Simula

Background color
Font
Font size
Line height

Naranasan niyo na bang umasa?
e ang pinaasa?

Nasaktan kahit na wala namang karapatan?

Nagselos kahit wala namang kayo?

at binigyan ng motibo kahit meron naman ng iba?

EVE POV

"Ang lakas naman ng ulan kainis, pano na tayo pupuntang beach nito aish" maktol ni Mace na nasa tabi ko.

" Para namang ngayon yung punta natin sa beach noh, fyi sa April 1 pa tsk" sagot naman ni Ali sa kanya.

" Bumili ka nalang diyan, sasagot kapa e" sabi ni Mace at lumabas na ng Dunkin Donut at sumunod din kami sa kanya, si Ali lang naman yung bibili e kaya sa labas nalang kami maghihintay.

Anyway March 18 na ngayon at ilang araw nalang birthday ko na. Nandito kami ngayon sa Dunkin Donut at tulad nga ng sabi ni Mace ang lakas ng ulan ngayon.

" Ang gwapo talaga ng SB19 noh" napatingin ako kay Keycee ng marinig kong banggitin niya yung SB19, of course super fan ako niyan.

"Nasaan?" tanong ko sa kanya, tapos tinuro niya yung poster na nasa gilid ng pinto ng Dunkin Donut, nandun yung poster ng SB19 na may hawak na donut.

"Sino bias niyo sa SB19?" tanong ulit ni Keycee.

"Ako si Stell " biglang sabi ni Mau.

"Ako si Sejun, ang ganda kasi ng boses niya, kapag nga sumasabay ako sa mga lines niya sa kanta nila feeling ko ang galing galing ko narin kahit 'di naman talaga " natawa kami sa sinabi ni Mace. And yes hindi talaga siya magaling kumanta kasi sa aming magkakaibigan si Keycee at Ali lang ang pinagpala ng magandang boses.

"E ikaw Eve?" napatingin ako ulit doon sa poster at tumutok lang sa isang tao yung tingin ko, napatitig ako sa kanya ng may ngiti sa labi.

"Si Justin" nakangiti kong sabi. Habang titig na titig pa rin sa mukha ni Justin na nasa poster.

"Ay same" napalingon ako kay Keycee nang sabihin niya yun, pero sa iba nabaling yung tingin ko kung hindi roon sa taong kakapasok lang ng Dunkin Donut.

"Gagi si kulot" Biglang sabi ni Mau. Napaiwas ako ng tingin sa pinto at tumingin nalang sa malakas na ulan.

"Mare si Kulot pumasok ng Dunkin" kalabit sa akin ni Mau, pero diko siya pinansin.

Alam ko Maurice Santos 'wag mo na akong kalabitin please lang huhuhu

"Gagi may kasamang babae, girlfriend niya kaya?" dugtong naman ni Keycee.

Aissttt kailangan pa bang sabihin yan? malamang girlfriend niya yan, ayan yata yung kasama niya noong year end party na naging dahilan kung bakit sinabi kong kakalimutan ko na yung feelings ko sa kanya pero bwisit na mga ito apaka chismosa!.

"Uyy nakikinig kaba sa'min?" napalingon ako nang kalabitin ako ni Keycee, tumango lang ako sa kanya at tumingin na ulit sa ulan. Aist kung hindi ko lang kaibigan itong mga ito nangasapak na sakin ito sa sobrang kabaliwan nila. Tinanong pa talaga ako pucha.

"Nakita mo ba?" tanong niya ulit, napabuntong hininga nalang ako at tumango, alam ko rin naman kasi na hindi siya titigil kakatanong kapag di ako sumagot kaya sinagot ko nalang yung tanong niya kulang na nga lang dagdagan ko ng pagroll eyes e.

"Selos ka?" doon ako napatingin sa kanya, at tinignan siya ng masama. Aba napaka mapanaket na ng mga Mare ko ah. Tanungin ba naman daw ako kung selos ako!

"Matagal ko nang alam na may girlfriend siya kaya wala na akong pake, wala na nga akong gusto riyan duh." masungit na sabi ko sa kaibigan ko at tumingin ulit sa ulan. Narinig ko lang silang nagtawanan sa likod ko, okay fine edi tumawa kayo riyan magdamag.

Peste naman kasi itong ulan na'to, sumabay pa sa pagiging bitter at broken hearted ko.

Broken hearted? talaga lang Eve ah, may kayo ba?

Sa tuwing ika'y nakikita
Di mapigil ang luha sa aking mata
Pano nga ba?
Pano nga ba?
Pano nga bang limutin ka
Kung sa puso ko'y ika'y nag-iisa

"Uyy Tilaluha ng SB19 favorite ko'to." Tumitiling sabi ni Keycee nang marinig naming tumugtog yung Tilaluha ng SB19 mula sa loob ng Dunkin. Ako rin favorite ko ito, masyadong masakit, talagang tagos sa puso yung kantang 'to tapos nakakarelate pa ako.

Mali ba na ako'y umaasa
Tama bang nadarama para sa'yo sinta?
Bakit nga ba?

Bakit nga ba?
Bakit nga ba mahal kita
Kung sa puso mo ay mayroon nang iba

Bakit nga ba mahal kita? ano ba nagustuhan ko sayo? bakit kahit alam kong may mahal ka ng iba patuloy parin akong umaasa. Umaasa na sana mapansin mo rin ako at mahalin mo rin ako? kaso naalala ko may mahal ka na nga palang iba.

"Okay din ako rito sa Tilaluha pero mas bet ko ang Hanggang sa Huli, sakit nun sa heart grabe" Sabi pa ni Mau.

Unti unting lunurin ang pusong nadarama.
O buhos ng ulan 'wag ng tumila pa
Pano nga bang mapapawi
Labis na pagdurusa
Kung wala nang pag-asa
Turuan mo naman akong limutin ka

Pano ba mapapawi itong aking nadarama? pano ba kita malilimutan? kahit na sobra sobra na akong nasasaktan bakit ganon? bakit hindi ko pa rin magawang mainis sayo at limutin ka. Turuan mo naman akong limutin ka please, dahil ayoko ng maramdaman ito.

Bigla ako natawa ng pagak ng marealize ko kung ano yung sinabi ko. Ako? magpapaturo makalimot sa kanya? bobo ba ako?

"Oyy mga mare tara na" napapunas ako ng luha nang marinig ko ang boses ni Ali. Tsk hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako rito, tumingin ako sa mga kaibigan ko at mukhang 'di naman nila napansin yung pag-iyak ko.

"Tara na nga, late na tayo" sabi ni Mau at naglabas na siya ng payong, ganun din naman si Mace.

Malapit na kami sa Campus ng biglang huminto na yung ulan.

Kaya naman napatingin ako sa kalangitan at napangiti ng mapait...

"Kahit na ula'y tumila na
Luha sa aking mata'y patuloy pa"
-SB19 JUSTIN LINE

E D S S A A Z


A/N: Ito po yung poster na nakadikit doon sa labas ng Dunkin Donut malapit sa pinto nila. Ito po yung poster na tinitignan namin.


You are reading the story above: TeenFic.Net