Chapter 29

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 29

I put down the bouquets of flowers beside the monuments. The wind blew and hugged me. I smiled and wiped the drop of tear.

"I miss you..." I whispered to the warm wind.

Tumingala ako sa kalangitan, sinasangga ng suot na sunglass ang sinag ng tirik na tirik na araw. Huminga ako ng malalim at pumikit, pagkatapos ay tahimik na nagdasal.

"Let's go?" Anyaya ni Meana nang makitang tumayo na ako mula sa pagkakaluhod.

Tumango ako habang dinudungaw ang mga puntod sa harapan. Kararating lamang mula sa Canada, nagtungo ako kaagad dito kasama si Meana.

I fulfilled my promise to her. I promised I will come back and after more than five years, I made it.

Pero hindi kagaya ng huli kong punta rito, hindi na balot ng lungkot ang aking puso. I fee lighter, more alive and hopeful. The pain of loss is still there but I have acknowledged that once again, this is reality. This is life and we have no control over the things that are already destined to happen.

It's not easy to cope up with the pain of losing important people. It damaged me and it's not easy to fix a broken self. I realized that allowing the pain to embrace you is fine, but letting it consume you entirely is suicide.

Ako rin ang napagod sa dilim. Kaya naman ginawa ko ang lahat para maghilom. I want to live happily for the people I lost. I want to continue seeing life as a beautiful voyage in their stead.

"I know a high-end salon here in Makati or gusto mo sa Parañaque na lang. Ano? Tutuloy pa ba tayo?" Tanong ni Meana nang nasa byahe na ulit kami.

Sinuklay ko ang tuwid na tuwid na buhok. Binago ko ang istilo ng aking buhok dalawang taon na ang nakalilipas, pagkatapos kong magtapos sa pag-aaral.

Ang dati na hanggang baywang ang haba at umaalon sa dulo, ngayon ay tuwid na tuwid at hanggang saktong balikat na lamang.

My hair is shiny black highlighted with silver balayage. May bangs na rin ako na hanggang itaas ng mata ang haba at itim na itim. Gusto kong ibalik sa kulay ang dating buhok ngunit nagdadalawang isip ako.

"What do you think? Should I change my hairstyle again?" I touched my bangs.

Tumigil ang sasakyan dahil sa traffic light. Siya ang nagmamaneho at ako ang nasa tabi niya.

"You look mature and cold in that cut, but I love it. It's sexy." Ngumiti siya.

I sighed and raked a hand through my straight silky hair. Iyon ang medyo hindi ko gusto, mukha akong masungit sa istilo ng buhok ko ngayon. But honestly speaking, I love this style too.

"Huwag na lang pala, kung gano'n. Next time na lang, kapag buo na ang desisyon ko."

"Sigurado ka? Where should we head then?"

Tiningnan ko ang cellphone. May missed calls doon galling sa mga magulang ko at kay Chester. Nagtipa ako ng mensahe para kay Papa.

"Let's just rest for today. I don't have any plans." I responded.

Ako:

Pa, I arrived early this morning. I went to the cemetery with Meana. Pauwi na po kami ng Parañaque. I'll call you back later.

Wala ang mga magulang ni Meana kaya naman kaming dalawa lamang ang naro'n sa bahay nila, maliban sa mga kasambahay. Nasa Canada sina Tito at baka matagalan pa ang uwi. Si Meana naman, pagkatapos mag-aral sa Canada ay dito niya mas piniling magtrabaho. She's been here for the last three years and travels to Canada only for vacation.

Tinanggal ko ang sunglass at nilapag sa lamesang nasa tabi ng malapad na kama kasama ang aking cellphone. Gamit ko ang isa nilang guestroom. Pagdating naming sa bahay nila, una kong napansin kaagad ang malaking pagbabago nito. Dalawang palapag pa rin pero mas lumawak at dumami ang kwarto. Ayon sa pinsan ko ay na-renovate ang bahay sa kagustuhan ni Tita.

Habang nagtatanggal ng coat ay bumukas ang pintuan at pumasok doon si Meana. Naka-suot na siya ng pajama at sando, may hawak na unan. Nagtaas ako ng kilay sa itsura niya, she looks sleepy with her droopy eyes.

"Dito muna ako matutulog," pahayag niya.

I chuckled and bobbed my head. Gumising siya ng maaga para lamang sunduin ako sa airport. Alas tres ng umaga ako nakarating sa Pilipinas. Hindi na ako natulog pagdating namin dito sa bahay at hinintay na tumaas ang araw bago tumulak papuntang Makati.

Dumapa siya sa malapad na kama habang yakap ang kaniyang unan. Hinayaan ko siya habang nagtatanggal ng damit. Mamaya na ako maliligo, siguro pagkatapos matulog. While putting on some comfortable clothes, my phone rang.

Chester is calling through facetime.
Sinagot ko iyon at hinayaan sa lamesa habang inaayos ko ang aking malaking maleta.

"Hey, you're not answering my calls. Nakarating ka na?" Bungad niya.

Dahil hindi niya ako kita at medyo malayo ako ay pasigaw ang pagsagot ko. Hindi pa naman natutulog si Meana dahil tanaw ko siyang kinakalikot ang sariling cellphone. Sumulyap siya sa akin nang marinig ang boses ni Chester.

"I didn't check my phone. Madaling araw akong nakarating. Galing na akong sementeryo." I replied, yelling a bit.

"You should have rest first. You should probably rest. I'll call you again later. Let me see your face first."

Bumangon si Meana, umiikot ang mata niya at ngumiwi sa akin. Kinuha niya ang phone ko sa lamesa at itinutok ang camera sa mukha niya. I saw her make a face and scowled.

"Stop being clingy, Portman!" She hissed.

Ngumisi ako at umiling. Hindi ko alam kung anong reaksyon ni Chester, but when I heard him groan... I know they're going to start a row again.

"Why are you with Aurora?" Batid ko ang iritasyon sa boses nito.

"Hello? I'm her cousin. Baka nakalimutan mo na?" Meana grunted.

Ngumiwi ako at nilagay muna sa gilid ang maleta para lapitan siya.

"And I'm also the future boyfriend, so give it back to Aurora."

"Oh, come on, Portman! Baka may asawa na ako, iyan pa rin ang pangarap mo." My cousin rolled her eyes.

"Ikaw yata ang nangangarap, Valle. No man will marry a raucous woman like you." Chester mocked.

"Ano?! You bastard-"

Kinuha ko ang cellphone sa kaniyang kamay at ngumiwi. Kung hindi ko sila pipigilan baka lumipad papuntang Canada si Mean ng wala sa oras para lang harapin si Chester. Hindi na yata talaga sila magkakasundo.

"You should sleep. I'll just talk to him." I smiled.

She tssed and crashed her body on the bed. Dumapa ulit siya. I chuckled and tapped her buttocks lightly before going out of the room.

Salubong ang kilay ni Chester nang humarap ako sa camera. His annoyed face relaxed when he saw me. Umupo ako sa unang baitang ng hagdan habang nakatutok sa mukha ang cellphone.

"I really wonder why you can't get along with my cousin. She's a sweet girl, Chester." I smiled.

He grimaced at what I said. Inayos ko ang bangs at tumawa.

"I don't think that's the right compliment for her," he scraped his fingers through his tousled hair.

"Tss. At huwag mo na kasing sinasabi na future boyfriend o boyfriend kita. You know we already talked about that matter, at 'tsaka mas lalo ka lang aasarin no'n." I sighed.

He licked his lips and stared right to my eyes. Nagseryoso siya at tipid na ngumiti. Pinirmi ko ang aking labi at huminga ng malalim.

"Come on, you need to rest. Nakita ko na ang mukha mo. I'll call later, if you're not busy." He muttered.

Tinitigan ko siya, hindi na itinuloy ang dapat pang sasabihin. Nagpaalam ako sa kaniya at pinatay ang tawag.

Right after my graduation, Chester tried to court me. He even went directly to my parents to inform them of his plan. They let him be because they thought we had something.

Nga naman, siya ang palagi kong kasama at siya ang naro'n sa mga panahong hindi ako makontrol kahit ng mga magulang ko. But I turned him down because I know I can't entertain his feelings. Aniya'y maghihintay siya hanggang handa na ako pero alam kong hindi iyon ang problema.

I have other reasons why I can't reciprocate his feelings. I know Chester and I am also aware that he's sincere. He had girlfriends before me but ever since he started courting me two years ago, I never saw him with any woman.

I turned him down a few times already at minsan ay nagi-guilty na ako pero hindi ko naman pwedeng pagbigyan dahil lang sa naaawa ako.
He's my friend and he's special to me.

I just can't feel the same way because my heart has only been rooting for one person only.

I may not have entertained those feelings for the past years because life was demanding then, pero no'ng sinubukan ni Chester na manligaw sa akin... the feelings that was once buried was brought to life.

Meana and Chester met two years ago because of me. Maayos pa naman sila no'ng una, nag-uusap pero hindi masyado. They're not friendly towards each other, they're civil. Nagkikita lamang sila kapag bibisita si Meana sa Ontario at saktong naro'n naman si Chester.

I don't know when they started getting on each other's nerves. They bicker at each other and they couldn't stand hanging around without having a pointless argument. Mas matanda sila sa akin ng ilang taon pero para silang bata kapag magkasama dahil sa pagtataltalan nila.

Alam ni Meana na sinubukan akong ligawan ni Chester at nililigawan pa rin hanggang ngayon. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kaniya, he just won't stop but I know that I already cleared it with him. Alam niya ang desisyon ko at alam niya rin na pinal na iyon. Hinahayaan ko na lamang siya dahil pagod na rin akong sumuway.

"Kailan ka babalik ng Canada?" Tanong ni Meana sa gitna ng hapunan namin.

Sinulyapan ko siya at saglit na nag-isip. I don't really have a definite plan. Tinapos ko lamang ang 2 years contract ko sa kompanyang pinagtatrabahuan ko sa Ontario. I'm working in a construction industry as a project accountant. I calculated from the beginning that once I finish my contract, I'll go back here.

Walang tutol ang mga magulang ko sa aking desisyon. Napatawad ko na sila sa kanilang nagawa. Mas maayos na rin ang relasyon namin ni Mama ngayon at madalas ay hindi na siya nakikialam sa mga desisyon ko. Malaki ang naipon ko sa loob ng dalawang taon. Nais kong ibigay sa kanila ang sweldo ko ng isang taon, pandagdag sa ipon namin pero tinanggihan nila.

They said I should use it for my future or whatever plans I have. And honestly speaking, I don't have a definite plan. Basta ang nasa isip ko ay makabalik dito at matupad ang pangako ko kay Kruise. And now that I'm here, maybe I could sort out everything out in time.

"After a month or two? I don't really know."

"Hmm. Why don't you live with me here? Maghanap ka ng trabaho mo rito," alok niya.

Ngumuso ako at nagtagal ang pag-iisip doon. Hindi naman masama, pero iniisip ko sina Mama. Ang alam nila ay pansamantala lamang ako rito, kapag dito na ako maninirahan at magtatrabaho, ibang usapan na 'yon.

"I'll see. You know that's a serious decision."

Nagkibit siya ng balikat. "Sabagay. Pero sa tingin ko naman, maraming opportunities din dito, hindi man kalakihan ang sweldo, ayos na rin."

Nagpatuloy ang pag-uusap namin doon. Sa gabing iyon ay hindi kami kaagad natulog. Sa terasa sa ikalawang palapag ng bahay, doon namin pinalipas ang oras kasama ang wine na dala ko mula Canada.

The diverse city lights were glowing in the dark, almost lighting up the whole city. The view is comforting. It might not be as beautiful like the ones I always adored in Canada, but still... the vibe is different. The city lights look like the stars of the land.

"The day feels like a chaos and the night feels like a paradise. Iyan palagi ang nararamdaman ko sa tuwing pinapanood ko ang tanawin. Siguro, isa na rin iyon sa mga rason kung bakit ko mas pinili ang Pilipinas." Tumawa si Meana at sumimsim sa wine glass niya.

I smiled and sipped on my own drink. I'm planning on visiting Cagayan, maybe after a week here in the city. Hindi binenta ang bahay namin, sa kagustuhan ko. Naisipan nina Mama na ibenta iyon pagkatapos ng graduation ko pero umalma ako. Isa iyon sa babalikan ko rito.

Ang balita ko ay hindi na si Manang Nona ang nangangalaga ro'n. Hindi ko kilala pero sabi ni Papa ay maasahan naman daw iyon dahil si Manang Nona ang nagtalaga.

"I might fall in love with this place too... you know." I chuckled.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag-yoga. May mga equipments si Meana kagaya na lamang ng treadmill at barbell. Iyon ang ginamit ko sa pagwo-work out. Nadatnan niya akong nagbe-breathing exercise sa may sala nang bumaba siya.

"Your ass really looks fine, you know. And your boobs..." hinulma niya ang sariling dibdib habang pinapanood ako.

Umiling ako at pinandilatan siya. She laughed and went to the kitchen. Pagbalik niya ay may dala na siyang baso ng tubig. Umiinom siya ro'n habang papalapit sa akin.

"Sigurado ka bang hindi mo pinaturukan iyan? Ang lusog e!" Tumawa siya.

I shook my head at her crazy notes about my body. Why the hell would I do that? Hindi ko rin naman alam kung bakit pero malusog ang hinaharap ko. Katamtaman lang naman iyon.

I don't remember having plump bosoms during my teenage days. But for the past years, it slowly developed.

"Your waist is small. Iyang puwitan at hinaharap mo talaga ang malusog. What's the secret?" She sounds very interested.

Pumikit ako ng mariin dahil hindi ko magawa ng maayos ang ehersisyo ko. Ibinaba ko ang kamay at pinandilatan siya. She's exaggerating things! Maganda naman ang katawan niya. Hindi ko alam kung ano pang gusto niya.

Buong araw kami sa bahay nila, dahil may sarili silang pool ay iyon ang pinagkaabalahan namin. Nang maghapon ay bumisita ulit kami sa sementeryo. Lumipas ang araw na gano'n, kung hindi man kami nagsu-swimming ay namamasyal naman kami. Sa pang-limang araw ko roon ay nakatanggap ako ng kamangha-manghang balita mula sa aking mga magulang.

"Era, Tyrell Rosales invited us to his wedding." Marahang sinabi ni Mama sa tawag.

I was beyond surprised. I don't have any update regarding with the Rosales family. I think of a particular person time to time pero nawawala rin sa isip ko dahil abala ako sa sariling buhay.

"R-really? He's getting married?" Hindi ako makapaniwala.

"Yes, but I said we can't come. Sinabi kong ikaw ang nasa Pilipinas. Kinuha niya ang numero mo kaya baka mag-text sayo."

Bumundol ang kakaibang kaba sa aking puso. Hindi ko alam kung para saan iyon.

"Kailan daw, Mama?"

"A week from now, I think? Ask him once he texts you. We would like to come but you know it's not easy to leave for work here. Kailangan mong pumunta para wala silang masabi. Nakakahiya rin naman."

Kahit hindi na nila sabihin, pupunta ako.

"Sige po, Mama. Sasabihan ko kayo kapag may balita na mula sa kaniya."

"Okay. When are you going to Cagayan? Nasabi mo na ba kay Meana?" Tanong niya.

Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng malamig na tubig. Nanuyo ang lalamunan ko sa balita.

"Sa susunod na linggo sana, Mama. Kaso nga lang, kung next week din ang kasal baka pagkatapos na lang ng okasyon. At siguro ay magko-commute na lang ako. Nakakahiyang abalahin si Meana dahil doon. Kailangan niya rin namang bumalik sa trabaho." Tugon ko.

"Sigurado ka ba? Mag-iingat ka kung gano'n hindi mo pa naman kabisado ang papunta doon."

Hindi rin nagtagal ang tawag. Mag-isa ako sa dining area, tulog na si Meana dahil tahimik na ang buong bahay. Diniretso ko ang isang baso ng malamig na tubig.

Kasal iyon ni Kuya Tyrell... kaya paniguradong naro'n din siya. I have always looked forward in meeting him again. And many times for the past years, I silently prayed for his wellbeing.

Iniisip ko pa lang na makikita ko ulit siya ay nagbabara na ang lalamunan ko. I haven't felt this way for the past years. My heart is already pounding frantically just by thinking that I'll see him again.

Pumikit ako ng mariin at hinaplos ang taas baba na dibdib ko. Calm down, Era. Wala pa ngang nangyayari! Hindi pa naman sigurado kung naro'n nga siya. Pero kahit anong saway ko sa sarili ay hindi pa rin ako mapakali.

Nang magising ako kinabukasan ay medyo nawala sa isip ko ang inaalala kagabi. Nag-jogging kami ni Meana at tatlong oras ang ginugol namin doon. Tanghali, nakaupo sa sun lounger at nagbabasa ng libro nang tumunog ang cellphone na nakapatong sa folded table na nasa tabi ko.

Hindi ko agad iyon pinansin dahil hindi ko maiwanan ang binabasang libro. Nang matapos ang isang kabanata ay tiningnan ko ang cellphone. My eyes widened a bit when I saw the message from an unknown number.

Unknown:

Era, this is Tyrell Rosales. I got your digits from Tita Elicia. I heard you're in the Philippines. I would like to invite you to my wedding. Are you perhaps, in Parañaque?

Hindi ako makahinga sa mangha. Ibinaba ko ang libro at ibinigay ang buong atensyon sa mensahe niya. My throat ran dry as I typed my reply.

Ako:

Hello, Kuya. Congratulations on your upcoming wedding. I'm in Parañaque. I'd love to come. Thank you for inviting me!

I saved his number on my phone. Kinagat ko ang aking labi habang naghihintay ng sagot. Hindi ko talaga alam kung bakit gano'n na lamang ang kagalakan ko! I must be crazy. When my phone rang, I immediately opened it.

Tyrell Rosales:

I'll be expecting you, Era. Send me your address, I'll send my secretary for your invitation.

I sent him the same address I gave years ago. Nagpasalamat din ulit ako. Hindi na siya nagreply pagkatapos no'n. Naiintindihan ko naman at baka abala siya sa kaniyang kasal.

I never knew he had a girlfriend, o baka longtime girlfriend niya? Either way, I'm happy for him!

"What's the matter?" Tanong ni Meana nang mapansin ang inasta ko.

Katatapos lang namin mag-lunch at ngayon ay nagpapahinga ulit sa may tabi ng pool. She might have noticed my excitement. Ako rin naman ay nagtataka sa sarili. Or maybe... this excitement is for something else.

I told Meana the matter. Alam kong maiintindihan niya kaagad dahil may alam siya kahit papaano sa nakaraan ko. Nanlaki ang kaniyang mga mata pagkatapos kong ikwento ang dahilan.

"His brother? You're going to attend his brother's wedding?" Her lips parted.

I nodded and sighed. Tumawa siya at umiling kaya nilingon ko siya. Kinunot ko ang noo sa pagtawa niya.

"You think he'll be there?" I asked.

Ngumiwi siya at sumimsim sa kaniyang juice. Saglit siyang nag-isip at nagkibit balikat.

"Kasal iyon ng kapatid niya. Siguro naman ay darating iyon. Wala ka ba talagang balita sa kaniya?" Tanong niya.

Umiling ako at bumuntong hininga. Wala akong balita, maliban doon hindi rin naman ako gumagawa ng paraan para magkaroon ng update tungkol sa buhay niya. Masyado akong naging abala sa sariling buhay.

Bago ako bumalik dito, may plano akong hanapin siya o kaya'y magpang-abot sa Kuya niya para kumuha ng balita. Pero pakiramdam ko sa nangyayari ngayon, tadhana na mismo ang naglalapit sa aming dalawa. Tumalon ang puso ko at nagbara ang aking lalamunan sa sariling palagay.

"You're hoping he'd come?" She probed while watching me.

I looked away and nodded. I smiled and nibbled my lower lip.

"You really didn't move on from him? That's why Chester never had the chance. Kasi sa una pa lang, may nagmamay-ari na niyan." Aniya sabay turo sa dibdib ko.

"I never tried to forget him, Meana." I said faintly.

She smiled and nodded. I swallowed hard and closed my head. I hope he's there. I really hope he's there!

Kinabukasan ay natanggap namin ang invitation. Dumating ang babaeng sekretarya ni Kuya Tyrell at pagkatapos i-abot iyon ay agad din itong umalis. Kasama ko si Meana

You are reading the story above: TeenFic.Net