Chapter 34

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 34

Nakasunod ang tingin ng mga tauhan habang papalapabas ang sasakyan ni Olzen sa mansyon. My pursed lips when I remembered the silent query in their eyes when he opened the car’s door for me. Mamaya baka anong isipin nila tungkol sa amin.

I sighed and just focused my eyes, yet again on the wide and lively rice fields. Wala kaming kibuan at halos marinig ko na ang pintig ng aking puso sa sobrang katahimikan.

I then wonder if what changed in the university. Sinulyapan ko si Olzen na tahimik na nagmamaneho. Nagtapos siya ro’n, ‘di ba? Did he visit for the past years? Ano kayang nangyari sa ibang mga kakilala ko? Or even James? Thinking about it made me so curious that I almost voiced out my thoughts.

My excitement intensified when we reached the city. When I saw the Lace building, I knew that we’re approaching the university. Palinga linga ako sa mga nadadaanan at hindi maiwasang mas lalong mamangha nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng unibersidad.

Tiningnan ako ni Olzen bago siya lumabas at umikot para pagbuksan ako ng pintuan. Hindi naman na kailangan pero nagtatanggal palang ako ng seatbelt at nabuksan na niya ito. I gasped and fixed myself before going out.

He closed the door and looked at me with his usual brooding eyes. I glanced at him a bit.

“Thank you.” Marahan kong sinabi.

Hindi ko alam kung saan ang tungo niya at nang hindi siya magsalita ay naglakad na ako. Ang malaking gate ay iba na ang kulay, may dalawang guard na nagbabantay doon.

Nakasara ang gate at ang tanging bukas ay ang daanan ng mga estudyante na may isang babaeng guard na nagbabantay.

Nakihalo ako sa mga naka-unipormeng mga estudyante pero natigilan nang tawagin ako ng guard.

“Excuse Ma’am, saan po kayo?” She asked and smiled.

Gumilid ako para makaraan ang mga estudyante. Ang iba’y napapatingin sa akin. Wala akong matandaan sa mga guards at mula sa kinatatayuan ay nakita ko ang walang masyadong pinagbago na tanawin sa loob ng university.

“Good afternoon, Ma’am. Bibisita lang po sana. Dati po akong estudyante rito.” I said.

“May appointment po ba kayo, Ma’am? O pagbisita laman ang pakay niyo?” She asked politely.

“Uhm, bibisita lang po.”

“Pasensya na, Ma’am. Mahigpit po kasi kami rito. Kung wala po kayong appointment o lalakarin na importante sa loob ay hindi po pwedeng magpapasok. Maliban na lamang po kung-“ natigil siya nang may nagsalita sa likuran ko.

“Kasama ko po siya.”

I glanced at Olzen who’s standing behind me. Nakatingin siya sa guard na agad ngumiti at napatayo pa mula sa high stool na kinauupuan. Hindi ko alam na nakasunod pala siya.

“Engineer! Kayo po pala. Matagal na rin po no’ng huling punta niyo rito. May project po ba kayo ulit rito?” The lady guard smiled warmly.

Ngumuso ako kay Olzen, sa tangkad niya ay nakadungaw siya sa akin. The guard knows him, it means he did visit here? And project? Nagtaas siya ng kilay sa pagnguso ko kaya umiwas ako ng tingin.

“I’m here to see someone. Kasama ko siya,” ani Olzen at marahang humawak sa balikat ko.

Napaigtad ako sa paghawak niya. Nilingon ako ng guard at saglit tinitigan ang kamay ni Olzen sa balikat ko. Oh… I know that look! Nang tinanggal ni Olzen ang kamay sa balikat ko ay napahinga ako ng malalim.

“A-ah… gano’n po ba, Engineer. Sige po, mag-sulat lang po kayo rito sa logbook at pwede na po kayong pumasok.” The guard smiled a little.

Una akong nagsulat. Name, purpose, date and signature. Pagkatapos ay binigyan din kami ng visitor’s pass. I realized they are stricter now compared before.

Sabay kaming naglakad ni Olzen sa gitna ng malawak na parking lot. Nakita ko kaagad ang bagong tayo na learning hall. Wala ito no’n! I didn’t know I was smiling already while moving my eyes around. Nang sulyapan ko si Olzen at nakita siyang nakatingin sa akin ay pumirmi ang aking labi.

“Anong project iyong tinutukoy ng guard?” I can’t help but ask.

He shoved his one hand on the pocket of his pants and tilted his head.

“I engineered the new Senior High building two years ago.” He said.

Umawang ang aking labi sa mangha. Really?! His jaw clenched while watching me. I looked away and when we reach the front side of the learning hall, I stopped.

“Sinong bibisitahin mo? Maybe we should part ways now?” I muttered.

Mabigat ang tingin niya sa akin ngayon. Huminga siya ng malalim at tumango, parang labag pa sa loob niya pero hindi ko na iyon pinansin pa.

“Si Brylle. He’s a professor here.” He replied.

My eyes widened a bit. Iyong kaibigan niya no’n?

“Really? He’s here? At professor? Pero hindi ba’t pareho kayo ng kurso no’n?” Tuloy tuloy ang tanong ko.

Nagsalubong ang kilay niya habang pinagmamasdan ako. Nakatingala ako sa kaniya at nag-aabang ng sagot. His eyes showed me irritation.

“Why do you have so many questions?” He sneered at me.

Lumabi ako at nagkibit ng balikat.

“Wala, nakakagulat lang. So, ano nga? Paano siya naging professor?”

Kumuyom ang panga niya at huminga siya ng malalim.

“He’s teaching engineering-courses here. He chose to teach than to work as an engineer.”

“Oh, I see,” I nodded. “You’re meeting him now?”

He puffed a breath and looked at me sharply.

“Why the fuck are you so interested? Let’s just part ways here.”

Nagulat ako sa agresibong tono niya. Napasinghap ako at tinaasan siya ng kilay. What is his problem again? Still the same hot tempered Olzen, huh? And now he’s initiating that we part ways? That’s my line!

“I was just asking!” I argued.

He glared at me for a bit before he walked away and left me. Napangiwi ako habang sinusundan siya ng tingin. Ang mga mata ng mga babaeng estudyante ay napapasunod sa kaniya. I rolled my eyes and went on my own way.

Walang masyadong pinagbago ang mga building maliban sa iba na ang kulay nito. May mga bagong tayo na building at may nakita pa akong mini-park sa gitna ng new building na ‘yon. Ang mga estudyanteng nadadaanan ko ay napapatingin sa akin.

Napangiti ako, nagbabalik tanaw sa mga panahong isa rin akong estudyante rito. I miss our uniform and the pride of being a student here. Sunod na pinuntahan ko ay ang canteen na mas lumawak lang at mas marami ng tables. Nadagdagan din ang counters.

Nang marating ko ang dating learning hall na kaharap ang open field ay tumigil ako para pagmasdan ang mga estudyanteng naglalaro sa open court kahit tirik na tirik ang araw. Noon, ito palagi ang natatanaw ko kapag narito at nagbabasa!

Wala akong makitang kakilala. Kahit mga professor ko no’n o baka may mga klase lang? I tried to look for familiar faces but there’s none. I sighed and sauntered towards the gymnasium. Habang papunta ro’n ay nakita ko ang bagong clinic na katabi ng learning hall.

Pagkarating ko sa tapat ng gymnasium ay napansin ko ang isa pang matayog na building sa tabi nito. Is this the new Senior High building? The one Olzen contrived? Sa tingin ko ay pitong palapag iyon. The structural design is  similar with the old buildings, only that it is more modern and intricate.

I can’t help but feel proud a little. He really did become a great engineer. Ano pa kaya ang ibang projects niya? Ngumuso ako at hindi natanggal ang pag-iisip doon.

Walang pinagbago ang loob ng gym kundi ang kulay nito at ang bago at malawak na stage sa harap. Hindi ako nagtagal doon at muling bumalik sa learning hall. Laglagpas na sana ako ro’n nang mahagip ko ng tingin si Olzen sa pinakagilid na lamesa.

My eyes widened a bit when I saw him talking to his old friend, Brylle! He didn’t change, only that he’s bulkier and with noticeable stubbles! He’s wearing a professional uniform, tanda na isa nga talaga siyang guro rito.

Unti unti akong naglakad palapit sa kanila. Tinatalikuran ako ni Olzen kaya naman hindi niya ako agad nakita. Napaangat ng tingin si Brylle sa paglapit ko. Nagtagal ang titig niya sa akin kaya napasunod ng tingin ni Olzen sa kaniya.

“Hi,” I smiled.

Hindi ko alam kung bakit nagagalak ako! Well, siya lang naman kasi ang pamilyar at dating kakilala na narito pa rin!

Kumunot ang noo niya sa akin ng ilang saglit bago nalaglag ang kaniyang panga.

“Era?!”

I smiled more and looked down at Olzen. Malamig at mariin ang tingin niya sa akin. Nagtaas ako ng kilay dahi sa iritasyong pinapamalas niya sa akin.

Pabalik balik ang tingin ni Brylle sa akin at kay Olzen. Kumunot ang noo nito at para bang may puzzle na sinasagutan. Lumapit ako sa tabi ni Olzen at nilingon si Brylle.

“Long time no see, Brylle.” I said.

“Woah!” He smirked and chuckled.

“Wait, kasama mo ba si Olzen?”

“Yeah, she’s with me.” Olzen muttered darkly.

Olzen glared at me for a bit and pulled the chair beside him. He tilted his head, commanding me to sit beside him.

Brylle was speechless while watching us. Hindi na ako nagreklamo at umupo sa tabi ni Olzen. Mabigat ang titig sa akin ni Olzen kaya ibinaling ko ang tingin kay Brylle.

“You didn’t tell me you got back with her.” Brylle glanced at Olzen.

Huh? Wait, what? Ngumuso lang si Olzen, hindi sumagot. Malamig ko siyang tiningnan at kinunotan ng noo.

“You must be mistaken, Brylle. Ah… nagsabay lang kami ni Olzen papunta rito.” May gusto pa sana akong idagdag pero itinikom ko na ang labi.

Kumunot ang noo ni Brylle at nilingon si Olzen, nagtatanong ang mga mata. Olzen sighed deeply and his menacing eyes bore on me. Malamig ko siyang tinitigan pabalik dahil sa panghahamon sa kaniyang mga mata.

Tumikhim si Brylle at ngumiti sa akin. “Ilang taon din kitang hindi nakita, Era. Bigla ka na lang nawala.”

Pumirmi ang aking labi at natahimik. Ramdam ko ang pagdiin ng tingin sa akin ni Olzen. Suminghap ako, hindi komportableng pag-usapan ang bagay na iyon ng nasa tabi ko si Olzen.

We haven’t talked about what happened the past years. Ilang araw pa lang naman kasi kaming magkasama at sa tingin ko rin wala na siyang pakialam doon. Well, he clearly told me that he’s moved on and I assume that there’s no need for explanations anymore. Even if I want to clarify things, I think it’s useless anymore.

“Ah, yeah… nag-migrate kami sa Canada. Biglaan kasi.” Simpleng tugon ko.

“I see. Olzen transferred school the same year too.” He said.

Nalaglag ang panga ko sa kaniyang sinabi. Napalingon ako kay Olzen na nakatingin na ngayon kay Brylle, kuyom ang panga. His jaw was clenching hard and seems like in deep thoughts.

“What about Mark? Did he really already left for Dubai?” Malamig na tanong ni Olzen.

Nabaling ang atensyon sa kaniya ni Brylle. Hindi ko matanggal ang tingin kay Olzen. He transferred school the same year I left… but why?

He only has 2 years left before he graduates, bakit pa siya lumipat? All along I thought he graduated here!

“Si Mark? Yeah, he took the offer. It’s for two years.” Tugon ni Brylle at bumaling ulit sa akin.

Nilingon ko siya, gusto kong magtanong pero hindi ko alam kung paano umpisahan. Sunod sunod ang tanong sa isip ko.

“You changed a lot. I didn’t recognize you easily. Kailan ka pa nakabalik?” Brylle asked.
Tumikhim ako. “Ah… more than a week ago.”

Tumango siya, mukhang may gusto pang itanong pero ngumiti na lang. I glanced at Olzen but he kept his gaze straight. What more did I miss about him?

I don’t know but my heart tugged while thinking of every possible thing that happened to him. I feel like I miss so many things, that’s why he’s so different for me now.

“It’s nice meeting you again, Era. I hope we can hang out when we’re all free.” Paalam ni Brylle makatapos ang ilang sandali.

He needs to go since he have class to attend. Mariin ang tingin ni Olzen sa kaibigan kaya ako na ang sumagot.

“Sure.” I smiled.

“Are you here for good? Or just vacation?” Ani Brylle at tumayo na.

I stood up too and glanced at Olzen who’s not doing anything, just darkly tapping his fingers on the table. Anong probelma ng isanng ‘to?

“Ah, magtatagal lang. But I guess we can hang out habang narito ako. Wala rin akong masyadong ginagawa at namamasyal lang.”

Tumango siya at ngumiti. Nilingon niya rin si Olzen, nagtagal ang tingin niya rito ng ilang sandali.

“Olzen, should I text you or get Era’s number… para siya na lang ang kausapin ko?” Si Brylle.

Marahas na humugot ng hininga si Olzen at tumayo. He clicked his neck and faced his friend.

“What do you think is a better choice?” He said in a chilling voice.

My forehead creased while watching them. And what is this brute’s problem, really? I was about to say something when Brylle chuckled and shook his head.

“Still the same, huh.” Tumawa muli ito. “Alright, I’ll call you.”

What’s funny? Sinulyapan ako ni Olzen, iritado ang tingin niya kaya nagsalubong ang kilay ko. Mabuti pa ay umalis na rin ako at baka magka-initan na naman kami ng ulo.
He squinted at his friend and smirked sharply.

“Nah, I’ll appreciate it if you won’t.” Olzed groaned.

Tumawa muli si Brylle, tila ba nasisiyahan sa kung ano. Ngumisi lang si Olzen pero walang humor ‘yon.

“Good bye, Era.” Tinanguan ako ni Brylle bago ito umalis.

Tinitigan ko ang malapad at makisig na likuran ni Olzen. Something is circulating in the back of my mind but of course, that’s just impossible! May girlfriend siyang tao kaya imposible ‘yon! Maybe it’s just my heart that is hoping and I don’t need that right now!

Why the hell would I think that he’s jealous? Or possessive of me just like before? Nanlalamig ako sa mga iniisip. Nagagalit para sa sariling binibigyang kahulugan ang mga aksyon na wala namang tamang basehan.

“I’ll leave now too, may pupuntahan pa ako.” I said sternly driving him to look at me.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis na naglakad palayo ro’n. Nagpapasalamat akong hindi siya sumunod dahil kung hindi ay baka mas lalong aasa ang puso ko.

Get your act straight, Era! You shouldn’t be enjoying any of this or be taking advantage of his girlfriend’s absence! You should know better where you stand.

Pagtuloy ang pagsuway at pangaral ko sa aking sarili habang nakasakay ng traysikel. Mag-aalas tres na at papunta ako sa memorial park. Saktong alas tres nang makarating ako ro’n.

The white lilies that I put there last time are withered already. I kneeled and put another fresh bouquet of the same flower beside my grandmother’s tomb.

“Lola, do you still remember what you said to me? That… it’s impossible to love without having to experience pain?”

Humugot ako ng malalim na hininga, pilit nilalabanan ang pait sa dibdib. Imposible nga talagang magmahal ng hindi nasasaktan. Para mo na ring hiniling na mahawakan ang mga ulap sa langit.

“You were right… pero, paano ‘yan, La? Do you think I can love again after him? Years have passed but the roots of my feelings are still deeply embedded in my core.”

Kinagat ko ang labi at suminghap. Bakit siya? Nagawa naman niyang magmahal ng iba? Bakit pakiramdam ko hindi ko kaya ‘yon? I want to forget in order to continue living without feeling any agony in my heart from time to time.

Pagkatapos ang pagbisita ko kay Lola ay nagtungo ako sa ibang bagong pasyalan sa syudad. Kailangan ko pang magsaliksik para malaman kung nasaan ito. Halos alas sais na nang tumigil ako sa paglilibot.

Panatag ang aking loob pauwi dahil may kasabay ako sa traysikel na sa Peñablanca rin ang tungo. Nga lang, mas mahal ulit ang pamasahe ko dahil nagpahatid ako hanggang sa mansyon ng mga Rosales.

Pagpasok ko sa loob ng mansyon ay kaagad kong nakita si Manang Betty na pinapalitan ang punda ng mga throw pillow sa mahaba at pinakamalaking sofa ro’n.

“Magandang gabi, Ma’am.” She stopped to greet me.

“Magandang gabi po,” I smiled.

Tumingin siya sa likuran ko saglit pagkatapos ay bumalik sa akin ang mga mata.

“Akala ko ay kasama niyo si Sir Olzen, Ma’am. Mas nauna po kayong nakauwi kaysa sa kaniya ngayon. Kumain na ba kayo?”

Ngumuso ako at nilingon ang pintuan. Hindi ko nga nakita ang sasakyan niya sa labas. Nagkibit ako ng balikat at hindi na pinalalim ang pag-iisip doon.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong umakyat para magpahinga saglit at maghugas ng katawan. After that, I answered calls from Papa and Meana. Chester left me a message and I replied.

Nakarinig ako ng pagdating ng sasakyan sa labas ng mansyon. Siguro ay nariyan na si Olzen. Alas nwebe na… ang tagal naman yata ng nilakad niya. I sighed and tried yet again, not to think about it.

Sinubukan kong matulog na pero hindi ko magawa. Mabilis kong hinanap ang sleeping pills sa malaking purse ko pagkatapos ay lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig sa kusina. Wala ng tao sa sala at tahimik ang buong mansyon.

When I entered the dining area, I halted when I saw Olzen standing near the refrigerator. May hawak na baso ng malamig na tubig. Nakapikit siya habang umiinom at ang isang kamay ay nasa kaniyang baywang.

His hair is a bit tousled and when he put down the glass, he licked his lips. He glanced at me intensely with his hooded gray eyes. His jaw clenched making me shiver.

“Kukuha lang ako ng tubig…” mahina kong sinabi.

Hindi siya nagsalita at binuksan ang ref. Kinuha niya ang babasaging pitsel at nilapag iyon sa lamesa. Kumuha rin siya ng isa pang baso at itinabi sa pitsel. Nanuyo ang lalamunan ko at dahan dahan na lumapit sa kaniya.

I made sure to put distance between us. Isang upuan ang pagitan namin. Hindi ako makahinga ng matiwasay dahil sa pagmamasid niya sa mga galaw ko.

When I neared him, I immediately whiffed the smell of liquor mixed with his manly scent. Did he drink? Well… that shouldn’t be my business anymore.

Binuksan ko ang bote ng sleeping pills at kumuha ng isang tableta.

“When did you start taking sleeping pills?” Olzen asked in his chilly baritone that made me jump.

Napakurap ako at nilingon siya. I folded my lips and looked away.

“Ah… matagal na. I have a hard time sleeping, most of the time.” I replied weakly.

I’m a bit distracted with his smell. I don’t know why the combination of liquor smell and his usual scent is sending shiver to my spine. Gumalaw siya at mas lumapit sa akin kaya napalingon akong muli sa kaniya.

“That’s not healthy. Put that back, I’ll make you a glass of milk.” He said coldly and walked back to the refrigerator.

Tinitigan ko ang likuran niya. Hindi alam kung susundin ba siya o ano. Nang makita kong binuksan niya ang ref at kumuha ng fresh milk doon ay napasinghap ako.

Pinuno niya ang isang baso at lumapit sa microwave. Binuksan niya ito at nilagay doon ang basong may gatas. Kinagat ko ang labi nang tumayo siya ro’n, nakatalikod sa akin habang hinihintay na uminit ang gatas.

Nakatuko ang kamay niya sa may sink kaya naman mas nagpakita ang mga muscles niya sa balikat at braso. My heart was pounding so hard again. I looked away and stared at the pill on my hand.

Huminga ako ng malalim at binalik nga iyon sa lalagyan nito, saktong narinig ko ang pagtunog ng microwave. Olzen went back to me with the glass of hot milk with him. His eyes were calm yet brooding in some way when he stared at me.

“It’s not that hot. It’s better than taking those pills.” He said lowly.

I silently nodded and reached out for the glass of milk. Mainit pa ito para sa akin kaya hinayaan ko muna.

Tahimik kami pareho, nakatayo siya sa aking gilid at nakaharap sa akin habang ako’y nakaharap sa lamesa. We’re both silent that I can already hear the beating of my heart. I just hope he won’t hear

You are reading the story above: TeenFic.Net