09 Tilaluha

Background color
Font
Font size
Line height

KABANATA 9

EVE POV

"Ah everyone pinsan ko nga pala si Racharry Lyle Zacchios and I am Agustin Zacchios Ladia so magpinsan talaga kami" pagpapakilala ni Agustin.

What the fucking hell?! Anong ibig sabihin nito?! Puchaaa?! E kaya naman pala ganun makabwisit sakin itong Agustin na'to kasi pinsan niya yung crush ko!!!!.

" Oh bakit parang gulat na gulat kayo? " natatawang tanong ng bwisit na Agustin sa amin.

"P-pinsan M-mo?" nauutal na tanong ni Mau na halatang gulat na gulat parin. Ako rin naman, nakatulala nga lang ako sa kanya ngayon. Sino ba naman ang hindi matutulala kung nakatitig sayo yung crush mo at nakangiti.

"Oo bakit? hindi ba kapani-paniwala? tignan mo naman looks naming dalawa hindi naman nagkakalayo" parang bigla akong nasamid sa sinabi ni Agustin.

" Mas gwapo naman si Charry sayo" bulong ko sa sarili ko at sinigurado kong hindi nila mari---

" Narinig ko yun, ikaw ah" sabi ni Agustin at biglang tabi sa akin at inakbayan ako. Gaga talaga ito kahit kailan.

" Pake ko naman" sabi ko sa kanya ng pairap sabay kurot sa tagiliran niya na ikinatawa naming dalawa. Nahinto lang kami sa pagtawa ng marinig naming magsalita si Kulot na nakakunot yung noo sa aming dalawa ni Agustin.

" Psshh, akala ko ba 2:30? E bakit wala parin sila? " sabi niya sabay irap sa amin o sakin lang? bakla ba ito? pero may girlfriend e.

"Malapit na raw sila" sagot naman ni Mau na ikinatango lang ni Kulot at tumalikod na saamin.

"Anong problema niyang pinsan mo?" tanong ko kay Agustin. Nginisian niya lang ako at niyakap niya ako mula sa likod ko. Ano nanaman kayang nakain ng bwisit na'to.

"Problema mo?" naiinis na tanong ko sa kanya, pero hindi ko naman tinanggal pagkakayakap niya. Sanay narin kasi ako dito at saka wala namang meaning pagyakap yakap niya sa akin ang kaso iba ngayon, nasa public kaya kami duh.

"Basta" sabi niya pa ulit. hindi ko nalang siya pinansin at pinagmasdan ko nalang yung likod ni Kulot habang iniisip kung bakit sumama siya sa outing namin.

"Nandito na raw sila Ali." sabi ni Mau na ikinaharap sa amin ni Kulot. Nakita ko pa kung pano magbago yung expression sa mukha niya.

Galit ba siya?

"Saan sila?" tanong ni Agustin habang kinukuha yung kamay ko.

Ano bang nakain ng isang ito bakit ganito kung umasta , kainis.

"Ayun oh" turo ni Mau kaya naman sinundan namin yung tinuturo niya at nakita namin na doon sa kabila pala naka-stop yung Van na sasakyan namin.

"Tara na" sabi ni Mau, at nagsimula na nga kaming tumawid papunta sa kabila. At dahil hindi ako marunong tumawid humawak ako sa kamay ni Agustin na ikinalingon naman niya saakin.

" Bakit? " tanong niya habang nakakunot pa yung noo, napatingin naman sa amin si kulot at si Mau.

" Ay naku Agustin, hawakan mo na yang bata baka mabangga" natatawang sabi ni Mau. Sabagay sila lang naman kasi nakakaalam na hindi ako marunong tumawid ng kalsada.

" Bakit? " tanong ulit ni Agustin na ikinakunot naman ng noo ko.

" Anong bakit? " kunot noo kong tanong.

" Bakit ng--" hindi na natuloy ni Agustin sasabihin niya ng may humawak na sa kamay ko at nagsimula ng maglakad patawid .

" Ano" sabi ko habang nakatingala sa kanya.

" Tss ang tagal tagal niyo kita niyong may naghihintay sa atin. " sabi niya habang nakakunot parin yung noo at hila hila ako.

Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Nakakahiya, ang gaspang gaspang ng kamay ko e tapos sa kanya ang lambot lambot.

"Pasok kana" sabi niya na ikinatingin ko sa harap namin. Sorry naman ah nakafocus kasi ako sa kamay naming magkaholding hands. Nakakainis lang kasi may nabubuo nanamang pag-asa sa akin.

"Thank you" matipid na ngiti ko bago ako pumasok sa loob. Naghihintay naman ako sa pagpasok niya pero imbes na siya yung pumasok ay si Agustin yung nakita kong tumabi saakin.

Kahit kailan talaga itong Agustin na ito, Panira tsk... bulong bulong ko.

"Anong sabi mo? narinig ko yun" matigas na sabi ni Agustin at hinawakan pa talaga yung ulo ko.

"Wala!" naiinis kong sabi at napatingin sa sunod na pumasok.

"Okay naba?" tanong ng boyfriend ni Ali na driver namin. Wow ang gwapo naman ng driver.

"Yes po" sagot ko naman habang pinapasadahan ng tingin ang lahat ng nakasakay sa Van at nagulat ako ng may napansin ako.

"T-Teka bakit nandirito si Aguilar!" gulat na sabi ko at nakaturo pa kay Vinn Aguilar.

"Ayan kasi Mare, kung hindi ka nauuna umuwi edi sana nakita mong nililigawan ako ni Vinn" pairap na sabi naman ni Mare. Shit niligawan siya? ayan ba yung panahong okyupado ni Kulot yung isip ko?.

"Bakit wala ako alam na niligawan ka pala huhu" sabi ko na nagdadabog na sa sasakyan.

"At wala ka ring alam na kami na HAHAHA" natatawang sabi niya sa akin na ikinatawa rin ng mga bwisit kong kaibigan.

"At dasurb, hindi ka kasi marunong magkuwento ng nangyayari sa'yo edi yan" natatawang sabi ni Ali na ikinatahimik ko nalang.

Hindi na ako magsasalita, kuwento ko nalang yung pwesto namin.

Bale ang pwesto namin is ganito..

Driver Seat  •  Passenger Seat
      Gelo.        •        Ali
(Vacant) • Mau • Keycee • Vinn

Kulot • Agustin • Me

"Edi si Mace nalang yung susunduin natin?" tanong ko kay Ali habang inaabot yung fries na binibigay niya sa amin.

"Oo mare tapos deretso na tayo sa bagac" sagot naman ni Ali. Tumango nalang ako at sumubo ng isang pirasong fries.

"Hindi ba taga-Arellano si Mace?" tanong ni Agustin na ikinatango naming magkakaibigan. "So pano tayo dederetso sa Bagac?" tanong ulit ni Agustin.

Isinandal ko na yung ulo ko sa salamin ng van para makatulog na ako. Nagsisimula na kasi akong mahilo.

"May short cut doon papuntang Bagac" sagot naman ni Gelo yung boyfriend ni Ali.

"Ah ok" sabi ni Agustin at inagaw na sa akin yung fries na hawak ko. "Hindi ka naman mamigay ng fries, sinosolo mo lang so selfish" pairap na sabi niya at tinalikuran pa ako ng bwisit.

Pasalamat siya inaantok na ako kung hindi baka binuhos ko na sa kanya yung fries at pinagsasapak at hinulog ko na siya sa Van kainis.


AGUSTIN POV

"Mare, kamusta na kayo nang ka M.U mo? Ano nga ulit pangalan nun? Reyster ba yun?" tanong ni Keycee. Naghihintay naman ako kung sino bang mare tinutukoy niya, knowing them na Mare ang call sign nila sa isa't isa.

"Mare?" tanong ulit ni Keycee. At dahil pakeelamera ako "Sino ba sa mare mo Keycee?" tanong ko sa kanya, kaya naman napalingon siya sa akin.

"Si Eve" sabi ni Keycee na ikinagulat naming mag-pinsan. Alam niyo na kung sino pinsan ko. Sa gwapo ko ba namang ito.

At bakit kami nagulat? Aba siyempre sa pagkakaalam ko patay na patay yan sa pinsan ko tapos malalaman kong may ka-M. U pala.

"Tulog na" simpleng sabi ko at nilingon ko yung pinsan ko na nakakunot nanaman yung noo. Iparinig ko yata dito yung kanta ng Sb19 na "Wag mong ikunot ang iyong noo" e.

"Ano ka ngayon" nakataas kilay kong sabi sa kanya at ang pinsan kong walang hiya ay nagsungit.

"Kasalanan mo" sabi niya at sumandal na siya at ipinikit yung mata niya.

Aba kasalanan ko pa pala ngayon.

"May ka-M.U si Eve?" tanong ko kay Keycee. Makikichismis lang bakit ba, akala niyo ba babae lang ang pwede makichismis? siyempre minsan kailangan din naming mga lalaki yun.

"Oo, sa pagkakaalam ko ah. Ang alam ko nga pupunta pa sila ng Cebu sa holy week e. " sabi ni Keycee habang kumakain ng Nova.

"Wow naman natututo ng lumandi ang baby niyo" natatawang sabi ko kasi totoo naman, sa kanilang lima ang baby talaga ay si Eve. Lagi nilang inaalalayan, pinapakain, nilalambing etc. Kulang na nga lang kargahin narin nila e.

"Sinabi mo pa, nagulat nalang kami ng biglang nagchat yan sa gc namin, nagpapaalam kung pwede raw ba siya sumama sa mga ganun hahaha" natatawang sabi ni Keycee na sinundan naman ni Mau.

"Ako nga rin nagulat e, knowing her na kapag may gusto siyang isang tao hindi na siya mag-eentertain ng iba" sabi naman ni Mau na ikinatingin ko sa pinsan kong lalong naging masungit ang mukha. Para naman kasing may pinaparinggan itong isang ito.

"E baka naman kasi hindi na crush ng kumare natin yung crush niya kaya ngayon nakikipagdate nalang hahaha" natatawang sabi naman ni Ali na ikinatingin ko ulit sa pinsan ko na ngayon ay sobra na sa pagkakunot ang noo. Affected yarn.

"Pero if ever nga na hindi niya na crush ay naku sobrang magiging proud ako" sabi ulit ni Keycee na pumapalakpak pa. Shit mali yata na naisama ko pinsan ko dito ah.

"Anyway, siya pala sinasabi mong pinsan?" tanong ni Keycee habang nakanguso pa kay Charry na ngayon ay hindi na kunot yung noo.

"Oo, si Racharry Lyle Zacchios" sabi ko na ikinatango niya lang.

"Kaya pala kapag nakikita ko yan sa campus, napapansin ko na parang may kahawig siya sa isa sa mga kaklase natin. Ikaw pala" sabi naman ni Ali.

"Oum" maikling sagot ko habang nakatingin sa harap. Nakakatamad sila kausapin, mga plastic sa harap ng pinsan ko.

"Pano pala kayo naging magpinsan?" tanong naman ni Mau ngayon na naghihikab na, inaantok narin. Kahit ako rin naman.

"Si Mama ko at si Papa niya magkapatid"sabi ko na ikinatango lang nila at ikinatahimik na ng paligid.

Pamaya maya lang ay nakarating narin kami sa bahay nila Mace kaya naman bumaba na muna kami ng Van at ang naiwan lang ay si Eve na hanggang ngayon ay tulog parin.


EVE POV

"Ang LT niyan HAHAHAHA" nagising ako dahil parang narinig ko yung boses ni Mace.

Nasundo naba si Mace? bulong ko sa sarili ko at tuluyan na ngang idinilat yung mata ko.

Titignan ko sana kung nasundo naba si Mace pero sa iba nabaling atensiyon ko. Sa lalaking nakaupo sa tabi ko, nakadekwatro at nakahawak sa kabilang side ng ulo ko bale parang nakaakbay siya saakin.

Kung ganito pwesto namin edi ibig sabihin nakasandal ako sa balikat niya? What the effin fucking hell!

Kanina lang si Agustin katabi ko tapos ngayon si Kulot na? anong nagyayari! I need an explanation right now!!.

to be continhe~

E D S S A A Z

A/N: huwaw sanaol nakakatabi yung crush slash nasasandalan huhuhuhu how to be you po Eve.


You are reading the story above: TeenFic.Net