Chapter 16

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 16

Thursday pa lang, pakiramdam ko ubos na ang energy ko para sa linggong ito. Unang klase ko ngayong araw ay P.E. Nasa gymnasium kami at naghihintay ng instructor.

I was scrolling through my social media account when someone sat beside me, stealing my attention.

"Hi, Era..."

It was one of my new classmate. Singkit siya at mahaba ang buhok, maputi at pansin ang pagiging Koreana niya. She's half Korean, that's what I know. And if I'm not mistaken, her name is Zaira Shin.

"Hi," I smiled.

"Okay ka lang? Nag-iisa ka rito sa gilid." Tanong niya.

"Oh... I'm fine." Tugon ko sabay sulyap sa mga dating kaklase na malapit lang naman sa akin.

"Matagal ka na ba rito sa University?" She asked.

I turned off my phone to attend to her.

"Since grade school. Bakit?"

She smiled shyly at me. Mas lalong naningkit ang mga mata niya. She's very beautiful. Her glossy skin suits her.

"I'm glad... I mean, even though I've been here for months, hindi ko pa rin nakakabisado ang skul."

"You need help to anything? Galing ka ng UST... am I right?"

Tumango siya at ngumiti. "Can I ask you with anything I don't know? I'm comfortable with you."

Natahimik ako. She folded her lips and looked at her polished finger nails.

"I mean... kung okay lang sayo." Aniya.

Tipid akong ngumiti at tumango na lamang. There's no problem in that.

Hindi siya umalis sa tabi ko kahit nang dumating na ang instructor namin. She was silent all throughout the discussion. Hindi ko rin naman na siya napansin dahil abala ako sa pagtatake down notes ng subject description.

Pagkatapos ng klase, pababa na kami sa benches nang napansin ko ang pagpasok ng grupo ng mga lalaki. I noticed that some of them are familiar because they are Olzen's teammates. Nagsimula silang maglaro ng baskteball nang palabas na kami. Iniwas ko ang tingin sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad palabas.

Nasa bukana na ako ng gymnasium nang makita ko si Olzen. He's on his PE uniform and walking towards our direction. I didn't see him whole day yesterday. Not like the past days, I have come to able to control my feelings. My heart might be pounding hard but it won't reflect on my expression.

I cleared my throat and kept a cold facade as I look away when I saw that he's near. Hindi ko alam kung nakita na niya ako. I need not to care.

"Era!" I heard someone call me.

Hindi pa ako nakakalingon nang maramdaman ko ang pagbangga ng katawan sa taong nasa harapan ko. I was busy looking at the ground that I didn't notice my surrounding. Suminghap ako nang maamoy ang pamilyar na pabango.

Hesitantly, I looked up and my shameless heart sighed at the sight of Olzen so close to me. He towered over me and with that imposing air he carries around him, some eyes were glued on us.

He's jaw was clenching and there was no trace of any light emotion on his face. His brows furrowed for a moment while looking in front.

Napansin ko ang bola sa kaniyang kamay. Nang dinungaw niya ako ay halos mapaatras ako. His cold eyes gave me a hollow feeling.

"Dahan dahan naman, p're." Malamig niyang sinabi sabay bato ng bola pabalik sa court

What just happened? Hindi pa ako nakakagalaw nang may humila sa kamay ko. I saw a concerned Zaira in front of me.

"Are you okay, Era? Muntikan ka nang tamaan ng bola!" She exclaimed.

Humugot ako ng malalim na hininga at imbes na sagutin siya ay sinulyapan ko si Olzen na kunot noong nakatingin kay Zaira. Nasagi siya nito sa pagmamadaling kamustahin ako.

I was expecting that he'd look at me but when he continued walking without glancing at anyone, I felt cold.

Era, nakakalimutan mo na ba ang ipinangako mo sa sarili mo? Ignore him! And do not expect anymore!

"Era?"

"Yes, I'm fine." I answered coldly and smiled at her.

Hindi ko na nilingon ang loob ng gym at malalaking hakbang ang ginawa para makaalis agad doon.

Kagaya ng palagi kong ginagawa kapag free time ko, tumatambay ako sa learning hall. Ngayon ay nasa i-kalawang palapag ako dahil puno ng estudyante sa unang palapag. I brought with me one of my thick instructive books so I can do advance reading.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ay natigil ako dahil sa pagdating ng grupo ng mga babae na medyo maingay. As they settle down to their seats, they can't stop talking about something. It wouldn't be a problem only if they keep it low, especially that their table is close to mine.

Sinubukan ko silang ignorahin pero nang may tumili sa kanila ay mariin na lamang akong napapikit. This is a wrong place to go when you want to read peacefully. I should have just went to the library.

"I can't believe she did that! Sana man lang sa pribadong lugar ginawa!" Tumawa ang isa sa kanila.

"Girl, syempre when you like a person that much, you'll take it to the next level!"

"Pero syempre kapag naman aamin ka, 'wag na sa publiko!" Ngumiwi iyong nag-iisang short hair sa kanila.

"Presidente ba naman ng student council ang aamin sayo. Crush ko si Olzen, pero hindi ko maikakailang bagay sila ni Ate Van!" Kinikilig na sambit ng isa pa.

Kumunot ang noo ko sa pinag-uusapan nila. Can't they have something better to talk about? And wait, Olzen? I believe there is only one Olzen in this school. Napatuwid ako sa kinauupuan at mataman na pinagmasdan ang grupo.

My forehead creased at the information. Their giggles are distracting me.

If they're talking about Van Fortunato, the President of the College Student Council then I know that girl. She's older than Olzen, probably in fourth year now. And she's an Architecture student. And what did I hear? She confessed publicly to Olzen? I can't seem to fully believe it!

"Hindi ba't matagal na ring walang girlfriend si Olzen? Swerte ni Ate Van kung gano'n!"

"Swerte rin naman si Olzen kay Ate Van kung sakali. Ate Van is pretty and intelligent, plus she's talented. Magaling 'yon sumayaw e."

I couldn't keep my calm while listening to their stories. I gritted my teeth when I felt my heart clutching in my chest. Hindi ko alam kung bakit masakit sa puso ang marinig na bagay si Olzen sa ibang babae.

All these girls are publicly admitting their feelings to him. And now that I finally ended us... he's free to choose again.

Are you really a fool, Elais Aurora? There was no "us", so stop thinking like you ended a relationship or something! And may I remind you again, stop thinking about him! Just stop!

Gusto ko maiyak sa pinaghalo-halong emosyon na pakiramdam ko hindi ko na kayang kontrolin. I have never been in this position before... kaya wala akong ideya kung ano ba ang dapat gawin. I just want to get rid of these feelings!

The idea of Olzen going back to his old habits made me somewhat angry. Gano'n na lang kadali 'yon? Oh! Oo nga naman, ako ang kumitil sa kung ano mang namamagitan sa amin. Wala siyang kasalanan, kaya malayang malaya siyang gawin ang kahit na anong gusto niya!

Sa galit ay mabilis kong tinanggal ang kwintas at itinapon sa bag ko. Pabagsak kong isinara ang libro dahilan kung bakit natigil sa pagkukwentuhan ang mga babae sa harap. I didn't apologize and just looked at them blankly. Umalis na rin ako ro'n at mabigat ang loob na nagtungo sa susunod na klase.

"What began a simple conversation, ended in love." Ngumiti ang instructor namin pagkatapos sabihin 'yon.

Tahimik ang buong klase. This is a minor subject and it tackles about self, and currently we are in the emotional part of the self.

"That is from the words of Mark Anthony. Who here have a boyfriend or a girlfriend?"

Naghiyawan ang iba naming kaklase. Nagtuturuan ang iba at napuno ng tuksuhan ang klasrum.

"Okay, Joshua. I'd like to ask a question. Paano nag-umpisa ang relasyon niyo ng girlfriend mo?" Tanong ng guro.

Nagkamot si Joshua ng kilay. Isa siya sa mga dati kong kaklase. Another roar of teasing enveloped the room.

"Uhm... ang totoo niya'n Ma'am, type ko na talaga siya dati pa. No'ng nagkalakas lang ng loob 'tsaka ko siya kinausap." Namumula si Joshua habang sumasagot.

"Personal? Or through text?"

"Through messenger, Ma'am. Wala ako ng numero niya e." He replied.

"And what was the first thing you said?" Ngumiti si Ma'am Steph.

"Hi. Gano'n Ma'am..."

Nagtawanan ang buong klase. Napangiti na lamang ako habang pinapanood ang pamumula ni Joshua. Pinaupo siya at bumalik si Ma'am sa pagsasalita sa harap.

"Anthony's point is that, when it comes to love, simple things can turn complex. Impossible can be possible. A smile can put you through a whirlwind of emotions. A person you hate can turn into someone you love. Things like that can happen."

Isang senaryo ang pumasok sa aking isip pero agad ko itong binura sa isipan.

"The emotional part of the self deeply involves the heart. And the heart are capable of feeling different emotions and one is love."

Tumitig ako sa gurong nakangiti habang nagtuturo. Love. What a big word.

"And love doesn't come alone. Nagdudulot ito ng mas marami pang emosyon. When you're in love, you can be happy. When you're in love, you can also get sad and angry. Ergo, the self is vulnerable to emotions. Hindi pwedeng hindi makaramdam ang tao ng kahit na anong emosyon. At puso natin ang nagtatrabaho sa parteng ito ng ating sarili."

In love... how deep should be the words, actions or feelings until we can say it's love?

Hanggang sa matapos ang klase ay nagtagal iyon sa isipan ko. I made an excuse to Kruise that I have to stop by at the market to buy something, para lamang hindi ako sumabay pauwi sa kanila.

Pagkatapos kumain ay sinamahan ko si Lola sa panonood ng TV. Papa is in his room already, taking his rest. Nakatawag na rin ako kay Mama kanina. Even if I want to read in advance, pakiramdam ko hindi ako magiging productive dahil sa dami ng iniisip.

"Kumusta ang pag-aaral mo, Apo?" Lola smiled at me when I sat beside her.

Sumandal ako sa kaniya at ngumiti. "Okay naman, Lola."

"Don't be too hard on yourself, hija. Alam ko naman na kayang kaya mo 'yan, nagmana ka kaya sa akin!" Aniya at tumawa.

Tumawa rin ako at hinawakan ang kamay niya. My grandmother is like my mother and to think that she's getting old and weak is making me sad. Tahimik kong minamasahe ang kamay ni Lola. Humugot ako ng malalim na hininga nang sumagi sa isip ko ang tanong na matagal na sa isip ko.

"Lola, how did you know you love Lolo Elis back then?" I asked softly.

Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin. Suddenly, she chuckled and put her other hand over mine. Matagal bago siya sumagot.

"Alam mo, Era... bilang isang guro, mataas ang standard ko pagdating sa lalaki noon. I have many suitors but I think none of them was good enough for me. Abala ako sa pagtuturo at hindi ko sila masyadong pinagtuunan ng pansin. I believe I can be independent forever and won't fall in love unless someone can pass my standard."

I smiled while imaging the young and beautiful Ethel Valle with a lot of suitors wooing her. Marami siyang litrato no'ng kabataan niya pa lang. My mom inherited her beauty.

"Pero nang dumating ang Lolo Ellis mo, nabalewala lahat ng pamantayan ko sa lalaki. Sabi ko, gusto ko ng doktor bilang asawa pero accountant naman ang binigay sa akin. Nawalan ng saysay ang mga prinsipyo ko pagdating sa pagmamahal. At doon ko nalaman na mahal ko siya, dahil pagdating sa kaniya, nawalan ako ng kontrol sa lahat." Ramdam ko ang ngiti niya habang nagsasalita.

Unti unti akong umahon sa pagkakasandal at pinagmasdan si Lola. She was smiling while reminiscing her love.

"You know it's love when you can't control your actions and feelings. When your standards or principles doesn't matter. That is falling in love."

Tumitig ako kay Lola. Nanghina ako sa mga sinabi niya pero ang tanong sa aking utak ay nasagot na. Gusto mang ipagpilitan ang sariling prinsipyo pagdating sa pinag-uusapan, hinuha ko'y hindi na ito epektibo pa.

"Pwede bang pigilan ang mahulog ang damdamin mo sa isang tao, Lola?" I asked weakly.

Nilingon ako ni Lola, ang ngiti'y mas lalong lumawak bago siya umiling. Hinaplos niya ang aking kamay at pinisil ito.

"I'm afraid that even magic can't stop someone from falling in love. Bakit mo naman natanong, Apo?"

Umiling ako at ngumiti bago sumandal ulit sa kaniya. Even magic?

"Bakit mo naman pipigilang mangyari ang isang magandang bagay? Masaya kaya ang magmahal." Tumawa si Lola at hinaplos ang buhok ko.

Kagat ang labi'y pumikit ako ng mariin. Hindi na kayang pigilan ang nararamdaman at gusto na lamang mamulat sa dati kong mundo.

Today is Friday and I just want the day to be done. Palabas sa ikalawa kong klase, sumabay sa akin si Zaira na hindi ko na natanggihan. Sabay kaming pumunta sa canteen at marami siyang tanong sa akin.

"I heard you're an achiever, sikat ka pala dati no'ng nasa Senior High ka?" She smiled at me while we're taking our seats.

Kumunot ang noo ko. "Kanino mo narinig 'yan?"

"Sa mga dati mong kaklase. Hindi naman na nakakapagtaka..." she muttered and opened her bottled water.

"What do you mean?" Tiningnan ko siya.

"I mean, the way you carry yourself and the way you answer to logical questions, halatang matalino."

Hindi ko natanggal ang tingin sa kaniya. It's just been a week since we know each other. I wonder how can she say those things. Hindi na lang ako nagkumento at nagsimulang kumain. Magkikita kami mamaya ni Kruise at sabay manananghalian. Pumayag ako dahil nabanggit niya na si James lamang ang kasama namin.

Sa pag-angat ng tingin ay nahagip agad ng mga mata ko ang taong iniiwasan kong makita. Through the glass windows, I saw Olzen with someone I least expected. Van Fortunato. They were walking together. Diretso ang tingin ni Olzen sa daan habang nakatingin naman dito ang babae.

The ugly feeling in my gut was worse than any of the first ones I felt. Parang hinipan ang mata ko ng malakas na hangin at ramdam ko ang paghapdi nito. I can feel a physical pain in every fiber of my heart. Walang pinalampas na himaymay at bawat parte'y pasikip ng pasikip.

I have never been this jealous all my life. I didn't get jealous this much every time I see a complete family. I never felt this way when I saw one of my classmate shopping together with her mother. Never did I.

I swallowed so hard while watching them until they disappear in my sight. Bumagsak ang tingin ko kay Zaira na galing din do'n ang tingin. Nang sumulyap siya sa akin ay napayuko ako. Mabilis kong niligpit ang mga gamit at tumayo na.

"I'm going to our next class," I muttered.

Kinurot ko ang sarili habang nakikinig sa instructor. I can't comprehend what she's discussing in front. Kanina ko pa pinipilit ang sariling makinig at isaulo lahat ng sinasabi niya. My heart is aching until now and I'm very furious because of it.

"Ms. Elais, can you please stand?"

Napatitig ako sa guro. "P-po?"

Kahit nag-aalangan ay tumayo ako. If she's going to ask me then I'm screwed. I was listening but I couldn't understand a thing!

"According to Article 1157, obligations arise from five sources. One of these is the quasi-contract which refers to a lawful, voluntary and unilateral act based on the maxim that no one shall unjustly enrich himself in the expense of another. Two common forms of quasi-contract are solutio indebiti and negotiorum gestio. Ano ang pinagka-iba ng dalawa?"

What?

I clenched the inside of my cheeks when I felt the stares from my classmates. Tinitigan ako ng instructor nang wala akong maibigay na sagot. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha. I glanced at the white board in hopes that I can find an answer on it but there was none aside from the title of our subject. Laws on Obligations and Contracts in the Philippines.

"Elais?"

Nahigit ko ang hininga nang mapatingin muli sa guro. I don't know the difference. I'm already sweating cold bullets when Zaira raised her hand. Napatingin ang instructor sa kaniya.

"Yes, Ms. Shin? Can you answer for Ms. Sacueza instead?"

"Solutio indebiti is when the payment was made by mistake and..."

I didn't pay attention to her whole answer because I am so disappointed of myself. Kung hindi lang ako pina-upo na ng instructor ay hindi ko pa mapapansin na tapos na si Zaira sa pagsagot. She smiled when I glanced at her. I looked away and took a deep breath.

Saktong alas singko nang matapos ang huli kong klase. Halos bumigay ang mga paa ko nang makababa ako mula sa ikalimang palapag ng gusali. Naglalakad sa gitna ng hallway, nakita ko si Bryle na may dala-dalang mga kahon sa kamay. He caught my gaze and he stopped when he saw me nearing him. Tatango lang sana ako at lalagpasan siya nang batiin niya ako.

"Hi, Era. May klase ka pa?" He asked.

Tumigil ako at gumilid para makadaan ang ibang estudyante.

"Ah, wala na. Bakit?"

Sinulyapan ko ang mga kahon na dala niya. Tatlo 'yon at patong patong, halos takpan na ang mukha niya.

"Nakakahiya pero... pwedeng tulungan mo akong dalhin ito sa MAPEH room? May klase pa kasi ako." Nag-aalangan siyang ngumiti.

Humugot ako ng malalim na hininga at tumango na lamang. Kinuha ko sa kaniya ang isang kahon. Mabigat ito kaya binawasan niya ang laman at nilagay sa kahong dala. Walang nagsasalita sa amin habang papunta kami sa may gym. Nakabukas ang pintuan ng MAPEH room kaya pumasok agad siya. Walang tao sa loob.

"Ilagay mo na lang do'n sa lamesa," ani Bryle sabay turo sa lamesang nasa gilid.

Tinalikuran ko siya at lumapit sa lamesa na walang laman. Maingat kong pinatong do'n ang kahon at inayos ang bag sa balikat.

"Tapos na-"

Natulos ako sa kinatatayuan nang makita si Olzen sa may pintuan. Hindi ko na mahagilap si Bryle. My stupid heart boomed in excitement when his eyes met mine pero kaagad din iyong nahalinhinan ng pait at galit. Iniwas ko ang tingin sa mukha niya at naglakad palapit sa pintuan.

I purposely tried to avoid any contact with him kahit pa na nakaharang na ang buong katawan niya sa pintuan. Nang hindi siya gumalaw para padaanin ako ay malamig ko siyag tiningnan. Katulad ko ay malamig din ang mga mata niya pero kumibot ang aking labi nang mapansin ang pananabik doon.

Humawak siya sa doorknob at isinara ang pintuan. My eyes widened a bit.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Dumiin ang titig ko sa kaniya.

Umawang ang labi niya habang dinudungaw ako. I hate that I need to look up just to meet his eyes! His stupid gorgeous face is making my heart sigh and I hate it!

"Mag-usap tayo," aniya.

"Wala na tayong kailangang pag-usapan." Malamig kong sinabi at sinubukang abutin ang doorknob pero hinarangan niya ito.

Unti-unting bumangon ang galit sa puso ko. How dare he act like this after ignoring me for days and going back to his awful habit!

He licked his lips and stepped closer to me. Mabilis akong umatras at pinukol siya ng masamang tingin. Naiirita ako sa sarili dahil nagugustuhan ko ang lapit naming dalawa. Don't tell me Bryle is part of this?! Ano pa nga ba?

"Damn it, Era. We have a lot to talk about." He uttered desperately.

Suminghap ako at itinikom ng mariin ang labi. His scent is bringing me a lot of good memories with him. I hate that it's making my heart clench and happy at the same time. Fine! Tapos na rin kami 'di ba?

I'll say what I say and I am completely done with him! It doesn't matter if my heart will bleed after this. It doesn't matter if my heart will miss him for the coming days! If this is the end, then let it be!

"Sige!

You are reading the story above: TeenFic.Net