π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟽𝟢

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"T-tapos...HAHAHAHAHA!" Humahagalpak ng tawa si Riu kaya ngumiwi ang mga nakikinig sakaniya.

"Eh kung mamaya ka na kaya mag-kwento. Unahin mo munang ilabas 'yang tawa mo." Nakangiwing kumento ni Allan.

"E-eh k-kasi naman...ANG LT G*GO! HAHAHAHAHA!" Tuwang-tuwa pa rin si Riu. "Pero eto na nga, n-nung umalis na yung dalawa, ayun biglang nanapak! HAHAHAHAHA!" Biglang sumabay sa pag-haglpak ni Riu ang mga kaklase ko kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Nakakatawa yun?!" Tanong ko. Imbis na tumigil ay lalo silang humagalpak. "Riu naman eh! Sabi ko never talk about it, kinunwento mo naman anak ka talaga ng tinapa!" Gigil na saad ko at inambaan siya ng hampas.

"Cyβ€”"

"Heh! Manahimik ka diyan! Hindi kita kilala t*ng*na ka!" Bulyaw ko ng tawagin ni Icβ€”yelong kumag ang pangalan ko. Lalong naghagalpakan ang mga kumag. Yung iba ay napaluhod pa sa kakatawa.

"P-pfft. Really bro? husband? No wonder your eyes are like the eyes of a panda." Natatawang saad ni Clover. "Deserve pre. Deserve." Dagdag niya at tumawa.

Napayuko ako at ngumiw nang maalala ang kahihiyan ko kagabi.

FLASHBACK...

"I'm her husband." He said while smirking. Nanlaki ang mata ko at natuod.

Ni-kiss niya ako...sa lips...ay hindi sa lips, pero malapit sa lips...ni-kiss niya ako...sa harap ng dalawang gunggong na 'to...mama!

"Leave." Utos niya sa dalawa. Tinitigan pa ako ng isa sakanila bago sinenyasan yung kasama niya na umalis. Pero hidni ko iyon pinansin...dahil kiniss ako ni Ice! T*ng*na!

"Soβ€”" Nagulat ako nang bigla siyang magsalita kaya saktong pagharap niya saakin ay nasapak ko siya!

"Anong so?! Ha?! Anong husband?! G*go ka ba?! Wala akong asawa leche ka! Oo nanay ako, pero wala akong asawa, anak ka ng peste!

END OF FLASHBACK...

"I did that to save you 'cause obviously they're bullying you...and their planning something." He explained but I rolled my eyes.

"I don't need saving, Ice! Jusko sa dinami-dami naman ng pwede mong sabihin, husband pa talaga?! Baliw ka ba?! Pwede naman sabihin mong tatay eh! Or kapatid! Or pinsan! Anything wag lang asawa!" Angil ko at inambaan ulit siya ng suntok.

"Oh, come on it wasn't a big deal! Ni hindi naman natin sila kilala." Katwiran niya. Muntik ko na siyang mabatukan dahil sa sinabi niya.

"Ayun na nga eh! Hindi natin sila kilala pero nagpakilala kang kumag ka!" Napahilamos ako matapos kong sabihin iyon. "Napakabata ko pa para magkaroon ng asawa Ice jusmiyo marimar ka!" Dagdag ko.

"Well your kids calls me dad...' Rinig kong bulong niya. Pinaningkita ko siya ng mata at tuluyan nang tumayo sa upuan ko.

"Don't you dare insert my kids in this conversation!" I shouted at him. He also stood up on his seat. Talagang pumorma pa ang gunggong at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa niya.

"I'm just saying! Your kids call me dad, and that doesn't make me your husband?" Napabuga ako ng hangin at hindi makapaniwalang tumingin sakaniya.

"Uh, no? We're not even in a relationship!" I exclaimed. Biglang lumamlam ang mga mata niya na bahagyang ipinagtaka ko.

"Aren't we?" Napatigil ako sa tanong niyang iyon. I was speechless. I cleared my throat before answering.

"No. We're not. Jeez Ice you have a girlfriend!" Sagot ko at nag-iwas ng tingin.

"What's happening hereβ€”"

"Manahimik ka!" I shouted and looked at the person. Nakagat ko ang labi ko nang makita kung sino iyon.

"Excuse me Ms. Monteflaco?" Sir Kylo asked, raising his let eyebrow.

"Manahimik kaβ€”yo! Kasi andito na si sir!" Sigaw ko at napangiti ng alanganin. Bumuntong hininga si sir at pinagkrus ang mga braso bago sumandal sa kaniyang mesa.

"What's with the commotion here?" Tanong niya. Tiningnan ko ng masama si Ice na tiningnan lang din ako.

"Eto kasing anak niyo sir!" Panimula ko. Biglang ngumisi si sir na ipinagtaka ko.

"Oh, anong nangyari SAINYO ng anak ko?" Naghagalpakan ng tawa ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni sir. Namula ako at nag-iwas ng tingin dahil parang iba yung meaning ng tanong niya. May pinagmanahan nga ang mga kumag na 'to.

Weh! Dirty mind!

"Sir naman eh!" Parang maiiyak na sambit ko kaya natawa si sir.

"Oh, eh ano bang nangyari at ang init ng ulo mo?" Tanong ni sir Kylo. Sumimangot ako at naupo sa upuan ko.

"Eh kasi naman sir. Kagabi kasiβ€”" Napatakip ako ng bibig nang may maalala ako.

Shemay mare hindi pala alam ng mga pinsan ko bukod kay Ikay at EZ na sumama ako sa pagkarera kagabi! At kapag nalaman ni sir, aba eh paniguradong paktay nanaman ako neto kela kuya! Pati kela Ate!

"A-ano kasi sir, y-yung ano po may ano..." Nag-isip ako ng pwede kong i-dahilan ngunit tila na-blangko ang utak ko.

"Yung?" Takang tanong ni sir.

"KagabipokasisumamapoakokayEZsapinuntahanniyathennagkitapokaminetongmagalingnapresidentengSection5tapossinabibanamannaasawakodawsiya." Mabilis at dere-deretsong saad ko kaya ang ending, eto hingal na hingal ang lola niyo. Naningkit ang mata ni sir.

"And where exactly did you go last night?" Sir Kylo asked. Nanlaki ang mata ko.

W-what the effin ef?! Naintindihan niya pa 'yun?! Ibang klase ka talaga sir!

Magsasalita na sana ako nang may mapansin.

Wait...I didn't say na kagabi kami nagkita. H-how did he know?Β  Is he spying on us? Or baka naman nasabi ko ng hindi napapansin? Pero alam kong wala akong sinabi tungkol kagabi, paano niya nalaman?

"Sir, question, how can you say it was last night?" Napatingin kaming lahat kay Ice nang magsalita siya. Pati pala siya ay napansin iyon. Sumang-ayond in ang mga kaklase ko at nagkanya-kanyang bulungan.

"Because it's obvious. Paano kayo magkikita ng hapon? Nakita ko ang pag-alis ni CJ kahapon pauwi. Sinabi niyang kasama niya si Edward. I was talking to Edward from 4:00 p.m. til 7:00 p.m." Paliwanang ni sir. Tumango-tango ang iba samantalang ako ay nanatiling tahimik.

Something doesn't seem right...

"So back to my question, where exactly did you go last night?" Tanong muli ni Sir.

"Uhm r-race? Hehe." Alanganing sagot ko.

"Pff sa race lang palaβ€”what?! Race?!" Napangiwi ako nang biglang sumigaw si sir. Nanlalaki ang mata niyang nakatingin saakin pati kay Ice. "What in the world are you doing in a race?! Jesus Christ Cyan Jade you're a girl! And an underage! Jusmiyo kayong mga kabataan ngayon." Napahilot sa kaniyang sentido si sir samantalang napakamot nalang ako sa ulo ko.

Nako po paktay tayo neto pag-uwi.

"Sino ang organizer? Kilala mo ba?" Tanong ni sir at nagsimulang magtipa sa telepono niya. Nagkatinginan kami ni Riu. Pati ang iba ang nagkatinginan din. Agad tinakpan ni Kyle ang bibig ni Renz nang akmang magsasalita ito.

"H-hindi po sir. Hindi ko po kilala." Sabi ko. I saw Riu mouthed 'thank you'. I smiled at him and nodded.

"I'll be back. Walang maingay." Sabi ni sir at nagmamadaling lumabas ng room. Nakita namin ang pag-iiba ng timpla ng mukha ni sir habang papalabas siya ng room.

"Akalain niyo yun naintindihan pa ni sir yung sinabi ni CJ samantalang ako akala ko nagsalita nanaman siya ng kakaibang lenggwahe." Pag-uumpisa ni Martin.

"Hindi pre, tenga mo ang yung may problema. Uso kasi maglinis ng tenga. Ayan tuloy napupuno na ng tutuli 'yang tenga mo." Asar ni james kaya nakatanggap siya ng batok mula kay Martin.

"Rooftop lang ako." Paalam ko at lumabas ng room.

---

"But seriously I didn't expect him to do that! I mean...how could he?!" I said and hugged my knees.

Bumuga muna ng usok si Astrid mula sa electric vape niya bago nagsalita.

"Are you numb? Can't you see that he likes you?" Tanong niya at umirap bago inabot saakin yung vape. Umiling lang ako kaya nagkibit balikat siya at muling humithit.

"Wait, isn''t that illegal? I mean it's not allowed here." I said, pertaining to her vape. I stood up and looked at the view. She smirked and shrugged her shoulders.

"Advantage of being the owner's daughter." She said. "Why did you call me anyway?" She asked. This time, I shrugged.

"Dunno. I just want to talk to someone and you're the first person that crossed my mind." I said and looked down. "But we're not friends. We'll never be." Mabilis na saad ko.

"Whatever you say, b*tch." She said in a...nice way? I mean the way she called me b*tch isn't insulting. Baka impression or madalas na tawag niya sa mga babaeng kausap niya?Β "Anyway, I'm gonna go back. I still need to maintain my grades or else my Dad will...you know what I mean." She said and hid her vape in her pocket, then she took out a gum and started chewing it on her way to the door.

"Wait up!" I shouted and walked with her. Sasabay na ako sakaniya pababa mamaya niyan sapian nanaman ng kabruha-an itong babaeng 'to at i-lock ang pintuan.

"Dito na ako. Bye!" Sabi ko at tumuloy na sa room namin. Biglang tumahimik ang lahat pagpasok ko sa pintuan. Nagkunot ang noo ko dahil doon.

"May problema ba?" Tanong ko. Sabay-sabay silang umiling.

"Wala naman. Ikaw? Ayos ka lang?" Tanong nila. Kunot noo akong tumango.

"Eh bakitβ€”" Napatigil ako sa pagsasalita nang may marinig akong boses.

"Ice I'm here na! Look I brought you your fave! Tocino and rice cooked by yours truly. It's breaktime na ah. Kayo ba? Kumain na kayo? Labas na kayo! Dito nalang kami ni Ice kakain." Ay wow pala-desisyon ka ate?

"Dito kami kumakain kapag breaktime." Sagot nina Kenneth at Timothy.

Hindi ko namalayan ang tagal pala naming tumambay sa rooftop. Hindi ko rin narinig yung school bell kaya hindi ko alam na breaktime na pala.

Biglang lumapit saakin sila Kyle at Renz. Sinamaan ko sila ng tingin nang mag-puppy eyes sila.

"Ate..." ani Renz at kinalabit ako.

"Asul na bato, baka naman." Sabi naman ni Kyle.

"Lods pahingi ulam." Nanlaki ang mata ko nang mabingwit na ni Riu yung lunch box na dala ko. Tumuhog siya ng isang luncheon meat tsaka ibinalik saakin. Kaso aabutin ko palang sana ay mabilis namang kinuha iyon ng dalawang kumag na kani-kanina lang ay nakatayo sa harapan ko.

"Hoy mga kumag! Akin na yung lunch box ko!" Tawag ko ngunit binelatan ako nung dalawa. Tumayo ako at akmang kukuhanin yung lunch box ko nang itaas ito ng Kyle.

"Ay pandak! HAHAHAHA!" Asar ni Kyle at tumawa ng malakas. Pati ang iba ay nakitawa na din.

"Ah pandak pala. Huwag kang hihingi ng donut ah." Sabi ko at bumalik sa upuan ko. Nilabas ko yung isa ko pang baunan at binuksan. Mabilis naglapitan saakin ang lahat.

"Cy penge!"

"Ako din pahingi! Promise tutulong na ako sa paglilinis ng room!"

"Hoy tabi ako yung nauna!"

"Hindi! Ako yung nauna! CJ pahingi!"

"Kapag hindi kayo umayos lahat kayo walang donut!" Singhal ko dahil naririndi na ako sa ingay nila. Ganito ang drama namin tuwing breaktime. Parang ako na nga ata ang taga-dala ng pagkain nila akala mo naman may mga patago.

Mabilis silang nagsi-pila. Inirapan ko sila tsaka inilapag ang baunan ko na may donut sa mesa ko.

"Tag-iisa lang! Ang kumuha ng dalawa may dalawang sapak saakin!" Ani ko.

"Dalawa alng pala eh. Okay na yun basta para sa donut."

"Dalawampung sapak! Twenty! Ano hihirit pa?" Sabi ko. Ngumiwi muna sila bago tumango. Ayun isa-isa silang kumuha ng donut at bumalik sa kani-kaniyang upuan.

Nang lahat sila ay makakuha ay pumalakpak ako ng mahina. May isang donut nalang na natira. And yes! Yung fave ko! Choco butternut!

Nagdasal muna ako bago muling tumingin sa donut. Pinagkiskis ko ang dalawang kamay ko tsaka iyon kinuha. Akmang kakagatin ko an iyon ng biglang nawala iyon sa aking kamay. Lumingon-lingon pa ako, only to see Ice, standing in front of me, holding my precious choco butternut!

"Ice..." Pagtawag ko sakaniya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hmm?" He hummed.

"F-favorite ko 'yan..." sabi ko at itinuro yung donut. Rinig ko ang mahinang pagtawa nila Clover dahil para akong maamong pusa na nagmamaka-awa sa kaniyang amo na huwag gagalawin ang favorite food niya.

"Eh paano ba 'yan gusto ko din 'to?" Nang-aasar ang tono niya.

"Bibilhan nalang kita. Akin na 'yan, please?" Sabi ko. Ngumisi siya ng mapang-asar.

"Ayoko nga. Kiss mo muna ako." Sumama ang timpla ng mukha ko bago sinilip si Cleo na nakaupo malapit sa upuan niya. Nakita ko ang pag-iiba rin ng timpla ng mukha niya dahil sa sinabi na iyon ni Ice.

"A-ah ano sige sayo nalang ayoko na pala hehe. Eat well. Mabulunan ka sana." Sabi ko. Siyempre binulong ko lang yung huling part.

I'm sorry my beloved choco butternut, but I have to sacrifice you. Ayoko pang mawalan ng anit!

"Oh eto na. Baka umiyak ka pa eh." Biglang sabi ni Ice at inilapag yung donut sa baunan ko. Ngumiti ako ng matamis at abot hanggang tenga.

"Salamat ah! T*ng*na mo." Sarkastikong saad ko. Napabuga siya ng hangin at hindi makapaniwalang tumingin saakin. Umawang pa ng kaunti ang bibig niya bago umilling-iling at tumawa.

"Pasalamat ka talaga..." Ngumiwi ako nang hindi ko maintindihan yung ibinulong niya after nung pasalamat ka talaga.

"Ano kamo?" tanong ko.

"Wala sabi ko kumain ka na diyan. Mabulunan ka sana." Sabi niya at bumalik sa upuan niya.

"Mabulunan ka din sana! At tsaka malunok mo rin sana 'yang kutsara at tinidor mo!" Singhal ko at inirapan siya. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang masamang tingin na ipinukol saakin ni Cleo, or baka naman namamalik-mata lang ako?

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net