π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟼𝟸

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

Lunes nanaman. Papasok nanaman.

"Hindi pa ba talaga ako pwedeng pumasok?" tanong ni KZ.

"No." Sabay-sabay na sagot nila Kuya Luke, kuya DZ at kuya BZ.

"Eh bakit nung si CJ." Bulong niya.

"Ako yun, hindi ikaw. Magka-iba tayo." Seryosong sagot ko. "Papasok na po ako." Sabi ko at lumabas na. Mag-isa lang akong papasok ngayon dahil naunan na sila EZ. Dumaan lang ako dito para kamustahin ang lagay ni KZ.

"Mag-iingat ka Cy!" Sabi ni kuya BZ. Tumango lang ako at hindi sumagot.

"Zia sandali!" Tumigil ako sa paglalakad at hinintay na makalapit saakin si kuya Luke.

"Hmm?"

Canβ€”can we talk?" He said. I sighed and nodded. Sabay kaming naglalakad pababa papunta sa parking lot.

"I...I have a business trip. And I'm meeting a client." He started. I just listened to him quietly. "Ayokong umalis ng hindi tayo nagkakaayos."

We both stopped in front of my car.

"I'm sorry. But I swear, wala kaming sini-sikreto sayo. Alam mong ikaw ang una kong sinasabihan when it comes to everything. Ikaw lang. Ikaw lagi." Sabi niya at humarap saakin. "Please? Pwedeng bati na tayo? Please?" Sabi niya at nagpa-cute pa. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa.

"Umayos ka nga kuya mamaya niyan may nagpi-picture na pala satin dito." Sabi ko at tumawa. Ngumiti siya at niyakap ako.

"Sorry na. I love you, lil sis." He whispered and kissed the top of my head.

"Oo na nga. Ingat ka ah. Kelan alis mo?" Ani ko.Β 

"Mamayang 12:30. Iiwan kita kela DZ. Magtino ka Cyan Jade pepektusan kita ng matindi-tindi kapag nalaman kong napaaway ka nanaman." Bilin niya.

"Oo na. Para namang nagtino lang ako dahil andito ka." Sabi ko at binuksan yung kotse.

"Ay bakit? Hindi ba?" tanong niya. Sinimangutan ko siya tsaka pumasok.

"Hay nako ewan ko sayo kuya. Oh, siya aalis na me cuz male-late na akesh. Babush!" Sabi ko at sinara ang pintuan. Kumaway siya saakin bago bumalik sa loob. Tsaka lang din ako umalis ng ospital.

---

"Oh, parang ang saya mo ata?" Puna ni EZ na sinalubong ako sa parking lot.

"Bakit? Bawal ba?" Naka-ngiti kong tanong.

"Kapag ba sinabi kong bawal, titigil ka sa pagiging masaya?" Pamimilosopo niya.

"Hindi. Bakit kita susundin? Ano ka gold?" Pambabawi ko. Sinimangutan niya ako at inambaan ng hampas. "Ano sige tuloy mo." Hamon ko. Inirapan lang niya ako kaya ako naman ngiting tagumpay.

"CJ!" Sabay kaming lumingon doon sa tumawag saakin. Napatingin ako aky EZ at tinaasan siya ng kilay.

"CJ ka din? Edward Zamiel?" tanong ko. Sasagot pa sana siya pero mabilis akong naglakad palapit kela Renz.

"Whut?" tanong ko.

"Hindi daw papasok bebelabs mo." Ani Mykell habang nakatingin sa phone niya.

"Huh? Dito pumapasok si Eunwoo?" Takang tanong ko. Sabay-sabay silang tumingin saakin at ngumiwi.

"Ang corny mo ate." Ani Renz.

"Tanga si Riu kasi." Sabi ni Kyle.

"Huh? Anong meron sakin?" Sabay-sabay silang tumingin kay Riu na kadadating lang.

"U-uyy pre! Ano..." Nagkatinginan silang apat.

"Bakit?" tanong niya at tumingin saakin.

"Don't look at me kakadating ko lang din." Sabi ko.

"Anong meron?" tanong niya kela Renz, Mykell, Kyle at Luis.

"Ay teka nga akyat na tayo sa room. Ang init." Sabi ko at maglalakad na sana paakyat kaso pinigilan nila ako.

"Hep! No I.D. No Entry!" Sabi ni Kyle. Inirapan ko siya at pinakita yung i.d. ko.

"Okay na po manong Kyle? Pwede na akong umakyat? Sige salamat." Sabi ko at aakyat na sana ng pigilan nanaman nila ako.

"Bawal umakyat ang maliliit. Patagkad ka muna." Sabi naman ni Luis. Sinamaan ko siya ng tingin at inambaan pero napatigil ng magsalita si Renz.

"Ate tara cafeteria." Pag-aaya ni Renz. "Libre mo ko." Sabi pa niya. Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Okay. Sige." Sabi ko at hinila na siya papunta sa cafeteria. Napalingon ako nang mapansing nagse-senyasan sila. "Anong meron?" Tanong ko.

"Wala! Dalhan niyo kako kami ng pasalubong!" Sabi ni Mykell at tumakbo paakyat. Nawe-weriduhan man ay pati si Riu hinila ko na papunta sa cafeteria.

"Oh bakit pati ako?" tanong ni Riu.

"Dalhan mo daw yung mga kapatid mo." Sagot ko.

"Ay wow ha ginawa mo pa akong taga-buhat." Sabi niya.

"Bakit kuya? Diba dati ka namang kargador nung past life mo?" Napatakip ako sa bibig ko at pinipigilang tumawa dahil kay Renz. Sinamaan siya ng tingin ni Riu at akmang hahampasin ng pigilan ko siya.

"Oh oh oh child abuse 'yan. Bawal manakit ng bata." Sabi ko. Binelatan siya ni Renz kaya eto namang isa, ayun banas na banas.

"Sa gwapo kong 'to? Kargador sa past life?" Bulong ni Riu.

"Biglang humangin ah." Sabay na sabi namin ni Renz.

"Bahala nga kayo diyan." Sabi niya at akmang tatalikod pero hinila ko ulit siya.

"Eto naman joke lang. Oo na gwapo ka. Happy? Aalis ka? Sure na 'yan? Lilibre pa naman kita." Sabi ko. Tumitig siya saakin kaya napatigil ako sa paglalakad. "Oh, bakit. Ngayon ka lang nakarinig ng word na libre?" Ani ko at tumawa.

"Ulitin mo nga yun." Sabi niya.

"Ililibre kita?" Patanong na sagot ko.

"Hindi. Yung isa. Yung nauna don." Sabi niya.

"Ah. Yung gwapo ka? Bakit?" Sabi ko. Ngumisi siya at tumingin kay Renz kaya nilingon ko rin si Renz. Nanlalaki ang mata niya sabay turo saakin.

"Taksil! Isa kang taksil ate! Isusumbong kita kay kuya Ice!" Sabi niya at tumakbo.

"Hoy Renz!" Sigaw ko at hinabol siya. Pati si Riu ay nakitakbo narin.

"Taksil!" Paulit-ulit na sigaw ni Renz.

"Section 5 stop running!" Suway saamin ng isang teacher pero hindi namin siya pinakinggan.

Baka mali pa ang isumbong netong batang kumag na 'to!

Ay wait, bakit ba ako nag-aalala? Eh ano naman kung sabihin niya kay Ice? Diba?

Bigla akong tumigil sa pagtakbo. Kaya pati si Riu ay tumigil rin.

"Oh ano? Pagod ka na? Sabi asyo patangkad ka na eh. Ayan tuloy hindi mo siya maabutan dahil sa iksi ng binti mo." Sinamaan at hinampas ko sa braso si Riu.

"Porket matangkad ka lang eh 'no?" Sarcastic na saad ko at naunang maglakad.

Pagdating ko sa room ay napa-igtad ako ng sabay-sabay, as in literal na sabay-sabay silang tumingin saamin ni Riu.

"Ayan oh kuya Ice!" Sabi ni Renz at tinuro ako. "Taksil!" Aniya.

"Isa pang taksil mo itatapon kita palabas." Banta ko. "Grabe ka naman sa salitang taksil para namang nakipag-landian ako kahit na may asawa na ako." Sabi ko at naupo sa upuan ko.

Napansin ko ang bakanteng tatlong upuan na malapit saakin. Magi-isang buwan na din itong bakante. Dun ko lang na-relaize, hindi pala kami kumpleto!

"Speaking of," Ani ko at tumingin sa kanila. "Nakita niyo ba sila Oliver?" Tanong ko.

"Oh diba! Nagbanggit pa ng pangalan ng ibang lalaki! Sino yun?" Ani Kyle.

"Tanga kaklase natin yun. 'Tong Kyle-langot na 'to kahit kelan." Nakangiwing sabi ko. "Magi-isang buwan na kasing bakante 'tong pwesto na 'to ngayon ko lang na-realize." Sabi ko at muling tinignan yung upuan.

"Ewan. Mukha ba kaming hanapan ng nawawalang tao?" Sinamaan ko ng tingin si Ice na sumagot.

"Oo at hindi lang sagot doon." Sabi ko at inirapan siya.

Kapal netong yelong kumag na 'to ah! Kala mo naman nagpunta siya kahapon...erase! Rase! Erase! Ano naman kung hindi siya nagpunta kahapon? Malay mo nakipag bebe time kayβ€”

"Good morning." We all stood up and greeted sir Kylo.Β 

"Good morning po, sir!" Sabay-sabay na bati namin at naupo.

"CJ." Pagtawag saakin ni sir. "Yung pinapagawa ko sayo?" Tanong niya. Napakunot naman ang noo ko.

"Po?" Takang tanong ko.

"Yung pinapagawa ko." Pag-uulit niya.

Huh?! Gagi brain ano na?! Ano yung pinapagawa ni sir sh*t?!

"A-ano sir..." Sabi ko at nagkamot ng batok.

"Anong ano? Yung pinapagawa ko kako. Magbilang ka ng tupa." Seryosong sabi niya. Agad akong tuamyo at tumango. Shoot baka ma-beast mode si sir kasi nakalimutan ko!

"Ah, opo sir! Gagawin ko na poβ€”" Bigla akong napahinto ng may ma-realize. M-magbilang ng tupa?!

"Sir..." Seryosong tawag ko. Doon biglang humagalpak ang mga kumag.

"Kingina niyo kinuntsaba niyo pa talaga si sir!" Gigil na sigaw ko at halos ibato sakanila yung bangko.

"Disurbbb mo yan taksil." Ani Kyle.

"Ano nanaman bang taksil?! Ano nanaman bang ginawa ko?!" Para akong maiiyak, pero hindi talaga. Gets niyo? Sige kaya niyo yan.

"Hindi mo dapat sinasabihan ng gwapo ang ibang lalaki!" Sabi niya.

"Ay wow desisyon ka Kyle Cohen?" sabi ko at namewang.

"Oo desisyon ako Cyan Montefalco." Sabi niya at ginaya yung posisyon ko.

"Ah ganon? Okay. Dahil desisyon din ako, hindi magiging kayo ni AZ hindi ka niya sasagutin kapag nanligaw ka." Sabi ko at inirapan siya.

"Hoy mare walang ganyanan." Bawi niya.

"Bahala ka diyan." Sabi ko at muling naupo. "At tsaka compliment yun 'wag kayong ma-issue diyan. Oh sige kapag sinabihan ko si sir na gwapo, mag-iinarte din kayo?" Dagdag ko.

"Oo!" Sabay sabay na sagot nila.

"Okay sige. Sir! Gwapo ka." Sabi ko kay sir at tsaka tumingin sa mga kumag. "Oh ano? Sige tawagin niyo ulit akong taksil at nang mahambalos ko kayo gamit 'tong bangko."

Hindi sila umimik.

"Teka nga, ano bang problema kung mag-compliment ako ng iba ha? Grabe kayo sa taksil. Bakit may jowa ba ako?" Sabi ko at sumimangot. "Wala na nga akong jowa, pinapamukha niyo pa." Bulong ko.

"Bawal ka pang magjowa Cyan Jade ang bata mo pa." Seryosong sabi ni sir.Β 

Oo na nga eh hmp.

"Okay so pumasok lang ako para sabihing walang klase. May faculty meeting ulit. You can do whatever you want. Pero please, walang magkakagulo." Sabi ni Sir. "Maiwan ko na kayo. Nga pala, CJ binilin ka sakin ng kuya mo. Magtino ka daw." Dagdag pa ni Sir bago lumabas.

"Matino naman ako ah?" Sabi ko. Napatingin ako kay Ice nang bigla siyang tumayo at lumabas.

"Saan kaya pupunta yun?" Tanong ko.

"Bakit mo tinatanong?" Tanong ni Riu.

"Ako yung unang nagtanong eh!" Sabi ko at sumimangot. Tinitigan ko lang yung mesa ko hanggang sa matulala na ako.

"May tanong ako." Rinig kong sabi saakin ni Riu.

"May sagot ako." Wala sa sariling sagot ko.

"Teka lang wala pa yung tanong." Sabi niya.

"Teka hindi ko pa nasasagot yung una mong tanong." Sagot ko muli.

"Pahingi nga ako ng kape diyan. Tulog pa ata itong kausap ko." Sabi ni Riu kaya nabalik ako sa reyalidad.

"May sinasabi ka?" Tanong ko sakaniya.

"Sabi ko matulog ka na." Sabi niya at tumawa.

"Hindi pa ako inaantok." Sagot ko at nangalumbaba.

"Edi magpaantok ka." Sagot naman niya.

"Bakit kaya hindi nalang ikaw ang gumawa 'no?" Sarcastic na tanong ko sakaniya.

Tumawa lang siya bago dumukdok sa bag niya. Tumitig lang ako sa harapan. Nakaupo na kasi kaming lahat sa sahig. May ibang nakahiga, may ibang naglalaro ng baraha at may ibang nagkukwentuhan.

"Nabo-bored ako!" Biglang angal ni Renz at humiga sa sahig.

"Akyat ka sa puno tapos talon ka pababa." Asar ni Kyle sakaniya.

"Or di kaya mag-ano ka." Sabi naman ni Mykel tsaka humagalpak ng tawa.

"Mag-ano?" Takang tanong ni Renz.

"Mag-ano. Yung ano." Sabi naman ni Klarenz tapos siya naman yung humagalpak ng tawa.

"Ano nga?" Tanong ni Renz.

"Mag-ano nga. Mag-hugas ng plato. Ayun oh lababo." Sabi naman ni Dev bago binatukan sina Mykel at Klarenz.

"Sino may dalang uno cards?" Tanong ko. Lahat naman sila ay tumingin saakin.

"What? Can't I be bored too?" Takang tanong ko sakanila.

"Oh." Sabi ni James at inabutan ako ng uno cards. Agad lumapit si Renz, Kyle, Clover at Luis saakin.

"Tara laro tayo. Alma niyo naman na 'to diba?" Tumango sila. Binalasa ko muna yung cards bago ni-distribute.

Ako ang unang nagbaba ng card. Sunod si Kyle, si Renz, si Clover at pang-huli si Luis.

Muntik pa akong ma-plus 4 buti nalang at kulay green ang pinili ni Clover kaya binaba ko yung kulang green kong plus 2.

"Amputs." Bulong ni Kyle at kumuha ng 6 na card.

"Disurbbb." Panggagaya ko sa sinabi niya kanina.

"Uno!" Sigaw ko bago pa ako ma-boom ni Renz.

"Oh?"

"Hoy andaya!" Reklamo ni Renz.

"Hindi wala uno na nga eh!" Sabi ko sabay pakita ng nag-iisang card sa kamay ko. "Oh diba, uno!" Sabi ko.

"Ano ba yun?!" Sabay-sabay kaming napatingin kay Uno na masama ang tingin saakin. "Tawag ka ng tawag, ano ba yun?" tanong niya.

"H-huh? U-uno, naglalaro kami ng uno." Sabi ko sabay pakita ng uno cards.

"Ah." Sabi niya at tumango-tango. Nagkatinginan kaming 5 bago natawa at nagpatuloy. In the end, shuta ako pa yung natalo hmp. Paano kasi na-reverse so naglapag si Kyle ng plus 2 na kulay red eh ang last card ko ay 5 na kulay yellow.

"Ako lang 'to. Yung Mythic glory sa uno." Sabi ni Kyle.

"Magka-iba ang ML at Uno, pero dahil t*nga ka, pinagsama mo." Sabi ni Renz.

"Loko kang bata ka ah!" Sabi ni Kyle at akmang hahampasin si Renz.

"Hep! Child abuse!" Pigil ko kay Kyle. "Tara punta tayo rooftop." Aya ko sakanila. Bigla silang nagtayuan lahat. As in lahat.

"Tara!" Sabay-sabay na sabi nila. Napailing nalang ako at tumayo.

Nauna akong lumabas sakanila. Naglakad ako palapit sa hagdanan. Nang makaakyat na sa 5th floor ay liliko na sana ako, kaso may nakita akong hindi inaasahan.

I don't know why, but what I'm seeing right now pinched my heart. I could also feel my eyes watering. I froze as I watch them.

Cleo and Ice is kissing...

Nang matauhan ako ay mabilis akong tumalikod at bumalik. Sakto anmang papaliko na rin sila nang makitang nakatayo pa rin ako doon.

"Oh, anyare? Akala ko aakyat?" tanong ni Riu.

"A-ano SPG hehe. Uhm d-dun nalang tayo sa isang hagdan occupied yung space na 'to." Sabi ko. Nakita ko ang pagsilip ni Mykell doon. "Tara na." Sabi ko at naunang maglakad.

Kingina bakit ka nasasaktan dun, Cy?! Walang kayo, okay? Wala kang karapatang masaktan dahil walang kayo.

(Ms. A: As promised, enjoy reading!!

votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)Β 

You are reading the story above: TeenFic.Net