KLYD'S POV 01

Background color
Font
Font size
Line height

My life is peaceful as fuck. I don't like it, really. Hindi ko alam bakit yung iba mas gusto ng payapa at tahimik na buhay.

But when I met her, nagulo yung buhay ko. She is the disaster that I love.

__________

"Hoy, Klyde! You know yung cute na babae na ka block naten? Bro, gusto ka nya! Try make it out to her," Sabi ni Rence na ineengganyo na naman ako sa mga babae.

"Sayo na. Umamin sya kaso binasted ko den. Bro, wala sakanya yung sparks," Bulyaw ko sakanya.

"Tangina, bro. Hindi ko alam if bakla ka ba o ano, nakakatakot ka na tabihan," Sabi naman ni Jiro.

Tiningnan ko naman sila ng malagkit, "What if true?"

"Gago!" Sigaw nila at lumayo.

Tumawa na lang ako ng malakas. Grade 12 na ako't lahat pero hindi ko pa nararanasan magka bebe.

To be honest, I am planning to have one, but hindi ko pa kase nahahanap yung gusto ko.

Ayoko kase yung jojowain ko dahil sa ganda, dahil sa tropa, dahil sa katawan, dahil sa kasikatan, dahil sa yaman, the fuck, dude? I don't have that kind of mindset. Kase dyan nagsisimula yung pain.

Gusto ko kase gusto ko sya for no reason. I like her because that's what I really feel about her.

Oo sabihan na naten na para akong bakla or babae magisip pero ayoko baguhin sarili ko nang dahil lang sa wala akong quality na ganto ganyan.

I am just being myself.

Not until that day. That day that I experience the electricity, time stops, and I can see the sparks all over the place.

"Hey, bro! Tara clubbing later? Tapos na naman first sem eh. We deserve the night," Sigaw ni Rence.

Alam mo minsan hindi ko na feel na ligtas ako sa dalawang 'to eh.

"Ano, bro, everynight lagi mong deserve?" Kontra ko.

Paano ba naman kase, lagi lagi lasing 'to. Bangag ampota.

"Ikaw ba naman may sariling club, kung hindi ka purga sa alak nyan," Ani Jiro na natatawa na lang.

Umiling na lang ako. Tama naman sila, ang boring ng buhay ko kase. Wala man lang kakaiba na nangyayari.

No fights, no bebe, nakakabato.

Sumama ako sa club. At expected na, ang dami na naman pumalibot saken na babae.

Sinusubukan ko maattract pero wala talaga, pota, ano bang klase ng puso ang meron ako.

Not until I saw a girl, wearing a yellow off-shoulder. Nasa couch lang, together with the other guy.

But I can tell that hindi sila okay.

Umalis yung guy kase hinila sya ng isa pang girl, something's off.

Walang pasabi umalis ako sa table namin. Pumunta ako doon sa table ng girl, sya na lang den kase magisa don.

And by the look on her face, broken sya.

Asarin ko nga.

"Hey, Miss magisa ka lang?" I asked her obviously.

I don't know pero sobrang kaba ko noong tinapunan nya ako ng tingin.

"May nakikita ka ba?" Masungit na respond nya. I am not expecting that way tho.

Akala ko amg soft lang nya kase mukha syang mahinhin na medyo gaga, ganon.

"Hulaan ko biktima ka ng isang thomasian 'no?" Pang-aasar ko pa pero tinaasan lang nya ako ng kilay at inirapan pa.

First time lang may magtreat saken ng ganito. This is geting exciting.

"Sabi ko na eh! Alam mo, miss. Kung ako sayo, sa taga la salle ka na lang, iba magmahal kaming la sallian," I said at tinaasan pa sya ng kilay.

"Whatever. Pare-pareho lang naman kayong mga lalaki eh. Magagaling lang kayo sa mga sugar coated words nyo, duh," She said na parang dalang-dala na sa nangyari sakanya with that guy.

I wonder what was happened to them? But its good that they really didn't work out, kase tinadhana na talaga sya para saken.

"Nag-sugar coat ba ako sayo?" I said. 

She just shrugged, "Siguro sa mga susunod na araw, oo,"

"Try me," I said and smile, "De joke, hindi naman kita type eh kaya walang susunod na araw,"

And that was the first lie na nasabi ko. I don't know pero ang sarap nya lang asarin.

Hindi ko alam if dahil sa kalasingan or ang gaan lang ng loob nya saken. Kase kahit alam nyang stranger ako, kung ano ano sinasabi at sinasagot saken.

Niyaya nya ako sumayaw sa dancefloor, to be honest, hinila nya lang ako.

Ang lakas ng loob din netong babaeng 'to.

Natatawa lang ako sakanya kase parang wasted na sya, hilo na den.

"What's your name?!" Sigaw nya kase malakas den yung sounds dito.

"Klyd!" Sigaw ko.

"I am Ianne!" Sigaw den nya at ngumiti.

Shet, my heart! Aatakihin ata ako sa babaeng 'to. Walang pasintabi, ngingiti agad. Paano naman ako tska yung ano ko diba.

Nagtatawanan kami nang biglang may sumuntok saken. Sa sobrang bigla ko natumba ako agad.

What the fuck?

"Eli!" Sigaw ni Ianne na parang natauhan at inawat agad yung lalaki na yon.

Bakit ganto na lang reaksyon neto? Baka sya yung nang ghost.

"Are you okay?" Nagaalalang tanong nya sa akin.

"Yeah, yeah, dont worry about me," I said tska ngumiti.

"What the hell is wrong with you?!" Sigaw nya don sa lalaki.

"Eh, minamanyak ka na nyan eh! Tangina!" Sigaw nya pabalik.

"What the hell?! May evidence ka ba? Wala naman diba? Hirap sayo nagcoconclude ka kaagad!"

"Baket mo sya pinagtatanggol? Kase ginusto mo! Ginagago ka na, gustong gusto mo pa!"

"Wow, coming from you!" Sigaw ni Ianne tska sya nagwalk out.

Wow, gagi, nagcomfort lang ako nakakuha na ako agad ng suntok.

Bobo den kase nung Eli, iiwan tas babalikan, kung hindi ba naman tanga. Tas ngayon pag may kasamang iba, magsisisi, tas sasabihin babalik na.

Ano tska nya lang nalaman halaga nung tao noong may kasama ng iba.

Hindi ko alam bakit nangengealam ako, pero if I were him, hindi ko yon gagawin kay Ianne.

Ginto na gusto pa bato.

"Hey, dude! Anong nangyari sayo?" Sigaw nung dalawa na papalapit na sa akin.

"Thank you sainyo ha, sobrang aga nyo dumating grabe," Sabi ko at umiling iling na lang.

Ianne, huh. Name of my future wife.

__________

Months passed and hindi ko na ulit nakita pa si Ianne.

Nakakabato na naman. Vacant namin ngayon at nandito ako sa mall magisa.

Wala lang gusto ko lang ng fresh air at makalayo sa dalawang kumag.

Umay pagmumukha nila.

While looking around, nakita ko si Ianne, sa starbucks. Naka uniform pa sya.

Taga- UST pala sya. I thought Ateneo or FEU sya eh.

I smiled at pumasok na sa starbucks. Umorder muna ako at umupo bigla sa harap nya.

Yung two seats kase pinili nya.

"Is this seat taken?" I said at ngumiti.

Nagulat pa sya sa presence ko, "Well, I guess by you," Aniya sabay tawa.

Nagtaka pa sya kung bakit ako nandito, kaya nagexplain naman kaagad ako. Inasar asar ko lang sya, pero parang sanay na kaagad sya sa presensya ko.

Sadyang mataray lang talaga sya pero she is really a good person. She also said that bakit hindi daw ako mang flirt ng mga girls.

Hindi pa ba ako nagfflirt sakanya? I am trying, pero parang hindi nya halata, ano ba Klyd umayos ayos ka naman. Man up!

Hanggang sa nag aya syang umuwi. Hinahanap na daw sya ng parents nya.

At nagoffer ako na ihahatid ko na sya, pumayag naman sya agad siguro no choice na den.

I am nervous as fuck, kase feeling ko kaagad meet the parents na. Wala gusto ko lang umepal sa pamilya nya, para dagdag points.

Habang nagaasaran pa kami sa harap ng bahay nila biglang sumigaw yung Mom nya.

At nabisto nga kami. Binantaan nya pa ako na umayos daw ako.

Of course naman, future in laws ko eh.

"Who's him?" Tanong ni tita, tita muna bukas mama agad.

"I am klyd po, bestfriend po ni Ianne," Sabi ko kaagad kaya naman pinapasok ako sa bahay nila at pinakain pa.

Ininterview den nila ako, at feeling ko pasado naman ako sakanila.

Yes, Klyd ang lakas mo talaga. Unang araw pa lang lamang ka na agad.

I don't know but when I looked at her, alam ko na agad sa sarili ko na sya na yung babaeng dadalhin ko sa altar.


I know its corny at sobrang bilis, so that I made a decision na I should keep this to myself muna.


_________

Nanlalamig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ng malamig.


This day will be the best and memorable day for me.


I stood up when I saw Iya's family walking towards me.


I invited them before Ianne's graduation. We've been bestfriends since then. Sobrang tinago ko lang sa sarili ko tong nararamdaman ko. Ni hindi nya den ata nahahalata.


Pero mabuti na den yon, ayos naman na kami ngayon.



"Hijo, why did you invite us?" Tita asked.


Nagmano muna ako tska pinaupo na sila sa chairs.


"Uhm,"


Shit, Klyd kaya mo yan.



"To be honest, Tita and Tito, I am scared right now," Pagpapakatotoo ko.



I smiled nervously. Kaso mas pinakita ko sakanila na matapang ako.


"But I will going to say it na po." I said habang nakatingin pa sa mga mata nila na nagtataka.


"I am inlove," I said habang nakatungo.




"Oh God, Klyd, don't tell me you have a girlfriend na? What about my daughter? You should marry her!" Sigaw ni Tita na nagwawala na.



I chuckled. Grabe naman tita hindi ko naman alam na ganito kayo kaboto saken para sa anak nyo.



"Tita, kalma, hindi ako papaagaw sa iba," I said.



"Hey, kid, make sure na sigurado ka sa mga pinagsasabi mo, dahil pag ikaw sinaktan mo ang anak ko, alam mo na mangyayari sayo," Ani Tito na kalmado pero nakakatakot yung mga mata nya.


Wala pa nga parang papatayin nako.



I stood up and kneel infront of them.




"I will prove it to you Tita and Tito that I am going to love your daughter until my last breath," I said habang nakatingin sa mga mata nila.




"She is still clueless until now po, I just took this opportunity to prove that even though hindi nya pa po alam, kaya ko na syang mahalin at protektahan, at kaya ko po magantay until she's ready again," I continued.


"Then, bakit mo to sinasabi sa amin if wala ka pa palang plano na umamin at ligawan ang anak ko?" Tito askesd.



"Tinatanong pa ba yan Tito? Syempre ayoko lang den maunahan ano. Maganda po yang anak nyo, kaya hangga't maaga may slot na ako at may points na ako, mahirap na," Sabi ko na kaagad naman nila ikinatawa.


Alam nyo minsan, hindi ko na den alam if nakakatawa ba ako o happy pill lang talaga ako nina tita laging tuwang tuwa sakin.



We are in the middle of our conversation ng biglang dumating si Ianne.



"Why the hell are you kneeling infront of my parents?!" Sigaw ni Ianne.



Nagulat ako kaya bigla akong napatayo. Wtf, bakit sya nandito?


Hindi ko sya pinansin.



"And you Mom and Dad?! Bakit nyo ako iniwan sa bahay ha? Sino ba talaga anak nyo, ako o etong kupal na lalaking to?" Sigaw nya at tiningnan pa ako ng masama.

Wow, ang wild. Ror.


Ngumiti ako at nagpeace sign.


"Isa ka pa!" Sigaw nya.


"Sorry na gagalit ka agad, kiss ba ang gusto ng baby na yan?" Sabi ko kaya naman hinampas nya lang ako.


Ang sweet grabe.



"Papagawa na kase talaga ako ng rebulto ng parents mo, tas sasambahin ko na sila, kaya ako nakaluhod kanina, o ayan, nagpaliwanag nako a-"



"Dami mong sinasabi," Sabi nya at umupo sa upuan ko at kumain.


K. Purgang purga na ako sa pagmamahal nya.


Napangiti ako habang tinitingnan ko sya. Ianne, I love you. Its not a promise, its a will.


Masasabi ko den yan sayo, in the right time.


_________

ps. sorry for the super duper late update, but I hope that nagustuhan nyo huhu. comment and vote for part 2 of Klyd's POV.

You are reading the story above: TeenFic.Net