CHAPTER 15

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 15




Isang linggo na ang lumipas. Pero hindi mawala wala ang nararamdaman ko.

Sobrang kaba ko parin. Nandito ako sa guest room at napagdesisyunang puntahan ito sa kwarto nya.

Gusto ko nang malaman kung ano nga ba ako? Baka sya ang makasagot lahat ng tanong sa puso at isipan ko. Lahat lahat.

Lumabas ako ng guest room at dumiritso sa kwarto nya ngunit pagbukas ko walang tao.

Pumasok ako at inilibot ang tingin sa kwarto nya.

Bigla na lamang kumirot ang ulo ko pero saglit lamang iyon.

May nakita akong maliit na box sa side table ng kama nya.

Malakas ang tibok ng puso ko habang hinawakan ko ito.

Sobrang bilis parang may nagkarerahan sa loob ko.

Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang gintong singsing.

Hinawakan ko ito at napaluha nalang bigla.

Sumakit bigla ang ulo ko sobrang kirot! Parang mamatay ako sa sakit!

Biglang may pumasok sa isipan ko,marami! Sobrang raming eksena, ito na ba yon?!

"Ikaw babae, tinanggap mo ba ang lalaking ito bilang iyong asawa?" Masayang ngumiti ang babae.

"I do father." Mas sumakit pa ang ulo ko at iba naman ang nakikita ko.

"Ang ganda talaga ng anak natin Nevo." Sabi ng babae.

"Kasing ganda mo mahal." Sagot ng lalaki.

Iba naman ang nakita ko.

"Isulat mo yan! Kundi papatayin ko ang anak mo!" Sigaw ng ibang babae.

"W-wag ito na." Sabi ng babae at nagsimula na itong magsulat.

"Ilagay mo ang singsing sa ibabaw ng sulat at sumunod ka sa akin!" Sigaw nito sabay tutok ng baril dito.

"Injectionan mo sya..." Sabi nito sa isang lalaki na hindi ko kilala.

"Nang mawala ang alala nya." Sabi ng babae at ngumisi.

Mas nanginig ako ng makita ko ang mukha ng mga ito.

Si Yuvi... nakatutok ng baril sa ulo...




...ko?





-

To be continued

You are reading the story above: TeenFic.Net