π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟻𝟿

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"Bakit ang lalim ata ng eyebags mo?" Takang tanong ni Kyle.

"Paano mo nasabing malalim? Nasisid mo ba?" Pamimilosopo ni Renz.

"Hep. Magsisimula nanaman kayong dalawa nako." Agad na saway ko bago pa sila magpalitan ng salita.

"Eh bakit nga parang ang lalim ng eyebags mo?" Tanong ulit ni Kyle.

"Kasi hindi mababaw. Char. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi eh bakit ba." Sabi ko. Andito kami sa baba ng building namin nakatambay. Wala naman masyadong makikita kundi mga puno tsaka yung gate na hindi gaano kalayo sa pwesto namin.

Piste kasi si Ice! Oo potrages hindi ako nakatulog kagabi dahil kay Ice! Matapos kasi akong halikan sa noo, pinagtulakan ako papasok sa bahay tapos nagmamadaling umalis. Tapos idagdag mo pa yung favorite line niyang mon jade na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin!

Edi i-google translate! Dzuhh tanga mo CJ.

Teka, oo nga noh. Mamaya i-search ko.

Nakarinig ako ng ingay sa likuran namin kaya lumingon ako. Ganun din ang ginawa nila Kyle. Natigil sa pakikipag-usap si KZ at EZ nang makita ako. Agad akong nag-iwas ng tingin at tinuro yung puno.

"Kita niyo yun?" Tanong ko sa dalawa kong katabi at tinuro yung mga ibon an nasa puno. "Buti pa yung mga ibon. Kumpleto ang pamilya. May nanay at tatay. Kumpleto din ang kapatid." Sabi ko sakanila. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni EZ tapos ang yabag ng mga paa nila.

"CJ." Napatingin ako kay Ice na naglalakad palapit saamin. Pinaalis niya si Renz na nasa tabi ko at siya ang naupo. Inirapan ko siya.

"Oh?" Tanong ko. "Ayusin mo 'yang sasabihin mo baka hindi nanaman ako makatulog." Bulong ko.

"Hindi ka nakatulog?" Halos sampalin ko ang sarili ko nang ma-realize na medyo napalakas pala yung sinabi ko.

"Huh? Sinong hindi nakatulog? Ikaw?" Patanong na sagot ko. Inirapan niya lang ako at tsaka tumingin sa mga puno.

Kapal neto mang-irap piste.

Pinagmasdan ko siya. As usual naka poker face nanaman siya. Ibang-iba sa Ice na nakita ko kagabi.

"Dahan-dahan sa pagtitig baka matunaw." Inangat ko agad ang kamao ko at aksidenteng nasuntok sa mukha si Clover.

"Hala gagi sorry! Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko at agad na hinila siya paupo. Natumba kasi siya.

"Hala lagot ka Ate!" Pananakot ni Renz.

"Eto naman nagbibigay lang ako ng advice, nananapak. Ganyan ka pala mag thank you?" Natatawang sabi niya at hinimas yung pisngi niya. Mabuti nalang hindi nag-pasa.

"Pot* ka bakit ka kasi nanggugulat?!" Tanong ko at inambaan siya ng batok. "Buti nga sayo." Sabi ko pa kaya tumawa nalang siya.

"So...may nasagap akong balita." Sabi niya at tumabi ka Ice. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Chismoso ka na pala ngayon?" Tanong ko. Tinawanan niya lang ako.

"Hmm maybe. Pero ayun na nga. Hindi ka daw lumalabas nang kwarto mo kagabi." Sabi niya. Lahat sila ay tiningnan ako at tinaasan ng kilay.

"Tulog ako eh malamang. Anong gusto mo sleep walking?" Pamimilsopo ko.

"Nag-away daw kayo ni KZ." Biglang sabi niya kaya nawala ang ngiti ko.

"Kanino mo naman narinig 'yan?" Tanong ni Ice.

"Secret walang clue." Pang-aasar niya sa kaibigan niya. "De joke. Kay AZ. Nagtatanong siya kung wala daw ba siyang nakakausap kahit isa sa atin kahapon. Ikaw daw ang una niyang tinext kaso hindi ka daw sumasagot." Pagpapaliwanag niya. Biglang nilabas ni Ice ang phone niya at tsaka tumango.

"Ah. Lowbat ako kahapon." Sabi niya tsaka muling binulsa nag phone niya bago tumingin saakin. "What happened?" he asked.

"Wala." Sagot ko. Tinitigan niya lang ako kaya bumuntong hininga ako. "Napag-usapan kasi kahapon yung kapatid ko. Si kuya DenDen." Sabi ko.

"Ewan ko ba. Ramdam ko kasi na...andito pa siya. Na buhay pa siya. So, sinabi ko kay Ikay. Hindi ko alam na nakikinig pala siya. Tapos ayun bigla siyang nagalit at pinagduldulan pa sa mukha ko na wala na siya." Pagkukwento ko. Muling nag-init ang sulok ng mata ko kaya tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad ko tsaka huminga ng malalim. Ilang beses akong huminga ng malalim at nang masigurong walang luhang babagsak ay tsaka ko tinanggal ang pagkakatakip ng mukha ko.

"Syempre masakit yun para saakin. Kapatid ko yung pinag-uusapan eh." Sabi ko at ngumiti ng malungkot.

"Ayos lang yun Ate. Andito naman kami. Kami nalang kapatid mo." Sabi ni Renz at ngumiti.

"Ang panget niyo maging kapatid. Mga panget ka-bonding nang-iiwan." Biro ko kaya sumimangot siya.

"Hoy bakit kame eh si Ice kaya yun." Depensa ni Kyle kaya bumaling ako kay Ice.

"Oo nga pisti ka iniwan mo kame wala akong dalang sasakyan!" Sabi ko at hinampas siya. Mahina lang naman baka biglang ma-beast mode 'to.

"Sadya yun. Why not walk? Para mabawasan 'yang fats mo." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Tangmader ka ah!" Sabi ko at hinampas siya pero sinalag niya iyon gamit ang braso niya. Tumawa naman ang iba naming kasama samantalang siya ay nakangiti ng konti.

"Ice..." Sabay-sabay kaming napatingin sa babaeng lumapit.

"Cleo." Sabi ni Ice at mabilis na tumayo. Ganun din ang ginawa namin. Napatingin saakin yung babae at ngumiti.

"Who is she?" Tanong niya.

"Cyan Jade Montefalco. CJ nalang." Sabi ko at ngumiti rin sakaniya.

"Oh, you're the girl Ice is telling me yesterday. Nice to meet you." Sabi niya. Tumango lang ako.

"Kamusta?" Sabi ni Clover. Tumingin sakaniya si Cleo.

"Oh, Clover!" Masayang sabi niya at yumakap kay Clover. "Ayos lang! na-miss ko kayo ah! Nasaan ang iba?" tanong niya.

"Nasa itaas." Sagot niya.

"Anyways, Ice gusto sana kita maka-usap about sa Sunday. If hindi ka busy and if okay lang kay CJ." Sabi niya. Sabay sabay silang tumingin saakin kaya medyo nailang ako.

"Hala ano ka ba okay lang. He's your boyfriend anyway." Binulong ko nalang yung huli kong sinabi. Ngumiti siya tsaka hinila si Ice.

Bumuntong hininga ako at naglakad palapit sa isang puno.

"Oh, anong gagawin mo diyan?" Tanong ni Clover.

"Sasayaw at kakanta ng may tatlong bibe." Sagot ko. Humagalpak ng tawa sina Kyle at Renz samantalang siya ay ngumiwi lang.

"Hay nako ewan ko sayo." Sabi niya. Natawa nalang ako. Kumapit ako sa pinakamababang sanga at tsaka binuhat ang sarili ko paakyat.

"Hoy baka mahulog ka!" Napatingin ako sa mga kaklase kong nakadungaw pala.

"CJ baba!" Sigaw ni Dev. Binelatan ko sila at tsaka tumayo ng deretso sa sanga at sumayaw sayaw kaya medyo umalog yung sanga.

"Parang tanga ampotek!" Tawang-tawa na sabi nila Kyle.

"Bumaba ka na nga diyan!" Natatawa ring sabi ni Clover.

"Eh ayoko nga. Gusto ko matulog." Sabi ko at tsaka naupo.

"Dun ka sa room matulog! Baka mapagkamalan kang unggoy diyan." Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy Clover Pierce walang basagan ng trip! Dun ka sa mga kapwa mo junk food masama kayo para sa kalusugan!" Sabi ko kaya ngumiwi siya.

"Pinag-trip-an mo nanaman yung pangalan ko." Sabi niya. lalong humagalpak ng tawa sina Kyle at Renz.

"Weh wala basta dito ako matutulog. Goodnight este good morning pala." Sbai ko at tsaka sumandal dun sa sanga.

"Bahala ka. Aakyat na kami ah. Mag-ingat ka diyan." Sabi niya at naunang umakyat. Sumunod naman sakaniya sina Kyle at Renz kaya muling tumahimik ang paligid.

Tumingin ako sa paligid at tumigil nang matanaw ko ang dalawang taong nag-uusap. Pinagmasdan ko si Cleo na nakangiti. Slim ang katawan, mahaba ang kulay hazel brown na buhok, maputi, magaganda ang mata, hindi katangusan ang ilong, magandang ngiti at labi. No wonder why ice fell for her. At tsaka sa tingin ko rin mabait siya.

"And the queen is back." Napatingin ako sa ibaba at nakita ang nakasandal na si Astrid. Naka-cross ang braso at nakatingin ng masama sa dalawang taong nag-uusap. Hindi ko siya pinansin at muling sumandal. "She's stealing everything...again." Sabi niya pa kaya umupo ako ng maayos at tumingin sakaniya.

"Yung totoo? Hindi ka na naubusan ng problema sa mundo Astrid." Sabi ko. Tumingin siya saakin at tsaka muling tumingin dun sa dalawa.

"She always does that. Steal everything. From me, from everyone. And now, she's stealing something from you." Sabi niya. Taka akong tumingin sakaniya.

"Huh?"

"Your boyfriend. Ice. She's trying to get her ex back." Sabi niya.

"Hindi ko boyfriend si Ice!" agad na depensa ko. Tumingin siya saakin na may nakakalokong ngisi. "Atβ€”at tsaka hindi sila mag-ex. Hindi naman daw nag break officially eh." Sabi ko pa.

"Sige sabi mo eh." Sabi niya at nanahimik pero nakatingin pa rin ng masama sa dalawa.

"May tanong pala ako. Anong ibig mong sabihin na inagaw sayo ni Cleo?" Tanong ko. Tumingin siya saakin.

"My ex-boyfriend." Sabi niya. Napataas ako ng kilay ng wala sa oras.

"Uhm...sino?" Curious na tanong ko. Hindi siya sumagot instead, tumingin siya sa direksyon nila Cleo. Hindi ko alam kung tama ang pagkaka-intindi ko, pero nanlaki ang mata ko.

"S-si ano?" Gulat na tanong ko. Inirapan niya lang ako.

"Oo. Si Ice." Baliwalang sagot niya.

"Weh di nga?" Gulat na tanong ko.

"Pasalamat ka nandiyan ka sa taas kundi baka kanina ko pa nahila 'yang buhok mo." Mataray na sabi niya ay muling inirapan ako.

"Pasalamat ka nandiyan ka sa ibaba kundi baka kanina ko pa nasuntok 'yang mukha mo. Irap ng irap amputik." Panggagaya ko sakaniya. She just scoffed and remained silent. Dahil sa pagka bored ay bumaba na ako sa puno. Saktong paglanding ko ay sa tabi niya mismo kaya napaigtad siya.

"Oh my gosh. Are you really a girl?" Sarcastic na tanong niya.

"Oh my gosh. Are you really a human?" Sarcastic rin na tanong ko sakaniya.

Pareho kaming natahimik at pinanood ang dalawang nag-uusap di kalayuan sa pwesto namin. Pareho silang nakangiti at kitang-kita ang saya sa mata nilang dalawa.

"Punta tayo sa rooftop." Biglang suhestiyon ko. Gulat na tumingin saakin si Astrid.

"Akala ko ba bawal kami sa 5th floor?" Tanong niya. Ngumiwi ako at tumingin sakaniya.

"Can you be more stupid?" Tanong ko at tinalikuran siya. Narinig ko ang pagmamadali niyang sumunod saakin.

"Excuse me? Hindi ba sabi niyo bawal kami sa 5th floor?" Ani Astrid.

"Oo. Bawal sa 5th floor hindi sa rooftop. Lutang ka ba o ano?" tanong ko. Nag-ahh siya at tumango tango.

"Ah okay." Sabi niya. Pagdating namin sa rooftop ay huminga siyang malalim at parang tangang umikot ikot.

"Luh naaano ka nanaman diyan?" Takang tanong ko at naglakad palapit sa railings. Huminga ako ng malalim at umakyat doon pagkatapos ay naupo.

"Alam mo bang nate-tempt akong itulak ka diyan." Sabi niya at sumandal dun sa railings.

"Try mo. Hilahin kita kasama ko." Sabi ko at tumawa. Inirapan lang niya ako at muling tumingil dun sa dalawa na hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin.

"It was our 5th monthsary. Masaya naman kami noon. Kaso may dumating na epal." Biglang sabi niya. Nakita ko ang lungkot sa mata niya pero pumikit siya at pagdilat niya ayun nanaman ang nakakahiwa niyang paraan ng pagtingin.

"Hindi naman natin madidiktahan ang puso natin eh. Eh sa na-inlove ng kusa si Ice?" Pagrarason ko. Tama naman, hindi ba? Hindi natin madidiktahan ang puso natin pagdating sa pagmamahal. Apag mahal mo ang isang tao, mahal mo talaga wala ka nang magagawa.

"Who told you kusang na-inlove si Ice sakaniya?" Nakangising tanong niya. But that smirk is full of hatred. "Inakit niya. Hindi halata sa mukha niya, but she's worst than a flirt." Sabi niya pa.

"Hmmp...parang impossible 'yang sinasabi mo. Kung ikaw maniniwala pa ako. Pero kung si Cleo? Impossible." Sinamaan niya ako ng tingin.

"Yes. I'm a flirt. But at least I don't steal others' boyfriend." Sabi niya at umirap. "Kaya kung ako sayo, bakuran mo na 'yang boyfriend mo dahil hindi malabong agawin nanaman niya si Ice." Dagdag niya.

"Hindi ko nga siya boyfriend!" Pagalit na singhal ko sakaniya. Ngumisi siya saakin ng mapang-asar.

"Then why'd you kiss?" Tanong niya. Nag-init ang pisngi ko at umiwas ng tingin sakaniya.

"I-I don't know what you're talking about." Muntik pa akong mautal nang sabihin ko iyon.

"I saw you the night we're at the mansion. You two are sweet." Nang-aasar na tanong niya.

"Hindi nga! Walang nangyaring ganun! Duling ka lang!" Pagtanggi ko dahilan upang tumawa siya nang mapang-asar.

"Sige sabi mo eh. Guilty until proven innocent." Nang-aasar na sabi niya.

"Ang sarap mong ihulog dito sa totoo lang peste." Inis na sabi ko at inirapan siya.

"Feel free." Nang-aasar na bulong niya.

"Bahala ka nga diyan bruha ka!" Inis na sabi ko at patalon na bumaba mula sa railings. "Just to tell you, wala ka nang pag-asa kay kuya BZ dahil may girlfriend na siya! Mas maganda at mas sexy kesa sayo." This time, ako naman ang may mapang-asar na ngisi. Nag-iba ang hilatsa ng mukha niya.

"Get back here!" Sigaw niya at hinabol ako. Mabilis kong binuksan ang pinto at patakbong bumaba. Agad akong dumiretso sa 5th floor.

"Hep! Diyan ka lang! Bawal ang section 1 dito!" Mabilis na pigil ko sakaniya. Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi na tumuloy.

"Aabangan kita sa baba o sa gate mamaya." Banta niya.

"Feel free." Pang-gagaya ko sakaniya. Masama ang tinging bumaba siya. Nang masigurong wala na siya ay tsaka lang ako bumaba. Mahirap na 'no baka mamaya niyan inaabangan pala ako. Makalbo pa ako ng wala sa oras.

Napagpasyahan kong magtungo muna sa cr kase y not? Pumasok ako sa isa sa mga cubicle at nag number one. Pagkatapos ay ni-flush ko iyon at lumabas na. nakasabay ko sa lababo si Mel an naghihilamos. Pag-angat ng mukha niya at agad siyang tumingin saakin gamit yung salamin.

"Hi! Bago ka dito?" Tanong niya. Tumingin ako sa paligid ko tsaka pasimpleng tinuro yung sarili ko. Tumawa siya at tumango.

"U-uh no. Nakalimutan mo na agad ako?" hindi siguradong sagot ko. Taka siyang tumingin saakin.

"Hmm...hindi kita matandaan eh. Ano bang pangalan mo? Ngayon lang kita nakita dito eh." Sabi niya.

"I...uh...Cyan Jade Montefalco. Pinsan ni KZ. Makakalimutin ka na ba, Mel?" Natatawang tanong ko. Mas lalo siyang nagtaka.

"Mel? Sinong Mel? Mei ang pangalan ko. Nice to meet you nga pala, Cy. Mauna na ako ah. May klase pa kami eh." Nakangiting sabi niya at naunang lumabas.

Naiwan akong tulala doon at pinanood ang paalis niyang bulto. Naguguluhan ako. Ang sabi niya, siya si Mel. Tapos ngayon siya si Mei?

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net