Chapter 36

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 36

Pagdating namin sa mansyon ay agad kaming sinalubong ng mga kasambahay. Naro'n na agad sila sa pinto habang pinagbubuksan ako ni Olzen ng pintuan ng sasakyan.

Nagkatinginan kami nang hawakan niya ang aking kamay at alalayan ako pababa. Hindi na ako nagprotesta dahil nanghihina ako at nanlalamig. Inayos niya ang trench coat sa aking katawan, halos umabot ang dulo nito sa itaas ng tuhod ko.

"Gavva, Ma'am! Ano pong nangyari sa inyo!" Si Kelin iyon na nasa tabi ni Manang Betty.

Nakasunod ako kay Olzen dahil hawak niya ang aking kamay habang papasok kami ng mansyon. Pagod at tahimik ko lamang silang tiningnan.

"Manang, kapag may darating po na pulis, pakitawag na lang ako. Iaakyat ko lang si Era." Anang Olzen kay Manang Betty.

"P-pulis, Sir?" Nanlaki ang mga mata ni Kelin pagkatapos ay pinasadahan ulit ako ng tingin.

"Sige, Sir."

"Pagdating nina Diego, tawagin mo rin ako agad." Olzen said and let go of my hand.

May binigay siya kay Manang Betty at may iilan pang sinabi. Humugot ako ng malalim na hininga at nagpasyang mauna na sa taas. I feel dirty and sweaty and I badly want to rest.

"Damn it, Era!"

Nasa gitna na ako ng hagdan nang marinig ko ang galit na boses ni Olzen. Hindi ako lumingon at nagtuloy tuloy pero nang halos maabot ko na ang aking kwarto ay may kumabig sa aking kamay.

"What are you doing?" Olzen growled at me.

"I'm going to my room. Please, I want to rest..." I muttered weakly.

Saglit niya akong tinitigan at walang salitang hinila ako papunta sa kaniyang kwarto. My eyes widened a bit and I tried to pull my arm from his grasp.

"Olzen, I said I'm going to my room," kahit ang pagprotesta'y mahina pa rin.

He didn't say anything and pulled me into his room. He turned on the lights and pulled me towards the massive bed. Mas nilakasan ko ang paghila ng aking kamay dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya ako dinala sa kwarto niya. Tumigil kami sa gilid ng malapad na kama niya.

"Why did you bring me here? I said I'm going to my room!" Frustrated kong sinabi.

Hinarap niya ako pagkatapos ilapag ang cellphone at susi ng sasakyan sa lamesa. His eyes were dark and his thick furrowed brows accentuated the menace in it.

"You will be staying here from now on. I will ask them to bring your clothes here-"

"What? At bakit mo gagawin iyon?!" Nalaglag ang aking panga.

Kumunot ang aking noo. I feel exhausted but I can still argue with him right now because I don't understand the need of his suggestion. Stay in his room? That is too much!

"I need to keep my eyes on you from now on. Now please, let's get you cleaned up." He drawled and advanced to me.

Umatras ako at mas lalong nalukot ang aking mukha. Kumuyom ang panga niya sa aking reaksyon.

"I can take care of myself. You don't need to-"

Halos mapatili ako nang bigla niyang hinawi ang trench coat sa aking katawan. He sneered at me, a bit angry then he eyed my body furiously.

"You can take care of yourself? Really, Elais?" Mariin ang bigkas niya sa bawat salita.

Suminghap ako at tiningnan ang sarili. Nanginig ang labi ko nang makita ang gasgas sa mga binti ko. Halos magpakita na ang underwear ko dahil sa pagkapunit ng aking dress. Marumi rin at may kaunting galos ang aking mga kamay.

Marahas na bumuga ng hangin si Olzen at inilahad ang kamay sa katawan ko.

"I called you many times but you weren't answering! And didn't I tell you not to go home so late? You don't know how dangerous this place is." Tumaas ang boses niya sa pinipigilang galit.

Kinagat ko ang aking labi at nag-angat ng tingin. Nagkatinginan kami at halos matupok ako sa nag-aapoy na galit sa kaniyang mga mata.

"I didn't know that was you! At hindi ko rin alam na may balak pa lang gano'n sa akin ang driver!" Nanginig ang boses ko.

His jaw clenched then he licked his lips, his patience diminishing the more I talk back. It's not my fault that the driver has that motive!

"That's why I told you not to go home so late. Paano kung hindi kami dumating?" Halos magmura siya.

Kinagat ko ang aking labi at suminghap. Sa tuwing naalala ko ang nangyari ay sumisikip ang dibdib ko at nangangatal ang aking katawan.

"What could have happened to you, huh? Hindi mo man lang ba naisip na pwedeng mapanganib ang umuwi mag-isa papunta rito?"

Gusto kong umiyak sa frustration pero hindi ko magawa. Naiinis ako sa hindi malaman na dahilan. Dumidiin ang kagat ko sa aking labi.

"Hindi ko alam! Maayos naman akong nakakauwi sa mga nakaraang araw kaya hindi ko naisip na gano'n ang pwedeng mangyari. Is it my fault?!" Sigaw ko.

Naghalo halo na ang takot, pagod at inis ko sa aking sarili. I know that he's right at iyon ang hindi ko matanggap. And it doesn't help that I truly owe him my life. If he didn't find me then who knows, I might be dead by now.

Bumibilis ang paghinga ko habang nilalabanan ang galit niyang titig sa akin. Huminga siya ng malalim at ginulo ang kaniyang buhok. Umiigting ang kaniyang panga sa pagpipigil.

"I'm going to my room..." Pahayag ko.

"No. You are staying in my room now. I'm not taking any chances." He said firmly.

Halos hampasin ko siya sa iritasyon ko. Nahuli niya agad ang aking kamay at mas lalong nagdilim ang mga mata.

"I can handle myself now, Olzen! Alright, thank you for helping me! Pero kaya ko na ang sarili ko ngayon at nasa mansyon naman na tayo!" I yelled in exhaustion.

His brooding eyes pierced through me, showing me no compassion. His tight hold on my wrists slowly softened. He sighed and pulled me closer.

"Baby, let's stop fighting now, please." He said softly, almost pleading me to calm down.

Nanghina ako at walang nagawa kundi simangutan siya. He licked his lips at my reaction before he sighed and put my hand down.

"Let's get you cleaned up, alright?" He whispered and pulled me closer.

Hindi na ako nagprotesta nang marahan niya akong hinila patungo sa bathroom ng kwarto niya. Sa totoo lang ay pagod na rin ako at hindi ko rin alam kung kakayanin kong mag-isa ngayon.

He opened the lights in his huge bathroom and dragged me gently inside. Pagkatapos ay lumabas din siya, hindi ko alam kung saan siya pumunta.

Napatitig ako sa malaking salamin na nasa aking kanan, kung nasaan ang malaking sink. Nakagat ko ang aking labi at nanubig ang aking mga mata nang makita ang itsura ko. Magulo ang aking buhok at may dumi rin sa aking mukha.

Suminghap ako habang hinahaplos ang galos sa aking braso. Medyo mahapdi iyon pero wala namang dugo. Masakit din ang mga binti ko hindi lang sa dahil gasgas kundi dahil sa pagkahulog ko mula sa traysikel.

I was checking my legs when Olzen entered the bathroom with a fresh bathrobe. Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko, ang galit sa mata'y nanumbalik. Umayos ako sa pagkakatayo dahil siguradong kita na ang panty ko sa nauna kong ayos.

"We'll clean your wounds later. Does it hurt?" Tanong niya pagkatapos ilagay ang naka-hanger na bathrobe sa may sabitan malapit sa pinto.

"Medyo..." mahina kong tugon.

He nodded and breathed deeply. Tiningnan niya ang shower room bago bumaling muli sa akin.

"May kailangan ka pa ba? Do you need... any help?" He tilted his head.

I swallowed and withdrew from his penetrating gaze. I shook my head and sighed. He nodded and left the bathroom so I can clean up.

I set the water temperature after removing my dress. Sa unang haplos ng tubig sa aking katawan ay napangiwi ako sa hapdi na naramdaman dahil sa mga gasgas. Hindi ko alam kung bakit gusto ko mang maiyak ay walang lumalabas na luha.

Nilinisan ko ang bawat parte ng aking katawan. The man only managed to touch my legs but I still want to thoroughly clean my whole body. I closed my eyes while remembering what happened. Medyo nawala na ang panginginig ko.

Halos isang oras ako sa bathroom. At nang matapos ay 'tsaka ko lamang napagtanto na wala akong underwear na naisama sa loob. Napilitan akong isuot ang bathrobe ng walang pang-ilalim. Ang dulo nito ay umabot hanggang tuhod ko kaya naman napanatag ako.

Nang lumabas ako sa kwarto ay nakita ko si Olzen na nakatayo sa gilid ng kama at may katawagan. His eyes bore on me the moment I stepped out of the bathroom. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso.

"Yes. Thank you, Doc." I heard him said before the call ended.

He put back the phone on the table. Naglakad siya palapit sa akin. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan, nanatiling nakatayo sa harap ng pintuan. May dinampot siyang damit na nasa kama.

"Your clothes are in my closet. Itong damit ko muna ang isuot mo para hindi masyadong nasasagi iyang galos sa braso mo at maging komportable ka." Aniya.

He's really serious that I'm staying in his room? Gusto kong mag-protesta muli pero itinikom ko na lamang ang mga labi. Kinuha ko ang damit niya at nilagpasan siya para makapasok sa walk-in closet niya.

Nakita ko ro'n ang bagahe ko. Mabagal akong naghanap ng damit. When I have my underwear on, I put on Olzen's tee shirt. Binalot ako agad ng amoy niya.

Ngumuso ako nang makitang halos umabot iyon sa itaas ng tuhod ko. Ang manggas nito'y inabot na ang aking siko. It can already pass as a dress and it really feels comfortable.

Isang silk na short ang sinuot ko na hindi rin kita dahil sa laki ng damit ni Olzen. Tinitigan ko ang sarili sa body mirror na nasa gitna ng kwarto. Inayos ko ang aking buhok bago lumabas ng walk-in closet.

I saw Olzen holding a box of first aid kit. He stared at me for a moment before he slanted his head and busied himself with the kit. Umupo siya sa upuang kaharap ang lamesa niya.

"Come here," he commanded and tapped the bed.

I walked towards him slowly as my heart beat doubled. Huminga ako ng malalim at umupo sa kaniyang harapan, sa gilid ng kama. Kumuyom ang kaniyang panga nang pasadahan ang aking mga gasgas.

Inilahan niya kaniyang kamay para sa braso ko. I licked my lips unconsciously as I gave it to him. The warmth of his hand gave me a different kind of relief.

We were both silent as he started cleaning my wounds. His gaze was dark and brooding. His firm jaw told me that he's still mad. I have a feeling that his anger is not for me.

Natigilan ako nang may kumatok sa pintuan. Hindi man lang nag-react si Olzen at patuloy sa paglinis sa mga natamo kong sugat. May kumatok muli at ngayon ay nagsalita na si Olzen.

"Come in." He muttered in his cold baritone.

Bumukas ang pintuan at sumungaw do'n ang ulo ni Kelin. Nagkatinginan kami at kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Sir, narito na po ang mga pulis kasama sina Diego. Hinihiling po nila na makausap si Ma'am Era." Ani Kelin.

Bahagya akong nagulat. Para ba sa imbestigasyon? Nahuli na ba iyong lalaki?

Tumigil si Olzen at tiningnan ako. Ngumuso ako at ibinagsak ang tingin sa kamay kong nakapatong sa hita niya.

"Ako na ang haharap sa kanila. Pakitulungan si Era rito at bababa na ako." Malamig niyang sinabi.

Agad na lumapit si Kelin at nanatili sa likuran ni Olzen. Tumayo si Olzen at huminga ng malalim.

"Ako na ang bahalang kumausap sa mga pulis. I'll be back, okay?" He licked his lips while watching me.

I nodded weakly. I don't think I can face them too right now. I'm too exhausted to even go down stairs.

"Please behave and don't leave my room." His lips twitched.

Kumabog ang dibdib ko nang haplusin niya ang aking pisngi bago siya umalis. Huminga ako ng malalim nang nakalabas na siya.

Tahimik na lumapit sa akin si Kelin. She smiled warmly at me and I smiled back tightly. Umupo siya sa pwesto kanina ni Olzen at ipinagpatuloy ang ginawa nito.

"Nalaman namin ang nangyari Ma'am mula kina Diego. Nag-aalala po kami sa inyo. Kumusta na po ang pakiramdam niyo?"

I closed my eyes and nodded a bit. Mas lalo kong nararamdaman ang pagod mula sa nangyari sa paglipas ng oras.

"Salamat, Kelin. Medyo mabuti naman na ang pakiramdam ko." Mahina kong tugon.

Tumango siya at ngumiti. "Mabuti na lamang at nahanap kayo nina Sir, Ma'am. Nang makabalik sila kaninanng alas syete galing Baggao ay hinanap ka agad niya. Bumalik siya kaninang mag-aalas nwebe na at nagulat kami nang nagmamadali ulit siyang umalis at isinama pa sina Diego."

Natigilan ako sa sinabi niya. Galing siya ng Baggao? And here I thought he went back to Manila! I was really surprised to see him a while ago but my situation got me and I didn't have the time to question.

"Huwag kayong mag-aalala Ma'am, nahuli po nina Diego iyong lalaking gumawa nito sa inyo. Kaya po yata nais kayong makausap ng mga pulis para masimulan ang imbestigasyon."

Patuloy siya sa pagsasalita. Tahimik akong nakikinig at kahit papaano'y napanatag sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong magiging kalabasan ng lahat ng ito pero 'tsaka ko na pag-iisipan kapag may lakas na ako.

Later on, Lisa came with a glass of hot milk. She smiled a little while watching Kelin clean my wounds.

"Pinadala ni Sir Olzen, Ma'am. Inumin niyo raw po." Anito.

Nagpasalamat ako bago sila umalis na dalawa. Nanatili akong tulala ng ilang minuto at pinilit ang sariling inumin ang gatas. Tiningnan ko ang aking bag na nakapatong sa lamesa at nang maalala na wala ro'n ang cellphone ko ay nagbuntong hininga na lamang ako.

Lagpas alas onse na nang tingnan ko ang wrist watch kong nakapatong din sa lamesa. Siguro dahil na rin sa sobrang pagod ay nakatulog na ako sa malapad na kama ni Olzen. Hindi ko na nahintay ang pagdating niya.

Madaling araw nang naalimpungatan ako. Nang nagmulat ay bahagya akong nagulat nang makita si Olzen sa aking tabi. Nakadapa siya sa kama at nakaharap ang mukha sa akin.

My heart jumped when my gaze traveled down to his body. He's topless and only on his sweatpants. The dim light from the lampshade was enough for me to see his features clearly.

He looks calm while sleeping. There's a tiny gap in between his soft lips and his hair is messy. There's a little space between us and his white sheets are all over me.

I swallowed the lump in my throat and heaved deep sigh. I wanted to stare more but I was again pulled back into a deep sleep.

Sa muli kong pagmulat ay bahagya akong nasilaw sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng kwarto. Saglit akong pumikit muli pero nang marinig ang baritonong boses ni Olzen ay napamulat ako.

My eyes widened and my jaw dropped when I saw Olzen, standing outside his walk-in closet with only a small towel wrapped around his waist. He was talking to someone over the phone and his back is slightly facing me.

His other hand is holding the tip of the towel. Drops of water are dripping from his hair to his ripped body. Damn those muscles... His legs are carpeted with thin black hair, up to where I can't see anymore because of the towel.

And even with the small piece of cloth, I'm very sure his ass was round and full. My throat ran dry while watching him almost naked in front of me. What the hell?

"Alright. I'll be waiting." I heard him said.

Nang makita kong bahagyang humarap ang kaniyang katawan ay napaiwas ako ng tingin. I even thought of closing my eyes and pretend to be asleep but I'm sure he saw me awake already.

Napalunok ako at hindi ko alam kung bakit umagang umaga ay parang tumatakbo sa bilis ng pintig ang puso ko. Tell me why I slept in his room again? Tss!

"You're awake. Are you hungry?"

Unti unti kong binalik ang tingin sa kaniya. His eyes were dark and curious at he look at me. Nakaharap na siya sa akin ngayon.

Hindi ako agad nakasagot dahil natuon ang atensyon ko sa katawan niya. My eyes wandered to his firm abdomen down to the center of his legs. My face heated when I saw something there.

Agad akong umiwas ng tingin at suminghap. Hiyang hiya ako dahil nakatitig pa man din siya sa akin habang pinagmamasdan ko siya. Goodness, Elais!

"Elais..." he called.

Kunot noo ko siyang nilingon para itago ang pag-iinit ng mukha. His lips twitched at my reaction.

"What?"

"I'm asking if you're hungry." He tilted his head and licked his lips.

Umirap ako at unti unting bumangon. Ngumiwi ako dahil kahit ang bed sheet ay kaamoy niya. And now I smell like Olzen Rosales too!

"I'll ask them to bring your breakfast here. It's past eight in the morning already. After that, a doctor will come to check on you."

Nakuha niya ang buong atensyon ko dahil sa kaniyanng sinabi. A what?

"What do you mean?" Tinanggal ko ang kumot sa katawan at hinarap siya.

Kaso nga lang nakapasok na siya sa walk-in closet niya kaya hindi ko alam kung narinig niya ang aking tanong. Naglakad ako palapit doon at walang pasabing binuksan ang pintuan.

"Olzen what - oh my-" tinakpan ko kaagad ang aking bibig nang lingunin ako ni Olzen.

He already removed the towel and the first thing I saw was his round glorious butt. He was wiping his hair and wasn't even shocked to see me! Ni hindi man lang nag-effort na takpan ang katawan!

Kumunot lang ang noo niya sa akin. Nagtaas pa ito ng kilay at akmang haharap nang malakas kong isinara ang pintuan.

Kumalat ang init sa aking batok patungo sa aking mukha. What the hell? I felt my face heated as I try to pinch myself. Bakit ba kasi pumasok ako ro'n ng hindi man lang nag-iisip?!

All I wanted at that moment was for the ground to swallow me whole. I stood there, flabbergasted and unable to move.

Pinilit ko ang sariling maglakad palayo ro'n at nagdesisyong lumabas para lumanghap ng hangin. Kaso nga lang, naabutan pa ako ni Olzen na ngayong ay nakadamit na! Thank God for that!

"Where are you going?" He asked darkly.

Umirap ako at nilingon siya. His lips protruded, trying to hide something. Mas lalong nag-init ang mukha ko.

"Don't go out yet. I'll ask them to bring your breakfast here. The doctor will be here any minute." He said.

Ngayong nabanggit niya ulit iyon ay bumalik sa akin ang sariling tanong kanina. Kumunot ang noo ko at lumapit sa kama.

"What do you mean? Bakit?"

He raked a hand through his damp ruffled hair before he clicked his neck.

"You need to be checked." Aniya.

My lips parted. Tinalikuran niya ako para ilagay ang towel sa may rack. Bumagsak ang tingin ko sa kaniyang likuran at napapikit nang muling maalala ang nakita kanina. Focus, Era!

"Hindi na kailangan, Olzen! I'm fine now. Galos lang naman ito," I argued.

Humarap siya at naglakad palapit sa akin. His hooded eyes wandered over my body before he looked at my face.

"I'm not contented, Era. Don't start with me now. Let the doctor check on you." He ordered.

Sinimangutan ko siya pero malamig na tingin lang ang isinukli niya sa akin. Sa huli ay lumabas siya para sa breakfast ko. Muli akong umupo sa kama at natulala. Gusto ko pa sanang matulog kaso nga lang dumating si Ester dala ang breakfast ko.

Umalis ito kaagad dahil bumalik din si Olzen. I started eating slowly. Nabaling ang tingin k okay Olzen nang umupo siya sa gilid ng kama, nakaharap sa akin. Dumikit ng tuhod niya sa aking binti sa lapit niya.

"The police will come later to get your statement. We will file a case against the tricycle driver." He said.

Natigilan ako at uminom ng tubig. Nakatitig siya sa akin kaya ibinalik ko ang tingin sa pagkain. Magsasampa ba ako ng kaso? Nagdadalawang isip ako lalo't hindi naman malala ang nangyari sa akin... pero siguradong kapag hindi dumating sina Olzen, baka nga hindi lang galos ang inabot ko.

And if I won't file a case against that man, then there's a chance he might find another

You are reading the story above: TeenFic.Net