Chapter 10

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 10

Hindi ako makakain ng maayos. Hindi ko alam kung para saan itong kaba ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil alam kong nasa harapan lang namin sina Olzen.

They were loud. I texted Kruise about it. This is a problem! Ang alam ni Olzen ay kasama ko ang kapatid niya. Na nasa bahay kami but now that he saw me, hindi ko na alam. I tried calling Kruise secretly, under the table, but she's not answering!

Nanlalamig ang kamay ko. Sumulyap ako sa table nina Olzen. Kausap niya si Bryle at nang sumulyap siya sa lamesa namin ay nasalo ko ang malamig na tingin niya. Suminghap ako at umiwas ng tingin. Gusto kong bilisan ang pagkain para mauna na ako pero hindi ko maubos ubos ang kinakain dahil tumatakbo ang isip ko kung anong irarason ko kapag bigla akong tinanong ni Olzen kung nasaan ang kapatid niya.

Pinilit kong tapusin ang pagkain ko. Diniretso ko ang malamig na inumin at huminga ng malalim. Tahimik naman sina Merlie at Kit sa pag-uusap tungkol kay Olzen sa hiya na baka marinig sila nito. Bumaling ako kay Gio na nakatingin din pala sa akin.

"Uhm, sorry, but I need to go. It's urgent," I said and looked at my watch.

It's 15 minutes before 4! Kruise, you are so doomed! She's not replying!

"Patapos na rin naman kami, Era. Emergency ba? Ano ba 'yon?" Usisa ni Gio.

Ngumiwi ako at bumuga ng hangin. It's rude to go first but I'm thinking of Kruise. God, kahit na naiinis ako dahil baka mapahamak pa ako sa Kuya niya ay ayoko namang mabuking sila.

"I'm sorry, I really need to go," I said and fixed my things.

"Alam mo, Era. Nakakatampo ka, parang ayaw mo kaming makasama. You're always distant." Ngumuso si Merlie.

Tinitigan ko siya. I don't have time to entertain their opinions, but I don't want to be rude.

"I'm sorry, urgent kasi, hindi ko na namalayan ang oras. Babawi ako next time." Bumaling ako kay Gio.

Tipid siyang ngumiti sa akin. Nag-offer siya na ihahatid ako sa labas pero tumanggi ako. Malas pa na bago ako makalabas ay madadaanan ko pa ang table nina Olzen. I made sure I didn't look at him again. My legs are wobbly as I walk past through them.

I was hopeful that I could pass through without any interrogation, but then as I expected, I got their attention.

"Era, where's Kruise?"

Biglang tumayo si Olzen at humarang sa daraanan ko. I literally froze for like, three seconds. Nagkatinginan kami. Nakadungaw siya sa akin. May bumati sa akin na mga kasamahan niya pero hindi ko sila pinansin. Malamig ang tingin sa akin ni Olzen. But then, I know very well how expressive his eyes is. His eyes looks cold but curious and expectant at the same time.

Umawang ang labi ko. I prepared for this a while ago but I think my mind suddenly went blank! Naninibago ako, hindi ko alam kung dahil ba hindi kami nag-usap ng dalawang linggo o dahil sa mga oras na 'yon, may sagot na ako sa mga tanong na bumabagabag sa akin.

"She's... she's..." I swallowed hard.

His eyes waned at me. Umigting pa lalo ang panga niya. Ikiniling niya ang ulo niya at biglang kinuha ang gym bag niya sa upuan. Tiningnan siya ng mga kasama niya.

"Nasa bahay niyo? Come on, sumabay ka na sa akin dahil susunduin ko na rin siya." He said and glanced at me again.

My eyes widened, but I immediately tried to act like nothing was wrong. Kruise, where the hell are you? And now I'm cussing, huh!

I gritted my teeth when he stood in front of me with his dominating stance. He looked at me with that challenging glimpse in his eyes. Na parang alam niya kung magsisinungaling ako o hindi. That he'd know if I'm making up stories to fool him. How could I lie then?!

Huminga ako ng malalim at kumalma. Alright, let's act like nothing is wrong. I avoided him for nothing. Umirap ako, nakita niya iyon kaya bahagyang tumaas ang kilay niya.

"Alright," I said coldly.

He looked relieved at my answer. He took a deep breath and glanced at his teammates. He gave them a fist bump. Ako naman ay sumulyap sa lamesa namin, they were watching me. Gio looked at me seriously. Umiwas ako ng tingin at bumaling kay Olzen. Saktong tapos na siyang magpaalam. Tumango lang ako kay Bryle bago sumunod kay Olzen na naghihintay sa akin.

Tahimik kami hanggang marating namin ang sasakyan niya. The frenzy beat of my heart as I watch him while he's driving seriously is making me mad. Umiwas rin ako ng tingin dahil ayokong mahuli niya akong nakatingin sa kaniya. I blew a loud breath as I tried to focus on the outside view. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng pick up.

I texted Kruise again but she's not replying. Kung wala pa siya sa bahay ay talagang mabubuking sila, maliban na lamang kung may maganda siyang rason. Ipinagpapasalamat ko na hindi na nagtanong si Olzen, pero pakiramdam ko, kaya siya hindi nagtatanong ay dahil may alam siya. Bumuntong hininga ako sa dami ng iniisip.

Parang may barrier sa pagitan namin ni Olzen. The closeness that once there is now gone. Gusto kong tanggalin lahat ng iyon sa isip ko. I don't want to over think things but it's coming through and it's unstoppable. Halo halo ang nararamdam ko, ang iniisip ko.

"This silence is killing me." Olzen gritted his teeth.

Tumigil siya dahil sa red light. Nilingon ko siya. Nakahilig siya sa upuan at nakapikit ang mga mata. His strong jaw was clenched and he looks so problematic. Hindi ko alam kung bakit. Nang nagmulat siya ay bumaling siya sa akin, nagkatinginan kami agad kaya't hindi na ako nakabawi.

"Gusto kong magtampo sayo, pero naiisip ko rin na wala pala akong karapatan. I don't have the damn right to ask you why you're avoiding me. Are you not comfortable anymore, Era?" Nagsalubong ang kilay niya at namula ang ilong.

Natigilan ako sa tanong niya. Pinanood ko ang mga mata niyang halo halo ang ekspresyon na pinapakita. Pagtatampo, galit, pagsusumamo, pagkabahala. Halo halo na hindi ko alam kung alin ang totoo, kung alin ang uunahin. I was stunned of his words. He's always been straightforward.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at umiwas ng tingin. Humigpit ang hawak niya sa manibela.

"Iniisip ko kung may nagawa ba akong ikinagalit mo. You were so expert at avoiding me and I thought you're not comfortable anymore." Suminghap siya.

Ramdam ko ang pait sa boses niya. Namamangha ako. I never saw Olzen like this before. He's always playful, mocking, serious or dark. Ngayon hindi ko maipaliwanag kung ano itong nasasaksihan ko. Sumisikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit.

"You avoided me too. You stopped texting me too." I said, even though I know it's a wrong logic.

Galit ang ibinigay niyang tingin sa akin. I tried to look at him coldly, but I just couldn't. I can't stand the anger and sting in his eyes.

"How could I not? I saw how hard you're trying to avoid me! I wanted to talk to you so badly, but I don't want to make you uncomfortable when I know you're preventing any confrontation with me. I'm thankful I was out of town. I tried to focus on my game and stop thinking why you're avoiding me." Sa matigas na ingles.

Nanatili akong tahimik. Umiwas ako ng tingin. Huminga ako ng malalim. Sumisikip lalo ang dibdib ko. I cannot believe that I can see pain in Olzen's eyes. Hindi ako sanay. Sumagi sa isip ko kung ganito rin ba siya sa mga past girlfriend niya? Mas lalong sumama ang pakiramdam ko. I feel like... to see him in this state should be illegal.

Umandar muli ang sasakyan. Mabilis ang pagproseso ng mga ideya sa utak ko. I know it's wrong to just suddenly shut a person off without reasons. Humugot ako ng malalim na hininga at mabilis na nagdesisyon.

"Take me to a place where we can talk quietly," I said calmly.

Sumulyap siya sa akin. Umawang ang labi niya, mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Umiwas ako ng tingin at pumikit na lamang bago humilig sa headrest ng upuan. I felt the car taking a U-turn. Pagkaraan ng ilang minuto'y nagmulat din ako para tingnan ang daan na tinatahak namin.

My forehead knotted. Where are we heading to? I'm not familiar anymore with the streets. Lumiko muli ang sasakyan at mas lalong kumunot ang noo ko nang mapansin ang malawak at kalmadong ilog na mas lumalaki habang papalapit kami.

Malalaking talahib ang nasa magkabilang panig ng daan ang pumalit sa mga bahay na nakikita ko. Sumulyap ako kay Olzen para sana magtanong pero nang makitang seryoso siya at malalim ang iniisip ay binawi ko na lamang ang tingin.

Nang tumigil ang sasakyan ay halos kaunti na lamang abot na namin ang ilog. Olzen positioned the car where in the back part is facing the river. Nakaharap ang sasakyan sa daan pabalik. Puro naglalakihang talahib lamang ang nakikita ko maliban sa mga tuktok ng malalaking gusali sa syudad.

Narinig ko ang paghugot ni Olzen ng malalim na hininga. Tumingin siya sa akin pero hindi rin nagtagal dahil lumabas siya ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Hindi na ako nakaangal nang tumayo siya sa gilid ng pinto at hinintay akong makalabas. Our eyes met and my heart sighed.

Natigilan ako nang mapagmasdan ang tanawin sa harap. Nag-aagaw ang kulay kahel, puti at asul sa langit. The lofty mountains from afar served as a background for the calm river in front of us. My eyes can no longer reach how far the end of the river is. I never knew there's a place like this here. Suminghap ako kasama ng hindi maitagong pagkamangha.

I lived here longer than Olzen. I was born here but I think he knows more of beautiful places that I've never visited. Parang siya itong lumaki rito sa dami ng alam niya.

"Saan ito?" Lumingon ako kay Olzen na nasa akin ang tingin.

Ang mapupungay niyang mga mata na nanonood sa akin ay naging seryoso. Umiwas siya ng tingin, nakatayo siya sa gilid ng pick up. Nakababa na ang takip sa likuran ng sasakyan.

"It's still in Tuguegarao." He said in his deep baritone.

"What do you call this place?" Bumaling muli ako sa tanawin.

"Riverside," tumikhim siya.

For a minute, we were silent. Pareho kaming nakatingin sa tanawin. Sa pagbabago ng kulay sa langit. Sa kalmadong agos ng tubig. Sa mga bundok na nagsisilbing bakod para sa paraisong ngayon ko lang nakita. Sa araw na nagsisimulang magtago sa mga bundok. Unti unting kumalma ang isip at damdamin ko, I then remembered why we're here.

"Olzen," I called softly.

His lips parted when he glanced at me. He looks like a bad boy in his basketball get-up. He always looks like a bad boy. I didn't like him in the past because I never had a thing for bad boys. I always admired soft and gentle-looking boys because I thought they were the ones that didn't inflict pain.

"Sit here," tinapik niya ang likuran ng pick up.

I pursed my lips. Tumingin ako sa skirt ko, gano'n din ang ginawa niya. He sighed and his jaw clenched. Lumapit siya sa akin at halos mapaatras ako nang bigla niya akong hinawakan sa baywang at binuhat. Napahawak ako sa balikat niya, gulat pa rin, at nang maingat niya akong naibaba sa cargo bed ay mabilis kong binitawan ang balikat niya.

We were so close that my heart is pounding so hard, my hands are shaking a bit and I'm very distracted with his manly perfume. Nagkatinginan kami. Malamlam ang kaniyang mga mata pero mukhang seryoso pa rin. Huminga siya ng malalim at humiwalay din. Tumayo lang siya sa gilid ng pick up at sumandal dito.

I was still in awe of what happened. My breathing was rapid and slowly, I tried to calm it. Inayos ko ang palda ko na umangat ng kaunti. Pasimple kong hinawakan ang dibdib. Pumikit ako ng mariin at sinubukang ayusin ang nagulong isipan.

"I told you you're not my ideal guy, right?" I gathered my strength to start the conversation.

I glanced at him. He licked his lips at my question. Hindi siya tumingin sa akin. His jaw clenched, but he remained looking at the scenery.

"That's why I'm trying so hard to be close to your ideal type." He drawled languidly.

Tumingin siya sa akin. Ipinatong ko ang mga kamay sa hita ko. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Ayaw ko nang magbulagbulagan sa sariling nararamdaman. Maybe it never happened to me before but I know that... I failed at keeping my walls high and sturdy.

Umiling ako sa kaniya. "Why are you trying so hard?"

Umawang ang labi niya. Nahigit ko ang hininga nang lumapit siya sa akin. Nanigas ang kamao ko nang itinuko niya ang kamay sa magkabilang panig ko. Ngayong naka-upo ako sa kaniyang pick up ay halos magkalebel na ang tingin namin. Amoy na amoy ko ang pabango niya, hindi ako halos makagalaw sa pagkabigla at mas lalong pagkabalisa ng puso ko.

Tinitigan niya ako. Hinuli niya ang malilikot kong mga mata niya. My lips parted, bumagsak ang tingin niya ro'n pero ibinalik din sa mga mata ko.

Naduduling ako sa lapit ng kaniyang mukha. He violated my personal space, but it was okay for me. And I wanted so bad to get angry because I didn't understand how it's okay when I should be protecting it from being invaded by the person I should be avoiding the most. I could no longer fathom the ideas in my mind.

"I told you, I'm not the prince charming type..." he licked his lower lip. "But this is the first time I wanted to change myself so that I can be accepted."

Hindi ako makahinga. Yumuko at pumikit ng mariin. Umiling ako para ipilit na hindi pwede. Na hindi pwedeng kami dahil magkaiba kami ng prinsipyo.

"What do I need to do, Era?" He said hoarsely.

Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan. Gusto kong kumawala pero wala akong lakas. Unti unti akong nag-angat ng tingin. Mapupungay ang kaniyang mga mata. Nagsusumamo sa isang bagay na ayokong ibigay dahil sa pangamba.

"I'm still not ready for this, Olzen." Mahina kong sinabi.

Hindi ko alam, kung saan hindi ako handa. Sa bagong nararamdaman ba o sa posibilidad na baka bumigay ako.

"I can wait. I can settle for whatever there is you can offer, for now, Era. Just don't shut me off like that..." nagsusumamo ang boses niya.

Mas lalo akong umiling. Please don't Olzen. Please don't let me fall even more. Stop while I can still end whatever I'm feeling for you.

"I want you to stop trying. Itigil na natin ang kung ano man ang mayro'n tayo ngayon." Suminghap ako.

Tinitigan niya ako. His lips parted and his eyes turned gloomy. Umiling siya at tumingala. Kumuyom ang kaniyang panga at umiling siya.

"Baby, that's too hard. Nag-uumpisa pa lang ako..."

Halos matunaw ako sa nanghihina niyang boses. Naantig ako sa mga nakikita ko kay Olzen. He's always tough and I can't believe he's this vulnerable right now. It feels so different, so strange but at the same time, comfortable.

"Just give me my chance. I want my chance, but I don't like forcing you into something you don't want..." the conviction in his voice is faint.

Ngumuso ako para pigilan ang nagbabadyang ngiti. How could I smile? I can't believe myself! Pakiramdam ko ayaw niya akong pilitin pero gusto niya talagang bigyan ko siya ng pagkakataon. Olzen knows how easily I get uncomfortable and cold, maybe that's why he's being careful.

Nag-angat siya ng tingin, nagkatinginan kami. Klarong klaro ang detalye ng mukha niya. Marahang naglakbay ang tingin niya sa mukha ko. Suminghap ako sa pagsikip ng dibdib ko. My heart is beating so fast. Olzen clicked his neck and his eyes got distracted on my parted lips.

I nonchalantly licked my lips while watching how his brows shot up. Olzen immediately closed his eyes and swallowed hard. I sighed.

"Paano kung ang gusto ko ay itigil na natin ito? Bumalik tayo sa dati kung saan ayaw na ayaw ko sayo at may malaking distansya sa ating dalawa?" Mahina kong sinabi.

He slowly opened his eyes. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at muling pumikit ng mariin bago yumuko. Bumuga siya ng hangin, hirap intindihin ang sinabi ko. He chuckled without humor.

"Ayoko... pero dahil galing sayo," nanginig ang boses niya, "susunod ako. I'm more than concerned of your feelings than mine."

I froze on my place. He stared at me, while I couldn't understand anymore what I'm feeling. Bumabalik sa akin lahat ng payo ni Lola, na huwag akong matakot subukan. Hindi ako takot sumubok, takot akong masaktan sa huli. But is pain really inevitable?

I have been hurt before, but for other reasons. I never saw myself hurting because of love, nor did I imagine getting a heartbreak from someone. I have always longed for the love that won't cause me any pain, yet I never knew I would start to like someone who'd likely cause me pain.

Sa gitna ng mabining hangin, tahimik kong tinitigan ko si Olzen. He stared back at me, gently but serious.

"I don't like playboys..."

Umawang ang labi niya sa sinabi ko. Mas lalong nangibabaw ang pagseseryoso sa mukha niya. His jawline showed a bit as he clenched his teeth.

"I'm a changed man..." he said like I need to believe him or it will be a matter of life and death.

Ngumuso ako. Kumunot ang noo niya. Iniwas ko ang tingin para hindi ako tuluyang ngumiti. Komportable ako sa lagay namin, hindi ko maipaliwanag kung bakit at ayokong kahit iyon ay isipin ko pa. Tinitigan ko ang magandang tanawin, batid kong nakatitig sa akin si Olzen. Pinapanood ang bawat galaw ko.

"It's getting dark, Olzen..." I whispered.

"Hmmm?" He sighed.

Sinulyapan ko siya. I pouted a bit at him. I don't want to tell him directly what I want.

"Let's visit here again next time," I said softly while looking at his eyes.

He gazed at me for a second before he nibbled his lower lip, then smiled a bit. He nodded calmly.

"Alright. Just tell me," malambing niyang sinabi.

I folded my lips and looked away. Ayokong salubungin ang tingin ngayong kalmado na siya at kitang kita ang pag-asa at galak sa kaniyang mukha. I can easily read him, his eyes are very expressive.

"Ibababa na kita," aniya at maingat na hinawakan ang baywang ko.

Humawak ako sa matigas niyang braso at nang maibaba niya ako ay binitawan ko rin. We entered his car silently. Habang pabalik na kami sa syudad ay walang naririnig kundi ang malamyos na musika sa loob ng kaniyang sasakyan.

"I want to lay down by the fire with you

Where souls are glowing, ever warmer too

Your love surrounds me like a lullaby

Singing softly, you are mine oh mine."

I sighed at the beginning of a new music. Unang beses ko itong napakinggan dito rin lang sa sasakyan ni Olzen. Tumingin ako sa labas, kung saan unti unting nilalamon ng dilim ang paligid. Suminghap ako nang marinig kong sinabayan ni Olzen ang kanta.

"Moon has never glowed this color

Hearts have never been this close

I have never been more certain

I will love you 'til were old."

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko. There's a big possibility that I will get hurt in the end. But there's also a possibility that I won't.

Which is bigger? I don't know, maybe the chance that I'd hurt. I glanced at Olzen. Is it worth the try? I can only know in the end.

"Maybe the night holds a little hope for us, dear

Maybe we might want to settle down, just be near

Stay together here..."

Tumingin ako sa relo ko nang malapit na kami sa bahay. My eyes widened when I saw that it's exactly six in the evening. Gano'n kami katagal do'n?

Habang pinaparada ni Olzen ang pick up sa gilid ng bahay namin ay napansin ko ang nakatigil na tryasikel hindi kalayuan sa amin. My eyes widened when I saw Kruise getting out of the tricycle.

I forgot about her! Suminghap ako kaya naagaw ko ang atensyon ni Olzen, sinundan niya ang line of vision ko. Tatawagin ko na sana ang atensyon niya nang bumagsak na ang tingin niya

You are reading the story above: TeenFic.Net