π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟻𝟢

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"Mom who's that girl Tito EZ is kissing?" Agad akong napatayo at tiningnan yung tinuturo ni Mikhail. Mabilis kong tinakpan ang mata ng dalawang bata.

"Hoy SPG! May mga bata dito! Bawal may mga jowa dito!" Sigaw ko kaya napahiwalay sila sa isa't-isa. "Bawal PDA!" Sigaw ko pa.

"Wala bitter ka lang kase wala kang jowa!" Sigaw ni EZ. "Pinanganak kang single kaya mamamatay ka ding single!" Dagdag niya pa.

"Not if I kill you first!" Sigaw ko at tumakbo sakaniya. Agad siyang tumakbo palayo kaya eto kami parang mga batang naghahabulan.

"Weh wala 'di mo ako maabutan! Pandak ka! Maikli binti mo!" Asar niya habang tumatakbo.

"Siguruhin mong hindi kita maaabutan dahil kung hindi sasakalin talaga kita!" Sigaw ko at mas binilisan ang pagtakbo.

"Cβ€”Woah! Mr. and Ms. Montefalco stop right now!" Saway ng isang teacher.

"What's happening here?"

"Hoy ang daya niyo naglalaro kayo hindi nagtatawag!" Rinig kong sigaw ni Kyle.

"Yahhhh!" Sigaw ko at dinamba si EZ.

"Wahhhh! Tulong! Minu-murder ako ni CJ! Tulong!" Sigaw ni EZ.

"Tickle attack!" Sigaw nina Mikhaila at Mikhail bago sinakyan si EZ at kiniliti.

"H-hoyβ€”HAHAHAHA t-tama na HAHAHAHA." Halos hindi makahinga si EZ kakatawa.

"Ano bayan babe talo ka pa ng mga bata." Natatawang sabi ni Ate CassLyn.

"Tulungan mo kaya akoβ€”HAHAHAH stop it!" Hindi tinitigilan nung dalawa si EZ.

"Wala bang hug for your favorite aunt?" Napatingin ang dalawang bata kay Ikay.

"Tita AZ!" Sabay na sigaw nila at niyakap si Ikay.

"Aray!" Sigaw ko ng hampasin ako ni EZ. Hinampas ko din siya kaya hinampas niya ako pabalik. Hindi naman malakas.

"Bitter ka lang!" Sabi niya at hinampas ako.

"Hindi ako bitter! Paki ko ba kung wala akong jowa?!" Sabi ko at hinapas din siya.

"Hindi wala bitter ka lang eh. Kaya hindi ka nagkakajowa eh. Sadista ka kasi. Hindi ka magugustuhan ng crush mo niyan." Sabi niya at hinapas ulit ko.

"Wala nga sabi akong crush!" Sabi ko at hinampas siya muli.

"Eh anong tawag mo kay Ice?" Tanong niya at hinampas ako.

"Gβ€”" Natigilan ako ng ma-realize yung sinabi niya.

"Uiiii natigilan. Yieeee confirm!" Asar ni EZ.

"ICE CRUSH KA DAW NI ZIA!" Sigaw ni Ikay kaya mabilis kong tinakpan ang bibig niya.

"HINDI NGA SABI!" Pagtanggi ko pero mas lalo nila akong inasar.

"Ayieee sabi na eh!" Biglang sabi ni Kyle na nasa gilid ko pala.

"Crush back na 'yan!" Sabi naman ni Mykel.

"Tumigil kayo hindi nga eh!" Sabi ko at halos maging kamatis ang mukha ko ng makitang nakatitig saakin si Ice.

"Oh, Ice anong masasabi mo crush ka daw ni CJ?" tanong ni Leo.

"Just tell me you're ready and I'll court you." Nakangising sabi ni Ice na dahilan ng paghihiyawan ng mga kumag.

"Owshii! Owshii! Ang smooth!"

"Sabihin mo nang ready ka!"

"Sana lahat!"

"Tanga! Maging loyal ka kase!"

"Loyal naman ako ah?"

"Oo nga. Loyal sa sampu."

"Tang*na niyo mga kumag!" Sabi ko at mabilis na tumalikod at naglakad palayo.

Yung puso ko! Lalabas na sa dibdib ko dzaii! Hooooo!!!!

I've never felt this before. The words he said kept echoing inside my mind.

Is he serious? Wait, why am I feeling this? Does it mean?

Oh no I can't! I can't attach myself to them. No! No! No!

"Mukhang mas malalim pa sa dagat 'yang iniisip mo ah."

"Gah! Holy sh*t Clover! Why do you have to do that?!" Gulat na sabi ko. Bigla nalang kasing sumulpot sa kung saan si Clover at nagsalita sa tabi ko.

"Pfft." Nagpipigil siya ng tawa na ikinangiwi ko.

"Nakakatawa 'yun?" Sarcastic na tanong ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"So, mind sharing what you're thinking?" Tanong niya.

"Sino naman nagsabing may iniisip ako?" Tanong ko na ikinatawa niya.

"My mind says so." Sagot niya at nagkibit-balikat. "Hi beautiful." Biglang sabi niya. Napatingin ako sakaniya at sa paligid namin.

"Gagi may nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Tanong ko. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Nevermind." Sabi niya. Agad kong hinampas ang kamay niya.

"Mess everything but not my hair." Sabi ko. Tinaas niya ang dalawang kamay niya.

"CJ we need to talk." Napatigil kami sa paglalakad ng harangin kami ni KZ.

"Matutulog muna ako sa kwarto." Paalam ni Clover at naunang umalis.

"Kuya LZ said kapag hindi ka umuwi sa bahay ngayong araw hindi mo magugustuhan ang gagawin niya." Sabi niya.

"I know. I heard that." Sagot ko.

"Yung totoo? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabihan ka ng huwag sumama, sumama ka pa rin. Lahat nalang ng sinasabi namin sinusuway mo." Galit na sabi niya.

"Bakit kelan ba naging malambot ang ulo?" Sarcastic na tanong ko.

"CJ..." Nagbabanta ang tono niya pero hindi ako natatakot.

"Do you really think these people will let you in? No. Because I specifically told them not let anyone in." I said.

"We're not a stranger to them! To Steve!" Sagot niya.

"Yes, you're not. But they still won't let you in without me. They're protecting the kids with their life. Ganun sila ka-loyal. That's why I trust them. If they didn't see me with you guys, you're probably still out there." Sabi ko. "Tsaka bakit ba ayaw na ayaw niyo akong papuntahin dito? Ha?" Tanong ko.

"Umuwi ka na." Sagot niya.

He dodged the question.

"Sure. I'll go home, if you give me a one d*mn good reason why you guys are stopping me from coming back here." Sabi ko.

"Dahil mapapahamak ka nanaman!"

"KZ my whole life is all about danger. Everyday my life is in danger. So, no. Give me one valuable, good reason to leave." Sagot ko. Lumipas ang ilang minute na nanatili siyang tahimik.

"I'm staying." I said and turned my back at him.

Umakyat ako sa kwarto namin at kinuha yung wallet ko. Pagpasok ko ay andun na silang lahat.

"Where are you going?" Tanong ni Riu. Pumalakpak ako ng tatlong beses bago sumagot.

"To nowhere." Ngumiwi siya at napailing-iling nalang.

"Fan ka ata ni Dora." Sabi niya.

"May bibisitahin lang." Sabi ko at lumabas. Nagpunta ako sa room ng mga teacher's para harapin si Sir Kylo.

"Sir, may pupuntahan lang po ako." Sabi ko.

"Saan?" Tanong niya.

"Secret. Joke lang po. May bibisitahin lang po ako. Taga dito lang din po." Sabi ko.

"Sige. Mag-iingat ka at huwag magpapagabi." Bilin niya. Nagpaalam ako at pinuntahan si Steve.

"Alis muna ako." Paalam ko.

"Gagamitin mo si Chuchu?' Tanong niya. Tumango ako kaya binato niya saakin yung susi ng motor ko.

"Ingat." Rinig kong sabi niya. Nagpunta ako sa garahe na nasa gilid lang ng mansion at kinuha ang motor ko. Mabilis ko itong pinaandar at umalis.

Nagpunta ako sa burol malayo sa syudad. Madali ko lang narrating iyon dahil mabilis ang takbo ng motor ko.

Mula dito ay kitang-kita ko ang mga naglalakihang building, mga sasakyan, mga taong naglalakad at kung ano-ano pa. Sinaksak ko ang earphone ko at nanatiling nakatingin at tinatanaw ang maingay na syudad.

Gawain namin ito ng lolo at lola ko noon. Pupunta kami dito sakay ng sidecar ni Lolo. Magpi-picnic at magtatagal hanggang gabi. Tapos panonoorin namin ang mga bituin. Swerte nalang namin kapag may shooting star na dumadaan. Ginagawa ko rin ito kapag may iniisip ako or kailangan ko lang talagang mapag-isa.

Humiga ako at tiningnan ang langit. Maaliwalas at hindi rin ganon katindi ang sikat ng araw. Unti-unti akong napapikit at nakatulog.

---

Minulat ko ang mata ko at nakitang madilim na. Gaano ako katagal na nakatulog dito?

Napatingin ako sa hawak kong phone at nakitang tumatawag si Sir Kylo.

Wait, kelan pa ako nagkaroon ng number ni Sir?

Mabilis kong tinigil ang music at sinagot ang tawag.

"Where are you?" Tanong agad ni sir ng sagutin ko ang tawag.

"Pauwi na po." Sabi ko at inipit sa balikat at tenga ko yung phone habang sinusuksok yung susi sa motor.

"Bilisan mo. Gabi na baka mapano ka sa daan." Sabi niya at binaba ang tawag.

Bakit ganon? Parang si kuya talaga siya huhu.

Mabilis kong in-operate yung motor at umalis na sa burol.

Medyo malapit na ako sa mansion ng mapansing kanina pa ako sinusundan ng itim na sedan. Tiningnan ko yung side mirror ko at nag-iba ng daan. Nakita kong nakasunod pa rin ito saakin. Pasimple kong tiningnan yung plate number bago binilisan lalo ang takbo. Nagtagumpay akong mailigaw siya kaya bumalik an ako sa highway.

"Where have you been?" Bungad nila saakin.

"Diyan lang sa tabi-tabi." Sagot ko at binato kay Steve yung susi.

"Ms. Montefalco saan ka nanggaling?" Hinarang ako ni Sir bago pa man ako makaakyat.

"May binisita po." Sabi ko at yumuko.

"Hindi ito ang uwi ng isang high school student, CJ. Pinag-aalala mo kami." Sermon niya.

"Sorry po. Hindi na mauulit." Sagot ko.

Hayp akala ko pa naman nakalayo na ako sa sermon. Hanggang dito pala meron huhu.

"Kumain ka na." Sabi niya at bumalik sa room nila. Sinundan ko lang ng tingin ang papalayong bulto niya at bahagyang ni-tilt ang ulo ko.

"Don't tell me may crush ka kay Sir?" Nang-aasar na tanong ni Ikay.

"Parang si kuya siya 'no?" Tanong ko sakaniya. Bahagya ring tumagilid ang ulo niya at pinagmasdan din ang daan na dinaanan ni Sir kanina.

"Hmm...medyo." Sabi niya. "Malay mo sila talaga yung magkapatid sa past life." Ngumiwi ako dahil dun.

"Past life past life. Tss." Pumasok ako sa kusina at natagpuan si Steve doon.

"Find this plate. Tell me every information you'll find about it." I said and gave him the plate number I saw earlier.

"Why?" Tanong ni May at tiningnan yung sinulat ni Steve.

"It's following me." I said. Tumango silang dalawa at umakyat sa computer room. Naiwan akong mag-isa rito sa baba. Sa tingin ko ay tulog na rin ang mga maids. Patay na rin ang ilaw sa salas. Naka-lock na ang mga pinto at bintana.

Tiningnan ko yung wall clock at nakitang quarter to 9 na pala. Kumuha ako ng natirang kanin at ulam tsaka kumain. May mga guard na umiikot sa kabuuan ng mansion. Inaalok ko sila kapag napapadaan dito.

"Oh, iha. Bakit ngayon ka lang kumakain? Saan ka galing?" Napatingin ako kay Manang Estelita na nakapang-tulog at parang nagising lang.

"Oh, manang kain po. Kakauwi ko lang po. Pumunta po ako dun sa favorite spot namin nila lolo't lola." Sagot ko.

"Oh, siya sige ako'y matutulog na. Bilisan mong kumain diyan at may pupuntahan pa kayo bukas." Sabi niya. Tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain.

"You just came home?"

Halos masamid ako sa gulat ng biglang may magsalita sa dilim.

"What the f*ck magkaibigan nga talaga kayo ni Clover." Sabi ko at kumuha ng tubig. Lumabas galing sa dilim si Ice. His hair is messy, and his eyes can tell me he just woke up.

"You didn't answer my question." He said and ignored what I said.

"Oo nga kakauwi ko lang. Kain tayo." Sabi ko. Umupo siya sa harapan ko.

"Kuha mo 'ko." Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang braso ko.

"I'm not a maid. Go get your own." Sabi ko pero hindi siya kumilos. Pinaningkitan ko siya ng mata, pero waepek dahil nakatitig lang siya saakin.

I scoffed and rolled my eyes before standing up.

"Eto na po sir. Enjoy your dinner." Sarcastic na sabi ko. "Mabulunan ka sanang kumag ka." Bulong ko at bumalik sa upuan ko. Tahimik lang kaming kumain. Sabay kaming natapos. Kinuha ko yung plato niya dahil wala siyang planong tumayo. Inirapan ko siya ng makitang nakangisi siya saakin. Ngising mapang-asar.

Kasalukuyan akong naghuhugas ng maramdaman ko siyang nakatayo sa likuran ko. Nang lingunin ko siya ay halos maduling ako dahil sa lapit ng mukha niya saakin. Sandali pa kaming nagkatitigan nang lumayo siya. Nakita kong may hawak siyang baso sa kamay niya.

Syempre alangan namang paa ang may hawak ng baso. Bob* lang CJ?

Binalik ko ang tingin ko sa mga platong hinuhugasan ko upang maitago ang pamumula ng mukha ko. Mabuti nalang at medyo dim na ang ilaw dito sa kusina.

Nang matapos ako ay pinatay ko ang ilaw at iniwang bukas yung sa medjo unahan na part ng kusina. Paglabas ko ay napaigtad ako ng makitang nakatayo pala siya dun sa gilid ng hagdan.

"How many cups of coffees are you drinking?" Natatawang tanong niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin at akmang aakyat na ng hilahin niya ko pabalik.

"I asked you a question." Seryosong sabi niya.

"Hindi ako nagka-kape okay. Hindi ko naman kasalanang para kang multo diyan na bigla-biglang sumusulpot o bigla-biglang nagsasalita." Sabi ko.

"Ang gwapo ko namang multo." Sagot niya. Nag-act ako na parang nasusuka.

"Parang biglang humangin ah." Sabi ko.

"Saan ka galing?" tanong niya.

"Bakit?" tanong ko rin.

"Answer my question. Saan ka galing?" tanong niya ulit.

"Bakit nga kasi?" Naiinis na tanong ko pabalik.

"I asked you a question first." Sagot niya at pinagkrus ang braso niya.

"Diyan sa tabi-tabi. Okay na? Aakyat na ako. Tumigil ka na rin sa pag-stay sa dilim at baka mapagkamalan kang magnanakaw diyan." Sabi ko.

"Bakit? Mukha ba akong magnanakaw sayo?" Tanong niya.

"Yung totoo? Oo." Sabi ko.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Take that back." Sabi niya. Binelatan ko lang siya at patakbong umakyat. Kaso bago pa man ako makalayo sa huling step ng hagdan dito sa taas ay naharangan na niya ako.

"Joke lang Ice hehe." Kinakabahang sabi ko. Para siyang papatay sa sinabi niya huhu.

Patuloy siya sa paglalakad palapit saakin at ako naman itong atras ng atras hanggang sa madikit na ang likod ko sa pader.

Mama I'm trap!

He cornered me into the wall. His hands are on both sides of my head trapping me. He leaned closer and stopped centimeters away from me.

"Take that back." He said slowly. I gulped.

"A-ano h-hindi ka m-mukhang m-magnanakaw. J...joke lang hehe." Sabi ko at kinakabahang ngumiti sakaniya. He just smiled. More of a smirk.

But the next thing that happened shocked me to the core. I felt his soft lips onto mine. I feel like I could melt with the softness of his lips and the hotness of his breath. His hand held my waist to support me and stop me from falling because my knees are shaking. When we both felt the burning feeling in our lungs, he parted his lips to mine and smirked.

"I'm serious about what I said earlier. Just tell me you're ready and I'll court you right away." He said with a smirk. He then pecked my forehead and let go of my waist. "Goodnight, mon jade." He said and went in the room first.

I was frozen in place. I could almost hear my heart thumping. It felt like it would go out of my chest anytime now.

Is it because I'm nervous? Or because of something else?

(Ms. A: Oh ayan na mga mare at pare dahil nanghihingi ulit kayo ng ud. Enjoy reading! Kiligin sana kayo ng sagad ehe.

votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net