π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟻𝟼

Background color
Font
Font size
Line height

(A/N: So dahil matutuwa ako sainyo, may announcement ako later sa twitter!! Post ko rin mamaya sa message board ko mga 11:40 a.m. Stay tuned mga bestie!)

β€”β€”

CJ's POV:

"Cyan Jadeβ€”oh, what are they doing here?" Gulat na tanong ni Kuya LZ nang makitang kasama ko ang buong section 5.

"They found the sender." Sagot ko. Sinenyasan ko ang mga kaklase ko na maupo.

"O-oh. Great then." Sabi niya.

"I'm going to check that person tomorrow." I said as I entered the kitchen.

"Sureβ€”wait what?" Gulat na tanong ni Kuya.

"Pupuntahan ko kako yung taong yun." Sabi ko at uminom ng tubig.

"Why? We don't even know if that person is Muerte." Sabi niya.

"Kung hindi man, edi pwedeng maituro niya saatin yung taong yun." Sagot ko.

"Then I'm coming with you." He said.

"Okay." Sagot ko.

Nag-usap usap kami tungkol sa plano para bukas. After uwian, pupunta kami sa address na nahanap ni Eric. And uhm...just take some answers. They're suggesting brutal ways if ever that person won't talk.

"Umuwi na kayo. Baka sainyo ko gawin 'yang mga sina-suggest niyo." Sabi ko sakanila. Agad silang tumayo at nag-unahan palabas.

"Bye. Sleep well." Sabi ni Clover at lumabas.

"So?" Nagsalita agad si kuya pagkasara ng main door.

"So?" Patanong din na sagot ko.

"What happened? Kamusta yung school visit? Did you meet new people?" He asked.

He looked tense...I wonder why?

"Nope. Same old people." I said. I remembered kuya Jack and ate Jill told me not to mention our meet up to anyone.

And that includes my family...

"Good. Okay." He said relieved.

"Kuya are you sure I don't have any other siblings beside you and kuya DenDen?' tanong ko.

"I told you. Sa pagkakaalam ko wala. You asked me once. Why ask now?" He asked.

"Nothing. I'm just curious. Especially that I can't remember most of my childhood memories and...well I don't know where Mom is." I answered.

"Zia are you hiding something from me?" he asked. I could feel his emotions but I can't explain what is it.

"Nothing. How about you, kuya Zian?" I returned the question to him.

"This is about something. Hindi ka magtatanong nang ganyan. Tungkol saan ba 'to?" Tanong niya. Ngumiti ako at tumalikod para umakyat.

"This is about nothing kuya. You're being paranoid." I said and went to my room.

He knows something...

---

"Or Ate pwedeng tutukan natin siya ng tinidor saβ€”"

"Renz, please think of less brutal ways hmm?" I immediately cut him off before he could continue his murderous, brutal suggestions. "Kalmahan mo lang, okay? I'm sure we'll get some answersβ€”oh, anong meron?" Nagulat ako nang makitang nagkukumpulan ang students sa building namin.

"What's up?' Tanong ko at lumapit kay Riu na masama ang mukha dahil hindi siya makadaan.

"Inaantok na ako. Ayaw akong padaanin ng mga 'to." Reklamo niya.

"Tabi!" Sigaw ko. Tumigil sila sa mga ginagawa nila at tumabi. Sabay sabay kaming umakyat papunta sa room namin.Β 

"Anong meron?" I asked them. Wala sila sa loob ng room. Nakadungaw sila sa ibaba.

"She's back." Maikling sagot ni Clover.

"Who's back?" Takang tanong ko.

"Cleo!" I saw Ice running towards a woman I've never seen before. Oh, maybe siya ang tinutukoy ni Clover. Natuod ako nang humarap sakaniya yung babaeng tinawag niya at niyakap siya.

"Cleo Hansley. Ice's ex-girlfriend." Sagot ni Clover.

"I think she's still his girlfriend since hindi naman sila officially nag break." Sabi ni Mykel kaya nakatanggap siya ng batok mula kay Dev.

"Oh." Yun lang ang nasabi ko. Tumalikod na ako at pumasok sa room. Ewan ko ba pero parang kinukurot yung puso ko sa tuwing maaalala ko yung yakapan nilang dalawa.

"You okay?" Riu asked. Oh, akala ko ba matutulog 'to?

"Oo naman. Bakit hindi ako magiging okay?' Natatawang tanong ko. Pero deep inside hindi ako okay. May kumukurot talaga sa puso ko eh.

Hala baka may langgam na nakapasok sa mga artery at veins ko?

"Sabi ko nga." Sabi niya at dumukdok.

"Ate! Ate! May ibabalita ako sayo!" Nagulat ako nang biglang tumalon sa harapan ko si Renz.

"Ano nanaman? Nakahanap ka na ng jowa para kay Riu? Goods yan." Sabi ko. Sinamaan ako ng tingin ni Riu at muling dumukdok.

"Hindi! Ngayon na ilalabas yung test result!" Sabi niya.

"Oh tapos? Ano naman kung ngayon ilalabas?" Takang tanong ko.

"Yung deal natin!" Ay tae oo nga pala may kasunduan kami nitong batang 'to.

"For sure ako ang pinakamataas sa ating tatlo." Sabi ni Kyle na kakapasok lang. Yung iba ay pumasok na din.

Pero siβ€”nevermind.

"Kapal mo ah." Sabi ni Renz. At nagsimula nanaman po silang magtalo.

Kinuha ko yung phone ko at nag-open ng FB. Ang dami ko atang notifications ngayon?

Clover Pierce tagged you and 18 others on a post

Who is this cute girl? Do you guys know her?

Nanlaki ang mata ko nang makita ang photo na ni-post niya. Yun yung nasa classroom kami nung mga grade 1 tapos naka pose ako. Binasa ko yung mga comments.

Eric De Vera: Parang nakita ko na 'to ah. Saan kaya?

Allan Hale: Paano pa-cute?

Luis Hudson: Ate ate available ka po ba?

Marc Valles: Can you be my MVP as in Most Valuable Person?

Leo Cortez: Hi padaan lang.

Riu Mendoza: Yari kayo kapag nakita niya 'to.

Uno Lewis: tag na 'yan!

Clover Pierce replied to Uno Lewis: Sige sandali.

Timothy Carson replied to Clover Pierce: Tapang pare. I salute you!

Klarenz Chua: Nakapasok na po ako sa kotse neto opo.

Kenneth Lee: Anong meron?

James Cooper: Ang ganda naman niyan pre. Salamat sa pagf-flex sa girlfriend ko.

Clover Pierce replied to James Cooper: Gag*!

Ian Trinidad: Sino 'yan? Kilala ko ba 'yan?

Martin Cruz: pew pew pew!

Dev Danver: Ito po ba yung dancer ng S.A. DT?

Mykel Danver: Sabi nila masama ang magmahal ng dalawa. Buti nalang lima kayo.

Renz Easton: If you ever saw this girl, please contact Ice Ashford. Nawawala po yung property niya.

Kyle Cohen: Eto ba yung nag buing buing sa bus kahapon?

Natawa ako sa mga comments ng mga kumag kong kaklase. Nag-scroll pa ako hanggang sa may makita akong comment na nakapag pabilis ng tibok ng puso ko.

Ice Clark: Mi amor...

"Ate? Ate!"

Nabalik ako sa reyalidad nang kalabitin ako ni Renz.

"Bakit?" Tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa phone ko.

"Anong iuutos mo sa akin kung sakaling mas mataas ka sakin?' Tanong niya.

"Talon ka sa fifth floor. Char. Mag-aral ka ng mabuti." Sagot ko.

"Ano ba 'yan. Pero sige. Kapag ako mas mataas sayo, sasabihin mo saamin kung sino yung crush mo." Ah okay madali lang. "Tapos aayain mo mag-date." Ay potβ€”

"Hoy ang daya naman nun!" Agad na reklamo ko.

"Para hindi ka makapag-turo ng kung sino lang." Tumatawang sabi niya.

"Tarages fine!" Sabi ko.

"Guys! Naka-post na!" Sigaw ni Ian na kadarating lang. Agad silang tumayo at nag-unahang lumabas. Nang makalabas sila ay tsaka ako tumayo at sumunod sakanila.

"Feeling ko talaga ako pinakamataas sa ating tatlo." Sabi ni Kyle.

"Feeling mo lang." Natatawang asar ko. Pero napatigil ako sa pagtawa nang makita si Cleo at Ice na magkasama. Iniwas ko ang tingin ko at kumapit kay Kyle at Renz.

"Kinakabahan ka 'no? Promise madali lang naman iuutos ko saiyo." Nang-aasar na sabi ni Kyle. Pinilit kong ngumiti at hindi nalang sumagot. Nagkukumpulan nanaman ang mga students sa bulletin board. Pero nang makita kami ay tumabi sila.

"Ready?" tanong ni Kyle.

"Bahala nga kayo jan." Sabi ko at naunang tumingin lumapit. Hinanap ko yung pangalan ko.

Montefalco, Cyan Jade Luhence Zia....................98.5

"Ano sainyo?" Tanong ko sakanila.

"97.5 ako. Paksh*t!" Sabi ni Kyle.

"Ikaw?" Tanong ko kay Renz. Tumingin siya saakin na may malapad na ngiti.

"99.1. Paano ba 'yan?" Nang-aasar na tanong niya.

Anak ng pitumput-pitong puting tupa!

"Ano...98.5 hehe." Alanganing sabi ko. Bigla siyang sumigaw ng yes at sumuntok-suntok pa sa hangin.

"Guys! May ia-announce si CJ!" Agad ko siyang binatukan nang sumigaw siya.

"Hoy hindi kasama sa usapan iyon!" Reklamo ko sakaniya pero nginisihan lang niya ako.

"Ano yun?" tanong ni Clover.

"May deal kasi kami na kung sino yung pinaka-mataas magd-dare dun sa mababa. Ang dare ko sakaniya is sabihin niya kung sino yung crush niya, tapos ayain niya mag-date." Excited na sabi ni Renz.

"Pero dapat atin atin lang yun eh! Ang daya mong bata ka!" Reklamo ko at akmang hahampasin siya pero tumakbo agad siya palayo saakin.

"Umamin ka nalang kase." Nang-aasar na sabi ni Kyle.

"Hindi ayoko. Wala sa usapan 'to ih!" Parang batang nagmamaktol ang asal ko. Nakakaasar piste!

"Huwag niyo kasing i-pressure si CJ! Hayaan niyo siyan mismo ang magsabi at mag-aya saakin na makipag-date sakaniya." Mahangin na sabi ni Mykel.

"Ang kapal mo pre. Alam naman natin na ako iyon." Sabi naman ni Ian.

"Pareho kayong makapal! CJ, alam ko naman na ako yun. Sige na huwag ka nang mahiya ako lang 'to oh." Sabi ni Martin.

"Nabuksan ko yung kotse niya kaya sigurado akong kaya ko ring buksan ang puso niya. CJ, saan mo gusto mag-date?" Sabat naman ni Klarenz.

"Magsi-uwi na kayo! Ako ang crush niya okay? Kaya nga tinulungan niya ako nung sports fest eh." Sabi ni Marc.

"Sorry Cy. May Jane na ako eh. Kung gusto mo sumama ka saamin sa sabado ikaw taga-picture namin." Sabi naman ni Dev.

Ang gag* ginawa pa akong third wheel haup.

"Nagtatalo talo kayo jan eh ako naman talaga yun. Manahimik kayo!" Sabi naman ni Kenneth.

"Padaan lang." Sabi ni Leo at James.

"Hindi laruan si Cj okay. Hayaan niyo siya na magsalita." Seryosong sabi ni Uno kaya nakatanggap siya ng batok mula kay Mykel at Kenneth.

"We all know the name's Eric." Ani Eric.

"CJ hindi naman mahirap sabihin yung Timothy. Kahit Tim nalang." Sabi ni Timothy.

"Mas lalong madali ang Luis." Sabi naman ni Luis.

"Heh mga feeling! Ako ang bestfriend! At madalas sa bestfriend unang nagkaka-crush ang tao!" Sabi ni Kyle at inakbayan ako.

"Ate naniniwala ako sa kasabihang age is just a number. Punta tayo sa arcade dun tayo mag date." Sabi naman ni Renz.

"Taena tumigil kayo!" Inis na sigaw ko at siniko si Kyle.

"Just say the name para matapos na ito." Sabi ni Clover.

Tumingin ako sa direksyon ni Ice at nagulat na nakatingin din pala siya saakin.

"Kung mananahimik kayo, sasabihin ko." Sabi ko at naunang umakyat pabalik sa room.

Hoooo portages na mga kumag!

Tahimik silang pumasok at umupo sa kani-kaniyang upuan.

"So, sino?" Tanong nanaman nila. Huminga ako ng malalim at tumayo. Lahat sila ay naupo ng deretso.

"Libre ka ba sa linggo?" Lahat sila ay tumingin sa harapan para tingnan kung sino ang kausap ko. Agad ko namang tinapik ang natutulog na si Riu.

"Hmm?' He hummed and raised his head.

"Sabi ko libre ka ba sa linggo?' Tanong ko sakaniya. Lahat sila ay muling tumingin saakin at sa kausap ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Ano...uhm...d-dateβ€”labas tayo." Mabilis na sabi ko.

I'm so sorry Riu! Sorry talaga!

Bigla siyang napadilat ng maayos at takang tumingin saakin.

"Huh? S-sige." Sagot niya. Ngumiti ako at tsaka humarap sa kanila.

"Happy?" Tanong ko at tsaka naupo sa upuan ko.

"Pre, pre pahampas nga. Congrats lang." Sabi ni Mykel at tumayo.

"Ako rin Mendoza pa hampas lang." Lahat sila ay tumayo at akmang hahampasin si Riu pero agad siyang tumakbo paiwas sakanila at lumabas.

"Sugurin ang rebelde!" Sigaw ni Renz.

Natawa ako dahil hinabol talaga nila si Riu.

"So...crush mo pala talaga siya." Sabi ni Clover at naupo sa upuan ni Kyle.

"Uhm...ano..." Hindi ko siya matignan ng deretso dahil nahihiya ako.

"Sabi na eh." Natatawang sabi niya. "Sino ba talaga?" Tanong niya.

"Oh, nasaan ang mga kaklase niyo?" Gulat na tanong ni Sir nang makitang kaming dalawa lang ni Clover ang andito sa loob. Kasunod niyang pumasok ang presedente nilang kumag.

"Sinugod po ang rebeldeβ€”este si Mendoza po." Sabi ni Clover at tumawa.

"Sinugod? Bakit?" Tanong ni Sir habang nag-aayos ng desk niya.

"Inaya po kasiβ€”" Agad kong dinamba si Clover at tinakpan ang bibig niya tsaka umiling-iling.

"Inaya ko po kasi makipag-suntukan hehe." Sabi ko. Natigil saglit si Sir sa ginagawa niya at nakangiwing tumingin saakin.

"Para ka talagng kuya mo." Hindi ko naintindihan ang bulong niya pero narinig ko yung word na kuya.

"Kilala niyo po si kuya?' tanong ko at tumayo ulit ng deretso.

"Marami kang kuya, CJ. Sino sakanila?" Natatawang sabi ni Sir.

"Never mind." I said and sat.

"Oh, buti naman at naisipan niyong bumalik. Umupo na kayo at magsisimula na tayo." Sabi ni Sir nang pumasok ang mga kaklase ko.

"Siguraduhin mong maganda yung pupuntahan natin sa linggo ah para naman sulit yung mga hampas na natanggap ko." Sabi ni Riu at nauo sa upuan niya.

"Sorry." Nahihiyang sabi ko at nag-peace sign. "Masakit ba?' Ngumiwi siya sa tanong ko.

"Gusto mo bang ipahampas kita sa mga fangirls ko?' Nakangiwing tanong niya.

"Sanaol may fangirls." Sabi ko at tumawa.

"Quiet class." Sabi ni Sir. Tumahimik kaming lahat at nakinig sakaniya. "Aaminin ko, na-disappoint ako sa mga marka na nakuha niyo. Bilang lang sa kamay ang may high scores. Yung iba pasang awa lang. Sa susunod mag-review kayo, okay? Ayoko nang makikita ng ganung grade. Are we clear?"

"Yes sir." Sabay sabay na sagot namin.

"Kung may hindi naiintindihan, magtanong saakin or sa kaklase. Huwag niyong hintayin na mag-assign ako ng study partners niyo." Sabi niya pa. "Sige dahil may konting improvement naman sa grades niyo, hindi na ako magle-lesson for the whole week. Pero next week, dapat seryoso na." Nag-yehey kaming lahat sa sinabi ni Sir.

"Psst..."

Tumingin ako kay Kyle na naktingin lang sa harapan. Sunod kong tiningnan si Renz na nakikipaglaro kela Eric. Tiningnan ko naman si Riu na as usual, tulog.

"Psst..."

Tumingin ako kay Clover at tinaasan siya ng kilay. Tinuro niya si Kyle.

"Kyle-langot." Pagtawag ko kay Kyle. Lumingon siya.

"Bakit asul na bato?" Tanong niya. Sinenyas ko si Clover. "Oh, anong gagawin ko sakaniya?" Tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bombahin mo." Sagot ko. "Tawag ka tongeks." Sabi ko. Tumango siya at nagpunta kay Clover. Kinuha ko ang phone ko sa bag at naglaro ng candy crush.

"Buti pa yung candy may crush." Nilingon ko si Clover at pinagkunutan ng noo.

"Huh? I think you're thinking the wrong definition of crush." I said. He chuckled and sat on Kyle's chair. "Oh, anong ginagawa mo diyan?' Tanong ko.

"Nakipag-swap ako ng pwesto kay Kyle." Sabi niya at tinuro si Kyle na nakikipag-usap na kela Leo.

"Ah. Sige." Yun lang ang sinabi ko at nagpatuloy sa paglalaro ng candy crush.

"Alam mo ba..."

"Hindi pa." Sagot ko agad. Ngumiwi siya.

"Wag na nga." Sabi niya kaya natawa ako.

"Joke lang eto naman. Ano yun?" Tanong ko.

"Wag na." sabi niya at tinalikuran pa ako.

"Tampo yarn? Patingin nga paano magtampo ang isang Clover Pierce?" Asar ko at sinundot siya sa tagiliran.

"Bahala ka jan." Sabi niya.

"Edi don't." Sabi ko at tinigilan siya. "Di nga seryoso. Ano yun?" tanong ko ulit. Bumuntong hininga siya at muling humarap saakin.

"May kukwento ako sayo." Sabi niya. Tumango alng ako at sinenyasan siyang tumuloy. "kahapon, sumakay kami ng jeep nina Ian." Sabi niya.

"Jeep? Kayo nila Ian? Diba may kotse kayo?' takang tanog ko.

"Oo. Pero trip nilang mag commute kaya sumama ako. Tapos may nakasakay kaming matandang ale na may dalang planggana. Tapos ang baho nung laman." Tumango-tango ako.

"Oh tapos?" Tanong ko.

"Tinanong nung kapwa namin pasahero. Sabi "Manang, ano po ba 'yang dala niyo?" Tapos ang sagot nung ale "Bakit? Bibili ka ba?" Sa inis nung ababe pumara nalang siya." Kwento niya.

"Ang harsh naman nung ale. Oh tapos?" Sabi ko.

"Edi nagtuloy sa byahe. Tapos di katagalan nagtanong na rin yung driver. Nababahuan na rin kasi siya eh nasa likuran lang niya yung ale. Sabi nung driver, "Ale, ano ho ba ang laman niyan? Nababahuan na ho kasi yung ibang pasahero." Tapos sinagot siya nung ale. Ang sabi, "Bakit bibili ka ba?" Edi nainis yung driver.

"Hmm. Tapos?"

Sa inis nung driver, nagpreno siya bigla kaya tumapon yung laman nung planggana na dala nung ale." Pagtatapos niya. Teka...

"Ngi? Eh ano lama nung planggana?" Takang tanong ko.

"Bakit? Bibili ka ba?" Bigla siyang humagalpak ng tawa. Natulala pa ako nang saglit at nang ma-gets yung kwento niya, sinuntok ko siya sa braso.

"T*ngna ka ang akala ko seryoso pisti." Inis na sabi ko.

"Uto-uto ka kasi. HAHAHA!" Tuwang tuwa na sabi niya.

"Sabi na eh. Dun palang sa nag-commute part nagduda na ako eh." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Nauto kita." Tumatawang sabi niya.

"Gag*." Bulong ko at naglaro nalang ng candy crush.

Boset akala ko pa naman matino si Clover. Isa rin palang kumag ang loko.

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net