07 Tilaluha

Background color
Font
Font size
Line height


KABANATA 7

EVE POV

"Uy mare  balita ko nagmeet daw kayo ni kulot sa cr ah" salubong sa akin ng mga kaibigan ko pagkarating na pagkarating ko palang sa Canteen.

"Pinagsasabi niyo?" nakakunot kong tanong habang umuupo sa vacant na upuan sa tabi nila.

"Gagi may nakakita raw sa inyo, para nga raw kayong nagtatalo e. LQ yarn? HAHAHA" sabi naman ni Mace sa tabi ko.

"May tinanong lang sakin yung tao " sabi ko na parang wala lang, ayoko rin na mahalata nila ako.

"Weh? may tinanong lang ba talaga?" usyoso naman ni Ali at nagsunod sunod na sila sa pambubully sa akin.

"Bahala kayo ano isipin niyo, anyway tapos na kayo sa Advance Korean?" pang-iiba ko nalang ng usapan, nakita ko nanaman panlulumo sa mukha nila which means hindi pa sila tapos.

"Hindi pa nga e mare, hindi ko nga alam pano ko sisimulan yung family tree na yun kainis naman kasi" naiinis na sabi ni Mau sa tabi ko.

"Send ko sa gc natin yung gawa ko" sabi ko sa kanila habang kinukuha yung handouts ko sa labor law.

"Tapos kana?" gulat naman na sabi nila in unison pa.

"Oo bakit?" tanong ko sa kanila na nagtataka at the same time may halong pagmamalaki.

" Kaya sayo kami e, mabuti nalang talaga may koreana tayong kaibigan eme" sabi ni Ali at nakipag apir pa sa mga kaibigan ko na pare parehas bully.

" Nandito lang pala kayo" napatingin kami sa mga bagong dating na sila ate Mitch kasama mga kaibigan niya, umupo naman sila sa tabi namin kaya ngayon sobrang dami na namin dahil dumating pa si Romeo at Jarelle.

" Anong atin mga sistah"maarteng sabi ni Romeo, anyway si Romeo pala yung isa sa naging kaibigan namin dito at bakla po siya hehehe and may boyfriend din po siya like po ni Jarelle.

" Bakit kami tinatanong mo kapitan, kanina ka pa namin hinihintay, ready na kami makinig sa session mo" natatawang sabi ni Mau kay Romeo, kapitan kasi tawag namin sa kanya.

" Kaya ikaw dapat tanungin namin kapitan, so anong saatin? " dugtong naman ni Mace na lagi niyang kaaway lalo na kapag contemp na namin.

" wala tayong session for today's video " sabi ni Kapitan na umalis din at mukhang bibili ng kape.

" Bahala kayo diyan" sabi ko nalang at nagbasa nalang ng libro na nabili ko

Pamaya maya napagkuwentuhan nila yung magaganap na outing namin para sa april 1 at napag-usapan din nila na bukas magkakaroon kami ng meeting para doon.

"Basahin mo story ko"  nagulat ako at napatingin sa kaklase ko na nakikibasa narin pala sa cellphone ko. Tilaluha kasi ang binabasa ko na binili ko pa sa isang store dito. Wala na kasi akong mabasa, e nakakarelate rin naman ako dito.

"Ay writer ka?" gulat kong tanong kay ate Eli.

"Oo, kumikita na nga yan ng dollar" sabi naman ni ate Mitch.

"Ay we true ba?" tanong ko sa kanila. My ghad kumikita na siya?

"Yups" sabi naman ni ate Eli. Nakakatuwa lang na may kaklase akong writer grabe as in wow.

"Ahhh, ano naman pong genre yung ginagawa niyo?" tanong ko, nagtaka naman ako nang bigla silang nagtinginan at nagtawanan.

"Wag mo na tanungin bhe baka mawala kainosentehan mo" natatawang sabi ni ate Mitch na ikinatingin ng mga iba nilang kaibigan at mga kaibigan ko rin.

"Ay mukha lang inosente yang si Eve ate Mitch pero hindi talaga HAHAHA " natatawang sabi ni Mau.

"Ay we?" hindi naman makapaniwalang sabi ni Ate Mitch na ikinatawa naming magkakaibigan.

"Oo nanonood nga yan ng fifty shades of grey HAHAHAA " natatawang sabi naman ni Ali, na ikinatingin naman ng nga tao sa canteen. Buti nalang wala si kulot dito pati mga kaibiga-----

napatingin ako sa entrance nang cafeteria namin ng may pumasok doon at natatawang nakatingin sa amin. Shit sila kulot?! WTF?!

"Fifty shades of grey? Eve? seriously?" hindi makapaniwalang tanong ni ate Mitch na ikinatawa ulit ng mga kaibigan ko.

"Hindi naman sa ganun pero kasi nung senior high kami ni Mau pinanood naming magkaklase yan nun" paliwanag ko sa kanila. Yes po magkaklase po kami noong senior high ni Mau pero hindi po kami ganun ka-close before ngayon lang kami naging magkaibigan.

"Pati pala ikaw Mau e" pambubwisit ni Ate Mitch kay Mau na ikinatawa ulit nila samantalang ako hindi na mapakali dito sa inuupuan ko. Sino ba namang mapapakali kung alam mong naririnig ng crush mo yung pinag-uusipan niyo hindi ba?.

"Ano ba naman yang mga pinag-uusapan niyo" Sabi bigla ni Jarelle na ikinahinto namin sa pagtawa.

" Dipa ba tayo aakyat sa taas? anong oras narin e" sabi naman ni Romeo.

" Oo nga pala Labor Law na nga pala natin gagi, iba yata nareview natin. Patay tayo nito niyan sa recitation" sabi ni Ate Mitch na dali daling nilabas yung handouts niya.

" Tara akyat na tayo sa taas" aya ko naman sa kanila. Nagsipag-ayos na kami at lumabas na ng canteen pero bago pako lumabas napansin ko na parang may nakatitig sa akin kaya napatingin ako sa part nila kulot at nahuli ko nga siyang nakatingin sa akin, kinunutan ko lang siya ng noo at umiwas na siya ng tingin sa akin. At ako naman ay nagsimula na ulit sa paglalakad.

"Oh sabay sabay yata kayong pumasok ngayon" bati sa amin ni Ma'am pagkapasok palang namin ng room.

"Magkakasama po kaming nakatambay sa cafeteria e Ma'am" sabi naman ni Ate Mitch at umupo na sa puwesto niya, ganun rin naman kami.

"Mukhang kumpleto naman kayo" sabi ni Ma'am habang iniikot yung paningin sa buong classroom.

"Yes po Ma'am, wala pong absent sa amin ngayong araw" sabi naman ng mayor namin na ikinatango lang ni Ma'am.

"Miss Janah"sabi ni Ma'am na ikinagulat naming lahat. Shems eto naba yung recitation ni Ma'am? start naba agad?

"Ma-Ma'am" nauutal na sabi ni Jan na ikina-ngiti naman ni Ma'am.

"Give me an example of Illegal Business" sabi naman ni Ma'am habang nakatitig sa kanya. Napa-isip naman kami agad kung ano yun.

"Kwaho Ma'am" sabi naman ni Jan.

"Sure?" tanong naman ni Ma'am na nakataas pa ang kilay.

"Ay joke lang pala Ma'am, drugs nalang po pala" sabi naman ni Jan na ikinatawa naming lahat.

"Sure na sure?" seryosong tanong ni Ma'am na nakataas padin yung kilay.

"Eto Ma'am sure na, Prostitution po" sabi ni Jan na ikinatawa ulit namin. Pati si Ma'am napatawa narin.

"O sige, Prostitution it is" sabi ni Ma'am na tumatango tango pa. "What kind of recruitment you will do in an Illegal way. Of course Illegal business nga meron ka so Illegal recruitment din ang gagawin mo" sabi ni Ma'am sa kanya. Napa-isip naman si Jan, actually hindi lang siya e pati kami.

"Referrals po ma'am" simpleng sabi ni Janah.

"what else?" hindi kumbinsidong sagot ni Ma'am.

"Miss Faithy" tawag ulit ni Ma'am isa sa mga kaklase ko.

"Po?" kinakabahan na sabi ni Faith.

"What do you think?" tanong ni Ma'am na lalong nagpakaba kay Faithy, syempre kami nga kinabahan siya pa kaya.

"Do you think you can hire your classmates?" tanong ni Ma'am habang tinuturo kami isa isa. Nagtaasan naman kami ng mga kamay at nagsigawan na no need na kaming ihire.

"E ma'am diko na sila kailangan ihire, baka nga kapag nalaman nilang magbubukas ako ng club sila pa mismo mag apply sakin e" sabi ni Faith na ikinatawa pa namin lalo.

"Magpiprinsinta na po kami Ma'am" natatawang sabi naming magkakaibigan na mukhang ikinainis naman ni Agustin sa likod.

"Hoy Eve ano yang mga pinagsasabi mo! Ikaw talaga" sabi niya habang nakaturo pa sakin, na ikinatawa pa namin lalo.

"Kayo ba ay mag boyfriend/girlfriend?" tanong ni Ma'am sa aming dalawa ni Agustin, sabay naman kaming umiling at tumawa.

"Okay next Miss Santos?" natatawa paring tanong ni Ma'am.

" Ma'am? " kinakabahan na tanong ng kaibigan ko habang tumatayo ng dahan dahan. Napaisip naman ako sa tanong kanina ni Ma'am.

Illegal Business? tapos Illegal Recruitment? hmmm...

"Ma'am" sabi ko ng nakataas pa yung kamay, pinatayo naman ako ni Ma'am at pinaupo na si Mau.

Bago pa ako tuluyang makatayo narinig ko pa yung bulong ni Mau sa'kin na thank you Mare.

"Illegal Business po at Illegal recruitment po noh Ma'am?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.

"I think po Ma'am, dahil luxury club naman po ang ipapatayo ko so meaning po mayaman po ako, marami po akong pera ngayon po para po makakuha ng mga employee na magtatrabaho po sa club ko, pupunta po ako sa ibang club at yung mga trabahador  po sa ibang club ang ihahire ko po, sasabihin kopo sa kanila na kapag nagtrabaho sila sa akin dodoblehen kopo yung sahod nila." Mahabang sabi ko kay Ma'am na ikinatahimik ng buong klase.

"So ang ibig mo bang sabihin ay mang-aagaw ka ng trabahador ng iba?" tanong naman ni Maam. "Yes po maam, alam ko po bawal po yun e, so kung Illegal recruitment naman ang gagawin mas best po yun gawin ang manguha ng trabahador sa ibang club" sabi ko kay ma'am na ikinatango niya.

"Okay very well said, very good, you may take your sit" sabi ni Ma'am.

"Ang galing mo naman mare, hindi ko naisip yun ah" sabi naman ni Mau sa tabi ko. Pero di ako naka-focus doon, naka-focus ako sa mga kamay kong nanginginig ngayon.

" Pakisulat pala itong mga nasa board, ayan yung next nating topic after ng holy week, and taandan niyo guys as HR student No employer shall directly hire an Overseas Filipino Worker for overseas employment, nasa rules and regulation yan nang POEA. And that's all everyone good evening and good bye" sabi ni Ma'am pertaining sa topic namin kanina na about sa Ban on direct hiring, at tumayo na sa pagkakaupo niya.

POEA-Philippine Overseas Employment Administration.

" Oh Eve baka may kameet ka nanaman sa cr ah" sabi ng mga kaibigan ko habang pababa kami ng hagdan.

" Wala, uuwi na akong diretso niyan"sabi ko sa kanila. Tinawanan lang nila ako at nagdere-deretso na kami sa pagbaba at pagpunta sa gate.

Di pa man kami nakakaabot sa gate nakita ko nanaman sila Kulot kasama mga kaibigan niya, nakatitig lang sakin si Kulot kaya umiwas na ako ng tingin at lumiko na para makauwi na sa dorm.

Please lang Racharry, please lang huwag ka namang magbigay ng mix signal sakin oh, ng dahil diyan sa binibigay mo patuloy parin akong umaasa at hindi ko alam kung tama pa ba ito.

to be continue~~

E D S S A A Z

A/N: Hello readers, kung mapapansin po ng iba na nakabasa na ng part na ito ay nawala po yung explanation about Ban on Direct Hiring, tinanggal ko na po siya dahil masyado na pong mahaba yung parts na ito. Thank you.


You are reading the story above: TeenFic.Net