Chapter 42

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 42

"Good morning. Si Chester?" Ngumiti ako kay Meana nang madatnan siya sa dining area.

I thought she would grimace or frown because of my question, instead she just shrugged her shoulders. She's busy mixing the cereals with milk.

"I'm not his mom, Era." She rolled her eyes.

Kinagat ko ang labi at mahinang tumawa. Akala ko pa naman ay medyo umayos na ang disposisyon niya pagdating kay Chester. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa kaniyang harapan. May proper meal na nakahanda doon. Pinatong ko ang cellphone sa lamesa at kumuha ng plato.

Abala ako sa paglalagay ng pagkain sa aking plato nang tumunog ang cellphone ko. Kinagat ko ang labi nang makitang si Olzen 'yong nag-text. Sumulyap ako kay Meana na abala pa rin sa paghahalo ng kakainin niya.

I picked up my phone and check my boyfriend's message. Boyfriend. My gosh, why am I hyperventilating just by thinking about it? Hindi na ako teenager!

But come to think about it, he is my first boyfriend! In my twenty six years of existence, he is my very first boyfriend!

"Anong nginingiti mo r'yan? Share mo naman."

Napa-angat ako ng tingin at nasalo ang maarteng tingin sa akin ng pinsan ko. Nakataas ang kilay niya at may nagbabadyang ngiti sa labi.

"Nothing," I smiled.

Binalik ko ang atensyon sa aking cellphone para sagutin ang message ni Olzen.

Olzen:

Morning, girlfriend. I'm in Taguig already.

I nibbled my lip to prevent a smile. Girlfriend, really? What are we, teenagers? Ugh! This brute really.

"I can smell your smile, Era. Ano ba 'yan?"

Ako:

Morning, ingat sa byahe. I'm having breakfast.

I sent it first before looking at Meana. I puffed a breath because I know I have to tell her about it. Kinunotan niya ako ng noo nang makita niya ang paghugot ko ng malalim na hininga.

"Meana... may sasabihin ako." Marahan kong sinabi.

"Ano? Baka mamaya atakihin ako d'yan, ah." She warned.

Umiling ako at ngumuso. I wonder how she'll react after she founds out.

"Are you fucking kidding me?"

Pumikit ako ng mariin nang halos madura ni Meana ang cereals sa bunganga niya. Kaagad akong nagsalin ng tubig sa baso at inilapag sa harap niya. She tapped her chest multiples times before she drank the water.

Pagkatapos maka-recover sa mga sinabi ko ay masama na ang tingin niya sa akin. Halatang gulat na gulat at hindi makapaniwala. I feel a bit guilty so I smiled apologetically at her.

"So both of you... were in Cagayan the whole time?" Tinuro niya ako.

"Yes... and uh... actually, I was with him yesterday too. Sorry, hindi ko agad sinabi sayo." I nibbled my lower lip.

"Marupok ka!" Paratang niya sa akin.

Sumimangot ako sa sinabi niya. Tumawa siya at umiling iling. Ang dami dami niyang sinabi at tinanong. Ang sabi pa niya'y baka nagi-ilusyon lang ako kaya kailangan ko pang ipakita 'yong conversation namin ni Olzen.

"Wow... I can't believe this. I mean, nine years, Era... sabi ko nga, santo lang ang kayang maghintay ng gano'n. So that's really not his girlfriend?" She asked, pertaining to Laurice.

I nodded and scooped my food. "Iyon ang sinabi niya."

Saglit siyang nag-isip. She bit her lower lip and bobbed her head.

"Masaya ako para sayo. If you need any advice, expert ako r'yan!" Ngumisi siya.

She keeps on asking and teasing me about it. Halos hindi na kami makakain ng husto dahil sa mga tanong niya. At least, I was able to remove the burden on my chest. I'm planning to tell my parents too but I don't know when yet. Bago pa lang naman kasi kami at hindi pa napag-uusapan ang mga ibang importanteng bagay.

Nasa living room ako nang bumaba si Chester. Bagong ligo ito at nang makita ako ay kumunot ang noo niya.

"Why are you not prepared yet? Mamasyal tayo 'di ba?"

My eyes widened a bit. I almost forgot about it! Pero mamasyal? I don't think I will be a good tour guide! Hindi ko naman kabisado ang Manila para alam ang pasyalan nila rito.

"Oh... okay. But, I think we should bring Meana. Hindi ko alam ang mga pasyalan nila rito. Alam mo namang bago lang din ako rito, 'di ba?" Ngumiwi ako.

Natigilan siya sa paglapit sa akin dahil sa sinabi ko. He scratched his ear and seems to be in dazed for a second.

"Okay lang ba?" Nag-aalangan kong tanong.

Tumango lang siya at walang ng sinabi. Iyon nga ang nangyari. Ang tagal kong kinumbinsi si Meana. Wala naman siyang gagawin pero ayaw niya lang talaga. Wala na yata talaga akong magagawa para pagbatiin silang dalawa. Ako ang nai-stress sa kanila e.

Tahimik kaming tatlo habang nasa biyahe. Ako sa harap, katabi ni Meana habang nasa likod si Chester. Kung wala lang music sa loob ng sasakyan ay baka napipi na ako sa sobrang tahimik. Sa MOA kami pumunta, hindi naman umapila si Chester nang sinabi iyon ni Meana.

Buong magdamag ay wala kaming ginawa kundi, maglibot libot. Kung hindi si Chester ang kausap ko ay si Meana naman. I'm looking for a way for them to talk but they're too cold towards each other!

Ilang restaurants and binisita namin. Meana was craving for grilled meat so we went to Jin Joo, pagkatapos ay si Chester naman ang nagturo ng Churreria La lola. Halos kaunti lang ang kinakain ko dahil palipat lipat kami! Hindi ko alam kung paano nakakaya ng sikmura nila ang iba't ibang putahe.

Palabas na kami na kami sa isang shopping store nang tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Olzen. I glanced at Meana and she was busy sniffing her wrist. May sinubukan kasi siyang perfume pero hindi niya kinuha dahil hindi niya sigurado kung bagay ba talaga sa kaniya 'yong amoy. Kanina niya pa 'yon inaamoy.

"Wait lang ha. Sagutin ko lang 'tong tawag." Pagpapaalam ko bago lumayo sa kanila.

Nilingon ko si Chester nang tawagin niya ang pangalan ko. I raised my hand to tell him that I'll be right back. Umiwas ako ng tingin at naglakad palayo sa kanila.

"Hey."

"Kumain ka na? Pupunta ako sa kompanya, may aasikasuhin lang ako tapos babalik ulit sa site."

Ngumuso ako, halatang sobrang busy siya. Narinig ko ang pagbuhay niya ng makina ng sasakyan.

"Tapos na kaming kumain. We're still in Pasay, sa MOA."

I messaged him about what we're going to do today. Hindi naman na siya nag-reply at itong pagtawag lang niya ngayon.

"With your cousin?"

"Oo at si Chester."

Natahimik siya ng ilang Segundo bago tumikhim.

"Your friend?" He asked.

"Yes," I breathed. "Are you driving? You should drop the call first. Mag-iingat ka."

"I'll call you later again." Pagpapaalam niya.

Pagkatapos ng tawag ay pumihit na ako para makabalik sa dalawa. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit nang matigilan ako dahil sa nakita. What the hell is this? What's the tea?

Nakahawak si Chester sa palapulsuhan ni Meana at parang inaamoy ito. Naka-nguso si Meana at parang naghihintay habang nakatitig kay Chester. Matangkad si Chester kaya nakatingala ang pinsan ko.

"What do you think?" Narinig kong tanong niya rito.

"I think it's better to stick with the one you're using now. The one that smells like flowers and wood?" Chester said softly.

"You mean, Ľinterdit? But it's too feminine..."

"The what?" Kumunot ang noo ni Chester, hindi pa rin binibitawan ang kamay ng pinsan ko.

"It's a Givenchy perfume. I should just check their new collection online. Bibili ako ng bago." Meana sighed and pulled her wrist.

"But that smells good on you." Chester tilted his head.

"Pero sawa na ako ro'n. The scent is too sensual and sweet." Maarteng sinabi ng pinsan ko.

Chester just chuckled and shook his head. Meana crossed her arms on her chest, unaware that she's too close with the guy she loathes.

Nagkunwari ako pabalik pa lang at abala sa cellphone ko. Nang makita nila ako ay agad umatras si Meana para maglagay ng distansya sa pagitan nila ni Chester. I smiled at them like I didn't see anything bizarre.

"What's our next stop?" Sumulyap ako kay Chester na kalmado lang pero hindi makatingin sa akin ng diretso.

Meana cleared her throat, not looking at Chester. I can already smell something but I don't want to stick my nose in it. Kung ano man 'yong nakita ko... well, I'll just leave it to them. That's very unusual from their typical bantering but it's way much better, of course.

"Punta muna tayo sa Paragon, may titingnan ako." Ngumiti si Meana at humawak sa kamay ko.

Hinila niya ako palayo ro'n kaya naiwan si Chester na kaagad namang sumunod, nakita ko pa ang pag-iling nito at paghilot sa kaniyang sentido. Nagtagal kami sa Paragon dahil ako rin ay may mga natipuhan kaya napabili ako.

"I want to buy a new luggage. Saan maganda?" Tanong ni Chester habang may tinitingnan sa cellphone niya.

"Sa Victorinox," tugon ni Meana.

Nagkatinginan sila. Tahimik ako sa gitna at kunwari'y wala akong napapansin na kakaiba. I am expecting Meana to shot nonsense things again because that is what she always does to him. Oh, wow. Bakit biglaan ang pag-iba ng ihip ng hangin?

Pumunta kami sa Victorinox. Pagkatapos ay nag-take out kami sa may J.Co at bumili ng milktea sa may Macau Imperial Tea. Alas singko na nang matapos kami. I was so drained that I fell asleep in the car. Ginising lang ako ni Meana nang nasa bahay na kami.

"I'm so tired... my legs feel beaten from too much walking."

Olzen chuckled softly on the other line. Hinintay niya akong makauwi bago siya tumawag. He's still at their company at mamaya pa raw siya uuwi. Kagagaling niya sa site, pabalik balik siya ng Parañaque at Taguig.

"You should rest early today then. Magkikita naman tayo bukas." He muttered in his raspy baritone.

"Okay. Magpapaalam din ako kay Meana..."

"Alright, baby. Do you want to talk more or nah?"

"Ikaw?" Ngumuso ako. "Baka may ginagawa ka pa? If you're still busy, we should end this so you can focus on you work."

"Usap muna tayo hanggang sa antukin ka. I want to know what happened with your day. I can do this after." He urged.

I want that too but I don't want to prolong his work. Sa huli ay napilit ko siyang magpokus sa kaniyang trabaho. Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si Meana sa kwarto niya. She was already preparing for bed.

"Bukas?" She asked.

"Yes. Okay lang?" I nibbled my lip.

Kumunot ang kaniyang noo bago siya nagtaas ng kilay sa akin. She chuckled and shook her head.

"Why are you asking me that, Era? You can do whatever you want, you're already old for that. I'm just here to support you. Susunduin ka ba niya?"

"Yes. Thank you, Meana." Niyakap ko siya.

Mabilis akong nakatulog sa sobrang pagod. Kinabukasan ay alas otso na akong nagising. May mensahe si Olzen, kaninang pang alas syete at tinatanong kung anong oras ako susunduin.

I washed my face before going out of my room. Dumiretso ako sa kwarto ni Meana para kausapin sana siya pero walang sumasagot kahit ilang beses na akong kumatok. Pabalik na ako sa kwarto nang makasalubong ko iyong isang kasambahay.

"Maaga po siyang umalis, Ma'am. Binilin po niyang sabihin ko sa inyo na pupunta siya ng Antipolo para sa trabaho. At si Sir Chester din po, umalis kani-kanina lang po." She answered when I asked if she saw my cousin.

My brows furrowed and my eyes widened a bit. Umalis sila pareho?

"Sabay ba sila?"

"Hindi po, Ma'am. Mas nauna po si Ma'am Meana." Tugon nito.

Pagbalik ko sa kwarto ay agad kong tinawagan si Chester. Matagal bago siya sumagot, naka-dalawang dial pa ako sa number niya.

"Umalis ka? Where did you go?" Bungad ko.

"Aurora, I'm sorry. I was about to tell you last night but you were already asleep. May kaibigan akong narito rin sa Pilipinas at inaaya ako sa Bulacan. It will be for five days. I wanted to invite you but your cousin said you have plans."

I sighed. "Oh, okay. I was just wondering because you're still new here. Akala ko umalis ka mag-isa. Then you won't go home for the following days?"

"Yes." He replied.

"Take care and enjoy then. Pasalubong ha." I chuckled.

I heard his laugh and then he apologized again but I said it's fine. Mabilis akong naligo at nag-ayos. Isang sleeveless blouse at pantalon lamang ang sinuot ko. Olzen called me when he was already outside the house. Nakasandal siya sa kaniyang sasakyan habang hinihintay ako.

Uminit ang mukha ko nang makitang may hawak siya na palumpon ng pulang rosas sa kamay. When he saw me, he fixed his stance and smirked a little. He's wearing a white dress shirt and black chinos. The sleeves are rolled up to his forearm, showing his gold watch.

"Hi..." I smiled when I neared him.

He gave me the bouquet of flowers before kissing me on the cheek.

"Let's go?" he glanced back at the house.

Tumango ako at ngumiti. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at hinintay akong makapasok at mailagay ang seatbelt. Bumagsak ang tingin ko sa card na naka-ipit doon. I nibbled my lip when I saw the note there.

I love you, Elais Aurora.

Suminghap ako nang makapasok siya. He glanced at me using his expressive gray eyes. He raised his brows when he saw my reaction.

"Thank you," I said softly.

Tinitigan niya ako at inabot ang mukha ko bago ako pinatakan ng halik sa labi. My heart was pounding so hard with all of this.

Sa condo niya kami dumiretso. He asked me what I want to do today. Wala naman akong masabi kaya nagpunta muna kami sa kaniyang condo. At nang makita ko ang halos wala ng laman na ref niya ay nag-suggest akong mag-grocery muna kami.

"I don't always go home here and I really don't have much time for it." He explained.

Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. He licked his lips and smirked at me. We drove to the nearest grocery store. I told him to get the biggest cart.

"Saan ka umuuwi kung hindi sa condo mo?" Tanong ko habang naglilibot kami sa may bakery section.

I started putting different kinds of breads on the cart. Tinitingnan ko rin ang expiry date nito dahil baka matagal na pala itong stock.

"Whenever we have an on-going project, we have a temporary office at the site. Minsan ay malayo sa Parañaque kaya hindi na ako nakakauwi. Madalas din ay nasa ibang bansa ako." Paliwanag niya habang tinitingnan ang mga nilalagay ko sa cart.

Ngumuso ako at tumango. So he's out of the country most of the time. Hindi ba siya kumukuha ng caretaker sa condo niya? Para man lang may mag-asikaso sa mga ito habang wala siya.

"Do you like cereals? Or chips? Maganda rin 'yong granola bars." I suggested.

Hindi ko naman kasi alam kung anong hilig niya. Baka mamaya lagay ako ng lagay dito ayaw niya pala.

"Ikaw ang bahala," aniya sabay hawak sa baywang ko.

Dinungaw niya 'yong chips na hawak ko. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa handle ng cart. Pinakita ko sa kaniyang ang chips at kumuha pa ng ibang flavor para pagpiliin siya.

"It's for your condo. Baka iba ang gusto mo." I pointed out.

"Ikaw." Aniya.

"Ha?" I raised my brows while putting back the barbecue flavored chips.

"Ang gusto ko." He chuckled.

Sinulyapan ko siya. Nanginig ang labi ko sa pagpipigil ng ngiti. Kinuha niya ang natirang chips sa kamay ko at nilagay sa cart habang nakangiti.

"Whatever, Rosales." I rolled my eyes.

We went to the dairy section. Iyong mga hindi ko nailalagay dahil hindi ko naman alam na gusto niya ay siya na ang kumukuha sa mga ito. I put three boxes of milk and yogurt. Wala naman siyang reklamo. Pumunta kami sa may meat section pagkatapos.

"Chicken or beef?" I glanced at him.

"Beef. Ikaw?" Tiningnan niya iyong salesman na nagbabantay doon.

"I prefer chicken." I shrugged.

Kumuha ako ng beef doon at tiningnan iyong salesman. Ngumiti ito sa akin.

"Iyan lang, Ma'am?" Tanong nito.

"Baby, get some chicken meat too." Seryosong sinabi ni Olzen.

Sinulyapan ko siya. "But you don't like chicken."

Hindi siya nagsalita at siya na mismo ang naglagay sa cart. Ngumuso ako at pinanood siya. Kumuha na rin siya ng pork meat. Pagkatapos ay inaya niya ako sa may paper products.

"Paper towels... toilet paper, tissues... what else?" I pouted while looking at the cart.

"Para ka ng asawa ko."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. His lips protruded, hiding a ghost of smirk. His words made my stomach curl and my face heated. Umiling ako, hindi makapaniwala pero ang katotohanan ay gustong gusto ko mangiti.

"You and your imaginations..." I shook my head.

He chuckled and tilted his head, biting his lower lip while watching me. His eyes darkened a little.

"Why? Can't it be real?" He pursed his lips.

Natahimik ako. Hindi ko alam kung anong isasagot. Of course... it can be real. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o ano pero mukhang tinatantya niya ako. Naghuhurumentado ang dibdib ko sa pag-iisip ng isasagot.

"Isn't it too early for that?" It was almost a whisper.

Tinitigan niya ako, mas nagseryoso siya. He nodded a little and smiled.

"Let's take it slow then." He said.

Humugot ako ng malalim na hininga at tiningnan ang cart. Puno na ito. Umikot pa kami sa may Health and Beauty section bago nagtungo sa counter. Tahimik siya habang itinutulak ang cart, parang may malalim na iniisip.

Magkatabi kami at nagkukwentuhan habang nakapila. He was leaning on the cart, nakatuko ang braso niya sa handle nito habang hawak niya ang isang kamay ko. May mga tumitingin sa amin, hindi ko alam kung bakit.

"Magtatrabaho ka ulit bukas?" I asked.

He was unconsciously massaging my hand with his large and callous ones. Nag-angat siya ng tingin sa akin. He pushed his tongue on the insides of his cheeks.

"I have someone to take care of the site. Ite-take over ng head engineer ang trabaho sa site. I'll be taking care of the paper works." He replied.

"My unemployed ass can't relate." Tumawa ako.

He pursed his lips. His eyes waned a little, looking amused at my remark. He licked his lips and scratched his nose using his knuckles.

"Wala ka bang iniwan na trabaho sa Canada?"

"I waited for my two-year contract to end before coming here." I answered.

Hindi na siya nagsalita nang kami na ang sumunod sa pila. Pansin ko ang panaka-nakang tingin ng cashier kay Olzen habang nilalagay sa plastic ang mga pinamili namin. I folded my lips and went to the other side to wait for Olzen.

When we reached the condo, Olzen helped me with the sorting of the groceries. We spent an hour for that. Pagkatapos ay siya ang nagluto ng panghalian namin. I was watching TV while waiting for him to finish. Pagkatapos ay sabay din kaming kumain. I did the dishes even though he insisted to do it.

It was relaxing to do mundane things with Olzen all day. I never imagined that this day would ever come and I admit it's fulfilling. Nakatulog ako sa panonood ng TV sa tabi niya at paggising ko ay nasa kwarto na niya ako. Mag-isa ako ro'n. Natulala pa ako ng ilang saglit bago lumabas ng kwarto.

"Olzen?" I called but nobody answered.

Bumaba ako sa ground floor at umikot nang makitang wala siya sa living room. Natigil ako ng makita siya sa kaniyang study room. Iba na ang damit niya. He's holding a metal ruler while drawing something on a paper. Sumandal ako sa pintuan at ilang minuto siyang pinanood.

"Hey, engineer." I called his attention.

Nang mag-angat siya ng tingin ay umangat ang gilid ng kaniyang labi. Sumandal siya sa kaniyang upuan at mapupungay ang matang pinagmasdan ako.

"It's quarter to five already..." I pouted.

He sighed and stood up. Alam niyang kailangan ko ring umuwi.

You are reading the story above: TeenFic.Net