WAKAS

Background color
Font
Font size
Line height

WAKAS

EVE POV

"Go Agustin Ladia!!! woohhh kaklase namin yan!" sigawan ng mga kaklase ko.

Nandito kami ngayon sa BYC at nanonood ng laban ng bawat program sa Career Guidance. Tahimik kong pinagmamasdan ang lahat hanggang sa lumabas na si Kulot na nakasuot ng business attire. Naglakad na siya papunta sa gitna.

Tumayo siya doon, tumingin sa kanan niya, tumingin sa kaliwa at sunod tumingin sa harap kung nasaan kami at bigla siyang ngumisi.

Naramdaman ko naman yung bilis ng tibok ng puso ko habang yung mata ko hindi maalis sa kanya.

A-Ang gwapo niya grabe..... bulong ko sa sarili ko habang nakatitig parin sa kanya na ngayon ay lumalakad na papalapit sa banda namin. Napansin ko yung pagkurap kurap niya habang nakatingin sa amin.

Tama ba yung nababasa ko sa mga mata niya? Pangungulila? pero kanino? sa akin ba? pero imposible yun dahil sa pagkakaalam ko may nililigawan na siya at ayun yung nakita ko nung martes.

"Mare, bakit ang tahimik mo?" tanong ni Ali sa tabi ko pero hindi ko siya sinagot at pinanood lang si kulot na patuloy sa pagmodel hanggang sa natapos siya at pumunta na sa backstage.

"Mare?" tanong ulit ni Ali, tiningnan ko lang siya at nginitian ng tipid bago tumulala ulit sa mga host na nagsasalita sa stage. Malapit narin kasi announcement ng mananalo. Kanina pa nagsisimula yung career guidance pero diko napagtutuunan ng pansin dahil sa dami ng iniisip ko.

"Mare hayaan mo muna si Eve" narinig ko pang bulong ni Keycee kay Ali. Hindi ko naman sila ulit pinansin. Tumulala ulit ako at inisip na last support ko na siguro ito sa kanya.

Nagbabalak narin kasi akong lumipat ng school niyan o kaya naman ay huminto na sa pag-aaral. Nagbuntong hininga ako ng malalim ng maalala ko yung pag-aaway ni Tatay at ni Nanay nung nakaraang umuwi ako, at yung kagustuhan ni Tatay na dalhin ako sa Manila.

Naiintindihan ko naman sila kaya nga feeling ko eto na yung last na makikita ko si Kulot at magpapaalam, baka sa Manila ko narin ituloy ang pag-aaral ko pero kung mabigat para sa mga magulang ko yung gastusin baka hindi na ako mag-aral at magfocus nalang sa pagpapagal--

"Ayan na! i-aannounce na yung panalo kyahh!!" nahinto yung pag-iisip ko ng marinig ko yung sigawan ng mga kaklase ko sa tabi.

Napabuntong hininga muli ako ng maramdaman ko yung pagbigat ng dibdib ko. Ngumiti nalang ako ng mapait ng naglabasan na yung mga contestant at candidate sa ginawang runaway.

Isa isa silang nagmodel at pumila sa gitna, at ngumiti sa lahat. Nakita ko pa yung pagtaas ng kilay ni Agustin sa amin pero hindi ko yun pinansin. Marahan ko lang silang pinagmasdan isa isa hanggang sa mapatingin ako sa pinakadulo kung nasaan si Kulot.

Nagtagal ang tingin ko sa kanya at inisip yung mga nangyari sa aming dalawa nung nasa Paysawan kami. Siya ang first dance ko, first holding hands at sa kanya ko lang din naranasan yung kabahan at pagkawala sa sarili.

Ngumiti ako ng mapait habang nakatitig sa kanya hanggang sa napansin ko yung pagtulo ng luha ko. Dahan dahan kong pinunasan ito gamit ang aking kamay habang patuloy parin na nakatingin sa kanya at nakangiti.

Nararamdaman ko na pinagtitinginan ako ngayon ng mga estudyante na katabi ko lalong lano na yung mga kaibigan ko. Yung kaninang excitement nila dahil nag 2nd runner up si Agustin ngayon ay nawala at napunta na sa akin yung atensiyon.

"Mare anong nangyayari sayo? bakit ka umiiyak?" tanong ni Mau na katabi ko. Tumingin ako sa kanila at nginitian lang sila bago tumingin ulit sa stage dahil i-aannounce na kung sino yung nanalo.

"Congratulations! candidate number 4! Alexandria Aravelo of BS Psychology!"narinig naman namin ang hiyawan ng mga Psych at ako na patuloy paring nakatitig kay Kulot at ganun din naman siya sa akin habang nakakunot yung noo.

Ngumiti ako ng malapad sa kanya kahit hindi ko sure na ako nga ba talaga yung tinitignan niya.

"And now, congratulations! contestant number 15! Rachary Lyle Zacchios of BSBA Major in Marketing Management!" naghiyawan lahat ng BSBA kahit hindi mga Marketing Major nakihiyaw habang ako eto pinagmamasdan siya na hindi parin umaalis sa puwesto niya hanggang ngayon at nakatitig lang sa akin.

Sa akin nga ba?

Naglakad lang siya papunta sa gitna ng hinatak siya ng Host namin pero hindi parin naaalis yung tingin niya sa banda namin hanggang sa nilagyan siya ng sash, binigyan ng flower at kinoronahan ganon parin ang ayos niya nakatitig parin siya.

" Baby!!!! "

Sabay kaming napalingon doon sa sumigaw, actually hindi lang ako, lahat yata ng tao napalingon doon sa sumigaw na ngayon ay nakayakap na kay Kulot.

Baby? Girlfriend niya na?

" Girlfriend ba ni Charry yan? gagi ang ganda"

" Oo nga e, parang modelo"

" Tignan niyo yung uniform, hindi siya taga dito"

Rinig kong bulungan ng mga estudyante pero hindi ko yun pinansan. Dahan dahan na akong tumayo at isinukbit ko na yung maliit kong bag sa balikat ko at handang ng umalis.

Nilingon ko muna mga kaibigan ko bago ako nagtuloy sa paglalakad palabas ng BYC pero bago pa man ako makalabas nakita ko pa si Kulot na nakatingin sa akin kaya naman nginitian ko siya ng malaki at sabay sinabing 'Congratulations' bago ulit dumeretso na palabas ng BYC.

Akala ko makakahinga na ako ng maluwag kapag nakalabas na ako ng BYC pero mas lalo lang dumoble yung sakit na nararamdaman ko dahil sa narinig kong pinapatugtog ng mga estudyante dito sa labas.

Tilaluha by SB19

Hindi pa man ako nakakalayo sa BYC nang bumuhos ang ulan at nagsimulang mabasa yung buhok at damit ko. Imbes na tumakbo ako, nagstay lang ako sa kinatatayuan ko habang dinadama yung ulan at yung kanta ng SB19 at hinahayaan ko lang yung luha ko sa pagtulo.

Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan 'wag nang tumila pa
Paano nga ba mapapawi labis na pagdurusa
Kung wala nang pag-asa turuan mo naman akong limutin ka...

Ngumiti ako ng mapait habang dinadama parin hanggang ngayon yung hapdi ng patak ng ulan sa balat ko. Ayoko mang sumuko pero kailangan, kailangan ko ng tigilan itong kahibangan ko dahil masakit na.

Kahit na ula'y tumila na (ah)
Luha sa aking mata'y patuloy pa
Ano nga ba ano nga ba

Ano nga ba'ng magagawa
Kung hanggang ngayon ay mahal pa rin kita (oh)

Napatingin ako sa taong tumatakbo papalapit sa akin at pawang hindi alintana ang ulan at ang nahulog niyang korona.

"Andra " marahan niyang sabi ng nakalapit siya sa akin at hinawakan naman ako sa magkabilang braso kko

Unti-unting lunurin ang aking nadarama (oh)
O buhos ng ulan 'wag nang tumila pa (ah)
Paano nga ba mapapawi labis na pagdurusa
Kung wala nang pag-asa turuan mo naman akong limutin ka

"Pinagbigyan na kita ng ilang araw, gustong gusto kitang puntahan para kausapin kaso pinigilan ko yung sarili ko because I know that I will hurt you more if I insist on going to see you but I can't do it anymore, I miss you so much".

Marahan niyang sabi habang nakahawak parin sa braso ko. Napalingon naman ako sa BYC ng makita ko yung mga estudyante na naglabasan at nakasilip na sa amin ngayon kasama na doon yung girlfriend niya .

Lahat din ay mawawala
Kasabay ng pagtila ng nadarama
Unti-unting lunurin ang aking nadarama ah

Umiling iling ako sa kanya, at tinanggal ko yung pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko.

"Y-Yung g-girlfriend mo nakatanaw" nauutal na sabi ko habang pinipigilang humagulgol sa iyak.

"Wala akong girlfriend, ate ko yun " marahan niyang sabi at inilipat na yung kamay niya sa pisngi ko.

Marahan akong natawa at napailing, for the second time naghinala nanaman ako. Pero kahit na ganun wala narin itong magagawa lalo na ngayon na kailangan kong pumuntang Manila.

"Can you give me a second chance? a chance for me to make you feel my true feelings? because since first year college I've been keeping this in my heart." sabi niya na muli kong ikina-iling.

Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan 'wag nang tumila pa

"H-Hindi puwede, malapit na kaming umalis para sa Manila tumira" umiiling iling na sabi ko sa kanya habang nakahawak sa mga kamay niya na nakahawak sa magkabilang pisngi ko.

"Wala akong pake" bulong na sabi niya at pinagdikit ang mga noo namin.

Doon ko palang nalaman na tulad ko ay umiiyak narin pala siya, rinig na rinig ko yung mahihina niyang hikbi.

"Hindi ko na kaya Lyle" mahinang bulong ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

Umiling iling lang siya sa akin....

At ako naman ay ngumiti ng mapait sa kanya..

Paano nga ba mapapawi labis na pagdurusa

Bibigyan ko ba siya ng chance? pero kapag binigyan ko siya ng chance parehas lang ulit kaming masasaktan. Okay lang sana kung ako lang ang magdusa, hindi ko kakayanin kung pati siya madadamay sa pagdurusa ko.

Kung wala nang pag-asa turuan mo naman akong limutin ka ah

"Ayokong magkasakitan tayo hanggang dulo Lyle, may pinagdadaanan ako at ayoko na madamay ka kaya kahit masakit pag-aaralan kong limuti----"

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng naramadaman kong lumapat yung labi ko sa malambot na labi ni Kulot.

Dahan dahan niyang inalis muli ang labi niya sa akin at tinignan ako ng marahan at ngumiti sa akin ng matamis habang ako ay gulat paring nakatingin sa kanya habang ang puso ko ay hindi na magkamayaw sa pagtibok nito na para bang may 10 na taong humahabol sa akin.

"Wala akong pake Andra" sabi niya at seryosong tumitig sa akin.

"At hindi rin ako papayag na kalimutan mo ako, mahigit isang taon kong tinago itong nararamdaman ko para sa'yo kaya hindi ako makakapayag na kalimutan mo ako " seryosong sabi niya na ikinagulat ko.

Mahigit isang taon?! ibig sabihin mas matagal niya na akong gusto?

"P-Pero" hindi ko maituloy yung gusto kong sabihin dahil nanghihina na yung katawan ko, nanlalambot yung mga tuhod. Pakiramdam ko kaming dalawa nalang yung tao dito sa Campus.

Nanlamig bigla yung katawan ko ng maramdaman ko yung daliri ni Kulot sa labi ko at nakapampalambot sa akin yung pagngiti niya habang inilalapit ng unti unti yung labi niya sa akin, pero bago pa ako pumikit ay muli kong narinig ang mga salitang matagal ko ng gustong marinig mula sa kanya.

"Mahal kita Eveiandra Estella"

Nakangiting sabi niya at marahan na inilapat yung labi niya sa labi ko na ikinapikit ko.

Dinama ko ito at pinakiramdaman ko yung sarili ko, yung lambot ng labi niya na nakapalambot pa lalo ng aking tuhod, yung lambot ng labi niya na nakapagparamdam sa akin na isa akong espesyal na babae.

Sa paghinto ng luha sa aking mga mata ay siya ring paghinto ng ulan kung saan napagtanto ko kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman.

Mahal din kita Racharry Lyle Zacchios

THE END

E D S S A A Z


You are reading the story above: TeenFic.Net