Chapter 20

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 20

Puspusan ang paghahanda para sa nalalapit na foundation ng unibersidad. Wala akong sinalihan na sports comepition dahil hindi naman ako mahilig doon. Maliban sa debate ay sumali rin ako sa festival of lights kung saan by depertment ang labanan. Sa tuwing bakante ang oras ay gumagawa kami ng props at nagpapraktis ng cheer.

Maliban doon, ang prelims ay pagkatapos na ng foundation kaya naman ay gabi-gabi na rin akong nagbabasa. Panay din ang ensayo nina Olzen sa basketaball kaya naman hindi kami masyadong nagkikita lalo't minsan ay ginagabi sila sa praktis. Minsan ay lumiliban siya para lang maihatid ako kahit sinabi kong hindi na 'yon kailangan, but Olzen won't be Olzen when he's not stubborn at times.

"Nakakainis! Gusto ko talagang sumali sa badminton pero kasi wala kaming masyadong oras para magpraktis, kung mayro'n man ay ginagamit naman sa pagre-review para sa mga quiz na hindi natatapos!" Pagmamaktol ni Kruise.

Natatawa ko siyang tiningnan. Next week na ang foundation at buong linggo iyon dahil maraming activities. Kasalukuyan kaming gumagawa ng props kasama ang mga kasama ko sa FOL at ibang volunteer na walang sinalihan.

"Ang seryoso niyo masyado sa Health and Allied Sciences, ah." Puna ng isa sa mga kasamahan ko.

Ngumiwi si Kruise at tumango-tango.

"Kaya nga madalas silang panghuli dahil tutok masyado sa academics. Walang oras para sa ganito." Tumawa 'yong department leader namin na nagsu-supervise sa mga ginagawang props.

"Nakakainis!" Si Kruise na hindi matanggal ang simangot.

She'd been joining badminton competitions ever since our Senior High, ngayon lang siya hindi makakasali.

"You can join pa rin naman kahit hindi ka na mag-ensayo. You've been playing that ever since," I consoled.

"Mga star player daw ang lalaban sa ibang department. Ayokong sumali ng walang praktis lalo't halos isang taon akong hindi naglaro. Hayaan mo na nga! Next year, babalik ako sa laban!"

Sabado, buong araw kaming gumawa ng props. Mahirap ito lalo't lalagyan pa ng palamuti at ilaw. Sinundo ako ni Olzen sa university dahil wala na silang praktis. Halos gabi na nang makauwi ako at sa sobrang pagod ay sa kama ang bagsak ko.

When Monday came, everyone is hyped up in the opening program. The foundation is open for outsiders kaya naman sobrang dami ng tao. May mga estudyante mula sa ibang pamantasan kahit sa unang araw pa lang.

Naghahanda kami para sa debate nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Olzen.

Olzen:

Good luck! Anong oras matatapos ang debate mo?

Nagtipa ako ng reply at hinayaan muna ang dalawang kasama na pag-usapan ang ibang diskarte para sa pagsagot mamaya.

Ako:

Thank you. Mamayang ala una. May laro kayo ngayon 'di ba?"

Olzen:

Yep. Watch me later at 3 PM. Hindi ako maglalaro kung wala ka.

Halos matawa ako sa reply niya. Lubos ang pagpaparaktis nila tapos hindi siya maglalaro? You must be kidding me, Rosales! This brute!

Ako:

Oo na. I'll watch.

Nang pinayuhan na kaming maghanda ay tinigil ko na ang pagre-reply sa mga mensahe ni Olzen. Kalaban namin ang department nina Olzen at dahil kilala silang mapagkumpitensya ay medyo kinakabahan ako. Dati na akong sumasali sa ganito pero syempre iba pa rin kapag college na. Isang 3rd year at 4th year ang kasama ko kaya naman naging panatag din ang kalooban ko.

"From the Affirmative side, let us welcome the School of Accountancy, Business and Hospitality! Against the Affirmative government, the School of Engineering, Architecture, Interior Design and Information Technology Education is here to give us a good fight! Let us give each team a round of applause."

Tumagal ng lagpas isang oras ang debate. Lahat ng ibabatong argumento ay lubos na pinag-iisipan. Sa huli ay nagawa naming manalo. Bukas ay may laban ulit kami, ngayon naman ay mula sa department nina Kruise.

It was ten minutes before 3 PM when I went to the gym. Kailangan ko pa kasing tumulong sa finishing touches ng mga props. Punong puno ang gymnasium, halos hindi ako makagalaw sa dami ng tao kahit sa bukana pa lamang.

Saan ako uupo sa dami nito? Wala pa si Kruise dahil nag-volunteer sila sa paggawa ng props sa department nila. May mga nakikita akong kaklase ko pero hindi ko magawang tawagin dahil baka hindi rin marinig sa ingay. Isang tawag ang natanggap ko mula kay Olzen kaya naman lumabas muna ako ng gym.

"Hello?"

"Where are you?" Malalim ang boses niya.

"Nasa labas ako ng gym. I can't go in, sobrang dami ng tao. Baka wala na akong ma-upuan."

"Hinatayin mo ako r'yan." Aniya at pinatay ang tawag.

Tumayo ako sa gilid ng entrance habang hinihintay siya. Nang makita ko siya'y hindi siya agad nakalapit sa akin dahil may mga lumalapit sa kaniya at bumabati. Ngumuso ako habang pinapanood siya. Suot niya ang jersey nila at ang numero ro'n ay petsa ng kaarawan ko.

Nagtaas ako ng kilay nang makalapit siya. Hindi ko pwedeng i-tanggi na malakas ang dating niya sa tuwing naka-suot siya ng ganito. Bagay na bagay lalo't maganda ang pangangatawan niya. I really can't blame those girls if he continues being like this.

"Let's go inside. I reserved you a seat." He said.

Tumango ako. Hawak ang kamay ko'y iginiya niya ako patungo sa loob. Hindi kami dumiretso sa mga upuan sa taas, dumaan kami sa gilid ng court papunta sa bench ng mga players nila. My heart is pounding especially that I can feel the eyes preying on us.

"Buti pa si Rosales, may inspirasyon!" Tukso ng isa sa mga kasama niya.

Ngumisi lang si Olzen. Nang makita ko si Brylle ay ngumiti ako sa kaniya.

"Siguro naman ganado ka na, Rosales?" Dagdag pa ng coach nila.

Uminit ang pisngi ko dahil sa panunukso nila. Hindi naman sa hindi komportable pero, nakakahiya lalo't maraming nakakarinig. Umikot kami papunta sa hagdan patungo sa mga benches sa taas. May isang bakante sa tabi ng isang babae. Kinausap ito ni Olzen, kaklase niya yata. Nagpasalamat siya bago bumaling sa akin.

Hindi ako makahinga ng maayos dahil maraming nagmamasid sa amin. Pina-upo ako ni Olzen at yumuko para pumantay ang mukha niya sa akin. I heard gasps from the back but I couldn't care less.

"Sit here so I can see you clearly. What did I say to you? All these departments won't be lucky this year." Ngumisi siya sa akin.

Umirap ako sa kayabangan niya. Mas lalo siyang ngumisi sa akin.

"Tss. So chesty, huh? Anong department ba ang kalaro niyo ngayon?" Tanong ko sabay pasada ng tingin sa paligid.

Narinig namin ang pito, hudyat na kailangan nang maghanda dahil mag-uumpisa na ang laro.

"Department niyo."

Napatingin ako kay Olzen. Nanlaki ang aking mga mata. He chuckled at my reaction. Marahan niyang pinisil ang aking pisngi bago tumuwid sa pagkakatayo at tumakbo papunta sa court. Humugot ako ng malalim na hininga. Now, I'm torn between supporting my department and that brute.

First quarter pa lamang ay halos half quarter na dahil sa layo ng puntos. 8 to 26, nangunguna ang koponan nina Olzen. Sa bawat puntos mula sa kanila ay dumadagundong ang gym dahil sa sigaw ng mga supporters. May kasama pang cheer mula sa department nila.

Sa kinauupuan ay kitang kita ko ang seryosong paglalaro ni Olzen. He never smiles even when he makes a point. Makikipag-apir lamang sa kasamahan at tatakbo na ulit para harangan ang kalaban. Tuloy tuloy ang laro niya pero sa dulo ng half quarter ay pinagpahinga muna siya lalo't naka-dalawang foul na.

Hindi ako madalas manood ng ganitong laro pero hindi talaga maikakailang may pisikalan na nagaganap. Dalawang beses ko nang nakita na muntik nang mapaaway si Olzen dahil sa larong ito. Obviously, he's got temper that needs to be controlled.

Pagdating ng third quarter ay pinasok ulit siya. Nang mapunta sa kaniya ang bola ay nagsigawan ang mga babae sa kaharap naming bench. Nang mapunta ang atensyon ko ro'n ay nagulat ako nang makita si Van Fortunato sa pinakaharap at sumisigaw. May hawak pang cardboard na may nakasulat na "GO, ROSALES! ANGAT SEAIDITE!"

Umawang ang aking labi. Nagtatawanan at nakikisigaw ang mga kasama niya. One glanced at her friends, I immediately noticed someone familiar. Siya iyong babaeng nagtanong sa akin kung boyfriend ko ba si Olzen! What's her name again? Oh, Adel Tuliao. Base sa kaniyang ID ay Architecture student rin siya... no wonder.

Pinirmi ko ang labi at iniwas ang tingin sa kanila. Ang lakas ng sigaw nila. Binalik ko ang tingin kay Olzen na nagdi-dribble ng bola. Sinenyasan niya si Brylle na hinaharangan ng kalaban.

His jaw was clenching while glancing at his teammates. He can't pass the ball since there are guards around. One step to the right, then quickly to the left he was able to deceive the player that is guarding him. Behind the three point line, he jumped and aimed for a three points.

"Another three points from jersey number 2, Rosales!"

I caught my breath when he glanced at my direction and smirked sharply at me. Ngumuso ako at kinagat ang labi. Natanggal lamang ang tingin niya sa akin nang nagtuloy-tuloy ang laro.

Watching him play and do his passion makes my heart pound frantically. I can't help but be proud. And even with these ladies around, shouting his name... his eyes are all on me. I can't help but be confident.

Uminit lalo ang laban nang nagsimula na ang fourth quarter. 70-96, determinado ang mga manlalaro namin na habulin ang score, kaya naman pinag-iinitan nila si Olzen at 'yong team captain ng varsity ng skul na siyang palaging pumupuntos. Most SEAIDITE players are part of the varsity kaya naman nakakalamang talaga sila.

Nakatayo si Olzen at binabantayan ang isang kalaban nang pinasa sa kaniya ang bola. Mabilis niyang nasalo ito at nag-dribble. Sinubukan itong agawin nang nagbabantay sa kaniya kaya naman ginamit niya ang katawan para protektahan ang bola. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang siniko siya nito kaya nabitawan niya ang bola. Nakuha ito ng kalaban at nakapuntos ng dalawa.

"That shouldn't be counted! Foul 'yon!" Sigaw ni Olzen sabay senyas ng kamay sa referee.

Hindi siya pinansin ng referee. Kitang kita ko ang pag-iigting ng panga niya sa galit. Tinapik siya sa balikat ni Brylle at may sinabi rito. Umiling si Olzen at tumakbo papunta sa gilid ng court para bantayan ang isang kalaban. Bumuga ako ng hangin at iniwas ang tingin para kunin ang cellphone ko. I replied to some texts.

"Kotang kota na kayo ah!" May sumigaw sa court kaya naman napa-angat ako ng tingin.

Bahagyang natahimik ang sigawan dahil sa kumosyon sa court. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Olzen na hawak hawak ng mga kasama niya. Kitang kita ko ang dumi sa may kanang balikat niya at sa kaniyang damit. What happened?

"Hindi nga sinasadya e!" Sigaw ng isa sa mga manlalaro ng department namin, siya rin 'yong nakita kong sumiko kay Olzen.

Olzen pulled his hands away from his teammates and before he could punch the player, his teammates were able to stop him. Halos mapatayo ako lalo na nang kahit ang mga referee ay nakialam na. Ano bang nangyari?!

Nilingon ko ang kaklase ni Olzen sa aking tabi na nanonood din.

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko.

Tiningnan niya ako at nahihiyang ngumiti.

"Binangga no'ng Mercado si Olzen kaya hindi natuloy ang pag-dunk niya ng bola. Bumagsak si Olzen sa sahig kaya gano'n." Aniya saba'y turo sa bumangga kay Olzen.

Umawang ang aking labi at napalingon muli sa court. He looks so irritated. His eyes look so dark and his jaw was clenching badly. Kinakausap siya ng mga teammates niya at ang coach naman nila'y kausap ang referee.

"Ang dudumi niyo maglaro!" Sigaw no'ng mga supporters ng SEAIDITE.

Umangat ang tingin ni Olzen kaya nagkatinginan kami. Bahagya akong umiling at seryoso siyang tiningnan. Mas lalong kumuyom ang panga niya. Bumuga siya ng hangin at umiwas ng tingin bago pumunta sa bench nila. Sumandal siya do'n at tinakpan ng towel ang mukha.

I took a deep breath. Nag-aalala ako at ayokong mapaaway pa siya. Hanggang sa matapos ang game ay hindi na siya naglaro. Badtrip na badtrip siya kahit pa nanalo sila. Dinumog sila ng mga babae. Nanatili ako sa kinauupuan at pinapanood ang pagpapa-picture ng mga humahanga sa kanila.

It's just their first game and everyone is making a fuss out of it already. Tumayo na ako at akmang bababa na nang makita ko ang paglapit ni Van kay Olzen na nag-aayos ng sapatos. May sinabi si Van dito at ngumiti. Nag-usap sila saglit at nakangiting umalis si Van. Saglit akong natigilan dahil sa naramdamang lamig sa tiyan.

Pupuntahan ko ba siya o hihintayin na lang sa labas? Huminga ako ng malalim bago nagpasyang puntahan siya. Habang papalapit ay nakita ko siyang kinakausap ng coach nila. Nang makalapit ako'y saktong natapos ang usapan nila.

When he saw me, his lips twitched. Huminga siya ng malalim at tumayo bitbit ang bag. Tinitigan ko siya, pababa sa braso niyang may kaunting pasa.

"Congrats!" Ngumiti ako.

Hindi siya ngumiti pabalik, may bahid pa rin ng iritasyon ang mga mata. He's like this when he's really in a bad mood.

"Kamusta ang balikat mo? Masakit pa ba? May pasa ka, pumunta tayo ng clinic." Malumanay kong sinabi.

"I'm sorry," his lips were in a grim line.

Natigilan ako. Bakit siya humihingi ng paumanhin?

"Bakit?" Kumunot ang noo ko.

Tinitigan niya ako sa mata. Kinagat niya ang labi at umiwas ng tingin.

"I lost my temper... again."

My lips parted. My heart tugged and I realized what he meant. He knows I hate it when he loses his temper and becomes aggressive. And I know how hard he's trying to change the things I hate about him. I felt a peculiar pain in my chest. He's trying hard to be good but I know that he has his limitations.

"Hindi naman ako galit. Mas nag-aalala ako sayo." Ngumiti ako at inayos ang buhok niyang magulo.

He looked up to me. His eyes softened and his lips parted. He stared at me for a while before he puffed a breath.

"But I really want to punch that guy..." he whispered.

Tumawa ako. Badtrip talaga siya. Nalingunan ko ang ibang mga babae na nanonood sa amin at mukhang gusto pang magpa-picture sa kaniya.

His lips twitched at my laugh. He licked his lips.

"What should I do for you to calm down?" Nagtaas ako ng kilay.

Sinubukan niyang i-tago ang ngiti niya pero pumalya siya ro'n. Kinagat niya ang labi at lumapit sa akin.

"Have a date with me. May gagawin ka ba pa?" Mas nabawasan ang iritasyon sa mukha niya.

My heart sighed knowing that he calmed down. I smiled and shook my head. Bukas ang praktis namin para sa FOL kaya okay lang naman sigurong umalis na.

"Fine but first, let's go to the clinic."

Tumayo siya at hinawakan ang aking kamay. Kitang kita ko ang pag-ngiwi ng mga naghihintay sa kaniya lalo na nang hindi niya pinansin ang mga ito at nagtuloy-tuloy sa paghila sa akin papunta sa clinic.

Sa sumunod na araw ay mas naging busy pa kami. Sa laban namin sa debate ay natalo kami ng department nina Kruise. Naghalo kasi ang School of Education, Arts and Science at School of Health and Allied Sciences dahil hindi gano'n karami ang estudyante do'n. Ang pagkakaalam ko'y mga Seniors ng Political Science ang nakalaban namin at mga batak na raw 'yon.

Kapag gabi'y kasama ko sina Kruise at Olzen na nanonood ng mga night competitions. The school also invited local artists to perform. Sa pangatlong araw ay hindi ako nakanood ng laro ni Olzen dahil sa araw din na iyon ang kompetisyon ng FOL at kailangan namin ng dry run. Ayaw niyang maglaro kaya kailangan pa akong kausapin ng coach nila na pilitin si Olzen.

"Kapag nag-champion kayo... I'll have a date with you this Saturday."

Matalim niya akong tinitigan. Ngumuso ako at nagtaas ng kilay. Kanina ko pa siya pinipilit. Hindi ko naman magawang magseryoso at pagalitan siya dahil naaaliw ako sa iritadong mukha niya.

"Tss. It's not like you won't have a date with me if we won't." Umirap siya.

Kailangan ko pang kagatin ang labi para lang pigilan ang tawa. The brute is giving me an attitude. Pinagtitinginan pa kami lalo't nasa harap kami ng gym at maraming tao. And I need to go to our practice now!

Nagseryoso ako at malamig siyang tinitigan. Tumikhim siya at bahagyang natinag nang makita ang ekspresyon ko.

"Then I won't date you anymore kapag hindi kayo mananalo."

His brows shot up. He looked at me sharply, hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Fine! You should go to your practice now." He said coldly.

I smiled because I know his coldness won't last long. I slanted my head and waved my hand in front of his irritated yet gorgeous face.

"Good luck! Galingan mo ha? At 'wag masyadong mainit ang ulo!" Tinapik ko ang baywang niya at tumakbo palayo ro'n.

Kagaya ng inaasahan, nanalo ang department nina Olzen sa Festival of Lights. Pangalawa kami at masaya na kami ro'n. Sa sumunod na araw ay kasama ko si Kruise na sumakay sa mga rides na hinanda sa skul. Habang nasa taas sakay ang ferris wheel na saglit tumigil para bigyan kami ng pagkakataon na makita ang buong paligid ay nagkwentuhan kami.

"Alam mo bang kahit 'yong mga ex ni Kuya e nanonood ng game niya kahapon? Patay na patay pa rin!" Tumawa siya.

Ngumuso ako. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi niya.

"At 'yong sinasabi mong si Van Fortunato? Halos ayaw umalis sa tabi ni Kuya nang nagpa-picture siya," dagdag pa niya.

Umirap ako. Hinahayaan ko na lang ang mga babaeng lumapit sa kaniya. Hindi naman niya kasalanan na maraming humahanga sa kaniya kaya wala akong karapatang pagbawalan siya. Lalo't hindi ko siya boyfriend. I think I don't have the right to tell him that even though sometimes I am not comfortable when girls swarm around him.

"At kahit 'yong kaklase mo... si Zaira? Nakita ko siyang binigyan ng drinks si Kuya at nagpa-picture rin. Bakit ba kasi wala ka? Dapat binabakuran mo na si Kuya!" Umiling siya.

I stopped watching the students on the ground. I glanced at her with furrowed brows.

"Si Zaira?" Tanong ko.

Tumango siya habang tumatawa at tinuturo ang nakita niyang kaklase sa baba. Natigilan ako at saglit na napa-isip. Sa huli ay tinanggal din sa isipan ang tanong. Ang pagkakaalam ko'y nililigawan na siya ni Gerald. I saw them together yesterday too.

Sa gabi ng huling araw ay may gaganapin na concert sa open field ng school. Magkasama kami ni Olzen na dumating kaninang tanghali pero naghiwalay din kami dahil kailangan kong puntahan ang mga kaklase ko at sumama naman siya sa mga teammates niya.

Olzen is already on the open field, iyon ang mensahe niya sa akin. Hindi ako agad nakapunta dahil naaliw ako sa pakikipag-kwentuhan sa mga dating kaklase ko no'ng Senior High. Pagkatapos do'n ay nakita ko pa sina Gio at ibang kaklase ko rin na iba na ang set ngayon.

"Usap usapan kayo ni Rosales. Kayo na ba?" Tanong ni Gio nang makalapit siya sa akin.

Nilingon ko siya. Balita ko ay mga girlfriend na siya.

"Hindi." Umiling ako.

Kumunot ang noo niya at nagkibit ng balikat.

"Oh? Hindi pa kayo sa lagay na 'yan? Ano? Mutual understanding lang? Nanliligaw?" Sunod sunod niyang tanong.

"Why are you curious?" Tipid akong ngumiti.

Ilang segundo niya akong tinitigan bago umiwas ng tingin.

"Wala. Palagi ko kayong nakikita kaya akala ko kayo na. Sa totoo lang... hindi kayo bagay, Era." Seryoso niyang pahayag.

I looked at him in a surprised manner. Napakurap ako sa gulat lalo na nang mas lalo siyang nag-seryoso nang sumulyap sa akin.

"B-bakit?"

"Hindi naman siguro lingid sayo ang reputasyon ni Rosales. He's a playboy... sa

You are reading the story above: TeenFic.Net