13 Tilaluha

Background color
Font
Font size
Line height

KABANATA 13

EVE POV

"Tapos ka na?" tanong ng kumalabit sa akin, syempre sino pa ba yung bigla bigla nalang sumusulpot.

"L-lyle a-anong g-ginagawa mo r-rito?" utal utal na sabi ko. Bakit naman kasi rito pa sa cr ako pinuntahan.

"Hinihintay ka, tara na" sabi niya pa sabay hawak sa braso ko at hinatak na ako palayo sa cr.

"Mga kaibigan ko?" tanong ko sa kanya habang inaayos yung balabal ko. Napatingin naman ako sa kanya ng bigla siyang huminto sa paglalakad at tinignan  yung kabuuan ko at saka tinignan ako ng masama.

Tignan mo itong lalaking ito.... Haiisst kahit kailan talaga magulo utak.

"Bat ganyan suot mo?" nakakunot niyang tanong kaya naman tinignan ko yung kabuuan ko. Bakit anong mali sa suot ko? nasa beach naman kami ah.

"Okay lang naman ah" sagot ko sa kanya habang nakatingin parin sa suot ko. Narinig ko lang siyang nag 'tss' tapos bigla na siyang naghubad sa harap ko.

"Hoy anong ginagawa mo" sigaw ko sa kanya habang pinipigilan yung kamay niya sa paghuhubad ng damit niya. Pero inirapan lang ako! pwede yun!

Pasalamat siya crush ko siya dahil kung hin-----.

"Oh" napatigil ako sa kung anong iniisip ko at parang umistop yung mundo ko ng tinanggal niya yung balabal ko at ng maramdaman ko yung kamay niya sa ulo ko at kasunod noon ay yung pag-suot niya ng damit niya sa'kin.

"Yan, looks better than the other one. It looks good on you anyway ." nakangiting sabi niya pa habang hawak hawak na yung balabal ko. Napatingin naman ako sa kabuuan ko at nakita ko yung damit niya na abot hanggang tuhod ko na. Sa liit ko ba namang ito ewan ko nalang.

"Let's go" sabi niya ulit sabay hitak na sa'kin papunta doon sa ginawa nilang uupuan namin.

"Mare!" sigaw ni Keycee habang tinuturo yung vacant sit doon sa tabi niya. Umupo ako doon at umupo naman sa tabi ko si Kulot, at yung balabal ipinatong niya sa lap ko na ikinagulat ng lahat na ikinatawa naman ni Agustin.

Bwisit na Agustin, kanina pa tawa nang tawa itong lalaking ito e. Sarap upakan, yari talaga siya sa'kin mamaya.

"Anong meron sa inyo ni Kulot mare?" bulong na tanong sakin ni Keycee.

"Ewan ko nga rin mare e, hindi ko nga maintindihan yang lalaking yan." sabi ko rin ng pabulong , napatingin ako kay Kulot ng marinig ko si Gelo na inaabutan na ng baso na may lamang alak si Kulot.

Tumingin din siya sa'kin na para bang naghihingi ng pahintulot. Kahit na gulong gulo na yung isip ko, tumango nalang ako sa kanya.

"Anong meron?" nakataas kilay na tanong ulit ni Keycee. Nagshrugged nalang ako, e sa bakit ba? kahit ako nga rin hindi ko rin alam kung anong meron e.

"Guys patugtog naman kayo tapos sabay tayo sa kanta para hindi boring" suggestion ni ate Mitch na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Ano bang kanta gusto niyo?" tanong ni Ali habang nagscroll siya sa cellphone niya.

"Moira Dela Torre" suggest naman ng mga kaibigan ko. Tahimik lang akong nagmamasid sa kanilang lahat kasi iba na yung pakiramdam ko. Para akong nag-iinit na ewan, pano kasi may kamay ba namang nakahawak sa likod mo, ewan ko nalang talaga.

"A-ano L-lyle" bulong ko sa gilid ni kulot kaya naman napatingin siya sakin.

"Bakit?" sagot niya sabay inom niya roon sa baso na may lamang alak. Tinignan ko muna yung baso at sunod ko naman ulit siyang tinignan.

"Y-Yung kamay mo sa likod pwede patanggal? hehehe di kasi ako kumportable" sabi ko sabay kamot sa noo ko. Nahihiya kasi ako, hindi naman masyadong halata na nahihiya ako noh.

"Okay" nakangiting sabi niya kaya nakahinga naman na ako ng maluwag. Ang bilis din palang kausap nito.

Babalik Sa'yo by Moira Dela Torre.
Now

"Hindi naman inaakalang
Ikaw pala ang makakasama" sabay namin sa kanta ng mga kaklase kong babae. Yung mga lalaki kasi busy na sa inuman nila though umiinom rin naman mga kaklase ko hahaha ako lang ang hindi.

"Ang hanap ko noon
Ibang iba sa ngayon
Ika'y dumating, sa tamang panahon
Ikaw na ba yung dinalangin ko" sabay pa ulit namin sa kanta na ngayon ay nakataas na yung mga kamay na may lamang alak.

"Mare oh" sabi ni Keycee sabay bigay nung baso na may lamang alak. Kinuha ko nalang para tuloy tuloy parin yung jamming namin pero nagulat nalang ako ng may humawak sa kaliwang kamay ko.

Handa kong gawin ang lahat
Makapiling ka lang
Walang hihigit Sa iyo
Ikutin pa ang mundo
Ako'y babalik babalik sayo

"Bakit?" tanong ko kay Kulot na ngayon ay hinigpitan pa yung hawak sa kamay ko kaya bale naka intertwined yung kamay namin. Umiling lang siya sa'kin at ininom na yung binigay sa kanya ni Vinn.

Tanging ikaw ang sigaw
Ng puso araw araw
Aminin ko na sayo,
Ngayon lang nagka gan'to
Ako'y babalik babalik babalik parin sayo

"Baka may makakita, o kaya makita ni Agustin" sabi ko na pinipilit tanggalin yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero lalo lang ito humigpit.

"Tss pake ko naman, hayaan mo sila" sabi niya lang at tumingin na ulit kina Gelo, at dahil ayaw niya makinig sa'kin ang ginawa ko ay pinatungan ko nalang ng balabal yung kamay naming magkahawak para walang makakita.

Lord patawarin niyo po ako huhu alam ko pong nasa 10 Commandments niyo po yung bawal maki-apid.

Nagkakasala pa tuloy ako ngayon...

Sino ba ang magaakalang

Mabibigyan ako ng pag-asa
Labas sa liga ko
Isang katulad mo
Ngunit nang dumating, napatanong ako
Ikaw na ba yung pinangarap ko

"Mare kumanta ka naman" sabi ni Keycee sa tabi ko na mukhang lasing na yata. Tumango lang ako sa kanya at isinandal yung ulo ko sa balikat niya habang nakatingin ako sa matangos na ilong ni Kulot.

"Handa kong gawin ang lahat
Makapiling ka lang
Walang hihigit sa iyo
Ikutin pa ang mundo
Ako'y babalik babalik sayo" pagsabay ko sa kanta habang nakatingin parin kay kulot, hindi ko na pinansin yung mga pagsulyap sulyap niya sa'kin at yung pangiti ngiti niya sa akin.

Ngayong gabi hahayaan ko munang magkasala ako pero pagkatapos nitong gabing ito sisimulan na kitang kalimutan kulot.....

"Tanging ikaw ang sigaw
Ng puso araw araw
Aminin ko na sayo,
Ngayon lang nag---" hindi ko na natuloy yung pagsabay ko sa kanta ng bigla akong hatakin ni Kulot para mas mapalapit pa sa kanya.

" Tara " sabi niya sabay tayo mula sa pagkaka-upo. Tinignan ko lang siya ng nagtataka at nagtatanong pero nginuso niya lang sakin yung malayong part na puro buhanginan.

" Aano? " tanong ko naman sa kanya, napansin ko naman na napatingin narin sa amin yung iba naming kasama. Sa lakas ba naman ng tanong kong yun ewan ko nalang.

" Basta, let's go" sabi niya habang hinihila na ako patayo. Nagtatanong naman akong tumingin kay Keycee pero nagthumbs up lang siya sa akin at ngumiti kaya naman tuluyan na akong nagpahatak kay Kulot.

" Ano pala pinag-usapan niyo kanina ni Kuya? " tanong niya habang naglalakad kami papalayo sa tent namin. Tumingin muna ako sa kamay naming dalawa bago tumingin na ulit sa harap namin.

" Wala, tinanong niya lang ako kung bakit malungkot ako. " sabi ko naman sa kanya, tumango tango lang siya at pamaya maya lang ay umistop kami at umupo sa buhanginan.

" Nakita mo naba yung pagfollow ko sa'yo sa Ig? " tanong niya out of nowhere. Shit oo nga pala, tinanong niya na rin sa'kin ito nung nakaraan e, bakit ngayon ko lang naalala.

" Hindi pa? hehe" nahihiya kong sagot sabay kamot sa noo ko. Sorry mannerism lang kapag nahihiya.

" Dala mo ba phone mo? " tanong niya ulit, nagtataka naman akong tumango sa kanya.

" Akin na " sabi niya sabay lahad ng kamay niya sa akin. At dahil masunurin naman akong bata, binigay ko naman sa kanya yung cellphone ko.

"Ano password?" tanong niya na ikinakaba ko bigla. Shit oo nga pala name niya nga pala password ng cellphone ko oh myyyy.

"Ako na mag-oopen hehe" sabi ko sabay kuha sa cellphone ko at mabilis na binuksan ito gamit yung fingerprint ko. Pagkatapos kong buksan yung cellphone ko, kinuha niya naman ito at ikinalikot.

Hindi ko na tinignan kung ano gagawin niya sa cellphone ko kasi wala naman akong pake sa kung anong makikita niya roon. Aba e wala nama akong tinatago, lahat kaya ng picture niya naka pivate hahahaha.

"Yan, done" sabi niya sabay abot ulit ng phone ko, pagkakuha ko ng cellphone ko chineck ko pa kung may mali ba sa cellphone ko o may ginawa siyang iba.

"Anong ginawa mo?" tanong ko sa kanya ng wala naman akong makitang kakaiba sa cellphone ko.

"Tara sayaw" sabi niya lang at hinatak na ako patayo. Pagkatapos naming tumayo kinuha naman niya yung cellphone niya at may pinindot siya roon.

Mabagal by Daniel Padilla & Moira Dela Torre.
Now

Gusto kitang isayaw nang mabagal
Gusto kitang isayaw nang mabagal

Hawak-kamay, pikit-mata
Sumasabay sa musika
Gusto kitang isayaw nang mabagal

Inilagay ni Kulot yung kamay ko sa balikat niya at yung kamay naman niya ay inilagay niya sa bewang ko at dahan dahan akong isinayaw ng mabagal.

Heto na ang kantang hinihintay natin
Heto na'ng pagkakataon na sabihin sa 'yo
Ang nararamdaman ng puso ko
Matagal ko nang gustong sabihin ito

Taliwas sa kanta ang nararamdaman ko ngayon. Takot ako, takot akong sabihin kung ano yung nararamdaman ko. Takot akong umamin sa kanya at takot din akong magtanong kung para saan ba itong ginagawa niya at kung bakit niya ito ginagawa.

Gusto kitang isayaw nang mabagal
Gusto kitang isayaw nang mabagal
Hawak-kamay, pikit-mata
Sumasabay sa musika
Gusto kitang isayaw nang mabagal

"Did you know, during our acquaintance, when they played this song, I wanted to invite the person I love to dance with me using this song, but I can't invite her, it's impossible to invite her " sabi niya habang nakatanaw sa malayo na para bang binabalikan yung nakaraan.

Bakit impossible? dahil ba nasa kabilang campus siya? at bakit mo kinukuwento sa akin ito ngayon.

Ilalagay ang 'yong kamay sa aking baywang
Isasabay sa tugtog ng kanta, ating katawan
At dahan-dahang magdidikit, ating mga balat
Matagal ko nang gustong mangyari 'to

Unti unting humigpit yung mga kamay niya sa bewang ko na halos nakayakap na siya sa akin. May kakaiba talaga kay Kulot ngayon, aminin na nating lahat ito hayy.

"Now, I'm happy that I had the opportunity to dance this song with the person I love" nakangiti niyang sabi na ikinakunot ng noo ko.

Sasagot na sana ako sa kanya ng bigla kong matapakan yung paa niya.

Gusto kitang isayaw nang mabagal
Gusto kitang isayaw nang mabagal
Hawak-kamay (hawak-kamay), pikit-mata (pikit-mata)
Sumasabay (sumasabay) sa musika
Gusto kitang isayaw nang mabagal

"Sorry, sorry hindi ko sinasadya" sabi ko na huminto na sa pagsasayaw. Siya rin naman huminto na at naupo nalang sa buhanginan.

"Okay lang, malayo yan sa bituka, sukatin mo pa pfftt" sabi niya ng nagpipigil ng tawa kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at hinampas ko siya sa braso.

"Magjojoke ka na nga lang yung nakakagalit pa" sabi ko sa kanya sabay irap na ikinatawa niya lang.

"Eto may joke ako na hindi mo kaiinisan" nakangisi niyang sabi at humarap pa talaga sa akin. Hindi niya ba alam na kanina pa ang bilis bilis ng tibok ng puso ko?

"Ano naman?" mahinang tanong ko sa kanya. Nakakawalan siya ng lakas.

"You are so ugly" seryosong sabi niya na ikina-loading ng isipan ko.

You are so ugly

You are so ugly

You are so ugly

Eto may joke ako

You are so ugly

Eto may joke ako

Kung sinabi niya may joke siya at iyon ay yung pangit ako tapos joke yun tapos tapos tapos so ....

meaning maganda ako?!

"A-ahhh A-ano tara na balik na tayo doon sa kanila, baka hinahanap na tayo" tarantang sabi ko at mabilis ng tumayo at naglakad palayo, hindi ko na siya hinintay. Hindi ko yata siya kayang harapin sa ngayon huhuhu, bwisit naman kasing puso ito oh.

"Wait!" narinig ko pa yung sigaw niya pero hindi ko na pinansin at mabilis na naglakad papunta sa tent namin nila Mau at pumasok na roon, nagulat pa nga yung dalawa dahil sa biglang pagpasok ko.

"Anong problema mo Mare? bakit parang may humahabol sayo riyan" nagtatakang tanong ni Mace na ikinailing ko lang at humiga na sa pwesto ko.

Hindi naman na nila ako pinansin at nagpatuloy na sa ginagawa nila. Ipinikit ko nalang yung mata ko pero ganun parin, yung sinabi parin ni Kulot yung nasa isip ko hanggang ngayon.

Kinabukasan

"Mare" Hindi ako kumibo sa kung sino man yung tumatawag sakin, hindi ko nalang iyon pinsan at tinuloy ulit yung pagtulog ko.

"Mare tara na kain na " sabi pa ulit ni Keycee na siyang gumigising sa'kin pero tulad ng ginawa ko sa kanya kanina hindi ko siya ulit pinansin.

"Huwag kang mag-alala mare wala na si Kulot" sabi niya na ikinabalikwas ko at tuluyan na nga akong nagising.

"Wala na si Kulot? what do you mean Mare?" nagtataka kong tanong, magkasama palang kami kagabi ah.

"Tumawag girlfriend niya kaya umuwi na sila ni Agustin kanina " at tuluyan na ngang nahimlay ang puso ni Eveiandra Estella dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan.

Tumawag girlfriend niya

Tumawag girlfriend niya

Tumawag girlfriend niya

Bakit ko ba saglit nakalimutan na may girlfriend nga pala siya?....

Isa akong malaking tanga....

to be continue ~

E D S S A A Z

A/N: Si Eve nga ba ang tanga o si kulot na nagbibigay ng mixed signal kay Eve?


You are reading the story above: TeenFic.Net