CHAPTER 26

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 26




Agad napatingin sa akin si Nevo at ngumiti pero nawala ang ngiti nya ng may makita pa syang isang bata.

Nangintab ang mata nya at parang iiyak na.

Agad syang tumayo at nilapitan si Sevirous.

"Is he my son too?" Tanong ni Nevo kaya napaiwas ako ng tingin.

"Ang sabi ko anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

"Please tell me..." Pakiusap nito.

"Wala ka nang anak Nevo kaya umalis ka na." Sabi ko.

"But mommy-"

"Go to your room Serenisia, go get your sister. Wag kayong lumabas kung hindi ko sinasabi."

Agad nyang nilapitan ang kapatid at hinawakan ang kamay. Nang makapasok sila sa kwarto ay agad kong binalingan si Nevo.

"Anong ginagawa mo rito?" Ulit kong tanong.

"Bakit mo tinago sa akin?" Tanong nya kaya kumulo ang dugo ko.

"Nakakahiya naman sayo Nevo. May gana pa ba akong sabihin sayo na may anak tayo kung sa panahong iyon pinaalis mo ako? Kung sa panahong iyon ayaw mo akong makita?" Tanong ko at bumagsak ang luha.

"Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin 'yon?" Tanong ko dito at dinuro sya.

"Hindi mo rin naman alam ang nararamdaman ko Fernia. Ako ang nag-alaga kay Serenity, ako ang naghirap hindi ikaw! Malamang ganon nalang ang galit ko sayo!" Napasigaw ito kaya napanganga ako at sarkasmong tumawa.

"Ganon na nga e. Ikaw ang nag-alaga. Ikaw ang nagpalaki. Ikaw ang nakasama nya. E ako Nevo? Nakasama ko ba ang anak ko? Naalagaan ko man lang ba nong nagsakit sya? Naramdaman ko bang kompleto ako? Hindi ko kasi alam kaya wag mo akong husgahan!" Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Anytime ay parang mamatay na ako.

"Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin. Oo masakit sayo! Oo alam ko 'yon! Pero naisip mo man lang ba ang nararamdaman ko?" Tanong ko dito.

Hindi sya sumagot at nakatinin lang sakin, bumagsak ang luha nya.

"Uulitin ko Nevo. Ina ako! Kung sana man lang naranasan ko ang pag-alaga kung may sakit sya! Kung sana lang mas nayakap ko sya ng mahigpit! Kung sana lang nakarga ko pa sya hanggang lumaki sya. Pero hindi Nevo, maraming sana sa puso ko pero hindi ko magawa dahil wala na sya..."

"Sobrang sakit e alam mo ba yon? Kung kapalit lang ng ala ala ko ang buhay ng anak natin sana ay nalimot nalang ako ng tuluyan."

Napahagulhol ako at napaupo nalang dahil hindi na kinaya ng tuhod ko.

"Mas masakit sa akin Nevo dahil walang ina ang natitiis ang anak..."




-
To be continued

You are reading the story above: TeenFic.Net