CHAPTER 30

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 30




Nang makauwi sila galing sa kung saan na sinabing family date ni Nevo ay agad pumunta sa kwarto ang mga anak ko at natulog.

Sobra ata silang napagod.

Gaya ng sinabi ko hindi ako sumama sa kanila.

Ayokong makita ang pagmukukha nya, kumukulo ang dugo ko.

Nang makatulog ang mga anak ko ay agad kong nilapitan si Nevo.

"Mag-usap tayo." Sabi ko at lumabas ng kwarto at pumunta sa sala.

"Ano ba ang pinaplano mo ha Nevo?" Tanong ko.

"Wala akong plano Fernia." Sambit nya.

"Make me fall inlove wih you?" I laughed.

"Oh come on, hindi yon madali Nevo,hindi." Sabi ko.

"Kung iyan ang paraan para mapasa akin ka ulit, gagawin ko ang lahat. Hindi ako susuko." Sabi ni Nevo.

"Ang kapal ng mukha mo." Galit na sabi ko sa mukha nya at dinuro sya.

"Sapat na ang masasakit na alaala Nevo. Ayaw ko nang masaktan pa. Lumayo ka na please." Sabi ko dito.

"Hindi... hindi ako susuko." Nawawalan na ako ng pag-asa.

"Just give me one week. Pag hindi ko nakuha ang loob mo... Aalis ako, at hindi na muling mangungulit sa inyo ng anak natin. Pero sa ngayon hayaan mo muna akong makasama ang anak ko." Pakiaawa ni Nevo.

"Pero kung may plano kang bawiin ang anak ko, wag kang magkakamali." Sambit ko at tumango sya.

"At wag na wag mo akong lalapitan." Sabi ko at pumunta na sa guest room.

Dumiritso ako dito dahil ayokong marinig ng anak ko ang iyak ko.

Ayaw kong nakikita nila akong nasasaktan.

Mas gugustuhin ko pang isarili ang nararamdaman ko.

Gusto ko ng matapos ang isang linggo na ito para lubayan na nya kami.

Ayaw kong mas mapalapit sya sa akin.

Marupok lang ang pananggala ko. Mabilis itong masira.

Hindi ko hahayanang saktan nya ulit ako. Ayoko nang marinig ang masasakit na salita sa bibig nya.

Unti-unti akong pinapatay!

At sana pagkatapos ng isang linggo ay hindi ko na sya hanap-hanapin pa.





-
To be continued

You are reading the story above: TeenFic.Net