02 Tilaluha

Background color
Font
Font size
Line height

KABANATA 2

EVE POV

"Hoy bakit hindi mo naman sinabi kahapon na birthday mo pala wtf ka kamo" naiinis na sabi ni Agustin. Tinawanan ko lang siya at umupo na sa tabi niya. Andito naman kami sa cafeteria ngayon.

" Nahihiya ako na batiin mo ako e" sabi ko which is true naman, at saka baka isigaw niya pa yung pagbati niya sa'kin. Masyado ko na siyang kilala.

" Sayang talaga, edi sana nasigaw ko sa BYC kahapon na birthday mo, edi sana nabati ka nung director ng school. " bwisit, see, kaya ayaw ko ipaalam e.

" Bwisit, bwisit ka talaga" sabi ko sabay ayos ng buhok kong mahaba at curly sa bandang ibaba, napa-stop ako sa pagcurl ng buhok ko gamit yung kamay ng may narealize ako. "Wait? pano mo nalaman na birthday ko kahapon?" nagtataka kong tanong sa kanya.

" Si kulot oh" nagulat naman daw ako sa sinabi niya at tinignan yung nginunguso niya na papasok sa cafeteria namin. Akala ko binibiro niya lang ako at ayaw sagutin yung tanong ko pero totoo palang nandiyan na si Kulot.

Si Kulot kasama mga kaibigan niya....

" Sige inguso mo pa" sabi ko kay Agustin at hinampas pa siya sa balikat.

"Gusto mo tawagin ko? "
"Tawagin ko ah"

"Charry!" biglang sigaw nang hinayupak. Hindi man lang ako hinayaan makapag-decide, desisyon talaga.

shutaaa talaga

" Wuyy Kuya" kuya? sinong kuya?

" Musta training? " tanong ni Agustin. Magkuya sila? ay hindi baka gumagalang si Kulot.

"Okay lang naman kuya-----" sagot niya sabay tingin saakin " -----girlfriend mo kuya? "sabi niya sabay tingin ulit kay Agustin.

Ako magiging girlfriend ni Agustin? diko tanggap to the highest level pero kung ikaw lang magiging boyfriend ko why not coconut hindi ba?

" Ah eto? -----"sabay turo sa akin " hindi man, kaibigan lang" nakangiting sabi ni Agustin.

Ako yung nahihiya sa kanya e kainis...

" Wuyy mag hi ka" kalabit sa akin ni Agustin habang nginunguso pa si kulot na nasa harapan namin.

Tinignan ko siya ng masama bago ako humarap kay kulot at ngumiti ng malaki.

" Hi " nakangiting sabi ko, ngumiti naman siya sa akin pabalik

"Hello, uhmm I'm Racharry (Rakary) Lyle (Layl)  Zacchios (Zakiyos), Charry(Kari) nalang " nakangiting sabi niya habang nakalahad yung kamay niya sa akin.

Shit eto na ba yun? may chance naba? eto naba yung encounter namin na magkakagusto siya saakin ? at hihiwalayan yung girlfriend niya kasi inlab na siya sa'kin? ghaddd! mahahawakan ko na yung kamay niya. Dream come trueeee!!!!.

"huy" nagulat ako dahil sa pagbunggo ni Agustin sa balikat ko. Kaya naman napatingin ako sa kanya.

Pagtingin ko sa kanya, nakita ko yung mata ni Agustin na tinitignan yung kamay ni kulot na nakalahad parin sa akin hanggang ngayon.

"Ah ano sorry, E-eveiandra Estella uhmm ano E-eve nalang" nahihiyang sabi ko.

Shit bakit ako nag stutter , banas naman oh masyado naba akong napaghahalataan?.

" Ahem" napatitig ulit ako kay kulot nang marinig ko yung pag-ismid niya.

Shit ano ba nangyayari sakin?

" Ahhh uhmmm bakit? "nagtatakang tanong ko. Bigla namang bumaba yung tingin niya at sinundan ko yung tingin niya na bumaba doon sa kamay niyang nakalahad parin hanggang ngayon.

" Oh shit shit sorry "nagmamadaling sabi ko sabay shakehands.

" Nice meeting you " nakangiting sabi niya, tumango naman ako, ngumiti at sinabing 'nice meeting you too' at tinaggal na yung kamay namin sa pagshake hands.
 
"Sige kuya mamaya na lang ulit, yung pinapabigay ko ah don't forget" sabi niya at lumakad na papunta sa mga kaibigan niya.

Pagka-alis na pagka-alis ni Kulot siya namang pagtingin sa'kin ng masama ni Agustin. Ano nanaman ba nagawa ko?

"Para kang tanga kanina kamo, masyado kang halata " naiinis na sabi niya sa'kin at uminom sa milktea na hawak niya na ngayon.

"San mo naman nakuha yan? bakit parang diko nakita kanina na meron kang ganyan?" nagtataka kong tanong sa kanya para maiba usapan namin hehe nahihiya na kasi ako. At tinignan niya lang ako ng may "duh" look.

"San nga?!" naiinis kong sabi at medyo napataas boses ko kaya nakuha ko yung mga atensiyon ng mga nasa malapit na table sa amin at isa na roon sila kulot.

"Ang ingay mo " sabi niya at nag 'shhhhh sign pa.

"Sorry po, sorry po" paumanhin ko sa lahat at tumingin na ulit kay Agustin.

" Pakihinaan volume niyang bunganga mo please " sabi niya habang sumisipsip sa milktea niya.

" Sagutin mo kasi tanong ko, kainis naman daw kasi. " nagmamaktol na sabi ko sa kanya.

" Nakakahiya ka , tignan mo nakatingin si Charry sa'tin" sabi niya sabay nguso doon sa table nila kulot pero nang tingnan ko hindi naman nakatingin, fake news talaga kahit kailan.

" Di naman e" sabi ko habang nakatitig parin sa part nila kulot.

" Bahala ka ayaw mo maniwala" sabi niya at may kinuha sa bag niya.

" Oh! " pasigaw na sabi niya at may inabot sa akin na nakaplastic.

" ano ito? " nagtatakang tanong ko habang nakatitig doon sa plastic na binigay niya.

" Buksan mo kaya ng malaman mo, dami mo namang tanong" sabi niya at sumipsip ulit sa milktea niya, ano kayang problema ng lalaking ito? Ang init init ng ulo jusme.

Binuksan ko na yung plastic at nakita ko na isang pack ng gummy bear yung laman.

" Woahhh my favorite!! " diko nanaman napigilan at napalakas nanaman boses ko habang hawak hawak na yung gummy bears.

" Sabing hinaan mo volume niyang boses mo e" nahihiyang sabi niya habang ngumingiti sa mga estudyante na nakatingin sa amin.

"Sorry na, anyway thank you" nakangiting sabi ko but this time pabulong na.

"Huwag ka sa'kin mag thank you" naka-iwas tingin niyang sabi. Huh? e kanino pala?

"E kanino pala? " tanong ko habang binubuksan na yung gummy bears.

"Basta gift yan para sa birthday mo, hayy ang dami mo namang tanong." sabi niya ng hindi parin nakatingin sa akin.

Kanino kaya galing itong gummy bears? Pabasta basta pa itong lalaking ito, hindi nalang sabihin e.

"Sana masaya ka na nakausap mo si kulot kahit paano" nakangiti niyang sabi habang nakatingin parin sa harap niya. Ewan ko lang kung sino tinitignan niya.

"Anyway kailangan ko ng umuwi, iwan ko muna sayo itong attendance, kukuhanin nalang ni Yorme(Mayor)." sabi niya at tumayo na.

Tumango lang ako sa kanya, at nagwave lang ng hands. Di kasi ako mahilig magsabi ng bye and ingat sa lalaki.

Heto nanaman ako at mag-isa nanaman ako..

to be continue~~

E D S S A A Z

Sino kaya nagbigay ng gummy? hmm?

A/N:  Anyway guys uhm marami pong nagbago sa part na ito hehe diko po sadya. Pero sana nagustuhan niyo yung new updates thanks.


You are reading the story above: TeenFic.Net