05 Tilaluha

Background color
Font
Font size
Line height

KABANATA 5

EVE POV

"Racharry Lyle Zacchios?" nagtataka kong tanong nang makita ko siyang nakasandal sa hamba ng pintuan ng rooftop.

"Hi" seryosong tanong niya at naglakad papalapit saakin.

"Anong ginagawa mo rito?" nagtataka ko namang tanong.

"Tss wala man lang bang isang hello diyan." sabi niya nang makalapit na siya sa akin at tumabi siya sa akin.

"Ano nga ginagawa mo rito" naiinis na sabi ko. Shit narinig niya kaya yung mga pinagsasabi ko kanina.

"Wala lang, masama bang tumambay?" seryosong sabi niya. Ano kayang nangyari dito bakit parang masyadong seryoso, nakakapanibago.

"Hindi naman, ahmm tapos naba yung laban?" tanong ko at iniba na yung usapan para maiba naman yung atmosphere.

Kaso nagkamali yata ako dahil lalong sumama itsura niya at kumunot pa yung noo.

"Oo" sabi niya nang nakakunot parin yung noo.

"Panalo?" tanong ko ulit at tinitignan kung magbabago ba yung ekspresyon niya.

Natalo ba sila??

"Tss oo" oo? pero bakit parang galit tong isang tao.

"E bakit parang galit ka?" tanong ko sa kanya.

"Wala, hindi kapa ba pupunta sa mga kaibigan mo?" sabi niya na medyo nawala na yung tensyon sa mukha niya.

"Maya na siguro, hindi pa ako tapos magreflect e." seryosong sabi ko habang nakatanaw sa building na kaharap nitong campus namin.

"Baba kana, kanina kapa hinahanap ng mga kaibigan mo, nag-aalala nayung mga yun sayo." sabi niya na ikinagulat ko kaya napatingin ako sa kanya.

Mas lalo akong nagtaka nang makita ko yung ekspresyon ng mukha niya na para bang concern siya sa akin. Iniwas ko nalang yung tingin ko sa kanya at nagbuntong hininga. Ayoko narin kasing umasa, nakakapagod din kaya.

"Nakikinig kaba?" tanong niya ulit at humarap pa sa akin.

" Ano ulit yun? " sabi ko nang marealize ko na natulala pala ako sa kanya.

"Hinahanap kana ng mga kaibigan mo, puntahan mo na sila para hindi na sila mag-alala sa'yo." sabi niya ng nakakunot yung noo

" Ahh oo hehehe sige bababa na ako niyan " nagkakamot sa batok na sabi ko. Nagbuntong hininga lang siya at umayos na ng tayo.

Aalis naba siya?

" Mauna na ako sayo sa cafeteria, pagkalabas ko ng pintong ito lumabas ka na rin" sabi niya at napatango naman ako ng wala sa sarili.

Nang makita ko siyang nakalabas na ng pinto ng rooftop nag-ayos na ako at sumunod narin sa kanya.

JARELLE POV

" Tuloy paba kayo sa April 1?" tanong ko sa kanila, sinasama nila ako pero feel kong huwag sumama kasi bonding lang nilang lima yun e makikijoin paba ako.

" Oo, pero iimbitahan namin buong klase" sabi naman ni Ali. Bakit buong klase kailangan pang imbitahan.

" Bakit? " nagtataka kong tanong.

"Hindi kasi papayagam si Maurice at si Eve kapag kaming limang babae lang tapos yung boyfriend ko lang yung kasama" sabi ni Ali. Sabagay may point siya, delikado naman kasi talaga kung sila sila lang.

" So ano----" hindi ko na natuloy sasabihin ko nang makita ko si kulot na naglalakad papasok sa canteen.

" Si Kulot oh nakakunot ang noo" natatawang sabi ko. Pano kulot na nga yung buhok pati noo kulot narin HAHAHA chariz.

"Nasaan?" sabi ni Mau at tumingin sa entrance nang canteen ganun din ang ginawa ng tatlo pero mukhang iba napansin nila.

"Si Eve ba yun?" nagtatakang tanong ni Keycee kaya naman napatingin ulit ako sa entrance at doon nga nakita ko si Eve na nakasunod kay Kulot, tapos nakayukong naglalakad habang pinaglalaruan yung daliri niya.

Kung hindi mo kilala yung dalawa iisipin mong magboyfriend and mag-girlfriend sila na nag LQ. Pano kasi tignan niyo si kulot na nakakunot yung noo habang palingon lingon sa likod niya tapos nasa likod niya si Eve na parang tensyunado ang Accla , na parang sunod sunuran sa boyfriend niya ang peg.

Pero dahil kilala namin silang dalawa kaya ayun wala lang yan, huwag niyong pansinin nag-iinagine lang ako rito.

"Anyare kay Eve? Magkasama ba sila ni Kulot?" tanong ni Keycee na isa pang tamang hinalang Accla.

"Ano ka ba naman te, si kulot nagpunta sa gf niya at yang si Eve mukhang nag emo emo sa rooftop" sabi ko sa mga Accla na kung ano ano na ang iniisip.

"Eve!" sigaw ni Ali kay Accla kaya naman napatingin saamin ang Accla at ngumiti at naglakad na ng mabilis papunta sa amin at ang Accla sa akin pa talaga tumabi hayssstt.

"Anyare sayo mare? bakit hindi ka nanood ng laban ni Ja?" seryosong tanong ni Keycee. Umiling lang si Accla at dumukdok na sa lamesa. Anyare kaya sa baklang to.

EVE POV

Alam kong maraming gustong itanong mga kaibigan ko, pero mas gusto ko nalang manahimik dahil feeling ko bibigay mga luha ko kapag nagkuwento pa ako at hindi ko pa kayang mag-open up sa kanila about sa feelings ko.

"So ano nga yung plano niyo para sa April 1?" hayyy Jarelle is my savior talaga.

"Ayun nga, iimbitahan namin lahat ng kaklase natin sa April 1, kung sino pinayagan pwedeng sumama tapos pwede pang magdala nang kung sino gusto nilang isama basta pagkain lang yung sagot ko. At yung service na irerent namin ng boyfriend ko ay para lang sa mga Mare ko" nakangiting sabi ni Ali, halatang excited na siya sa magaganap na advance outing para sa birthday niya.

Excited narin naman ako sadyang hindi lang maganda pakiramdam ko.

Hindi ko rin kasi maintindihan yung kinikilos ni Kulot ngayon. Ang daming tanong sa isip ko na gusto kong masagot .

Una pumunta lang ba siya sa rooftop para pababain ako? o nag-iimagine lang ako.

Pangalawa habang naglalakad kami papuntang cafeteria lagi niya akong sinisilip na para bang tatakas ako, anong ibig sabihin niya sa mga yun.

Pangatlo, hindi ba may girlfriend na siya? pero bakit parang ipinaparamdam niya sa akin kanina na wala?

Argghhgg ayokong magkasala!!!

"Huy mare napapano ka! bigla bigla mo nalang sinusuntok yung lamesa!" sigaw ni Mace saakin na nagpabalik sa akin. Napatingin ako sa paligid ko at nakita kong nakatingin sila sa akin at isa na siya doon habang nakakunot parin ang noo niya. Nag-iwas nalang ako ng tingin.

"Ano bang nangyayare sayo mare? may problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Keycee.

"Wala mare may bigla lang pumasok sa isip ko hehe sorry" sabi ko sa kanila, at nagkamot ng batok para maniwala sila.

" Nakapag-paalam ka na ba mare? "tanong naman ni Ali.

" Oo pinayagan na ako ni Mama basta huwag lang daw akong iinom. " sabi ko sa kanila, napa-Yes naman sila at nag apir apir.

" So next week na tayo magplano? March 24 palang naman, may time pa tayo para magplano, tapos imeeting narin natin mga kaklase natin nun " sabi naman ni Ali kaya lahat kami tumango nalang sa kanya except kay Jarelle na hindi papayagan ng boyfriend.

" Hindi ka talaga sasama Ja? " tanong ko sa kanya na busy na sa pakikipagchat ngayon.

" Hindi e" sabi niya na busy parin sa pakikipagchat.

" May laban pa kayo? " tanong ko ulit sa kanya.

" Wala na, championship na" sabi niya nng nakangiti. Hindi ko alam kung ako ba nginingitian niya o yung kachat niya.

" Sayang naman " malungkot kong sabi pero nagulat nalang ako ng may bumato sa akin ng tissue.

" Anong sayang sayang ka naman jan, nasa rooftop ka lang pala hindi ka man lang nagrereply sa mga chat namin. " sabi ni Mace na may inis  sa tono ng pagsasalita niya.

" Sorry na mga mare" nakalabi kong sabi habang nagpapacute sa kanila.

" Pasalamat ka baby ka namin kung hindi nakuuu" naka-irap na sabi ni Keycee saakin. Kaya napangiti nalang ako, mahal talaga nila ako.

" Mga Accla tara punta na tayong BYC awardings na raw. " sabi ni Ja kaya naman nagsi-tayo na kami at pumunta na kami sa BYC.

___________

"Hindi naba kayo manonood ng banda?" tanong ni Ja habang palabas kami ng BYC katatapos lang kasi ng awardings and as expected hakot award nanaman ang mga CBA.

"Nood muna ba tayo nga mare? White noise raw e" sabi ni Mau. May crush din kasi kami doon sa White Noise, yung gitarista nila.

"Sige nood muna tayo saglit" sabi naman ni Keycee.

"Una na kami ni Mace mga mare, may lakad pa kami" sabi naman ni Ali, tinanguan lang namin sila at sinabihan lang namin na ingat sila.

"Ang gwapo talaga ni Steve noh" sabi ni Mau na nakatingin kay Steve yung gitarista ng White Noise.

Si Steve ang kauna unahang crush namin sa Campus, naging crush namin siya nung Frosh Day at nung araw din nayun nakilala ko si kulot.

"Gagi mga mare 6pm na pala, uwi na kami ni Ja baka wala na kaming masakyang jeep" sabi ni Mau habang nakatingin sa gate ng BYC, tiningnan ko naman kung ano tinitingnan niya pero wala naman akong nakita kung hindi yung kasama ko lang sa dorm.

"Wait lang guys, paalam lang ako kay Mery, yung kasama ko sa dorm." sabi ko sa kanila, tumango naman sila kaya lumapit ako kay Mery para magpaalam na uuwi na.

"Mery" tawag ko kay Mery na busy sa pag-aayos ng mga gamit doon sa lamesa na inupuan nilang mga RCY.

"Oyy Eve bakit?" tanong niya at inihinto muna yung ginagawa niya.

"Una na akong umuwi ne, umuwi na raw ng Dinalupihan sina Lou at Noeh(Nowe) kaya tayong dalawa nalang sa dorm." sabi ko sa kanya.

"O sige, may ulam pa naman ako doon sa cabinet natin ayun nalang ulamin natin luto ka nalang ng kanin" sabi niya kaya tumango nalang ako.

Ng akmang aalis na ako saka naman may nahagip yung paningin ko. Sa gilid ng gate ng BYC isang lalaking nakatayo habang pinapaypayan ang isang babaeng nakaupo...

Si Charry habang pinapaypayan yung babaeng kasama din niya nung Year-end party ng campus at girlfriend niya.....

to be continue~~~

E D S S A A Z

A/N: Forda sad nanaman ang ating bida


You are reading the story above: TeenFic.Net