Chapter 24

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 24

We're migrating to Canada.

At first I couldn't understand... perhaps, believe what Mama told me. Or maybe, I don't want to believe it. I don't want to believe that I will be leaving everything behind.

"We're moving to Canada. Doon na tayo permanenteng maninirahan. Iyon ang inaayos namin ng Papa mo." Panimula ni Mama nang paupuin niya ako sa sofa.

Nagsalubong ang kilay ko. Sinulyapan ko ang mga dokumento sa lamesa. Ang iba ay kay Papa at mayro'n din sa akin. Hindi mapirmi ang mga daliri ko sa paggalaw. Nanginginig ako sa gulat at mangha.

"B-bakit?"

Kumunot ang noo ni Mama sa tanong ko. Bakit? Bakit kailangang doon kami manirahan kung pwede naman dito? Ayaw kong maniwala na totoo ang sinasabi ni Mama pero ano pa bang magagawa ko? Hindi naman kami nagbibiruan dito at bumabalik sa akin ngayon ang mga narinig kong pinagtatalunan nila ni Papa.

"Elais, matagal na naming plano ito ng Papa mo. We would go there, live there permanently at... doon din sana natin ipapagamot si Mama, ang Lola mo. That's why I'm working hard there because that's the plan from the beginning." She said without blinking.

Natulala ako sa mukha ni Mama. Umawang ang aking labi at bahagyang naging emosyonal dahil sa pag-alala kay Lola.

"Dapat ay sa susunod na taon pa pag-uwi ko pero narito na tayo. Mama's gone already and I'm here to get you and your father. I am already processing everything. I hope you understand, Elais." Mama sighed.

Napalunok ako. Naninikip ang aking dibdib at hindi ako makahinga sa dami ng iniisip. I'm even panicking because I don't know what to think first!

"H-how about school, Ma? Ang pag-aaral ko," umiling ako.

Tinitigan ako ni Mama at umupo sa aking tabi.

"I found a good school for you. Ipagpapatuloy mo ang pag-aaral mo ro'n at iyong dati mong kurso pa rin. This is what I've been earning for, Elais. Kami ng Papa mo..." hinaplos niya ang aking buhok.

Naluluha akong tumingin sa kaniya. Her words are not sinking in completely. I feel like everything is happening like a wind, violently blowing without a warning.

"K-kailan?"

"Maybe in two months or earlier. We need also to process your documents in school pero patuloy ka pa ring papasok. Your Papa is insisting that we should consider your decision too, kaya gusto kong intindihin mo, anak. This is for the best."

"B-best? How is this for the best, Mama? Halos isang buwan pa lamang pagkatapos mawala ni Lola! I... I can't..." marahas akong umiling.

Hindi ko alam kung ano ang hindi ko matanggap. Ang bilis naman yata ng dalawang buwan!

"Kung hindi ko pa nakita ito, hindi niyo sasabihin sa akin, Mama! Bakit naman ang bilis?"

Dumiin ang tingin sa akin ni Mama. Nanlalabo ang aking paningin. My heart is aching too. Everything is messed up! I am still not over of Lola's passing and this one blew me off again!

"Elais, we don't have any reason to stay here anymore. Naka-plano na ito noon pa man. Nakabili na ako ng bahay sa Canada at handa na ang lahat." Her forehead creased at my refusal.

We don't have any reason? But I have so many reasons to stay here.

I want to visit Lola everyday. This is where I grew up, my comfort zone. And where my heart... found someone special.

I palmed my face and cried. Mama sighed sharply before hugging me.

"Pasensya na kung nabigla ka anak... I didn't tell you earlier o noong unang nag-desisyon kami ng Papa mo dahil naisip ko na mas maiintindihan mo kapag mas malaki ka na. If your Lola is still here then she'll go there with us too."

"H-hindi... hindi ba pwedeng huwag na, Ma? Maayos naman ang buhay natin dito..." nanginginig ang labi ko.

Kinalas niya ang yakap sa akin at hinawakan ako sa balikat para maharap siya ng husto. Pinunasan niya ang aking pisngi pero patuloy ako sa pag-iling. Pinirmi niya ako.

"Elais! Sabihin mo nga... tell me why you don't want to leave this place. A good life is waiting for us in Canada!" She emphasized.

Napatitig ako sa mukha ni Mama. Umawang ang aking labi pero wala akong masabi. My heart clenched when I remembered what's pulling me back.

"Is it because of this?" She said and pointed my chest, where my heart is.

My lips trembled when she shook her head. Mas bumuhos ang luha ko.

"Elais, you should understand that what I'm doing is for the best. I'm sorry anak. I'm sorry but you need to understand that there are more important things that we should face. You're intelligent Era kaya sana maintindihan mo..."

Hindi ako nakapagsalita. Nanghihina akong tumayo at nagpaalam na aakyat na sa aking kwarto. Tinawag ako ni Mama pero hindi na ako lumingon. Kailangan ko ng oras para pag-isipan lahat. Para intindihin at tanggapin lahat.

Para akong hinahampas ng malalaking alon, hinahampas akong muli kahit hindi pa nakakaahon mula sa una.

I can't sleep that night. I cried because of too much over thinking. My heart is pounding harshly in my chest... so bad.

All I could think is Lola, Olzen, Kruise and the things I will be leaving behind. How am I suppose to abandon everything? What will happen to Olzen and I? This is my comfort zone, I don't think I have the courage to step out of it.

May parte sa akin na gustong magalit kay Mama. Pero gusto ko ring intindihin ang gusto niya. She's right. There are more important things... than the reason why I don't want to leave.

Iyon ang hindi ko matanggap. That my mother is right and I should know what's right too. I should put in mind what's more important. I should ignore what's less important. Hindi ko matanggap na iyon ang tama.

My family is complete again. And I should be grateful. We're leaving to settle down in a good place. We're leaving for a good reason. I should be thankful and happy.

But how can I be happy about it when my heart is aching? Era, you should know better. You're intelligent. In times like this, you should use your brain not your heart.

Nakatulugan ko ang pag-iisip. Kinalampag ni Mama ng kwarto ko kinabakusan at tinatanong kung papasok ba ako dahil anong oras na. Wala akong ganang pumasok at hindi na niya ako tinanong. Hinayaan nila ako ni Papa na magkulong sa kwarto.

I feel like I' paralyzed on my bed. I don't have the strength to move. Simula nang magising ako ay hindi pa ako umaalis sa kama. I didn't do anything other than to stare blankly at my ceiling. At hindi ko pa malalamang umiiyak na pala ako kung hindi ko mahahawakan ang basang pisngi.

Tanghali nang muling kumatok si Mama. Hindi siya tumigil sa pagkatok kaya napilitan akong tumayo at pagbuksan siya. Her expression was hard when I opened the door but it softened when she saw me.

"It's already two in the afternoon. Kanina pa kita hinihintay na bumaba. Kumain ka muna. Hindi maganda ang nalilipasan ng gutom. Ihahatid ko ang pagkain mo rito." Aniya at umalis din.

Para akong robot habang kumakain sa aking kwarto. Tahimik si Mama nang muli siyang bumalik para kunin ang ginamit ko. Hindi rin naman ako nag-sasalita. Wala akong lakas para gawin iyon.

Alas kwatro nang maligo ako. Muli akong nakatulog at muli ring nagising sa sunod sunod na katok sa aking pinto. Humugot ako ng malalim na hininga at walang ganang binuksan ang pinto.

Mama sighed when she saw me. Umiling siya at sumulyap sa may hagdan.

"Olzen is downstairs. Hinahanap ka niya." Aniya.

Para akong natauhan sa sinabi ni Mama. Kinagat ko ang aking labi nang mapansin ang titig niya sa akin. Olzen's here! Hindi ko siya nakausap simula kagabi.

"Harapin mo 'yong tao, Era. At nasa iyo... kung sasabihin mo ang pag-alis natin." Malumanay niyang sinabi bago ako tinalikuran.

Lumabo ang aking paningin sa pamumuo ng luha. Mabilis akong pumikit para mawala iyon. Habang nag-aayos ako ng sarili ay siya ring pagdurugo ng puso ko. Pakiramdam ko, hindi ko siya kayang harapin ngayon.

Nasa hagdan pa lamang ako nang magkatinginan na kami ni Olzen. Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at seryoso ang tingin na ibinigay sa akin. Kinagat ko ang aking labi at dahan dahan na lumapit sa kaniya. Wala si Mama sa paligid pero may meryendang nakahain para kay Olzen.

"Hi..." I smiled weakly.

He didn't smile back and walked towards me. He's still in his uniform and I'm guessing he went straight here from school. His gray eyes we're dark and brooding. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko.

"What happened to you?" His voice was cold but there's still that touch of concern.

Kumurap ako dahil ramdam ko ang pamumuo ng luha. Huminga ako ng malalim.

"Si Mama?" I asked.

Kumunot ang noo niya saglit bago huminga ng malalim. His eyes were silently asking me questions but he's restraining himself from saying it out loud.

"She's in the kitchen."

"Can we go outside? Doon tayo mag-usap. I want the fresh air." I said softly.

Ilang segundo niya akong tinitigan bago pumungay ang malamig niyang mga mata. He held my hand softly and led me outside. Nakatitig lang ako sa kamay namin at 'tsaka lang natauhan nang nasa labas na at naramdaman ang panggabing hangin. Umupo kami sa may bangko, nakaharap siya sa akin.

"Hindi mo sinasagot ang text ko mula kagabi. I couldn't reach you the whole day too. I went to the memorial park after my last class but when I found out you're not there I drove straight here. I am sick worried, Era." He said a bit cold.

I looked at him apologetically. I tried to smiled but I couldn't even move my lips.

"I'm sorry. Sumama pakiramdam ko simula kagabi. Hindi ko na napansin ang cellphone ko at baka na-deadbat iyon kaya hindi mo matawagan. Natulog ako buong maghapon." It was a half-truth.

He stared at me, slowly I felt his coldness melting. I wanted to smile. Hindi ko alam na sa gitna ng sakit ay posible rin palang makaramdan ng saya.

I'm happy because I know that Oliver Blazen will never stay mad at me for a long time. He's basically a brute but he's soft when it comes to me.

Sinalat niya ang leeg ko bago ang aking noo. He sighed and held my hand. Napalitan ng sobrang pag-aalala ang kaniyang mga mata. This time, I gathered my strength to smile at him.

"Why do you always make me worry? You should have told me. I wanted to visit you during my breaks but we're rushing a project." He said softly.

Ngumuso ako at hinawakan ang kamay niya. Mas lumapit siya sa akin.

"It's fine. Ang importante ay pumunta ka pa rin. I'm sorry for making you worry."

Hinaplos niya ang mukha ko at pinagmasdan ako. Gusto kong iwasan ang mga mata niya. Pakiramdam ko matitinag ako kapag hinayaan ko pa ang aking sarili.

I made a decision already and I'm afraid I'll be a coward if I continue staring at his eyes. I'm scared I don't want to look away from it. I'm scared that I would miss his eyes so bad that I'll want to run back home after I leave. I'm so scared.

"Are you sure that's all? Umiyak ka ba? You're eyes are puffy." Kumunot ang kaniya noo.

I nibbled my lip. He got sharp eyes when it comes to me. Umiling ako at napalunok.

"I... I cried. I miss Lola..."

He puffed a breath and I was caught off guard when he hugged me tightly. He buried his head on my neck and I couldn't help but to shut my eyes tightly. His hug triggered my tears but I tried so hard to stop it.

"I missed you. Isang araw lang 'yon pero halos mabaliw na ako. I'm hopelessly in love with you, baby." He cussed under his breath.

Parang punyal sa puso ko ang mga sinabi niya. Ayoko siyang yakapin. Natatakot akong baka hindi na ako tuluyang bumitaw.

"I... I missed you too," I whispered.

He sighed deeply on my neck.

"Stop making me worry or I'll go really really mad." He warned softly.

He let go off me so he can see my face. I smiled at him. I hope he won't notice my bloodshot eyes. Bahagya akong yumuko at tumitig sa aking mga kamay. What should I do, Olzen? What should I do when I am also hopelessly in love with you?

"Papasok ka bukas?" He asked.

Huminga ako ng malalim at nag-angat ng tingin. Marahan akong umiling.

"I... want to rest. Siguro sa Monday na?" I smiled fakely.

Ngumuso siya at tinagilid ang ulo. Tumango siya makaraan ang ilang sandali.

"Okay. Pero bibisita ulit ako bukas at sa Sabado." Aniya.

Wala akong nagawa kundi tumango. I don't want him to notice anything awkward.

Nagpaalam siya kay Mama bago umalis. Hindi ako tinanong ni Mama kung ano ang pinag-usapan namin. My father tried to talk to me too but I just can't say anything for the meantime. I told them I won't go to school tomorrow too. Hinayaan nila ako.

Hindi maalis sa utak ko ang pag-alis namin. Kung anong mangyayari kapag aalis kami. Maraming bagay kaya walang pahinga ang isip ko. I made a decision already but I need time to finally accept it.

Kagaya ng pangako ni Olzen, binisita niya ako kinabukasan pagkatapos ulit ng klase niya at umakto ulit akong walang problema. Maayos din ang pakikitungo sa kaniya ni Mama, tinatanong pa kung kamusta ang pag-aaral niya. No'ng Sabado ay kasama niya si Kruise na nagpumilit raw sumama. Hindi ko sinasagot ang mga texts nila kaya naman nag-aalala siya.

Pagdating ng Lunes ay wala akong gusto kundi mag-Biyernes na dahilp gusto ko na lang ulit magkulong sa kwarto. Pero hindi gaya ng mga nakaraang araw ay mas may sigla ako ngayon.

"Why were you absent?" Tanong ni Gio nang makakuha siya ng tiyempo para kausapin ako.

Pagod akong tumingin sa kaniya. "Masama ang pakiramdam ko."

"Are you okay now?" His tone was laced with concern.

Tumango ako at tipid na ngumiti. Tahimik siyang bumalik sa kaniyang upuan nang pumasok ang susunod na instructor.

Sinauli niya ang mga exam papers namin. I was a bit bothered that my score didn't reach my expectation. I studied hard! Pero hindi kagaya no'n ay bumaba ang score ko. This is even our major! Halos umabot ako ng alas tres ng umaga para rito!

"Our highest is 96." Pahayag ng instructor namin.

My classmates reacted and some looked at my way, teasing me. Gusto kong umiling. That's not me! 75 lang ako, malayo sa mga above 90 na score ko no'n!

"Halimaw talaga 'tong si Sacueza!" Tukso ng isa kong kaklase.

"It's not Ms. Sacueza. It's Ms. Shin." Ngumiti ang instructor namin.

Natahimik ang klase. Sinulyapan nila si Zaira na nahihiyang ngumiti. Tinukso nila ito kaya mas lalong lumaki ang kaniyang ngisi. Napayuko ako at bahagyang nanlamig. Pumikit ako ng mariin.

It's fine, Era. It's fine. Hindi na rin naman importante dahil lilipat ka rin at baka magsisimula ulit. You should not make it a big deal.

Iyon palagi ang pampalubag loob ko lalo na nang kahit sa mga sumunod na nagbigay ng exam papers ay si Zaira ang halos highest palagi. Some of my scores are still good pero may ilan na hindi umabot sa nakasanayan ko.

"Era, sabay na tayo!" Pigil sa akin ni Gio nang makita niyang paalis na ako.

This is our last class for today. Tumigil ako para hintayin siya kahit gustong gusto ko nang umalis.

"Uuwi ka na?" Tanong niya.

Tumango ako at sabay kaming bumaba ng hagdan. Nasa ikalimang palapag ang huling klase namin.

"Hey, are you sure you're alright?" He asked when he noticed my silence.

"Oo."

"Okay lang 'yan. May pinagdadaanan ka lang ngayon pero alam kong makakabawi ka. I'm sure you'll top the class the next time."

Nilingon ko siya. Bahaygang kumunot ang noo ko. I looked away when I realized what he said. Hindi ko na masyadong inisip iyon pero pinaalala niya.

I'm not really a grade conscious or the very competitive one. I won't feel bitter when someone overpasses me. Nasanay lang ako sa matatas na marka pero ngayon ay nabigo.

Nagulat ako nang makita si Olzen na naghihintay sa may hallway kung saan maraming dumadaan at nakatambay na estudyante. Maraming napapatingin sa kaniya pero nasa cellphone lamang ang titig niya.

Tumikhim si Gio nang makita kung saan ako nakatingin. Saktong nag-angat si Olzen ng tingin at nakita kaming dalawa. His brows shot up.

"Mauna na ako, Era." Mabilis na nagpaalam si Gio.

Nagkatinginan kami ni Olzen. His dark gaze and how his brows pulled up, I knew that reaction very well. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?" Ngumuso ako.

"I'm waiting for you." Seryosong aniya at tumayo ng tuwid.

Inangat ko ang kamay para matingnan ang relo ko. Nagtaas ako ng kilay.

"May klase ka hanggang four thirty, hindi ba?" I asked.

It's still three o'clock in the afternoon. Bahagya siyang umirap na ikinagulat ko. Suplado niyang tinagilid ang ulo.

"Wala si Sir Asuncion. He went to Baguio to attend a seminar. Let's go?" Hinawakan niya ang aking kamay.

I pulled him back because I can feel that he's treating me coldly. I smiled because I know what it's all about.

"Don't be jealous." I said softly.

Hinarap niya ako. Ngumiti ako sa kaniya. Nanatili siyang suplado pero marahang kinuha ang bag ko. Ibinigay ko iyon sa kaniya.

"Bakit ako magseselos? Mas gwapo naman ako do'n." Mayabang niyang sinabi.

Halos matawa ako. "And I'm with you too."

Lumabi siya dahil sa sinabi ko. Unti-unti ay pumungay ang kaniyang mata at tumaas ang sulok ng kaniyang labi.

"Uh-huh. Let's go?" He smirked.

Tumango ako at hinayaan siyang hilain ako patungo sa parking lot. Dahil maaga pa ay nagpasya kaming pumunta muna sa mall at magpalamig. Pumayag ako kahit gusto ko na lang umuwi. Pumayag ako dahil gusto ko ring magpalamig... at makasama pa siya ng mas matagal.

Sa paborito kong milk tea shop kami pumunta. Pina-upo niya ako at siya ang nag-order para sa aming dalawa. Mahaba ang pila at nasa pinakadulo siya. Tuwing sumusulyap siya sa akin ay ngumingiti ako. Suplado siyang nagtataas ng kilay pero ang gilid ng labi'y umaangat.

My heart is silently aching. I don't have the courage to tell him that we're leaving for good. I don't know where to start if I decide to tell him.

Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Iniisip ko pa lang ay naiiyak na ako. Hindi ko na alam. Nakakapanghina pero kailangan kong maging matatag.

This is what I am afraid of. I'm scared of the future, of what lies ahead. I fear for the uncertainties that feels like a storm when it hits.

Who knew Lola would be taken away so unexpectedly? Who knew that we're bound to migrate to Canada? I was never given a warning and so, I faced it unprepared and unarmed.

Iniwas ko ang tingin kay Olzen dahil sa sakit na nararamdaman. Huminga ako ng malalim at pinaglaruan ang phone niya. Lockscreen niya ang picture ko. I look awkward in the picture. It was a stolen shot from him.

Bahagyang nakalingon at nakakunot ang noo, nakanguso at masungit ang tingin. I told him to change it but he refused. Hinayaan ko na lamang siya. I played with his phone while waiting.

Sa sunod na pag-angat ko ng tingin para i-check kung malapit na ba siya ay nagulat ako sa nakita. Nasa counter siya at mukha hinihintay na lamang ang order pero sa tabi niya ay si Zaira. Nag-uusap sila at tumatango ang huli. Ngumiti si Zaira at may sinabi niya ulit siya kay Olzen.

Sumulyap sa akin si Olzen at tinuro ako. Sumunod ang tingin ni Zaira at batid ko ang gulat sa kaniyang mukha nang makita ako. Para bang hindi niya inaasahang makita ako ro'n.

She smiled shyly at me but I didn't return the favor. Tinawag ang pangalan ni Olzen at kinuha niya ang order namin. Sinundan siya ni Zaira ng tingin habang naglalakad papunta sa akin. Nanatili din ang tingin ko sa kaniya kaya tuluyan siyang umiwas.

Kahit nasa harap ko na si Olzen ay nanatili ang mariin kong sulyap kay Zaira na

You are reading the story above: TeenFic.Net