CHAPTER 34

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 34




Mabilis kaming nakarating sa airport.

"Dito lang kayo. Hahanapin ko lang ang daddy nyo." Hinihingal kong sabi.

Tumango naman ang mga anak ko.

Nagsimula na akong maghanap.

Lumipas ang halos isang oras ay hindi ko parin nakita si Nevo.

May nakita akong nagtatrabaho dito sa airport kaya tinanong ko ito.

"Ay ma'am 30 minutos na po ang nakalipas. Umalis na po ito." Sabi nito at umalis na.

Napatulala ako.

Umalis na sya?

Unti unti akong napaluhod. Bakit?

Bakit hindi nya ako hinintay?

Mahal nya ba ako?

Bakit tumuloy pa sya?

Tila ba nawalan na ng tibok ang puso ko dahil sa sobrang bigat nito.

Sana man lang hindi na sya umalis!

Huli na ang pagsisisi ko.

Nagpabebe pa ako pero heto ako ngayon hinahanap sya!

Napahagulhol ako at napayuko dahil sa kadismaya.

Sobrang sakit!

Sana inamin ko nalang sa kanya ja mahal ko sya, sobrang mahal.

"Nevo..." Hagulhol ko hindi matanggap na tuloyan na nga nya akong iniwan, iniwan na nya kami ng anak namin.

"Ako ba ang hinahanap mo?" Napatingala ako.

Ganon nalang ang tibok ng puso ko ng makita ko syang nakangiti habang hawak ang kambal.

Agad akong napatayo at tumakbo para yakapin sya.

Niyakap nya ako pabalik. Hindi tumigil ang luha ko.

"Hindi mo kami iniwan..." Sabi ko habang humahagulhol.

"Alam ko na e, susundan mo ako." Sabi ni Nevo.

"Mahal na mahal kita." Sabi ko dito at narinig ang tibok ng puso nya.




-
To be continued

You are reading the story above: TeenFic.Net