14 Tilaluha

Background color
Font
Font size
Line height

KABANATA 14

EVE POV

3 days had passed and nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin nakahiga sa duyan at nakatanaw sa bunga ng mga mangga namin habang pinapakinggan yung mga nagpapasyon sa simbahan.

Ilang araw narin pala ang lumipas simula nang nagdagat kami, at simula nang marealize ko kung gaano ako katanga sa pagkakaroon ng feelings sa kanya.

Ano naman gagawin ko sa buong linggong ito? Umuwi kasi ako dito sa Dinalupihan, namimiss ko narin kasi family ko ang kaso wala naman sila lagi. Mukhang may kanya kanya na silang pinagkakaabalahan at ako eto nagdadr-----

*bzzzz*

Napatingin ako sa cellphone ko ng magvibrate ito, nakita ko naman na nagsesend ng mga picture si Ali sa Telegram kaya binuksan ko ito para tignan lahat ng picture sa Tg.

"Ayan na mga picture natin mga mare" sabi ni Ali sa tg, hineart ko nalang yung chat niya at sinave na lahat ng mga pictures ko. Mga pictures ko na nakaswimsuit at mga pictures namin na nakaswimsuit din.

Nang umuwi na kasi sila Agustin at Kulot , nagpalit na kami ng damit nun at nagtake na ng pictures at naligo narin sa dagat siyempre.

Ano kaya puwede kong i-caption dito?

Ipopost ko kasi yung mga nakaswimsuit ako sa Instagram kaya nag-iisip ako ng pwedeng gawing caption.

"Be yourself, there's no one better" sabi ko habang tinatype na itong caption after kong itype, pinost ko na. Napangiti nalang ako ng masatisfied ako sa kung anong pinost ko. I want to be a better person not just for him but also for myself. Kaya nga pinost ko yung nakaswimsuit ako e to tell the world that I am proud of who I am.

"Stress less and enjoy the best" sabi ko ulit habang nagtatype. Para naman ito sa mga picture naming magkakaklase na nakaswimsuit din.

Napangiti ulit ako ng maraming mga nagrereact sa post ko at nagcocomment. Hindi ko pinansin yun at pinatay na yung cellphone ko at muling tumulala.

*bzzz*

Napatingin ako sa cellphone ko ng muli itong magvibrate at tinignan ko kung anong notif yung dumating at bigla naman akong napatayo ng makita ko kung kanino galing yung message nayun.

[Lyle Zacchios]

(youcancallmeeve): Lyle Zacchios: Bakit nakaswimsuit ka?

Nanlalaking mata kong tinignan yung message niya. Anong meron? Sinaniban naba si Kulot ngayon? Ang sarap magmura sa panahon ngayon. At bakit naman niya tinatanong kung bakit nakaswimsuit ako? Argghhh eto nanaman ako umaasa nanaman ako.

Pinatay ko nalang yung cellphone ko at hindi nalang pinansin yung chat niya sakin sa Ig at nagsimulang tumulala ulit ng may maalala ako. Teka? Hindi naman kami mutual sa Ig ah.

Muli kong binuksan yung cellphone ko at tinignan yung followers at following ko. at nakita ko nga na finollow niya ako at finollow ko rin siya.....

What the heck?! anong nangyayari?! sa pagkakaalala ko hindi ako nag-oonline sa Ig ilang araw na ah! at sa pagkakaalala ko hindi ko siya finol-----

Napastop ako sa pag-iisip ng may narealize akong pangyayari nung gabing magkasama kami.

Flashback

" Nakita mo naba yung pagfollow ko sa'yo sa Ig? " tanong niya out of nowhere. Shit oo nga pala, tinanong niya na rin sa'kin ito nung nakaraan e, bakit ngayon ko lang naalala.

" Hindi pa? hehe" nahihiya kong sagot sabay kamot sa noo ko. Sorry mannerism lang kapag nahihiya.

" Dala mo ba Phone mo? " tanong niya ulit, nagtataka naman akong tumango sa kanya.

" Akin na " sabi niya sabay lahad ng kamay niya saakin. At dahil mabait naman akong bata, binigay ko naman sa kanya yung cellphone ko.

"Ano password?" tanong niya na ikinakaba ko bigla. Shit oo nga pala name niya nga pala password ng cellphone ko oh myyyy.

"Ako na mag-oopen hehe" sabi ko sabay kuha sa cellphone ko at mabilis na binuksan ito gamit yung fingerprint ko. Pagkatapos kong buksan yung cellphone ko, kinuha niya naman ito at ikinalikot.

End of Flashback

Shit, kaya niya ba hiniram yung phone ko para i-follow back sarili niya dahil alam niyang hindi ko siya ipa-follow back?

*bzzzz*

Napatingin ulit ako sa cellphone ko ng magvibrate ulit ito.

[Lyle Zacchios]
(youcancallmeeve): Lyle Zacchios: At pinost mo pa.

Pinagsasabi ba ng lalaking ito? Tss ngayon na nga lang magkakaroon ng confidence tapos ganyan pa. I received another notif from him again.

[Lyle Zacchios]
(youcancallmeeve): Lyle Zacchios: Galit ka ba?

Huh?! What the heck! pinagsasabi nito?! argg ginugulo niya lang isip ko e, nakakainis. Ano bang gagawin ko sa lalaking ito, dati naman wala siyang pake sakin ah, nilalagpasan lagpasan niya nga lang ako tapos ngayon naging ganto na.

Napastop nanaman ako sa pag-iisip ng magvibrate cellphone ko but this time hindi na huminto kaya ng tignan ko talaga namang halos maibato ko na yung cellphone ko ng makita kong tumatawag na si Kulot.

Sasagutin ko ba? Ahhhhhhh ano ba kasi nakain ni Kulot bakit ganito siya ngayon sa'kin kainis naman oh.At saka pati ba naman cellphone number ko nakuha niya?

"H-hello?" sabi ko after kong sagutin yung tawag niya.

"Why you didn't reply to my message?" sabi niya na wala man lang hello pabalik. At saka bakit may nahihimigan akong inis sa boses niya?

"Hindi ko naman kasi alam kung ano isasagot ko sayo e" sabi ko nalang at muling
humiga sa duyan.Narinig ko naman na huminga siya ng malalim bago siya nagsalita.

"Doon kaba masaya? "tanong niya bigla na ikinatahimik ko. Anong doon ba ako masaya? saang part?

"hmm?" naguguluhan kong sagot. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano yung sinasabi niya.

"I mean, masaya ka ba sa pinost mong nakaswimsuit ka?" tanong niya na ikinatahimik ko ulit. Bakit naman niya na-itanong?

"Eve?  still there?" napabuntong hininga ulit ako ng marinig ko siyang magsalita. Muli akong napabuntong hininga bago sumagot sa kanya.

"Yup, ahmm as for your question a while ago ahmm yes masaya ako " sagot ko sa kanya na ikinatulala ko sa mga bunga ng mangga na tinatanaw ko ngayon. Sorry hindi kasi tanaw kalangitan sa puwesto ko e.

"Magagalit ka ba kung sasabihin ko sayo na hindi ako masaya sa pinost mong nakaswimsuit ka?" sabi niya na ikinatahimik ko ulit.

Hindi siya masaya? bakit? anong dahilan? hindi naman dapat siya magalit diba? or matuwa? wala naman na dapat sa kanya yun diba? pero bakit niya nasabi na hindi siya masaya sa pinost ko? bakit kailangan niya pang magbigay ng comment? bakit kailangan niya akong i-chat or tawagan para lang doon? ano bang meron?

"Sige see you on monday nalang, always take care of yourself and eat a lot namayat ka e" sabi niya na mas lalong nakapagpatigil ng mundo ko. Nakapagpalakas ng tibok ng puso ko at nakapagpagulo sa isipan ko.

to be continue ~

E D S S A A Z

A/N: Yeheyyy salamat natapos ko na rin itong part na'to, sobrang nastress ako sa paggawa ng part na'to huhuhu kinailangan ko pa ng inspiration para lang matapos ito. Anyway sana magustuhan niyo po at isa rin kayo sa naguluhan!

Alam ko pong boring itong part na'to so di napo ako mag-expect hehehe. Thank you so much sa mga magbabasa love lots.


You are reading the story above: TeenFic.Net