CHAPTER 19

Background color
Font
Font size
Line height


CHAPTER 19




Nang inanunsyo ang pagkamatay ni Serenity ay parang namatay narin ako.

Kanina pa ako umiiyak sa harap ng kabaong nya. Hindi ko matanggap ang nangyari.

Sobrang hirap ng naramdaman ko.

Kung kapalit lamang sa ala-ala ko ang pagkawala ni Serenity. Sana ay nalimot nalang ako ng tuluyan.

Kaysa na ganito. Sobrang hirap.

Akala ko ay naubos na ang luha ko pero may iluluha pa pala ako.

Namamaga na ang ilalim ng mata ko at sobrang pula na ng mukha ko.

Nasaan na ba si Nevo. Bakit hindi sya nagpapakita sa akin simula kanina?

Galit ba ito sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa iniisip.

Handa akong tanggapin ang galit nya pero sana ay maintindihan nya ako.

Di ko ginusto ang nangyari!

Naiyak ulit ako. Sobrang sakit, sobrang sakit!

Napahagulhol ako.

Gusto ko ng karamay pero nasaan si Nevo. Kung kailan kailangan ko sya, kung kailan kailangan sya ng anak namin ay wala sya!

"Ikaw!" Rinig kong sigaw ng matandang babae. Ina ito ni Nevo.

"Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang apo ko! Sana ay hindi ka nalang bumalik!" Galit na galit ito habang tumutulo ang luha.

"Mahal...kumalma ka lang." Sabi ng Daddy ni Nevo.

"Hindi kita mapapatawad! Hindi ka mapapatawad ni Nevo..." Sambit nito kaya sobrang bilis ng puso ko.

"Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang apo ko..." Sabi nito habang umiiyak.

"Masakit rin sa akin! Anak ko rin sya! Wag naman kayong ganyan! Mas nasasaktan ako dahil dugo't laman ko sya nanggaling, kaya wala kayong karapatang ganyanin ako!" Di ko na napigilang sumigaw kaya natahimik sya.

"Wag mo sigawan ang ina ko Fernia!" Sabi ni Nevo.

Nevo...




-
To be continued

You are reading the story above: TeenFic.Net