Chapter 4

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 4

Kagaya ng sinabi ni Kruise, mawawala sila ng ilang araw. Kahapon pa sila bumiyahe para sa death anniversary ng kapatid nila ngayon. I got busy with the final touches of our research. The week after next week will be our finals. I will be graduating as well as Kruise.

"Era..."

Nilingon ko si James habang nagta-type sa aking laptop. Nasa harapan ko siya, kasama ko ang iba naming kaklase sa learning hall.

"I-check mo raw ang phone mo sabi ni... Kruise." Aniya.

Kumunot ang noo ko. Babalewalain ko lang sana ang kaniyang tinuran kaso lang...

"She texted you? You text each other?" It was a quick assumption.

Nakumpirma ko iyon nang umiwas siya ng tingin at tahimik na tumango. Nanliit ang aking mga mata. Hindi siya makatingin sa akin ngayon, inaabala ang sarili sa librong nasa harapan. Oh, well...

Tahimik kong kinuha ang cellphone sa bag. May iilang text do'n, kasama na ang kay Kruise. I opened her message.

Kruise:

How are you? Sa Sabado pa kami babalik. Do you want anything?

I slowly typed my reply while my mind was still pondering on James' remark. I'm not dumb, but I don't want to stick my nose in someone's business.

Ako:

I'm fine. How are you? And your brother?

I didn't send it right away. I was still debating with myself if it was alright to ask the last question. But there's nothing wrong with it, right? Nagtatanong lang naman ako. But why does it feel wrong in another corner of my mind?

Huminga ako ng malalim at nagtipa ng ibang sagot. Nevermind about that.

Ako:

I'm fine, Kruise. Ikaw, kamusta ka?

I put down my phone and contemplated for a bit. Hindi ko talaga maiwasang isipin ang nangyari kay Olzen. I wonder how he's handling it now. Kung si Kruise ay nasasaktan hanggang ngayon, paano pa kaya siya? I shook my head to remove all the thoughts that shouldn't linger in my mind.

I glanced at my phone when it beeped. Sumulyap ako kay James na galing sa cellphone ko ang tingin. Ngumuso ako.

Kruise:

I'm great! Pagkarating namin dito kahapon ay agad na bumisita si Kuya Olzen mag-isa. Ngayon naman ay kagagaling namin sa cemetery buong pamilya pero nagpaiwan siya. He's not talking to anyone of us again but I'm sure he'll be okay.

Pumikit ako ng mariin. Oh, the irony. I didn't ask about her brother but now she's telling me this. Why does it matter anyway? Huminga ako ng malalim at pinilit ang sariling magtipa ng sagot.

Ako:

He'll be fine. Ingat kayo sa pag-uwi.

I tried to make it uninterested as it may seem. Umirap ako sa kawalan.

Kruise:

Love you. See you this Saturday!

Nagdaan ang araw at mas lalo kaming naging abala sa research. We will be defending it next week and we're trying to rehearse. Gabi gabi na rin ang tawag ni Mama sa akin dahil hindi na raw gano'n kahaba ang shift niya.

"Ano nga ulit ang kukunin mo sa college, Era?" Tanong ni Mama isang gabi.

"It's either Finance or Accountancy, Mama." I smiled.

Tumango siya. "Saan ka ba mas interesado? Pero sa tingin ko'y mas maganda ang Accountancy para sa 'yo."

"I'm interested with both, Mama, but yeah maybe, baka mag-accountancy na lang po ako. I want to take Nursing, but my current strand is in line with accountancy."

"Hindi ba ay iyong si Kruise, magne-Nursing din?" Tanong niya.

"Hindi Mama, Laboratory Science daw ang kukunin." Ngumuso ako.

Kruise decided to deviate from her family's routes. Ayaw niya raw mag-Engineering or Interior Designing o Business Ad dahil halos gano'n ang propesyon ng pamilya niya. She wants to be involved in the medicine world kaya iyon ang kukunin niya.

"Buti naman at hindi mahigpit si Beltran sa kaniyang mga anak. Tito Benjamin was quite strict back then. Pero iyong mas nakakatanda kay Kruise, si Olzen, hindi ba't engineering ang course no'n?" Mama queried.

I slightly shifted at her question. She knows them dahil pinakilala ko silang dalawa through video call. Hindi ko sana isasamang ipakilala si Olzen no'n kung 'di lang si Lola Ethel mismo ang nagpakilala rito kay Mama.

"Opo, Mama. Civil Engineering po." Tumikhim ako.

Tumango-tango si Mama. Saglit pa kaming nag-usap bago ako nagpaalam na matutulog na. Kinabukasan, Sabado, walang pasok kaya naman medyo late akong nagising. Naghilamos lamang ako at hindi na nag-abalang palitan ang pantulog ko bago lumabas ng kwarto.

Rinig ko ang ingay sa hagdan pa lamang. Nanlaki ang aking mga mata nang makita sa living room namin si Kruise na nakikipagtawanan kay Lola Ethel. Nakauwi na sila? Anong oras na ba? Alas diyes na!

"Gising na pala ang Apo ko," imporma ni Lola nang makita niya akong pababa ng hagdan.

Kruise glanced at me. She looked at me from head to toe then she grinned widely. Gusto ko mang bumalik at magbihis ng mas disente ay hindi na ako nag-abala. It's just Kruise! Nagpatuloy ako sa pagbaba sa hagdan.

"I left it in the car, Lola. Ito na po 'yong request niyo kay Lolo."

Isang matikas at mabangong Olzen ang pumasok sa bahay namin dala ang isang katamtaman na paper bag.

Natulos ako sa kinatatayuan. Nanlamig ang aking mga kamay at para akong uod na binuhusan ng asin.

"Good morning, Era!" Malakas na bati ni Kruise at mas lalong ngumisi.

Umawang ang labi ko nang mabilis na lumingon si Olzen sa aking direksyon. Nagtama ang paningin namin. Binasa niya ang labi gamit ang dila pagkatapos akong mapasadahan ng tingin. Ang init sa aking leeg ay napunta sa aking ulo. Para akong sasabog na hindi ko maintindihan.

Without a word, tinalikuran ko silang lahat at kalmadong umakyat ng hagdan. Napahiya na ako, I don't want to stress that even more.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay halos sumabog ako. Nagkukumahog akong pumunta sa harap ng malaking salamin. I'm wearing my PJ, with We Bare Bears as its design! A peach spaghetti sando and a bunny slippers! A fluffy bunny slippers!

Mabilis akong kumuha ng disenteng damit sa aking closet at tumakbo sa aking banyo. Sa pagmamadali ay napatigil ako at napapikit ng mariin.

What's wrong, Era? What's wrong with what you're wearing? Si Kruise lang 'yon. Si Olzen... lang 'yon.

Kaya anong problema? Your clothes are decent. Why did you pick a white dress when you just stay in the house? Hindi ka naman lalabas, ha?

Parang sasabog ang aking ulo sa mga sariling tanong. Ilang beses akong humugot ng malalim na hininga. Marahas akong bumuga ng hangin at padabog na ibinalik ang dress sa closet. Kumuha ako ng maong shorts at isang dark orange na t-shirt. I should calm down... I really should calm down.

When I got satisfied with how I look muli akong lumabas ng kwarto. Wala na sila sa living room pero rinig ko ang ingay nila sa dining room namin. Huminga ako ng malalim dahil rinig ko ang baritonong tawa ni Olzen. I wonder what's funny.

Mabagal ang lakad ko papasok sa dining room. I couldn't breathe properly, I feel like something is stuck in my throat. Nilingon ako ni Kruise at Olzen pagkapasok ko.

"Oh? Bagong ligo?" Kruise smiled at me.

I glared at her. You don't need to emphasize that, Kruise. Nakuha niya agad ang tingin ko. Ngumuso siya at hinintay akong makalapit sa kaniya.

Maraming pagkain sa lamesa. Nasa kabisera si Lola, sa kanan niya si Olzen, habang sa kalliwa si Kruise. Tumabi ako kay Kruise nang hindi sinusulyapan ang tao sa harap. He's staring at me, I know.

"Anong oras kayo nakauwi?" Tumitig ako kay Kruise.

"Ala una ng umaga. Maaga kasi kaming nagbiyahe from Manila, e. We bought you a pasalubong!" Ngumisi siya sa akin at pinakita ang isang paper bag.

Kausap ni Olzen si Lola. Aksidenteng nasulyapan ko siya. Nagtiim bagang ako nang makitang nakatitig siya sa akin. I couldn't help but to raise my brows on him. His lips formed into a boyish smile. I looked away after my heart missed a beat.

What's wrong, Era? My feelings. That's what is wrong.

"Kaya nga sabi ko, Apo, na masyadong marami itong binili nila. E, hindi naman natin ito mauubos." Ngumiti si Lola sa akin.

I looked at the other foods on the table. Noon pa man, tuwing galing sila ng Manila ay nagdadala na sila ng pagkain sa amin. Ang kaibahan nga lang ngayon ay sumasama na si Olzen sa pagdadala. Noon naman ay hindi.

"This is too much. And what is this?" Tanong ko kaya Kruise habang binubuksan ang paper bag.

"Chocolates! Binili iyan ni Kuya-"

"Kruise, why don't you unpack the fruits so they won't ripen fast?" Putol ni Olzen sa kapatid.

Kumunot ang noo ko at tiningnan si Kruise. Pagkatapos ay tiningnan ang nasa loob ng paper bag. These are my favorite sweets.

"Thank you for this, Kruise. Unti unti kong kakainin para hindi ako tumaba." Sabi ko at itinabi ang paper bag.

"I don't think you get fat fast. You eat a lot every lunch, but your body didn't change at all." Si Olzen sa matigas na ingles.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Abala si Lola at Kruise sa paglalabas ng mga prutas mula sa maliit na kahon. Mariing kumunot ang aking noo. Olzen looked at me lightly, like he didn't say anything wrong. Oh yeah... nothing is wrong with that.

"I didn't know you pay much attention to that..." it came out as sarcasm, samahan pa ng pagtataas ko ng kilay.

His lips jutted to prevent an obvious smile. Ngayon ko lang napasin ang suot niya. He's wearing a dark blue polo that hugged his manly body. Ang braso niyang nahulma ng husto ay nakabalandra. Tinalunton ng aking mga mata ang ugat bago ko ibanalik ang tingin sa kaniyang mukha.

"Ngayon alam mo na..." marahan niyang sinabi.

Nanliit ang aking mga mata. Bumilis ang aking paghinga pero nanatili akong kalmado. His grin vanished now and he's just staring intensely at me. His strong jaw is tensed and his lips are now in a grim line.

What are you trying to do now, Olzen? I'm not trying to assume things, but I'm not naive also. What do you take me for?

"Nag-aaway na naman ba kayo?" Tanong ni Kruise nang mapansin ang titigan namin.

Palipat-lipat ang tingin niya sa amin. At kagaya ng palaging nangyayari, ako ang unang nagbawi ng tingin. Tumingin ako kay Lola na nakangiti sa amin. Tumikhim ako.

"Aba'y hindi pa rin ba kayo magkasundo ng apo ko, Olzen? Matagal na iyang alitan niyo na 'yan, ah." Si Lola na nakangiti pa rin.

Olzen chuckled, driving me to look at him. He glanced at me before turning to Lola.

"Wala naman po kaming alitan, Lola." Nanunuyo ang boses niya.

Kinagat ko ang aking labi at tumikhim para pigilan ang sarili pero hindi ko nakaya.

"Hindi ko lang talaga gusto ang pamamaraan niya, Lola." Sabi ko habang iniisa isa ang mga pagkain doon.

"She doesn't like how Kuya deals with girls, Lola." Humagikhik si Kruise.

Nagsapo ako ng noo at pumikit ng mariin. Masama ang tingin ko kay Kruise ngayon. Why does she have to say that?! Ayoko nang lingunin si Olzen. I know by now that he's smirking or just darkly looking at me. Who cares anyway?

"Ay, naku, Olzen. Pagpasensyahan mo na itong apo ko at wala pa kasing nagiging boyfriend ito. Nakukwento rin sa akin ng Lolo mo na marami ka na raw naging girlfriend. Normal lang naman ang ganyan lalo't ang gwapo mong binata..." tumawa si Lola.

Pumikit ako ng mariin at humugot ng malalim na hininga. Calm down, Era, calm down. I heard Kruise's giggles. Tumikhim naman si Olzen at ayaw ko nang tingnan ang pagmumukha niya ngayon.

Nagmulat ako at matapang na tiningnan si Olzen na nakatitig pala sa akin. Muntik ko nang bawiin ang tingin kung 'di lang ako naasar sa ngisi niya.

"Kung turuan mo kaya ko? Why don't you teach me how to be like you? Para naman maranasan ko na ang magka-boyfriend." I gave him a teasing grin.

Nabura ang ngisi sa labi niya. His eyes were now shadowed by darkness. His brows slowly furrowed. Nagtaas ako ng kilay, nakangiti pa rin.

"Bullshit, Era." He said savagely.

"Kuya..." saway ni Kruise sa kapatid.

"Oh, bakit? Akala ko ba magaling ka sa ganiyan? Please teach me how so I know how to get a boyfriend! I want to know the feeling of having someone who'll care for me." I shrugged and smiled again.

Of course, that's a joke. I want to test how far he can go. He's short-tempered, and now, he looks really untamed. His eyes were intensely threatening, and his stance was very critical.

"I'm not going to teach you a damn scrap, Era." He said coldly. "And I've changed now."

He said the last word with a hopeful tone. Ngumuso ako nang namungay ang kaniyang mga mata. Umirap ako at bumaling na lamang sa mga pagkain.

"Hay naku, kayong dalawa. Malalaki na kayo at Olzen, pagpasensyahan mo na lang itong apo ko kung masungit sa 'yo." Malambing na sinabi ni Lola.

I pouted and glared at the food. Yeah, right. Pareho lang kaming magpapasensyahan sa isa't-isa kung gano'n.

"I can deal with it, Lola." Kinagat ni Olzen ang kaniyang pang-ibabang labi.

Umirap ako at masamang tingin ang ipinukol sa kaniya. Are you sure with that? Huminga ako ng malalim at bumaling kay Kruise para mawala ang atensyon sa kapatid niya.

Maingay sa loob ng gym habang kami'y nagpapahinga. Kakatapos lamang ng ensayo para sa graduation march. Wala akong makausap masyado dahil hindi ko kilala ang mga katabi ko. Alphabetical kasi ang ginawa sa mga pangalan at halo-halo na lahat ng strand. I saw Kruise a while ago and I told her we'll eat together later because I'm already hungry pero mukha wala pang balak magdismiss ang mga teachers.

Lumipas pa ang ilang minuto at hindi ko na makayanan ang gutom kaya naman ay nagtext na ako kay Kruise.

Ako:

Hindi pa ba sila magdidismiss? I'm already hungry. May dala kang pagkain diyan?

Mabilisan ang kaniyang reply. Hindi ko alam kung nasaan siya dahil sa dami namin. Kulang limang daan kaming magtatapos ngayong taon.

Kruise:

I don't have any food with me, but I can do something about it.

Kumunot ang noo ko at nilingon ang maingay na grupo sa harapan ko. STEM yata ang mga ito. Anong ibig sabihin ni Kruise?

Ako:

What do you mean? Bakit ba kasi ang tagal mag-dismiss e wala naman na tayong ginagawa.

Hinawi ko ang buhok at pinaypayan ang sarili. I didn't bring any ponytail with me, I should have thought about that. Hindi pa naman ako abot ng malaking electric fan sa gilid. Hindi na muling nagreply si Kruise. Higit sampung minuto yata ang lumipas nang biglang umingay sa likurang bahagi ng gym.

Akala ko ay nagdismiss na sila kaya inayos ko na ang sarili ko para sa paglabas ng gym. Hiyawan ng babae ang nangibabaw sa sigawan. My forehead knotted and glanced at the back only to see an unexpected scenario.

Olzen in his crisp uniform is busy surveying the crowd. Halos hindi ako makahinga habang pinagmamasdan siyang nakahawak sa batok niya habang ang isang kamay ay may hawak na dalawak plastik ng sa tingin ko'y pagkain. Kumunot ng husto ang aking noo.

What is he doing here? Naglakad siya patungo sa gitna, humina ang sigawan dahil sa pagsita ng isang bading na teacher. Nakita ko ang pagtayo ni Kruise sa kabilang panig ng gym at kumaway sa Kuya niya. Huminga ako ng malalim at pinanood si Olzen na lumapit sa kapatid at inabot ang isang plastic dito. Tinuro ni Kruise ang banda ko kaya mabilis akong umiwas ng tingin.

Kinagat ko ang aking labi at hindi mawari kung bakit parang biglang nanlamig ang aking tiyan. May hinuha ako kung para kanino ang isang hawak ni Olzen pero ayaw tanggapin ng isip ko. Diniretso ko ang tingin sa harap. Nagbubulungan ang tatlong babae sa harap ko at tungkol na naman kay Olzen ang topic nila.

"Era..."

Kahit sa ingay ay narinig ko ang baritonong boses ni Olzen. I pressed my lips tightly and pretended I didn't hear anything. Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyong takot na nararamdaman ko ngayon. Bakit ako natatakot?

"Miss? Miss, tawag ka po..." kinalabit ako ng katabi ko.

Marahas akong bumuga ng hangin at nilingon ang direksyon ni Olzen. Nagkatinginan kami. Nasa pinakadulo siya at nakatayo. Naghihintay ng reaksyon mula sa akin. Pinagtitinginan siya. Hindi ko alam kung bakit sa mga oras na iyon hindi ko siya kayang tingnan. There's a hollow space in my stomach and I cannot decipher why it feels like that out of sudden.

Para matapos na ay tumayo na ako kahit parang gustong bumigay ng mga tuhod ko. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin hanggang nasa harapan ko na siya. Bravely, I look at him directly in the eyes. While I'm sure I look constipated, he looks calm and serious. Why I am suddenly nervous right now is beyond me.

"Eat this," he said softly and gave me the plastic.

Tiningnan ko iyon. Transparent ang plastic kaya kita ko ang laman. My favorite snack bar, Chuckie, some biscuits and a bottle of water. Kinuha ko iyon sa kaniya at huminga ng malalim. Hindi ko kayang magtagal sa harapan niya ng sobrang dami ang matang nakamasid.

"Thank you..." malamig kong tugon.

Ngumuso siya at nagtaas ng kilay sa akin. Pinasadahan niya ng tingin ang buong gym at muling lumapat sa akin ang tingin niya. I had the short time to marvel at his face. Suminghap ako at umiwas ng tingin.

"If you want more, just text me." He said.

Nagulat ako ro'n. We don't usually text and if we ever did, it's just for information. I couldn't even remember my last message to him. And why would I want more? Sino ba kasing nagsabing bilhan niya ako? But then, I feel like it's rude to question that. Binilhan niya rin naman si Kruise kaya okay lang itong ganito.

"Hindi ako mang-iistorbo ng tao para lang dito. Don't you have classes?" Still cold.

"Hindi ka istorbo sa akin, Era." Sumeryoso ang marahan niyang boses.

I gritted my teeth. Parang ninanakaw ang hangin sa aking baga. I could not stand the stares of the people, but his gaze made my knees weak.

"Go back to your class, Olzen." Mariin kong sinabi para matapos na ang tagpong ito.

Huminga siya ng malalim at dahan-dahan na tumango. Looking defeated, he turned his back on me and walked away silently. Tumalikod na rin ako at tahimik na bumalik sa aking pwesto.

You are reading the story above: TeenFic.Net