π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟼

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

Today is Sunday. Katatapos ko lang mag shower dahil galing kami sa simbahan kanina tas nag shopping sila Ate HZ at FZ. Humiwalay kami nila EZ at Ikay sakanila.

Pabagsak akong humiga sa kama at ng maramdaman kong unti unti nang bumibigat ang talukap ng mata ko. Hanggang sa tuluyan ng pumikit ang mata ko.


"There goes the alarm, ringing in my head. Like somebody says don't you trust him no~"

Nagising ako dahil sa ringtone ng phone ko. Tiningnan ko ang wall clock ko at nakitang 10:00 p.m. na pala. Luh? Ilang oras na pala ako natutulog? Muling nag ring ang phone ko. Sino naman kaya ang tatawag ng ganitong oras?

Inabot ko ang phone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Unregistered number. Kahit na nagtataka ay siangot ko parin ito.

"Hello?" Walang sumagot. Akala ko naputol pero nang tingnan ko ito ay on going parin yung call.

"Hello? May tao ba diyan? Ibaba ko na 'toh." Pagalit na saad ko. Ugh naistorbo kaya niya yung tulog ko. Ibababa ko na sana ng magsalita siya.

"Hmm. I miss your voice." Saad nito. Kinilabutan ako ng dahil sa malalim na boses na mayroon siya. Halatang naka voice changer pero ang creepy.

"Wtf? Sino ka ba? If this is just a stupid prank call you better stop it. Marami akong ginagawa." Pagalit ulit na saad ko. The person behind it just chuckled.

"Wanna know me? Meet me at the park outside your village." Sagot nito.

"Ay wow ha. Excuse me pero hindi mo ako mauuto." Sagot ko at ibaba na sana ng marinig ko ang huling sinabi niya.

"A dirty white colored mansion with 4 floors and a red gate. 3 lights are opened. And a beautiful lady, sitting in her bed holding her phone. Hmm I wonder sinong uunahin ko?" Pagkasabi niya nun ay nakarinig ako ng pagkasa ng baril. Wtf?!

"What the? Who are you?" Gigil na tanong ko dito.

"At the park. 10 minutes or else..." Sinadya niyang putulin ang sasabihin niya pero kahit hindi niya ituloy ay alam ko na iyon.

Pinutol niya na ang tawag. Napakuyom ang kamao ko sa sobrang gigil.

Dali-dali akong nagpunta sa walk-in closet ko at nagpalit ng damit. Gray tshirt at black leggings ang isinuot ko. Pinatungan ko ito ng hoodie. Ang sapin ko naman sa paa ay black vans. Itinali ko ang buhok ko ng high ponytail. Nang masiguro kong ayos na ako ay nagtungo ako sa secret vault sa loob ng kwarto ko. Tinulak ko ang is sa mga box dun at tumambad saakin ang iba't ibang design ng shuriken. Kumuha ako ng dalawang bo-shuriken at isiniksik sa magkabilang bewang ko. Isinara ko ulit ang vault at nagtungo naman sa lagayan ko ng susi. Buti nalang at ibinalik na ni Kuya ang mga susi ko. Nang makuha ko na ang susi ng ducatti ko ay dahan dahan akong lumabas ng kwarto.

Okay clear walang tao.

Eh anong tawag mo sa sarili mo? Hayop?

Hindi. Alien.

Amp mga bulateng walang dulot!

Dali-dali akong nagtungo sa garahe ko at inilabas ang motor ko. Bakit ako magmo-motor? Dahil yung park sa labas ng village ay malayo.

Nilayo ko muna ng onti sa bahay yung motor bago ko ito pinaandar. Nang masigurong okay na ay nagsuot na ako ng helmet at sumakay dito.

Napakabilis ng takbo ko dahil gabi naman kaya wala pang 3 minuto ay nasa park na ako. Pinarada ko ang motor ko sa lugar na kung saan matatanaw ko parin. Bumaba ako at tinanggal ang suot kong helmet. Niligid ko ang tingin ko. Walang tao? Napagdesisyonan kong maglakad papasok dito. Ng nasa loob na ako ng park ay muli kong niligid ang tingin ko. What the f*ck? Sabi ko na prank lang yun eh!

Naglalakad ako ng paatras para masigurong walang tao ng pagharap ko ay may nakatayo doon kaya napaigtad ako sa gulat. tangina sinong hindi magugulat?! Naka itim pa pakshet. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Matangkad, siguro mga nasa 5'9 ang height niya, kulay pulang buhok, may piercing ang dalawang tenga, pati kilay at labi.

'Yan na ba ang usong style ngayon? Paramihan ng piercing?

"Done staring babe?" Mapang-asar na saad nito. Napangiwi naman ako dahil sa tinawag nito sakin.

"Who are you?" Pormal na tanong ko.

"Ouch. Lumipat ka lang, kinalimutan mo na ako?" Nakangising saad nito at humakbang palapit saakin. Ako naman itong humakbang paatras hanggang sa may humarang na dalawa pang lalaki sa likuran ko kaya wala na akong maatrasan. Hinawakan nila ako sa magkabilang braso.

"What the hell?! Bitawan niyo ko!" Pilit kong binabawi ang braso ko kaso pakshet ang lakas nila. Lalo nilang hinihigpitan ang pagkakahawak nila sa braso ko kulang nalang ibaon nila ang kuko nila doon.

"Ano bang kailangan niyo?" Mahinahon na tanong ko dito kahit na gustong gusto ko nang manapak.

"Bakit? Ibibigay mo ba?" Mapang-asar na saad niya. Hindi na ako nakapag pigil pa kaya naman tinadyakan ko siya sa tiyan. Agad naman siyang napaluhod dahil dun. Nagulat yung dalawang nakahawak sa akin kaya ginamit ko ang pagkakataon na iyun para tapakan ang paa nung nasa kanan ko. Napabitaw naman ito dahil sa sakin. Nang mabitawan niya ang braso ko ay agad kong ginawaran ng suntok sa panga yung nasa kaliwa ko kaya ayun. Bagsak. Tulog.

Nakita kong tumayo na yung kuyang humawak saakin kanina at inambaan ako ng suntok pero agad ko itong naiwasan. Lumusot ako gilid niya at sinipa ang likod niya. Napa daing naman ito sa sakit. Akala ko ay tapos na pero hindi pa pala dahil tumayo ulit ito at muling sumugod. Iniwasan ko ito pero nagulat ako dahil pag-iwas ko ay may tumamang kamao sa sikmura ko. Tiningnan ko kung sino iyon. Yung men in black kanina. Naka itim eh bat ba.

Tiningnan ko ito ng masama bagi sumugod. Umamba ako ng suntok sa mukha niya kaya yumuko siya. Pero ang hindi niya alam ay sasalubungin siya ng tuhod ko.

Ha kala mo ah! May back up plan toh pre!

Tinamaan ko ang ilong niya kaya dumugo ito. Pinahid niya ito tsaka ako tiningnan ng masama. Sinipa ko ulit ang tiyan niya kaya muli nanaman siyang napaluhod. Muling sumugod yung kasama niya. Sinalo ko ang kamao nito.

"Tibay ah." Pagkasabi ko nun ay pinilipit ko ang braso niya bago siya bigyan ng suntok sa mukha.

Tiningnan ko silang tatlo, ayun. Bagsak. I smirked.

Naglakad ako patungo sa motor ko. Ipinasok ko ang susi at sinubukan itong paandarin ngunit sa halip na tunog ng tambutso ang marinig ko ay mahinan beep. Nagtaka ako nung una pero ng ma realize ko kung ano yun ay dali-dali akong nag dive sa may damuhan. Eksaktong pagbagsak ng katawan ko ay ang pagsabog ng motor ko.

Tiningnan ko at ganon na lamang ang panlulumo ko ng nagliliyab na ito.

Y-yung motor ko!

Taena pakshet lang! Napahawak ako sa noo ko. Hindi alam ang gagawin.

It's a good thing na dinala ko ang phone ko. And luckily walang basag. Nanlalabo na ang mata ko kaya tinawagan ko nalang kung sino yung nasa pinaka top na number.

It took 2 rings before he/she finally answered.

"Hello?" Boses ng lalaki. Wala na akong pake kung sino ito.

"P-pick m-me u-up. P-please."
Nanginginig na saad ko. Nanginginig ako sa sobrang galit. Tangina Ducatti yun men! Ducatti! Narinig ko nalang na pinatay na niya ang tawag. Ibibalik ko sa bewang ko yung phone ko.

Tumayo ako ng deretso habang ang tingin ay nasa motor parin na nagliliyab.

I was about to walk away when I felt a very sharp pain sa likod ko malapit sa tagiliran. I could feel the blade ripping my flesh. Hinugot niya ito kaya napasigaw ako. Napaluhod ako sa sobrang sakit.

"Patikim palang yan. Cyan Jade Montefalco." Bulong niya saakin bago ako gawaran ng sipa sa likod malapit sa pinagsaksakan niya saakin. Napahiyaw ako sa sakit.

"S-sino b-ba k-kayo?" Nahihirapang tanong ko dito. Ngunit ngumisi lang siya bago ako sipain ulit. I screamed because of the pain.

Sisipain niya pa sana ulit ako ng bigla kaming nakarinig ng papalapit na sasakyan. Agad na nataranta yung tatlo. Ngunit hinid pa man nakakalayo ang suaksak saakin ay binato ko sakaniya bo-shuriken ko. Tumarak iyun sa binti niya at agad naman siyang napahiyaw. Dali-dali siyang tinulungan ng mga kasama niya upang tumakas.

Sinubukan kong tumayo ngunit napahiga lang din ako ng maramdaman kong parang lalo atang bumubuka yuung laman ko.

Narinig kong tumigil sa harapan ko yung sasakyan at ang pagbukas sara ng pinto nito. Tanda na bumaba ang kung sino mang sakay nito. Unti-unti naring bumibigat ang talukap ng mata ko.

"Hey! CJ! Anong-- shit!" Yun nalang ang narinig ko bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.


(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net