11 Tilaluha

Background color
Font
Font size
Line height

KABANATA 11

EVE POV

"Aren't you comfortable that I'm here on your outing?" napatingin ako sa taong tumabi sa akin na mas lalong nagpakaba sa'kin.

Anong ginagawa niya rito? Bakit niya ako sinundan dito? at pano niya nasabi?

"Pano mo naman nasabi?" tanong ko at pinagmasdan na ulit yung dagat.

"That's what I heard from your friends earlier, that's what they were talking about while we were walking to the cottage." kung conyo si Agustin, eto naman englishero.

" Hindi naman, marami lang akong iniisip" sabi ko habang nakikiramdam sa paligid.

" Like? " tanong niya ulit kaya naman napatingin ako sa kanya at nakatingin din pala siya sa akin.

" Like... " diko matuloy tuloy sasabihin ko dahil kinakabahan ako. Alam kong may girlfriend na siya pero kasi parang sasabog na yung utak ko sa dami ng iniisip kaya gusto ko ng ilabas ito.

" Like what? " ulit na tanong niya sa'kin.

" Like bak---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil biglang dumating yung mga kaibigan ko.

" Ang ganda ng sunset" natutuwang sabi ni Keycee. Napaiwas naman ako ng tingin kay Charry na hanggang ngayon titig na titig sa'kin.

"Papicture kami ng boyfriend ko" sabi naman ni Keycee kay Mau. Hindi ako kumikibo habang nakatingin sa Sunset. Ang dami ko parin kasing iniisip hanggang ngayon e.

"Wuyy Eve" napatingin ako kay Agustin na ngayon ay nakatabi na sa akin, ganun din si Charry napatingin din siya kay Agustin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya at binalik ulit yung tingin sa sunset pero bago pa ako makatingin sa sunset ay sa kanya ako napatingin.

"Pwede ba tayo magtalk?" napatingin ulit ako kay Agustin ng sinabi niya yun.

"Huh? para saan?" tanong ko naman.

"Tara lakad lakad tayo" sabi niya at hinawakan na yung kamay ko, pero bago pa kami umalis ay humarang na sa dinadaanan namin si Kulot.

"San punta niyo?" tanong niya naman sa amin pero kay Agustin siya nakatingin.

"Diyan lang kami, maglalakad lakad lang" sagot naman ni Agustin at hinawi na si Charry para makadaan kami.

Dito kami naglakad lakad sa pampang. Sobrang sarap sa feeling ng pagtama ng alon sa mga paa ko.

"Sorry" napahinto ako sa paglalakad at napatingin kay Agustin na nasa likuran ko.

"Bakit?" tanong ko ng may pagtataka. Bumuntong hininga muna siya bago ulit naglakad.

"Akala ko kasi magiging masaya ka kapag sinama ko yung pinsan ko knowing na crush mo yung pinsan ko" sabi niya ng nakayuko habang naglalakad. Hinabol ko naman siya sa paglalakad dahil medyo nahuhuli na ako.

Hinawakan ko siya sa kamay at nginitian siya.

" Ano kaba naman Agustin, hindi naman sa hindi ako masaya ngayon" sabi ko sa kanya habang nakalingkis na yung braso ko sa braso niya.

" Then why naman ganyan yung expression mo. Napapansin ko kasi simula pa kanina na medyo wala ka sa mood" nakakunot noo niyang sabi at huminto na sa paglalakad.

" Iniisip ko lang kasi na ang hirap hirap gustuhin niyang pinsan mo" sabi ko at umupo na sa buhanginan na medyo malayo sa pampang.

" Why? it's because of his attitude? or dahil masyado lang talaga maganda ang lahi namin? " ano ba naman itong si Agustin, okay na sana e kaso bwisit na lahi yan. Joke.

" Tsk hindiii kainis ka naman e" sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso niya.

" Eto naman, akala mo di ako nasasaktan diyan sa ginagawa mo ah" sabi niya sabay hawak sa ulo ko. " Ano nga kasi reason mo? How can I understand you kung hindi mo naman pinapa-understand no! " sabi niya ulit sabay irap sa'kin. Tignan mo talaga 'tong lalaking ito.

" E kasi naman yang pinsan mo hindi ko maintindihan te" sabi ko na naiinis yung tono. " Pati ikaw hindi ko maintindihan! sabi mo walang girlfriend?! Paasa!" inis pa na sabi ko at inirapan ko pa siya. Nakita ko naman kung pano kumunot ang noo niya.

"Wala naman talaga ah" nakakunot noong sabi niya.

"Anong wala ka jan?! e may pinapaypayan nga siya sa BYC nung convertion week natin?!" sumisigaw na sabi ko sa kanya. Naiinis naman akong napaharap sa kanya ng marinig ko siyang tumawa ng malakas.

"Anong tinatawa tawa mo riyan ?!" inis kong sabi sabay hampas nanaman sa braso niya na ngayon ay itinaas niya, na para bang sumusuko.

"Chill ka lang hahaha " natatawa paring sabi niya "wala naman talaga siyang girlfriend e, baka yung sinasabi mo is yung p---" hindi niya na natuloy yung sinasabi niya ng may tumawag sa amin kaya naman napatingin kami doon sa tumawag sa amin.

"O Keycee, Mau " sabi ko sabay tayo sa kinakaupuan namin, ganun din naman ang ginawa ni Agustin.

"Nandito lang pala kayo kanina pa namin kayo hinahanap" sabi ni Keycee habang papalapit sa amin ni Agustin.

"Anjan na sila Ali kasama mga kaklase natin, tara na para makapaghapunan na tayo bago tayo magtayo ng tent" sabi ni Mau pagkalapit sa amin. Hinawakan naman ni Keycee kamay ko at hinatak na ako palakad ulit, papunta doon sa cottage namin.

"Alam mo ba kanina pa nagsusungit doon si Kulot, ganun pala ugali nun noh? masungit pala talaga yun " bulong sakin ni Keycee habang naglalakad kami. Tinanguan ko lang siya.

"Mare may problema kaba? kanina ka pa kasi tahimik e, hindi kami sanay" sabi ulit niya kaya naman ngumiti ako sa kanya para masabing okay lang ako.

"Mare kapag may problema ka o kaya naman hindi ka kumportable kay Kulot sabihin mo lang ah" sabi ulit ni Keycee, tumango lang ako at nagbuntong hininga.

I think kailangan ko ulit magpanggap na masaya ako para sa mga kaibigan ko. Advance celebration ito para sa birthday ni Ali kaya dapat iset aside ko muna itong problema ko para hindi narin mag-alala mga kaibigan ko.

At saka mamaya ko na ulit iisipin yung sinabi ni Agustin tungkol kay kulot.

"Mabuti at nahanap niyo ?" tanong ni Ali pagkarating namin sa cottage. Napatingin naman sa amin sila ate Mitch na nakangisi na ngayon pero mas nakaagaw ng pansin ko ay yung tingin ni kulot sa akin na para bang may nagawa akong kasalanan sa kaniya.

Problema ng lalaking ito?

"Kayo ah, lagi nalang kayong may sariling mundo" sabi ni ate Mitch sa amin na ikinatawa ng mga kaklase ko ganun din si Agustin kaya naman tinignan ko siya ng masama.

"Tara na guys kain na tayo, nakaayos narin naman mga gamit natin" sabi naman ni Gelo na boyfriend ni Ali.

Nagtanguan naman kaming lahat at umupo na sa tabi ni Agustin. Bale napapagitnaan ako ni Agustin at Keycee.

"Pwede makipagchange ng pwesto?" biglang napa-stop ang lahat sa pagtawa at pagkukuwentuhan ng may magsalita sa likod namin ni Keycee. Napatingin naman kami doon at nakita namin andun si Kulot na nakapamulsa pa.

"Oh, dito?" gulat pa na tanong ni Keycee habang nakaturo sa pwesto niya.

"Sana" simpleng sabi ni Kulot at ngumiti pa ng tipid. Napatingin naman sakin si Keycee bago tumingin ulit kay kulot at dahan dahan na tumango rito.

"Mare" pabulong na sabi ko, nginitian lang ako ni Keycee at lumipat na ng pwesto. Umupo naman sa tabi ko si Kulot na ikinatinginan naming lahat. Naramdaman ko pa yung pagsiko ni Agustin sa akin.

"Sabi sa'yo wala e" makahulugang sabi ni Agustin na ikinakunot ng noo ko at ikinangisi naman niya.

"Ano?" bulong ko, na inilingan niya lang at ikinatawa niya ng mahina.

Isa pa ito, magpinsan nga talaga sila parehas silang hindi maintindihan.

"Paabot ng kanin mare" sabi ko kay Mau sabay turo sa Tupperware na may lamang kanin sa harap ni Mau.
Pagka abot ni Mau sa tupperware, kinuha ko na ito at nagsalin na ako sa plato ko.

Aabutin ko narin sana yung butter shrimp ng may nauna na sa akin.

"Eto oh" sabay nilang sabi na ikinatigil ng mga kaklase ko sa pagsubo ng kanin......

to be continue~~

E D S S A A Z

A/N: Ayan napo ang update ko, sorry kung medyo natagalan sa pag-update. Hope you like it po.


You are reading the story above: TeenFic.Net