Chapter 26

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 26

Nanatili akong nakatitig sa kaniya kasabay ng maraming inaalala. I'm going to miss him so bad.

"Stop looking at me like that. You'll keep me awake all night." Pukaw ni Olzen sa pag-iisip ko.

Napakurap ako at naramdaman ang pagtulo ng luha sa aking pisngi. Hindi niya yon napansin dahil medyo malayo siya. Pumikit ako at pasimpleng pinunasan ang aking mukha.

"You and your imaginations will keep you awake all night, Rosales." Patuya kong sinabi.

Humalakhak siya at umiling. Ngumiti ako kasabay ng pagdurugo ng aking puso. Kung desperado ba akong mananalangin na sana ay hindi matuloy ang pag-alis namin, diringgin Niya kaya ako?

Era, stop it! This is what I've been telling you. You're still young for this! How old are you? You're just eighteen and you're worrying too much about you heart already!

Huminga ako ng malalim at ngumuso kay Olzen na namumungay ang matang pinapanood ako.

He's sitting legs apart on the sofa. Nakasandal sa backrest at ang mga kamay ay nakapatong sa kaniyang hita. He won't fit on the sofa if he's going to sleep there.

"Come here," I said softly.

Umusog ako sa kama at tinapik ang puwang sa tabi ko. Umawang ang labi niya. Kagat ang labing umiling siya.

"You're not seriously asking me that, Era." He said seriously.

I almost rolled my eyes at him. "Alam kong wala kang gagawin. I just want you beside me."

His lips parted more. He rolled his tongue on his lower lip before standing. Naglakad siya palapit sa akin. Pinanood ko ang dahan dahan niyang paghiga sa tabi ko. Suminghap ako nang maamoy kaagad ang kaniyang pabango.

Nakaharap din siya sa akin at nakatuko ang isang kamay sa higaan, nakapatong ang ulo niya roon habang pinagmamasdan akong mabuti.

"Is there a problem?" Masuyo niyang tanong.

He noticed my eyes. Mabilis akong umiling at ngumiti. Mas nagseryoso siya kaya mas nilakihan ko ang aking ngiti.

"Did you have a serious girlfriend before?" Tanong ko.

Kumunot ang noo niya sa akin. Bahagyang tumaas ang kilay niya.

"Bakit mo natanong?"

"Wala. Naisip ko lang. Kung ayaw mong sumagot it's-"

"No. Wala pa. All was just for fun." Putol niya sa sasabihin ko.

I waned my eyes at him. Playboy.

"What makes me different then?" It was almost a whisper.

His eyes became more hooded. He stared at me like he's staring right into my soul. Gumalaw ang bukol sa kaniyang lalamunan nang magawi ang tingin niya sa aking labi.

"It's only you... who made me bare even the most damaged part of my soul." He said with his raspy voice.

Nanginig ang aking labi. May kaunting puwang sa pagitan naming dalawa. I have seen his demons but it didn't stop me from falling.

"Pero hindi pa rin tama ang paglaruan ang damdamin ng iba..."

He smiled weakly at me. "I know now. I'm sorry."

I feel so hopeless. I am falling even more but it's painful at the same time.

What if I told him to wait for me? Paano kung gano'n na lang? Hihilingin kong hintayin niya ako!

That is the most selfish decision, Era! Ikaw mismo ay ayaw sa walang kasiguraduhan! Making him wait for something that is uncertain is so selfish!

Gaano kataas ang posibilidad na babalik ka? Gaano kalaki ang posibilidad na kaya ka niyang hintayin sa matagal na panahon? Just set him free! Hayaan mo siyang magdesisyon kung maghihintay ba siya o kalilimutan ka. At hayaan mo siyang sumaya muli kung sakaling may darating na talagang para sa kaniya.

Pakiramdam ko, pinupunit ang aking puso. Hindi ko kayang isipin na may iba pang mamahalin si Olzen. Gusto ko ako lang pero ayokong maging makasarili.

I will hurt him when I leave and it's just right to let him have his own happiness after he forgets about me. It's just right to wish him happiness even if it's not me.

"What are you thinking?"

"Iniisip ko... kung hanggang kailan mo kayang maghintay sa akin." Ngumiti ako.

His forehead creased. Naiiyak ako sa sakit at lungkot. Ayaw niyang ibaling sa iba ang atensyon, nanatili ito sa mukha ko.

"Until you're ready." Seryoso niyang tugon.

Really, though? Gusto ko pa sanang dugtungan pero baka mahalata na niya na may problema ako. Huminga siya ng malalim at inangat ang kamay.

"May I?" Tanong niya, naka-amba ang kaniyang kamay sa pagyakap sa akin.

Hindi ko na siya hinintay at ako mismo ang yumakap sa kaniya. Mahigpit iyon, sobrang higpit. I heard him chuckle a bit before I felt his hand wrap around me. We stayed silent for a minute. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng kaniyang puso. Akala ko ang ako lang ang nakakaramdam ng gano'n!

"Bakit pakiramdam ko mawawala ka na naman sa akin?"

Napapikit ako ng mariin at umiling sa kaniyang dibdib. Pakiramdam ko dudugo ang aking labi sa diin ng pagkagat ko rito para lamang mapigilan ang paghikbi.

"Should I be happy that you're holding me like you don't want to let go or... should I be damn scared because you're holding me tight like this is the last time you will see me?"

Pinilit kong tumawa at hinampas ang dibdib niya. "Nababaliw ka na, Rosales."

Hindi siya nagsalita at mas niyakap lang ako ng mahigpit. I felt his heavy breathing and I know that he's bothered. Pumikit ako ng mariin para bawiin ang luha. Bahagya akong lumayo sa kaniya para tingalain ang kaniyang mukha.

He stared down at me, with bloodshot and cautious eyes. Dark and brooding, he searched my eyes for emotions. I raised my eyebrows.

"Minsan lang ako maging ganito kalambing kaya lubusin mo na."

Ngumuso siya at unti-unting lumuwag ang madilim na ekspresyon. He calmed down and pointed my nose. Tumama ang binti niya sa akin at ang kamay ay pinatong sa aking tiyan.

"Pero siguradong masasampal mo ako kapag lulubusin ko nga."

The brute smirked at me. I wasn't bothered by his playfulness. I was more happy that he calmed down.

Umirap ako sa kaniya kaya mas lalo lamang siyang ngumisi sa akin. Hinila niya ako palapit, halos wala nang dumadaan na hangin sa pagitan naming dalawa. Gigil niya akong niyakap kaya natatawa ko siyang hinampas.

"Let's not kiss for tonight please... I'm so addicted already that I might not control myself." Bulong niya.

Mas lalo akong tumawa at pinatong ang aking binti sa kaniya. Napamura siya at mabilis na tinanggal ang binti ko. His brooding eyes widened a bit.

"Anong ginagawa mo?" Paratang niya sa akin.

Bahagya niya akong nilayo. Ngumisi ako pero seryoso siya. I know it's wrong to tease him but I want to see his irritated face once more. Inosente ko siyang tiningnan.

"Sanay akong niyayakap ko ang unan ko ng gano'n." I said and put my leg on him again.

Napamura na naman siya at muling tinanggal ang paa ko. Natatawa ko siyang tiningnan. Salubong na ang kilay niya sa akin. Nakakuyom ng husto ang panga at ang pasensya'y nasasagad na.

"I didn't know you're a tease, Era. But it's not fucking funny." Matalim ang tono niya.

Umiling ako, natatawa pa rin. I just want to be happy, Olzen. Gusto ko lang ang huling alaala ko sayo ay nakangiti at tumatawa ako. Ayokong mag-isip ng ibang bagay.

"Huwag ka ngang magmura!" Suway ko sa kaniya.

"Stop teasing me too!" Singhal niya.

Itinikom ko ang labi para pigilan ang tawa. He was looking at me sharply with his ruminative eyes. His soulful eyes is the one I am going to miss the most.

"I'm not teasing you. Gano'n lang talaga ako matulog." Tumikhim ako.

Humarap siya sa kisame at hinilot ang kaniyang sentido. Problemadong problemado sa akin. I never knew I could be like this too.

Muli kong pinatong ang kanang binti sa kaniyang hita. Marahas siyang humugot ng malalim na hininga at muling tinanggal ang paa ko ro'n. Hindi pa nakakatumauli nang bigla siyang gumalaw at nasimulang kilitiin ako.

I laughed so hard. Hinampas ko siya at tinulak pero walang wala ang lakas ko sa katawan niya.

"Olzen, stop! I can't breathe!" Pigil ko sa gitna nang pagtawa.

He didn't stop. He pinned me down on the bed while tickling me nonstop. Muntik ko na siyang masipa, halos gumulong ako sa kama sa sobrang paggalaw.

"Oliver Blazen!" Sigaw ko.

Tumigil siya at binitawan ako. Lumayo siya at mala-demonyo ang ngiti sa akin. Hinahabol ko ang paghinga habang hawak ang aking dibdib. Tumaas ng bahagya ang aking damit, kitang kita ang pusod ko. Nagulat ako nang inayos iyon ni Olzen. Agad din siyang lumayo nang maibaba ang aking damit.

Matalim ko siyang tiningnan pero ngisi lang ang sinagot niya sa akin. The tables turned just like that! Nang pantay na ang aking paghinga ay tinalikuran ko siya.

"I'm going to sleep now." I said.

Naramdaman ko ang paggalaw niya at ang yakap niya sa akin mula sa likuran. I felt his massive body on my back. I felt his head on my neck and his hairy legs touching mine.

"I'm sorry." He apologized.

Ngumiti lang ako at mas sumiksik sa kaniya. Akala niya yata galit ako.

"Hindi ako galit. I'm just tired." Bulong ko.

He chuckled softly. Unti-unti akong hinila ng antok. His warmth and smell is making me sleepy.

"Let's sleep then. Good night..." namamaos ang boses niya.

"Good night..."

I felt him kiss my forehead before he settled behind me. Bumigat ang paghinga at ilang sandali pa ay alam kong nakatulog na siya. Unti unti kong kinalas ang yakap niya sa akin. Gumalaw siya at mas humigpit ang hapit sa katawan ko. Kinagat ko ang labi at unti-unti siyang hinarap.

I stared at his face all night. I memorized all his features. His nose, his eyebrows, his lips, everything about him. I want to always remember the face of the person who made me fall in love. Who was brave enough to face my principles. I want to remember my first love always.

Pumikit ako at hinalikan ang kaniyang noo bago ang kaniyang malalambot na labi.

" I'm so sorry because I have to leave you permanently this time. Sana mapatawad mo ako..." nanginig ang aking labi at tumulo na ang kanina pa nilalabanan na luha.

"I am going to miss you so much. Sobra sobra..." I cried silently.

"I love you, Olzen." I whispered.

I don't think anyone could understand the pain I am feeling right now. My heart is breaking to bits and I can't do anything about it.

Sa tuwing may pumapatak na luha ay kaagad ko ring pinapahid. Nakatitig sa akin si Mama, nahihiya akong ngumiti at umiling. Maingay sa loob ng airport at isang oras na mula nang makarating kami rito.

"O-okay lang po ako..." Tumikhim ako.

Huminga siya ng malalim at humarap kay Papa na pinapanood din ako. We're leaving today. Wala kaming pinagsabihan maliban kay Manang Nona. Siya ang naiwan sa bahay para maging care taker nito. Hindi ko alam kung anong balak nina Mama sa bahay, kung ibebenta ba nila ito o ano. Pero ang sasakyan namin ay nabenta na ni Papa kahapon.

Tumingala ako dahil hindi talaga mapigil ang aking luha. Ang sakit kapag ayaw mong umalis pero kailangan.

Apat na araw na mula nang makauwi kami galing Vigan. Noong Wednesday ay tumulak pa-Manila ang pamilya nina Olzen kasama si Lolo Ben. May dinaluhan silang pagtitipon ng isang kamag-anak nila. At bukas pa sila uuwi ng Tuguegarao.

Nagpapasalamat ako na gano'n ang nangyari. Hindi ako mahihirapan sa pag-alis dahil kung naro'n sila ay baka malaman din nila agad. Pakiramdam ko nagkakatugma ang nangyayari at wala akong magawa kundi tanggapin ito.

He's clueless and I'm so guilty. Kahapon ay bumisita ako sa puntod ni Lola at iniyak lahat ng hinanakit ko ro'n. Halos ayaw ko nang umuwi dahil ayokong nakikita ang mga naglalakihang bagahe naman at ang katotohanan na aalis na nga kami.

"Lola, p-pasensya po kasi hindi na namin maabutan ang unang anibersaryo niyo."

Hindi ako matigil sa pag-iyak. I feel so helpless with everything that's hitting me. Tinatanggap ko na lang lahat dahil wala naman akong laban.

Lola, please take care of Olzen and Kruise for me. I hope they will forgive me for leaving especially Olzen. I hope I can return and explain to them.

"Pangako... susubukan kong bumalik. Susubukan ko."

I deactivated all my social accounts before we went to the airport. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagdating namin sa Canada pero ayoko munang magkaroon ng koneksyon dito. Siguro kapag handa na ulit ako, I'll reach out here again.

Tumunog ang aking cellphone, hudyat na may mensahe. Nanginig ang aking labi nang makita kung sino iyon. Pigil ang hiningang binuksan ko ito.

Olzen:

Hindi mo pa rin sinasagot ang mga text at tawag ko. What's wrong?

Nanuyo ang aking lalamunan at tumulo muli ang mga pesteng luha. Agad ko itong pinahid. Naka-block ang number niya sa akin kaya hindi niya ako matawagan simula pa kahapon pero natatanggap ko pa rin ang kaniyang texts.

Maybe I'm stupid? Siguro. Naiisip ko, bakit hindi ko na lang kasi sabihin? Siguro naman ay maayos namin o magagawan namin ng paraan. Kaso nga lang, umuurong ako dahil sa takot. We're still young to take something seriously. Iyon ang itinatatak ko sa isip ko.

Olzen:

Hindi mo rin daw sinasagot ang tawag ni Kruise. Uuwi na kami bukas.

Marahas akong lumunok at pinatay ang cellphone. Tinanggal ko ang sim card at binali ito. Binalik ko ang cellphone sa bag at pumikit ng mariin.

Nang tinawag na ang flight namin ay halos hindi ako tumayo. Nilapitan ako ni Papa at tumango siya sa akin. Tinapik niya ang aking balikat at wala akong nagawa kundi humawak sa braso niya. Pakiramdam ko hindi kakayanin ng tuhod ko, nanginginig ako.

"You'll be fine, anak." Alo ni Papa habang

Hindi ako halos lumingon sa pinanggalingan namin hanggang sa makasakay na kami ng eroplano. The flight almost took us a day. Pagod na pagod ako pagdating namin ng airport sa Ottawa.

Si Mama ang nag-asikaso ng mga bagahe namin habang naghihintay kami sa lounge. Banyaga sa aking mga mata ang buong lugar kahit ang mga tao. Naka-upo sa tabi ko si Papa at pareho kaming naghihintay. Ang sabi ni Mama ay may susundo sa amin, isang matalik na kaibigan niya rito.

I saw Mama walking towards us while talking to someone on her phone. When she saw me watching her, she looked away with unreadable expression. I sighed and closed my eyes. I just want to rest now that we're here.

"Arturo." Narinig ko ang medyo balisang boses ni Mama.

Napamulat ako at nakita siya sa harapan namin. Hindi siya makatingin sa akin at kay Papa lang. Tumayo si Papa at hinawakan ang kaniyang braso.

"I need to tell you something..." humina ang boses ni Mama nang hinila niya si Papa palayo sa pwesto ko.

Tinitigan ko sila. Kumukunot ang noo ko. May problema ba? Hinilot ko ang aking sentido dahil sa sakit ng aking ulo. Maraming pumapasok sa aking isipan pero kaagad ko rin iyong binubura.

I want to start over again in this place. I want to stop thinkimg about what I left behind, even if it seems impossible. I don't know how to start again in this foreign place but I need to try.

I glanced over at my parents again. My forehead creased when I saw how serious they are while talking. Papa palmed his face and he looks so bothered and problematic. Mama is explaining to him something. They're far from me so I couldn't hear a thing, plus the inside of the airport is loud.

Nahagip ako ng tingin ni Mama. Umiwas siya at tinalikuran ako. Anong problema? Dumikit ang mata ko sa kanilang dalawa. Matagal silang nag-usap at nang bumalik silang dalawa ay tumayo ako.

"May problema po ba?" Nag-aalala kong tanong.

Gumalaw ang labi ni Papa para tumugon nang hilain ni Mama ang kamay niya. Nagkatinginan silang dalawa. Mas lalong kumunot ang aking noo. Hindi ako mapakali.

"Wala, Elais." Tumikhim si Mama.

Mariin ang tingin ni Papa sa kaniya. Hindi sila makatingin sa akin pareho.

"Mama, ano po-"

"My friend is here. Fix yourselves." Mama announced after checking her phone.

Suminghap ako at matagal bago iniwas ang tingin sa kaniya.

You are reading the story above: TeenFic.Net