey..." I said softly.

May narinig akong yapak, kaso walang nagsalita. I was about to say something again when I heard someone groaned softly.

"I'm sorry, who is this? Oliver is asleep." A girly voice replied after a few seconds.

Nanuyo ang lalamunan ko at napakurap ako ng tatlong beses. My stomach churned when I recognized the voice. Ilang beses ko lang itong narinig pero hindi ako pwedeng magkamali.

"S-sino 'to?" I asked calmly, even though my hand started to tremble.

"Oh, this is his girlfriend. Tulog si Olzen. He's tired, e. Who is this?"

Pakiramdam ko sinuntok ako sa sikmura dahil sa narinig. My breathing hitched as I lost focus of my surrounding. Girlfriend. His girlfriend. Gusto kong matawa. Sino ako, kung gano'n?

"Wait," I heard Laurice said. "Babe... hey, wake up."

I nibbled my lip as I try to run after my breath. My heart is clenching and I could not move a single muscle. Nanigas ang kamay ko at

You are reading the story above: TeenFic.Net