04 Tilaluha

Background color
Font
Font size
Line height

KABANATA 4

EVE POV

"Akala ko hindi mo na ako ichi-cheer"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si kulot na nakatayo sa likuran ko.

"Ikaw pala" nakangiti kong sabi, iniiwasan ang sinabi niya.

"Uwi kana?" tanong niya habang nakatingin sa gate kaya napatingin din ako doon at nakita ko doon yung mga kaibigan niya.

"Oum, sige dito na ako congrats" sabi ko at mabilis na lumabas na ng gate at hindi na pinansin yung mga kaibigan niya.

Tinakbo ko na mula sa school hanggang sa dorm, ng makarating ako sa dorm pumasok na ako sa room namin at pumunta agad sa higaan ko para doon umiyak.

Tang'na naman kasi bakit ba kasi ako umasa sa sinabi ni Agustin na wala pa siyang girlfriend? bakit ba ako umasa sa mga sinabi ni Ali at bakit ba ako umasa sa mga tingin niya. Tang'na namang buhay oh.

"Guys napano yan?" rinig kong tanong  ng isa sa mga kasama ko sa dorm kaya dali dali akong nagpunas ng luha.

"Ewan, baka napagalitan nanaman nang prof niyang terror?" sabi pa nang isa. Hindi ko nalang sila pinansin at sinubsob ko nalang yung mukha ko sa unan at inisip lahat nang nangyari.

Kakaisip ko sa lahat nang nangyari ay nakatulog ako ng hindi ko na namalayan.

"Eve, gising akala ko ba maaga ka papasok?" napamulat ako ng mata at tinignan ko yung nangyuyugyog sa akin.

"Maya na ako pasok" inaantok pa na sabi ko.

"Anong mamaya na, magzuzumba pa tayo sa campus. Tumayo ka na riyan tignan mo mata mo oh namamaga" sabi niya at lumabas na nang room namin.

Tinignan ko muna kung anong oras na at nakita ko naman na 5 AM palang, shit talaga yung babaeng yun.

"Mery kainis ka kamo, 5 Am palang pala e." sabi ko sa kanya nang makapunta ako sa kusina.

"Mag-aasikaso pa tayo. At saka 7 am start ng zumba ah, kaya tigilan mo ako." irap niya saakin at bumalik ulit sa ginagawa niya.

"Ano ba yang niluluto mo?" tanong ko habang sinisilip yung kawali.

"Itlog at hotdog ulam nating dalawa. Magbabaon tayong kanin diba" tumango lang ako at pumasok na ulit sa room namin para asikasuhin yung mga dadalhin ko pati narin yung damit na susuutin ko which is short and tshirt tapos magpapalit nalang ulit ako ng damit sa cr after ng zumba.

Pagkatapos kong mag-ayos pinuntahan ko ulit si Mery sa kusina.

"Oh bakit di ka pa maligo? 1 hour ka pamo raw naliligo" sabi niya ng hindi tumitingin sa akin at focus doon sa niluluto niyang mga itlog.

"Maya na" sabi ko at tumitig na sa kawalan.

"Bakit ka nga pala umiiyak kagabi?" napapikit ako nang marinig ko yung tanong niya.

"Basta" sabi ko at nagmulat ulit ng mata at tumayo na.

"oh aano ka?" nag-aalala niyang tanong.

"Maliligo na " sabi ko at ngumiti ng tipid sa kanya, napabuntong hininga lang siya at tumango na saakin.

KEYCEE POV

"Wala yata si Eve?" nagtataka kong tanong.

Nakakapanibago kasi, lagi kasi siyang nauuna sa amin sa pagpasok at ang nakakapagtaka pa, hindi siya nagrereply sa mga chat namin.

"Umattend ba siya ng zumba kanina?" tanong naman ni Ali na nag-aalala narin.

"Ewan, pero sabi niya kahapon aattend daw siya ng zumba e" sagot ko.

Nagkibit balikat nalang kaming lahat at nanonood na ulit ng game nila Ja.

"Pansin niyo ba si kulot kanina pa tingin ng tingin dito sa gawi natin? para siyang may hinahanap" napatingin naman ako kay kulot nang sabihin ni Mau yun. At tama nga siya, nakatingin nanaman si kulot sa part namin.

"Alam ko na!" napatingin kaming lahat kay Mace nang bigla siyang sumigaw tapos pinagdikit dikit niya mga ulo namin.

Siguro para di marinig nang mga katabi namin yung sasabihin niya.

"Anong alam mo na?" Tanong naman ni Mau.

"Feeling ko si kulot dahilan kung bakit wala ngayon si Eve" mahinang sabi ni Mace. Napaisip naman kami.

"Baliw hindi naman siguro, hindi naman ganun kalalim yung nararamdaman ni Eve sa kanya e" sabi ni Mau. Ganun din feeling ko. Feeling ko hindi naman malalim nararamdaman ni Eve kay kulot e like nung nasa Dunkin kami oh diba sabi niya wala na raw siyang feelings.

"Kasi diba kahapon kung maalala niyo na sinabi ni Ja na may girlfriend na nga raw si Kulot tapos biglang nagpaalam na uuwi si Eve tapos simula nun hindi na siya nagsiseen sa gc natin at hindi rin siya nagrereply sa mga chat natin" mahabang paliwanang ni Mace.

Lahat naman kami napaisip sa sinabi ni Mace, though may point naman siya pero kung tama hinala ni Mace edi ibig sabihin mahal ni Eve si Kulot?

Hay ewan basta ako focus ako kay Aguilar kyah, hindi ko parin makakalimutan kung paano niya kinuha number ko kagabi kaya hanggang ngayon kilig parin ako.

"Let's go CBA , Let's go!" nahinto pag-iisip ko nang magsigawan ang mga CBA.

"Bakit sila sumisigaw?" tanong ko kay Mau na nakatulala.

"Ewan" sagot niya ng wala sa sarili, tinignan ko si Ali na ganun din nakatulala lang din kaya kay Mace ako tumingin.

"Mace, bakit nagsisigawan?" tanong ko.

"Panalo na yata?" patanong na sagot naman niya at sabay nagkibit balikat.

"Woohhhhh CBA for the win!!! Let's go CBA Let's Go!" patuloy parin pagsigawan ng mga CBA habang ang ibang department naman ay naglabasan na ng byc.

"Tara puntahan natin si Ja papicture tayo." sabi ko at nauna nang tumayo sa kanila.

JARELLE POV

"Congrats CBA !" masayang sabi ni Ma'am Anna pagkatapos naming mag-huddle to congrats our team.

O pak diba forda english ang ferson, sino ka jan daii HAHAHA.

"Thank you Ma'am Anna!" sigaw naming lahat bago namin ayusin mga gamit namin.

Hiyang hiya talaga ako sa mga accla na supporter ko sa taas kung makasigaw wagas, nakakahiya mukhang wala na akong maihaharap na mukha sa lahat.

"Ahem" someone fake a cough beside me. And of course no other than ang fafa nang lahat at ang fafa ko rin na sobrang yummy and hottie kaso may boyfriend na ako kaya ekis siya sakin WAHAHAHA.

"Uyyy Charry bakit?" tanong ko sa kanya habang pinapasok iba kong gamit sa bag.

"Sabay sabay raw tayo maglunch sabi ni Ma'am Anna" sabi ni Charry tumango naman ako sa kanya.

Aalis na sana siya nang may bigla akong naalala na kanina ko pa napapansin. Kaya pinastop ko muna siya sa pag-alis niya.

"Charry" tawag ko sa kanya sabay sabit nang bag ko sa balikat ko.

"Why?" huwaw english yarn.

Ahem..

"Huwag ka ma-ooffend ah, pansin ko lang kasi kanina na parang wala kang mood maglaro unlike kahapon" nakangiting sabi ko, syempre need natin ngumiti noh para naman hindi awkward ang atmosphere.

"Ahhh a-ano" di makatinging sagot niya plus nauutal pa siya. Anong meron?

"Ano?" nakataas kilay kong tanong, lalo lang siyang nag-iwas ng tingin saakin na parang nahihiya.

Kyeotiee kaso may boyfriend na ako e Whahahaha.

"Yung girlfriend kasi niya hindi nakarating?" biglang singit ni JL yung kaibigan ni Kulot.

"Girlfriend?" yung taga ibang campus ba?hmmm kaya siguro nahihiyang magsabi si kulot, girlfriend naman pala niya wala.

"Oo, wala tuloy nagchicheer sa kanya" nakangising sabi ni JL pero nakataas kilay naman siyang nakatingin kay kulot. Mas lalong anong meron?

"Oo HAHAHA yung girlfriend ko wala, kanina ko pa nga hinahanap e" nakangiting sabi ni kulot.

Ang gwapo niya kapag nakangiti at lumalabas yung braces pero still may boyfriend parin ako.

"Ja!!!" napatingin kaming tatlo sa tumawag nang pangalan ko at ayun yung mga maiingay na accla sa section namin.

"Congrats sexy loves!" sigaw naman ni Keycee at yumakap pa saakin ang Accla shuta talaga.

"Amaccana Accla " irap ko sa kanya at tinanggal pagkakayakap niya.

"Pero thank you sa pagcheer niyo guys!" Sabi ko sa kanila.

"Wala yun Mhi basta ikaw" sabi pa ni Mau pero nakatingin naman kay kulot. Lantong ng babaita.

" Ahmm guys pakilala ko pala sa inyo isa sa mga ka Team ko. Ito nga pala si Racharry at si JL"sabi ko habang tinuturo si Charry at JL " At Charry , JL eto naman mga kaibigan kong Accla, si Keycee, Mace, Maurice, Ali and------" Naputol pagpapakilala ko sa kanila isa isa nang mapansin kong parang kulang silang isa.

" Nasaan si Eve? " tanong ko sa kanila. First time yata wala si Eve ngayon?

" Ayun nga e Mhi, hindi niya sinasagot mga chat namin sa kanya" malungkot na sabi ni Keycee.

" Akala koba aattend siyang zumba? " nagtataka ko ulit na tanong.

" Dumating kami dito tapos na yung zumba kaya dina namin napansin " sabi naman ni Ali.

Inikot ko yung paningin ko sa loob nang BYC hanggang sa napansin ko yung kasama ni Eve sa dorm.

" Roommate ni Eve! " sigaw ko doon sa babaeng maikli ang buhok na matangkad.

" Ako? " sabi niya habang nakaturo pa sa sarili niya.

" Oo ikaw" sabi ko, kaya naman lumapit na siya sa amin at pagkalapit niya palang tinanong niya agad ako ng  " bakit? ".

" Si Eve? " tanong ko sa kanya.

" Si Eve ba? After ng zumba nagpaalam siya sa'kin na pupunta raw siyang rooftop , doon sa rooftop ng cba ah" sabi niya at nagpaalam narin dahil marami pa raw gagawin.

" Umaano naman si Ev----" diko na natuloy sasabihin ko nang nagsalita si Charry.

" Ja at friends ni Ja una na kami may pupuntahan pa kami" sabi ni Charry.

" Puntahan lang namin Girlfriend ni Charry ngayon lang namin nalaman kung nasaan e. Sunduin lang namin" sabi naman ni JL na nakangisi na at sabay na silang naglakad ng mabilis.

"Nagmamadali lang?" sarcastic kong sabi.

"So totoo talagang may girlfriend na si kulot?" sabi naman ni Keycee na nakakunot na yung noo.

"Oo te, sinabi ko na nga kahapon diba " attitude na sagot ko sa kanila.

"Puntahan paba natin si Eve?" tanong ni Mau.

"Feeling ko 'wag na mga Accla, feeling ko gusto nun mapag-isa kaya nga di nagreply sa mga chat natin hindi ba" maarteng sabi ko sa kanila.

"O siya siya mag-aayos pa ako" pagtataboy ko sa kanila.

Nasaktan ko kaya si Eve kahapon nung binanggit ko yung tungkol sa girlfriend ni Charry? shuta naman kasi bakit ba naman kasi ang daldal ko e kainis.

EVE POV

Nanalo kaya sila?

Masaya kaya siya?

Kasama kaya niya Girlfriend niya ngayon?

Chinicheer kaya siya ng girlf-----

"Hindi nga e"

"Ay Girlfriend!!!! " sigaw ko nang makarinig akong nagsalita mula aa likod ko.

Pagkaharap ko nakatingin siya sa akin at nakangiti habang nakasandal sa pinto ng rooftop.

Racharry Lyle Zacchios?

to be continue~~

E D S S A A Z

A/N: Hope you like it guys. Feel free to criticize me 🙂


You are reading the story above: TeenFic.Net