๐™ฒ๐š‘๐šŠ๐š™๐š๐šŽ๐š› ๐Ÿฟ

Background color
Font
Font size
Line height

Kyle's POV:

Dali dali kong sinalo si CJ nang mawalan siya ng malay.

"Tumawag ka ng ambulansya." Utos ko kay Renz. Hindi na toh magagamot sa clinic. Hay nako ang tigas talaga ng ulo neto.

Btw, Hi! I'm Kyle Cohen. 18 years of age turning 19 on July 15. Younger brother of the one and only CassLyn Cohen, the famous model.

"Parating na sila." Sabi ni renz. Tiningnan ko si CJ na nasa bisig ko. Namumutla siya.

"WHAT THE HELL HAPPENED?!" Galit na tinig ng isang babae ang narinig ko. Nang lingunin ko ito ay napaiwas din agad ako.

Magsasalita pa sana siya ng makarinig kami ng tunog ng ambulansya na palapit sa direksyon namin. Saktong pagtayo ko dahil nakaluhod ako kanina ay ang pagtigil ng ambulansya sa harapan namin. Dali-dali kong sinakay si CJ don.

"I'm Angelica Zade Montefalco. I'm coming with her as the president of the Academy." Seryosong saad ni AZ. Tumango lang yung nurse na nasa loob ng ambulansya.

"Students! Get back in the court and form a line! NOW!" Sigaw niya bago sumakay. Dali-dali naman nagsipag sunuran ang ibang students. Habang kami ni Renz ay tinanaw ang papalayong ambulansya. Nang mawala na ito sa paningin namin ay pumasok nadin kami sa court.

Pagpasok ko ay nakita kong pinapapila na ng teachers ang bawat section kaya dali-dali kaming naglakad ni Renz patungo sa section namin. Tahimik lang kaming pumila at umakyat.

Nang makarating kami sa room ay tahimik parin kami.

"Kamusta na kaya siya?" Pabulong na tanong saakin ni Renz. Nagkibit balikat lang ako bago ko tingnan ang nagpasimuno ng pambabato.

Nakatingin siya sa kung saan at nakatulala. Malalim ang iniisip.

"Ano kaya nangyari kay CJ?" Tanong ni Riu.

"Bakit mo tinatanong? Nagui-guilty ka noh?" Pang-aasar naman ni Mykel.

"Gago." Sagot sakaniya ni Riu.

Nagtalo pa silang dalawa. Samantalang ako naman ay muling tumingin kay Ice.

"Bakit mo naman ginanon kuya?" Nagulat ako ng maglakas loob si Renz na magtanong. Pinaka bata kasi saamin si Renz. 15 years old palang siya kaya kuya ang tawag niya saamin.

"Malay ko bang dudugo." Seryosong saad ni Ice. Napa face palm nalang ako sa sagot niya.

"Kahit na. Sabi mo stress ball lang, bakit may kasamang bola ng basketball?" I said. Nagkibit balikat lang siya.

"Like I said, malay ko bang dudugo." Sabi niya ulit. Anak ng tokinawang hapon toh.

"Lagot ka kuya. Paniguradong magsusumbong yun sa guidance office." Pananakot ni Renz. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Yeah as if naman matatakot yan sa guidance." Sabi ko at natatawa. Tiningnan naman ako ni Renz.

"What?" I said. Yung tingin niya kasi sakin parang nagtataka.

"Hindi mo ba alam?" Sabi niya. Nagtaka naman ako. Pabitin din tong batang toh eh.

"Ang?" Curious na curious na tanong ko.

"Yung tungkol sa last chance ni Kuya Ice? Sabi ng guidance office mapipilitan silang i-kick out si Kuya Ice pag gumawa pa ulit siya ng gulo?" Sabi niya. Napatingin naman ako kay Ice.

"Seryoso?" Tanong ko. Tumango lang siya. Tumayo ako. Napatingin naman silang lahat sakin.

"Totoo yun Ice?" Tanong ko. Tumango lang ulit siya. Napatakip naman ako sa bibig ko. Tinaas ang daliri ko at sumenyas ng lagot siya.

"Lagot ka Ice maki-kick out ka lagot." Sabi ko. Tiningnan naman niya ako ng masama samantalang ang mga kaklase ko naman ay humagalpak ng tawa.

"Parang tanga toh si Kyle."

"Hoy Cohen para kang tanga tumigil ka jan."

"Wait HAHAHAHAHA nanakot amputsa"

"Hala Ice lagot kaaaaaa."

"Eh anong magagawa ko. Nangyari na eh." Sabi lang niya.

"Just say sorry." Sagot ng kakapasok lang na si Dev.

Umasim naman ang mukha ni Ice. Oo nga pla, fun fact about Ice he--

"I don't like apologizing. And I will never apologize. Apologizing isn't in my vocabulary." He said. Oh ayan. Alam niyo na ha

"Edi don't." Sabi ni Dev sabay irap.

"Pre baklang bakla ah." Pang-aasar ni Mykel. Tiningnan lang siya ng masama ni Dev.

"T*ng*na mo G*go." Sagot sakaniya ni Dev.

"Dali na kuya mag-sorry ka nalang." Sabi ni Renz.

"Oo nga Ice mag-sorry ka nalang."

"Dali na para tapos ang gulo."

"Yieeee magso-sorry na yan."

Tapos ay sabay sabay sila nagsabi ng

"MAGSO-SORRY NA YAN! MAGSO-SORRY NA YAN! MAGSO-SORRY NA YAN!" Sabay humagalpak sila ng tawa. Sinamaan lang sila ng tingin ni Ice.

"Shut up." He said kaya lalo silang nagtawanan.

Hindi talaga nila, well namin pala kasi kasali na ako, hindi kami tumitigil hanggat hindi pumapayag si Ice na mag-sorry.

"Okay fine! Just shut the fvck up you guys are so loud." Galit na sabi niya kaya naman para kaming nanalo sa lotto sa sobrang saya HAHAHAHAHAHA.

"Pero hindi ko sinabing ngayon ko gagawin." Biglang banat niya kaya naman binatuhan siya ng iba ng crumpled paper.

"Ang daya mo nyemas."

"Tae ka Ice."

"Weh wala basta magso-sorry ka."

Napa-iling iling nalang ako sakanila. Kahit kelan talaga tong si Ice.

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net