π™Ώπš›πš˜πš•πš˜πšπšžπšŽ

Background color
Font
Font size
Line height

Section 5,

Consists of bullies, ill-mannered and simple-minded people. In short, lahat ng nandito ay sakit ng ulo sa mga guro. At higit sa lahat, sila ay puro lalaki lamang.

Pero nagbago ito ng dumating sa Stanforx Academy si Cyan Jade, kilala bilang CJ o Luhence, matapos siyang ilipat ng kaniyang tita.

Nang malaman niya ang plano ay hindi niya ito ikinatuwa. Lalo na nung malaman niyang siya ay napunta sa lowest section, and worst, all boys section.

Kayanin kaya niya ang ugali ng mga ito? O susukuan din niya ang mga ito? Being the only girl in section 5 is a good sign? Or a bad sign?

β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”

CJ's POV:

"Pagod na kami kaka-paalala saiyo! Kaka-pangaral saiyo! Ano ka ba naman CJ?! Tingnan mo kung anong klaseng gulo ang pinasukan mo! Magpasalamat ka nalang at hindi pa nagsisimula ang klase dahil kung hindi, malamang na-expel ka na!" Sermon ni tita Laura saakin nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada. "Be thankful that I'm there to save your ass. Again. Sa tinagal tagal mo sa eskwelahan na yon, ni minsan wala akong narinig kundi masasamang ginawa mo. Nakipag away ke ganito, nakipag suntukan kay ganon. Ano ba?!" Dagdag niya. Pinagkrus ko ang braso ko bago sumandal.

"Tss." Yun na lamang ang nasabi ko.

"You almost killed the poor kid CJ!" She said. I rolled my eyes.

"Humihinga pa naman diba." I whispered that made her glare at me.

"Dadalhin kita sa Manila! Dun ka sa mga pinsan mo para sila naman ang mangunsumi saiyo!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni tita Laura.

"What?! No! Ayoko dun!" Pag protesta ko ngunit nakatanggap lamang ako masamamng tingin galing sakaniya. Si Tita Laura ay Kapatid ni Mama. Ang tinutukoy niyang mga pinsan ko sa Manila ay mga pinsan ko sa father's side. Oh, wait. Hindi pa pala ako nagpapakilala sainyo.

I'm Cyan Jade Luhence Zia Montefalco. You can call me CJ or Luhence. Cyan is pronounced as sayan and Luhence pronounced as luens. I'm 16 years old.

"Anong ayaw mo?! Walang ayaw ayaw! Magsama-sama kayong mga sakit sa ulo."

Saad niya habang pina-park yung kotse. And yes, tinuturing nilang sakit sa ulo ang mga Montefalco, ewan ko kung bakit, pero sa tingin ko dahil sakin.

Pagkapatay ng makina ay agad siyang bumaba kaya sumunod ako. Galing ako sa school and sinundo niya ako. Actually bigayan lang ng card ngayon. Next month pa ang pasukan. Ang gulo no? Parang si Author lang 'yan. Magulo den.

(A/N: May sinasabi ka?!)

Wala. Joke lang yon. Well ganito kase yun. Bigayan ngayon ng card dahil requirements 'yon para maka-enroll. Ewan ko sa school na 'yon bakit kung kelan lang nila gusto eh tsaka ibibigay yung card saamin. So yun na nga, kailangan daw kasama yung student so kahit ayaw ko, sumama nalang ako. Akala ni Tita, na akala ko den, ay magiging matiwasay ang araw na 'to pero sa kasamaang palad, hindi naging maganda.

"Mag impake ka na! At bi-byahe na tayo papuntang manila! Bilisan mo!" Galit na sigaw ni Tita kaya dali dali akong umakyat papuntang kwarto dahil baka mapektusan nanaman si ako. Kawawang-kawawa na yung ulo ko jusko.

Mabilis kong kinuha yung maleta ko pagkatapos ay binuksan yung cabinet ko. Buti nalang sinapian ko ng espirito ng kasipagan kahapon kaya tiniklop ko yung mga damit ko. Kaya madali nalang na nailagay ko lahat sa maleta ko. Kaso, yung mga anik-anik ko pa. Hindi ka kasya. Paktay! Ayoko naman iwan yun dito dahil paniguradong wala na akong mababalikan. Buti na lang dalawa yung maleta ko. Hakhak.

Matapos kong mailigpit ay nilibot ko ulit yung kwarto nila, kase hindi na 'yon akin dahil aalis na ako, tsaka ako lumabas.

"Tapos na ako." Walang ganang saad ko.

"Ipasok mo na yan sa kotse!" Sigaw nanaman ni Tita. 'Nak ng tokwa, kelangan laging nakasigaw?!

Sinunod ko nakang ang sinabi niya dahil nakakarindi na yung pag sigaw sigaw niya, kala mo naman bingi kausap.

Nakasalubong ko pa si Lolo at agad na lumanding ang mata niya sa dalawang maletang hawak ko.

"Oh, saan ang punta mo apo? Bakit naman eh dala-dala mo na iyang mga maleta mo?" Takang tanong niya.

"Eh kasi poβ€”" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng sumabat nanaman ang pinaka paborito kong pinsan, anak ni Tita Laura na si Lara. Lara sabatera ang bansag namin diyan. Oo. NAMIN. Dahil pati si Lolo, hindi gusto ang ugali niya.

"Kasi po pinapaalis na siya ni Mama. Ayaw na po sakaniya. Puro kasi gulo ang dala niya. Hindi po siya bagay dito. Dahil dito, puro mabait ang tao. Maliban lang sakanya. Walang may gusto sakaniya." Saad niya sabay tingin ng masama saakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay kaya inirapan niya ako tsaka umakyat papuntang kwarto niya.

Tusukin ko 'yang mata mo, ewan ko nalang kung makairap ka pa.

"Totoo ba apo? Iiwan mo na ako?" Parang naluluhang sabi ni Lolo. Maiiyak na 'rin sana ako kaso bigla siyang nagpacute. Well, 59 years old palang naman siya. Imbis na maiyak ay natawa nalang ako.

"Opo eh. Kailangan." Kamot batok na sabi ko tsaka lumapit sakanya para bumulong. Lumapit din siya saakin. "Baka lumabas na lahat ng puting buhok ni Tita sungit." Dagdag ko kaya natawa nalang si Lolo.

"Pero di bale Lolo. Bibisitahin parin naman kita." Naka-ngiting saad ko.

Ginulo niya yung buhok ko kaya napa nguso ako.

"Lolo naman ihh!" Sabi ko habang inaayos yung buhok ko habang siya ay tawang-tawa sa itsura ko kaya lalo akong napanguso. Ayoko kasing ginugulo ang buhok ko. Ayaw ko ding may humagawak diyan. Maliban nalang kung magpapa-ayos or kung kailangan talaga.

Mga ilang minuto pa siyang tumawa hanggang sa bigla siyang nag seryoso.

"Oh basta, 'wag mong pababayaan ang sarili mo ha? Huwag masyadong pasaway don. Naiintindihan mo?" Seryosong sabi niya kaya tumango naman ako tsaka yumakap sakanya. Niyakap niya ako pabalik. Nagtagal 'yon ng ilang minuto bago ako humiwalay sakaniya.

"Opo. Pero lo, diba sabi niyo 'huwag MASYADONG magpasaway'? Edi ibig sabihin pwede parin akong magpasaway?" Tanong ko. Napangiwi naman siya kaya tawa ako ng tawa.

"Sige. Tawa lang. Sinasabi ko sayo, huling tawa mo na yan." Biglang sabat nanaman ni Lara.

Oh my ghad. May nagsalitang epal.

Inirapan ko lang siya. Wala na sana akong balak na pansinin siya pero nakita ko yung suot niyang damit. Naka damit pang-alis siya.

"Saan ang punta mo?" Bago pa ako makapag tanong ay naunahan na ako ni Lolo.

"Sasama po ako sakanila papuntang Manila." Sabi niya kaya agad na nanlaki ang mata ko.

"ANO?! AYOKO! BAKIT KA SASAMA?! KELANGAN KA BA DON?! IKAW BA MAGBUBUHAT NG MALETA KO?!" Gulat na tanong ko habang naka sigaw.

"WAG KANG EPAL! EH SA GUSTO KONG SUMAMA?! GUSTO KONG MAKITA SI KUYA EDWARD?!" Ay kaya naman pala. Utak netong babaeng toh may ubo. Crush niya kase yung pinsan ko na 'yun.

"Ay kaya naman pala. Sasama para lumandi." Pabulong na sabi ko.

"ANO?! MAY SINASABI KA?!" Sigaw nanaman niya kaya 'di ko na napigil ang sarili ko.

"PAG HINDI KA PA TUMIGIL NG KAKASIGAW PATUTULUGIN KITA!" Banta ko kaya parang natakot naman siya pero inirapan niya ako para mapagtakpan yung takot niya tsaka siya pumasok sa kusina.

Just by thinking na makakasama ko siya sa kotse hindi na ako mapakali. Dahil I'm 100% sure hindi kami makakarating sa pupuntahan namin ng hindi kami nagbabangayan ng bruhang 'yon.

Ladies and gentlemen, please grab whatever's beside you and use it as your shield because I now pronounce the start of the World War III

You are reading the story above: TeenFic.Net