EPILOGUE

Background color
Font
Font size
Line height

EPILOGUE (LAST NEVO'S POV)



[ito yung time na nabaril si Serenity until end]



Isang putok ng baril at sigaw ni Fernia ang nagpakaba sa akin.

Agad kong nakita ang anak ko na duguan habang nakatutok si Yuvi dito.

Dalawang bala ang pinakawalan ko at nawalan sya ng hininga.

Bumagsak ang buhay ko.

Lahat ng saya bigla na lamang nawala. Lahat ng pag-asa ay nawala.

"Wag mong sigawan ang ina ko Fernia!"

Ang araw ng pagbagsak namin pareho.

Hindi ako nagsisi sa sinabi ko sa kanya. Sobrang nasaktan ako sa pagkawala ng anak ko.

Hindi nya maintindihan ang nararamdaman ko pero mali ako, mas mahirap ang pinagdaanan nya.

Tanaw sya habang umiiyak sa libing ng anak ko.

Mas sinaksak ang puso ko ang paghihirap nya pero mas nangingibabaw ang galit ko dito.

Hindi ko sya mapapatawad!

Ngunit... bakit parang kulang ako?

Akala ko ay babalik sya pero hindi. Hindi sya bumalik.

Ilang taon akong nangulila sa kanya. Ilang taong madilim ang mundo ko.

Araw-araw akong bumisita kay Serenity. Pero di ko inaasahan na sa araw na iyon na makikita sya.

Puno ng galit ang mga mata nito pati narin ang puso.

Ngunit biglaang nabuhay ang loob ko ng malaman kong may anak ko. Akala ko noon isa lang pero may nagpakita pang isa. Kakambal.

Biglang nawala ang lahat ng sakit sa puso ko. Para bang nabigyan na ulit ng kulay.

Lahat ng sakit unti-unting nawala.

Pero ang muling pag-iyak ni Fernia ang nagwasak sa puso ko. Ayaw ko syang nasasaktan ngunit nagkamali ako. Kasalanan ko.

Naging bingi ang puso ko sa kanya. Mas mahirap ang napagdaanan nito pero hindi ko alam.

Sobrang nagsisi ako sa lahat lahat. Ngunit huli na dahil sobrang galit ito sa akin at gusto akong umalis.

Kaya humingi ako ng isang linggo makasama sila.

Ginawa ko ang lahat para makuha ko muli sya pero sadyang matigas na ang puso nito.

"Bakit mo sinabi sa akin ito?"

"Baka sakaling mabago mo ang isip mo at sundan ako."

Nagbabasakaling tama ako at hindi ako nagkakamali.

Oo, alam ko masakit.

Pero ang alam ko ang sakit na iyon ang nagpaoatibay sa akin at sa aming dalawa. Hindi naging madali pero ngayon, alam ko na sa sarili ko ang gagawin.

Bumagsak man ang mundo ko pero muli itong binangon ng anak kong kambal at nilagyan ulit ng ilaw ni Fernia.

Ayoko nang wala sya ulit dahil sya ang buhay ko.

Ako si Nevo Gretakorn, renting inside her heart.

-
THE END✔

You are reading the story above: TeenFic.Net