CHAPTER 16

Background color
Font
Font size
Line height


CHAPTER 16




Walang hiya ka Yuvi!

Kaya pala iba ka makaasta, ikaw ang kagagawan ng lahat!

Sobrang sakit ng ulo ko pero kinaya kong tingnan ang litrato ng nakatalikod sa side table.

Naalala ko na ang lahat.

Itong nasa litratong ito ay noong kasal namin ni Nevo.

Napatakip ako ng bibig.

Kaya pala umiiwas sa akin si Nevo dahil ang pag-aakala nyay iniwan ko sya.

Pero bakit nya ako nirentahan bilang asawa? Bakit hindi nya agad sinabi sa akin.

Malakas akong napaiyak at napahagulhol.

Hindi ko alam kung mapaoatawad nya pa ako pero wala akong kasalanang nagawa.

Ginawa ko lamang iyon para mailigtas ko ang anak namin!

Sana maintindihan nya.

"Fernia..." Tawag ni Nevo sa akin.

Nagulat sya sa mga luhang nahuhulog sa mata kaya mabilis syang lumapit sa akin at mahigpit na niyakap ako.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya sa akin.

"Patawad mahal ko,patawad..." Sambit ko ngunit nangunot ang noo nya sa sinabi ko.

"A-anong sinasabi mo?"

"Naalala ko na..."

"Naalala ko na ang lahat."

Tumulo ang luha nya sa sinabi ko.




-.
To be continued

You are reading the story above: TeenFic.Net