CHAPTER 9

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 9




Nakauwi na kami galing sa hospital. Dalawang araw din ako doon kahit sinabi ko na kay Nevo na ayos lang ako.

Pero matigas ang ulo nya at palagi nya akong pinagsisilbihan.

Ako dapat ang magsisilbi sa kanya dahil ako ang sinasahuran nito.

"Tomorrow. We will visit your house. For now, magpahinga ka muna." Sabi ni Nevo at umupo sa sofa.

"Salamat pinaalala mo sa akin. Muntik ko pang nakalimutan." Sabi ko at ngumiti. Tumango lamang ito at napasandal sya sa likod at pumikit.

"Magpahinga ka na boss." Sabi ko dito.

"Stop calling me boss okay? Just call me by my name." Sabi nito kaya tumango ako.

Tumayo na sya at nagsimula na syang maglakad. Pero tumigil ito saglit.

"Goodnight." Sabi nya at nagsimula ng maglakad ulit at umakyat na.

Agad naman namula ang pisngi ko. Kinikilig ako e bat ba!

Umakyat na rin ako sa guest room at masayang humiga sa kama.

Natulog na ako.

"Will you marry me?" Tanong ng lalaki sa babae. Malabo parin ang nakikita ko.

"Yes! Yes I'll marry you Nevo!" Agad itong nagyakapan.

Nagpalit na ang nakikita ko at ibang senaryo naman.

"Ang ganda nya Nevo." Sambit ng babae habang karga ang sanggol.

"We will name her Serenity... Serenity Gretakorn."

Agad ako napabalikwas ng bangon. Panaginip na naman!

"Serenity..." Sambit ko at naluha.



-
To be continued.

You are reading the story above: TeenFic.Net