CHAPTER 5

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 5

"...Fernia."

Fernia? Sino si Fernia?

Bigla na lamang tumulo ang luha ko. Ano ba ito? Bakit ako nasasaktan? Sino ba si Fernia?

Agad kong sinuot ang nahubad na damit at mabilis na lumabas at pumasok sa guest room kung saan ako pansamantalang tumutuloy.

Sinarado ko ang pinto at napaupo. Bakit ba nasasaktan ako? Bakit... bakit parang sumakit ang puso ko.


Biglang kumirot ang ulo ko at may nakitang malalabong mukha.

"Mahal kita Fernia." Sabi ng lalaki pero malabo ang mukha.

"Mahal din kita, Nevo." Sabi naman ng babaeng malabo ang mukha.

Agad din itong nawala. Anong ibig sabihin non? Bakit bigla bigla ko nalang nakikita ang ganong imahe?

Pagod akong nahiga sa kama at tinitigan ang kisame.

Iniisip ang nangyari kanina. Nakakahiya! Hindi ko man lang napigilan ang sarili ko!

Namula naman ako sa naalala pero biglang nalungkot ng biglang pumasok na naman sa isipan ko ang pangalang Fernia.

Sino ka ba Fernia? Ikaw ba ang asawa noon ni Nevo?

At...

Sino nga ba ako at...

Ano ang nakaraan ko?

-
To be continued


You are reading the story above: TeenFic.Net