π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟼𝟾

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"I've been looking for you everywhere." Tinaasan ko si Astrid na sinalubong ako mula sa parking lot. "Hindi mo ba alam na dapat hindi pinaghahanap ang mga magaganda?" Dagdag niya pa at inirapan ako.

"Alam ko yun Astrid." Sagot ko.

"Oh eh bakit pinaghanap mo ako? Huh?" Tanong niya. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Bakit, meron ka ba nun?" Tanong ko bago muling naglakad. Nakita ko pa ang pagbuka ng bibig niya at paghawak niya sa dibdib niya na para bang na-offend siya.

"Hey! How dare you! Kapal mo. Bakit ikaw meron ka din ba nun?!" Pasigaw na tanong niya at humabol saakin.

"Wala. Kasi ka-gwapuhan ang meron ako." Sabi ko at ngumisi.

"Eww. Are you gay or something?" Nakangiwing tanong niya. Muli akong tumigil sa paglalakad at nakangising humarap sakaniya. Napatigil rin siya sa paglalakad at takang tumingin saakin.

"Gusto mo malaman?" Tanong ko at humakbang palapit sakaniya. Nung una ay nagtaka pa siya, pero 'di kalaunan ay nakuha rin niya ang gusto kong sabihin. Ngumiwi siya at talagang tinulak pa ako sa mukha.

"You're so kadiri." Sabi niya at umirap.

"And you're so conyo." Sabi ko at inirapan din siya. Tinapik ko yung kamay niya na nasa mukha ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"So saan nga kayo galing?" Tanong niya.

"Sa tabi-tabi. Bakit mo nga ba kasi ako hinahanap? Crush mo ko 'no? Sorry ah, pero di ako pumapatol sa clown." Sabi ko. Hinila niya yung buhok ko at hinampas ako ng malakas sa braso. Napangiwi ako at hinimas yung parte na hinampas niya. "T*ng*na hinampas kita?!" Inis na singhal ko at inambaan siya.

"How dare you call me clown. At tsaka eww I don't feel attracted to same gender kaya." Depensa niya.

"Oh eh bakit mo nga kasi ako hinahanap?" Tanong ko.

"Kasi nga, wala lang." Sagot niya. "Bakit kapag hinanap dapat may dahilan agad? Di ba pwedeng gusto ko lang?" Sabi niya pa.

"Okay pi noted." Natatawang sagot ko.

"So saan nga kayo galing?" Tanong niya ulit. Hindi ako sumagot. Halos lumundag yung puso ko sa gulat nang bigla niyang hawakan ang braso ko ng mahigpit at hilahin paharap sakaniya.

Kung hindi niyo naitatanong, at alam ko namang wala kayong balak tanungin kasi ano bang pake niyo kay Astrid, charot. Ayun nga, kung hindi niyo naitatanong, may katangkaran ng kaunti saakin si Astrid. At ngayon na napakalapit niya saakin ay kinailangan kong tumingala.

"Mare baka naman nakakangawit tumingala. Layo layo ng kaunti." Sabi ko at tinulak siya ng mahina. Tinaasan niya ako ng kilay at hinawakan yung sleeve ng blouse ko. Napatingin din tuloy ako doon. Nang ma-realize kung ano yung tinitingnan niya ay mabilis ko iyong binawi at umiwas ng tingin.

"Are you hurting yourself?" She asked. Tumawa ako ng kaunti.

"Nice kaya mo naman palang mag-english ng deretso eh." Sabi ko. Pero nawala yung ngiti ko nang makitang seryoso talaga siya.

"Are you hurting yourself?" Tanong niya ulit. I cleared my throat and shaked my head.

"No. I don't have any reason to hurt myself. So, chill will 'ya?" Ani ko.

"Bakit may dugo?" Tanong niya at sinenyas yung sleeve ko na nabahiran pala ng dugo dahil kay Tres.

"Wala 'yan nasugatan lang kasi ako kanina." Sabi ko. Hindi siya naniwala, pero tumango na lamang siya.

"Okay fine. By the wayβ€”" Napatigil siya sa pagsasalita nang mapatingin sa likuran ko. Lumingon din ako para tingnan kung ano yung tinitingnan niya. "Why are you with that b*tch?" Bulong niya.

"Astrid." Pagbati ni Cleo at ngumiti sakaniya. Tumingin saakin si Astrid at umirap bago ngumiti at tumingin kay Cleo.

"Hey, girl." Ani Astrid at kumaway pa. Tumango lang si Cleo at nagpatuloy sa paglalakad, nang naka-angklang ang braso sa braso ni Ice. Umiwas ako ng tingin. Napatingin ako kay Astrid na nakangisi.

Tinaasan ko siya ng kilay. Nginuso naman niya yung kamao ko kaya tiningnan ko iyon. Noon ko lang napansin na naka-kuyom pala iyon.

"Hi. Sali ako sa usapan niyo." Sinamaan ko ng tingin si Riu nang bigla itong tumabi saakin at inakbayan ako.

"Keep your hands to yourself Mendoza." Tumawa si Riu bago tinanggal ang braso niya mula sa pagkaka-akbay saakin.

"Tignan mo 'to. May saltik ka ba? Pinatanggal mo yung kay Riu, pinalit mo naman iyon iyo. Alis." Sabi ko kay Clover at siniko siya sa tagiliran. Ngumiwi siya at hinimas yung parting tinamaan ko.

"Ang sakit ha." Reklamo niya.

"Masasaktan talaga kayo sakin. Tara na nga." Sabi ko at hinila si Astrid. Narinig o ang mahinang pagtawa ni Astrid kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Yes? Anong nakakatawa?" tanong ko. Umiling siya.

"Oy sali nga kasi kami sa usapan niyo. Kayo ah nagsasarili kayo diyan." Sabay kaming tumingin ng seryoso kay Riu.

"Dalawa kami diba? Paano naging nagsasarili iyon?" Tanong ko. Saglit ding napaisip si Riu.

"Ay oo nga noh. Edi nagdadalawa kayo diyan." Napabuntong hininga nalang ako.

"Sige lang Riu tanggap kita kahit ganyan ka." Sabi ko. Ngumisi naman siya ng malapad.

"Edi tayo na?" Tanong niya.

"Huh? Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko.

"Tayo na nga. Tayo as in tayo." Sabi niya.

"Ha?" Takang tanong ko parin.

"Stupid. Kayo na daw as in magjowa, in a relationship, ganon. Cy, no offense, pero minsan may pagka-sabaw ka rin talaga." Sabi ni Astrid at umirap.

"Ay gag*." Sabi ko at hinampas si Riu. "Manigas ka diyan Mendoza." Sabi ko at inirapan siya.

"Ayos lang 'yan pre. Bawi ka nalang sa next life." Pang-aasar ni Clover.

"Ay nga pala, alam niyo ba..." Ani Riu. "May kamukha yung babae kanina. Parang familiar siya, or baka buhok lang. Kasi diba pre nakita niyo yung puting buhok niya? May kasamang babae si Edward noon nung pumunta sila sa venue ng racing track na hina-handle ko." Sabi niya.

"Saan ba talaga kayo galing?" Tanong ni Astrid.

"Sa cafΓ©. Sa pinagta-trabahuan ko. Okay na?" sabi ko at muling humarap kay Riu.

"Yung galaw, halos kapareho lang din nung Ace kanina. Napaaway din yung babae noon dun sa mga taga-section 4 eh nung natalo sila." Sabi niya. "Wait ayun si Edward oh. Tara tanungin natin." Pipigilan ko sana siya kaso mabilis siyang nakalapit kay EZ.

"CJ." Tawag niya saakin. "Saan ka nanaman ba nanggaling? Kung hindi ko pa narinig yung usapan ng mga teacher hindi ko malalaman na umalis ka ng school." Sermon niya. Hala siya ayan na nagiging katulad na siya nila kuya DZ sheet.

"May inasikaso lang naman kasi ako. Buo pa naman ako diba? As you can see, walang galos. I'm fine, okay? Chill ka lang." Sabi ko.

"Kahit na. Nasa hospital na nga si KZ hindi ba? Ano plano mong sumunod sakaniya?" Seryosong saad niya.

"Sorry na nga eh. Hindi na mauulit." Sabi ko.

"geuege museum jis-eul hangeoya?" ("What did you do to him?") He asked.

"buleojin ppyeo hana, sonbadag-e nan gumeong, pi mud-eun eolgul." ("One broken bone, a hole in the palm, and a bloody face.") I answered and scratched the back of my neck. Bumuntong hininga siya at ginulo ang buhok ko.

"Malaki ka na Cyan Jade. Alam mo na ang tama at mali. Huwag nang mauulit 'to. Kami nanaman ang malilintik neto kay kuya LZ." Sabi ni EZ.

"Oo na nga. Tigilan mo n yung paggulo sa buhok ko." Sabi ko at inalis ung kamay niya tsaka inayos yung buhok ko.

"Montefalco." Pagtawag ni Riu.

"Oh, Mendoza. Ano may gig ba?" Nakangising tanong ni EZ.

"Oo meron. Mamaya, bigay ko sayo address." Sabi niya.

"Sama ako." Sabi ko.

"Ayokoβ€”"

"Isusumbong kita kay ate HZ or isasama mo ako?" Banta ko.

"Tch. Oo na oo na." Napipilitang sagot niya. Ngumiti naman ako sakaniya. Ngiting tagumpay mare!

"Btw, Edward may tanong ako." Ani Riu. Tumingin sakaniya si EZ. "May kilala ka bang Ace?" Tanong niya. Napatingin saakin si EZ.

"Wala. Bakit?" Sagot ni EZ.

"Yung babaeng kasama mo dati, yung may puting buhok, sino yun?" Tanong ulit niya.

"LZ. Kakilala ko." Sagot naman ni EZ.

"Ah, okay. Sige salamat! Kita nalang mamaya!" Sabi niya. Tumango si EZ at kumaway.Β 

"Aalis na rin ako. Bye b*tch." Sabi ni Astrid at kumaway pa saakin. Kumaway lang ako pabalik.

"Friends na kayo?" Tanong ni Clover.

"Hindi. Pero hindi rin kami magka-away." Sagot ko.

"Eh ano tawag dun?" Tanong niya.

"Edi normal." Sagot ko at nginitian siya. "Akyat na tayo." Sabi ko bago pa siya makapagsalita ulit.

Pagpasok namin sa room, andun na pala yung iba, pati si sir andun na din.

"Thank God you're okay." Sabi ni sir at mabilis akong nilapitan. "Walang galos? Kahit ano?" Tanong niya. Umiling lang ako, kahit na nagtataka.

"Sir sabi naman sainyo keri ko na eh. Ayos lang po ako. Promise peksman mamatay man si Kyle." Sabi ko.

"Hoy sobra ka ah!" Agad na reklamo ni Kyle, na naging sanhi ng tawanan ng lahat.

"Okay good. You can sit down now." Sabi ni sir. Tumango ako at naglakad na palapit sa upuan ko.

"I didn't like what you said back there." Natahimik ang lahat. Napatigil rin ako sa paglalakad at hinarap si Ice.

"What?" Takang tanong ko.

"What you said to Cleo. Seriously? Hindi naman alam nung tao, hindi ba?" Sabi niya. "Why do you have to be so mean about it?" Dagdag niya pa.

"Ice I didn't say anything mean to her. I just gave her some advice. I didn't take what she said personally, but what if others do?" I said. He scoffed and stood up.

"Still. You shouldn't talk to her like that. She just got over from the trauma at the cafΓ© earlier." Ice defended.

"Ice believe it or not, she insulted me, but in a lowkey way." I said. "She just got over from the trauma at the cafΓ© earlier while I haven't got away from every trauma I had since I was a kid. Now try to top that." I added.

"This is notβ€”"

"Oh, so this is not about me? So, this is about your girlfriend, who offended me, insulted me, and just got over from a trauma? So, my feelings here is not important? Dude I'm a living being too." Pinutol ko agad ang gusto niyang sabihin.

Huminga ako ng malalim at inayos ang postura ko. Tumingin ako sakaniya ng seryoso, bago ngumiti.

"I thought you cared about me, Ashford. Well, people can make mistakes about their thoughts. And mistakes should handle professionally, like adults." I said and smiled. Sakto anmang nag-ring yung phone ko.

Yes! Saved by the call!

"Sir, excuse po. Sagutin ko lang po yung tawag." Sabi ko. Hinintay ko ang approval ni sir bago lumabas.

"Nasa labas ako." Napatingin ako sa caller i.d. at nagkunot-noo.

"Anong ginagawa mo dito Riego?" Takang tanong ko. "Wait lang." Sabi ko pa at muling pumasok.

"Sir sir sir sir!" Tawag ko. Ngumiwi si sir.

"Nawawala ka bang bata ka? Ano yun?" Tanong niya.

"Hindi naman sir medyo lang. Joke, nasa labas daw po yung pinsan ko hehe." Sabi ko. Tumango siya kaya patakbo akong nagpunta sa front gate.

"Oh, files na kailangan mo. By the way, iiwan ko muna dito yung mga bata." Saktong pagsabi niya noon ay lumabas yung mga bata mula sa sasakyan.

"Eomma!" Sabay na sigaw nila.

"Oh, hi! Kuya, pwede po ba silang pumasok?" Tanong ko dun sa guard. Tumango alng yung guard at binuksan yung gate.

"What happened?" Tanong ko kay Steve.

"May umaaligid sa bahay. The kids are not safe." Bulong niya. Tumango lang ako at inabot yung envelope na ibinigay niya. "Ibababa ko nalang sa bahay yung mga gamit nila. Aalis na ako." Sabi niya pa. Tumango ako at kumaway.

"Wait, paano yung school niyo?" Tanong ko.

"Oh, may 1 week celebration po yung school. So okay lang po na hindi magpunta." Paliwanag ni Mikhail. Tumango lang ako at isinama sila paakyat sa room.

"Where's tito Kyle?" Tanong agad nila. Tinuro ko yung room namin. Nag-unahan naman silang makapunta doon.

"Tito Kyle!" Sigaw ni Mikhaila at patakbong dumamba kay Kyle.

"Hala g*gi!" Gulat na sigaw ni Kyle. Sinimangutan siya ni Mikhaila.

"No, that's bad!" Sabi ni Mikhaila.

"Okay po sorry po." Sabi ni Kyle at ginulo ang buhok ni Mikhaila.

"Bless kayo dun oh." Sabi ko at tinuro si sir Kylo. Agad lumapit yung dalawa at nagmano.

"Pinapatanda mo ako ah. I'm just 25 Cy." Sabi ni sir at tumawa.Β 

"Oks lang 'yan sir." Sabi ko at tumawa din.

"Daddy!" Sabay na sabi nila at patakbong pumunta kay Ice. Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring inaayos yung envelope at nilagay iyon sa bag.

"Anong meron?" Bulong ni Riu.

"Huh?" Takang tanong ko. Sinenyas niya yung mga bata. "Oh, something came up in the mansion, the kids needed a vacation so here they are." I said.

"Hmm, okay." Sabi niya.

"Mom." Tumingin ako kay Mikhail at ngumiti.

"Yes, love?" I asked.

"I need help, about something." He said. "Rather, someone." He added. Dahan-dahan akong tumango.

"Bakit? Anong meron?" Tanong ko.

"I think someone's got a crush on me."

"No! Kuya has a girlfriend!

"Wait, what?!"

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net