π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟾

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"Nope. None of the above. Actually, favorite sport ko yan. Kaso may mga nangyari lang kaya hindi pwede." Sagot ko sakaniya. Tumango lang siya.

Nagsimula na silang maglaro. Apat ang ring sa loob ng gym. 2 sa right corner at 2 sa left corner.

Pinapanood ko lang sakanila until out of nowhere, may tumamang bola sa tuhod ko. Hindi naman gaano kasakit kaya hindi ko iyun ininda. Ibinato ko lang pabalik sakanila yung bola. Tas ampotspa hindi man lang nag sorry jusko.

Hinayaan ko na lamang iyun. Baka masyadong nafo-focus sa game kaya ganun. Habang nag-uusap kami ni Renz ay may gumulong na bola sa may paanan ko. Tiningnan ko lang ito at pag-angat ko ng ulo ko ay nakatingin saakin ang iba kong classmates. Pati narin ang ibang section.

"What?" I asked. Ang weird lang kase lahat sila nakatingin saakin.

"Get the ball." Utos saakin nung pinakamatangkad. Which is sino pa ng aba? Edi si Ice fvcking Ashton.

Pinulot ko ang bola at iniabot sakaniya. Tiningnan lang niya ako kaya tumayo ako at lumapit sakaniya para iabot ang bola. Ayaw parin niyang kunin kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

"O eto na yung bola. Kunin mo na." Naiiritang saad ko.

Ngumisi lang ito. Natulala ako dahil don. What the hell?

"Why don't you play with us?" Pag-aaya nito.

"I'm sorry but I can't." Sabi ko at pabatong pinatalbog papunta sakaniya ang bola. Kinuha naman niya iyon kaya tumalikod na ako. Pero hindi pa ako nakakahakbang nang magsalita ulit siya.

"Of course, you can't. 'Cause you're a girl. Only you girls know what to play is barbie dolls." Pang-aasar nito at sinundan naman ng tawanan ng mga classmate namin. Huminga ako ng malalim at kumuyom ang kamao ko.

Oh god. Advance sorry nalang.

Humarap ako sakaniya at lumapit.

"Are you challenging me?" I whispered.

"Yes I am." He whispered back.

"Challenge accepted." Sagot ko at mabilis na inagaw sakaniya ang bola. Halatang hindi niya inaasahan ang galaw ko na iyon. Pati narin ang ibang section. Nakita kong nakatingin saakin si EZ habang nakangisi. Tinaas niya ang pinkie finger niya. I smirked. Nakikipagpustahan siya. Well, it's a secret hand thingy na kaming tatlo lang nila Ikay ang nakakaalam.

I dribbled the ball. Mukhang nakabawi na sila sa pagkagulat.

"1 v 1." Saad niya. Ngumisi lang ako. Nagsimula ang laro. Akmang aagawin niya ang bola kaya agad akong nakaiwas. Lumusot ako sa gilid niya at patakbong ni-shoot sa ring. Nang dahil sa pagtakbo ko ay medyo kumirot ang sugat ko.

10-8 ang score. Ako yung 10 at si Ashford ang 8. Ang usapan namin ay first to ten. I won!!

Lumingon ako sa gawi ni EZ. mukhang talo ang mokong. Alam kong dun siya pumusta kay Ashford. Actually no one knows na I'm playing basketball kaya hindi na ako magtataka kung kay Ashford talaga bumoto si EZ.

"Well, I won." Naka ngiting saad ko. Ngumisi lang siya. Ngising nakapag pakaba saakin.

Tumingin siya sa likod ko at tumango. Bago pa man ako makalingon ay may naramdaman akong malambot na medyo matigas na bagay ang tumama sa bandang balikat ko. Tiningnan ko kung ano iyo. Isang stress ball?

Tiningnan ko siya na may halong pagtataka. Hanggang sa naramdaman kong sunod sunod na ang tumatama sa likod ko. Pagharap ko ay nagulat ako ng makitang lahat ng classmates ko ay may hawak na stress ball. Huli na ng marealize kong naka paikot na pala sila saakin. Hinahanap ng mata ko si Kyle at nakita kong hinaharangan siya ng iba ko pang classmate. Pati narin si Renz na halatang gusto akong tulungan. Nginitian ko lang siya at nag thumbs up para iparating na okay lang ako.

Sabay sabay nila akong binato kaya wala na lamang ako nagawa kundi ang isalag ang braso ko sa mukha ko. Buti na lamang at stress ball lang ang ibinabato saakin kaya kahit papaano ay malambot ito. Pero masakit ng slight dahil may pwersa ang bawat bato nila.

Laking pasasalamat ko ng tumigil na sila. tatayo na sana ako ng diretso ng maramdaman kong may matigas na bagay ang tumama sa likod ko. Medyo may kalayuan naman sa sugat pero kumirot parin. At sa sobrang sakit ay napahiyaw ako.

"ARRRGGHHHHH!!!!!!" Sigaw ko at napaluhod. Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang sugat ko at naramdaman kong mamasa masa na ang damit ko. Akala ko pawis lang iyon dahil sa paglalaro pero ganon na lang ang gulat ko ng makita kong dugo ito. Nag-angat ako ng tingin. at ang una akong nakita ay si Allan Finley na nakangisi ng mala demonyo. Ngumisi din ako. Yung mas mala demonyo kesa sakaniya. Halatang nagulat siya dahil sa panlalaki ng mata niya.

Tiningnan ko kung sino-sino pa ang nasa paligid. Walang mga teachers. Kaming students lang.

Bwisit!

"CJ!" Sigaw ni Kyle at Renz. Nilingon ko si EZ at nakita kong pababa siya. Nang magtama ang paningin namin ay umiling ako. Ayokong madamay pa siya dito.

Naramdaman ko ang paglapit ni Kyle at Renz saakin.

"Sh*t CJ! Kailangan ka na namin itakbo sa hospital." Natatarantang saad ni Renz.

"Dude wtf?! What the hell's your problem?!" Sigaw ko kay Ice na nakatingin lag saakin. Nababasa ko ang gulat sa mga mata niya. I raised my middle finger at him before standing up.

"CJ, seryoso. Kailangan mo nang pumunta sa hospital." Seryosong sabi ni Kyle.

"Nah. Kaya ko. Ako pa. Clinic nalang." Natatawang saad ko pa. Kumuha ako ng lakas at dahan dahang tumayo. Naramdaman ko ang pananakit ng sugat ko. Nakita ko naman na parang nae-enjoy pa ng ibang section ang pangyayari habang ang iba naman ay natataranta, hindi alam ang gagawin.

Nagsimula akong maglakad palabas ng Gym habang hawak ang sugat ko. Malapit na akong makalabas ng may humawak saakin. Nilingon ko kung sino iyon. Agad na nanginig ang laman ko ng makita kung sino iyon.

Allan Finley.

"Tulungan na kita Miss." Nakangiting saad nito pero kitang-kita ko ang galit sa mata niya.

Nginisihan ko lang siya. "Thanks but no thanks... Finley" Pabulong na saad ko sa apelyido niya. Hindi niya ako binitawan.

"Bitaw." Mahinang saad ko. Ngumiti lang siya kaya lalong nanginginig ang kamay ko sa sobrang pagkakakuyom ngunit ayaw niya parin akong bitawan.

Iaangat ko na sana ang kamao ko buti na lamang ay nakalapit na saamin si Kyle at Renz.

"Pre. Ako nang bahala sakaniya. Salamat nalang." Mahinahong saad ni Kyle. Pero hindi lamang siya pinansin nito. Instead na sundin na lamang ay inangasan pa niya si Kyle.

"Ako na." sagot niya. Halatang nainis naman si Kyle dahil nagsalubong na ang kilay niya.

"Pre, kami na. Kami ang classmate niya." Sabat naman ni Renz. Tiningnan naman ni Finley si Renz tsaka ngumisi.

"Pero kayo din ang nagpahamak sakaniya. Wala akong tiwala sainyo." Sagot nito. Napairap naman ako.

"Gago ikaw ang dahilan kung bakit ako may ganto." Bulong ko pero alam kong narinig niya dahil humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Sa inis ko ay padabog kong hinablot ang braso ko at sinampal siya. Nagulat ang lahat sa ginawa ko. May ilang napasinghap.

"Sa susunod na hawakan mo ko, sinasabi ko sayo ililibing kita ng buhay." Saad ko habang nakatingin ng masama sakaniya. Tumalikod ako at naglakad palabas.

Naramdaman kong sumunod saakin yung dalawa.

"Sabi ko naman sainyo kaya--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang mandilim ang paningin ko. Narinig ko pa ang pagtawag nila saakin bago ako nawalan ng malay.

"CJ!!!"

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net