π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟻

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"Ibabalik ko toh sayo para may transpo ka pero sinasabi ko sayo Cyan Jade malaman ko lang na nakikipag karera ka kukunin ko talaga toh." Panenermon ni Kuya DZ.

"Opo Kuya." Sagot ko.

Sinamaan lang niya ako ng tingin bago ibigay saakin lahat ng susi ko.

Yash finally!!

Pagkakuha ko ay dali dali akong umakyat ng kwarto at itinabi ito sa drawer bago ulit nagmamadaling bumababa dahil baka malate na ako.

"Hoi babae. Ano magmo-motor kang nakaganyan?" Saway sakin ni Kuya BZ. Tiningnan ko naman ang suot ko. Suot ko na kasi yung uniform na ibinigay ng school. Sa pang-itaas ay White longsleeves. Dapat ay may kasama itong red blazer pero hindi ko pa nalalabhan dahil medyo busy ako kahapon sa paggawa ng mga assignments. May necktie din ito na kulay yellow kung saan nakalagay yung name ng school and sa baba nun is number 5. Ang pang ibaba ko naman ay yellow checkered skirt na 2 inches above the knee.

"Yah. Why?" Sagot ko.

"Tch. Kababaing tao nako." Napapailing na sabi ni Kuya BZ.

"May panloob naman kase ako ihhhh." Kamot ulong saad ko.

"Hay nako ewan ko sayo. Sge na alis na baka ma-late ka pa." Sabi niya bago ako halikan sa noo. Para ko na kasing kapatid si Kuya BZ kaya sweet siya. Minsan spoiled din ganern HAHAHAHAHA. Pero pag nagalit yan, haw ewan no comment nalang.

"Mag-ingat ka!" Sabay na sigaw ni Kuya BZ at Kuya DZ. Sumakay na ako sa motor at bumusina ng 2 beses bago ito pina-andar.

Mabilis ang takbo ko dahil nagmamadali na talaga ako. Buti nalang ay hindi lumilipad ang palda ko.

After 5 minutes ay nakarating na ako sa campus. Agad kong ipinarada ang motor ko at lakad takbong nagtungo sa room namin. Pagpasok ko ay buti nalang at wala pang teacher. Dali-dali akong pumasok at umupo sa upuan ko. Pag-upo ko ay nakaramdam ako ng parang medyo basa? Pero ipinagsa walang bahala ko na lamang ito dahil baka pawis lang ako or ano.

30 minutes na ang nakalipas pero wala paring pumapasok na teacher.

Napalingon kami sa pinto ng pumasok ang isa naming akklase na humahangos.

"ABSENT SI MAAM!!" Sigaw nito. Nagsigawan naman ang mga classmates ko. Nagtayuan na sila at kung ano ano na ang ginawa. May nagce-cellphone, may naglalaro ng...baraha? At may mga lumabas. Tumayo ako para lumapit sa balcony ng room namin.

Wews buti pa yung room may balcony

Nang may maramdaman akong kakaiba. Alam mo yung lahat sila nakatingin sayo tas nagpipigil ng tawa? Ang weird niya sa pakiramdam. Hinawakan ko pa yung mukha ko, wala namang dumi. Yung buhok ko, maayos naman. Eh bat natatawa sila?

Hala nababaliw na ata sila!

Imbis na sa balcony ay lumabas nalang ako para pumunta ng canteen. Pagbaba ko ng building namin ay lahat ng tao nakatingin saakin. Potaena ano na? Masyado na ba akong maganda?

Umabot ako sa garden an buti nalang ay walang tao kaya wala nang mga matang nakatingin saakin.

"Yow CJ." Nakangising salubong saakin ni EZ. Ay char lang pala. May hayop este tao pala dito sa garden ng school.

Oh ano toh wala ring klase?

"Wala kaming prof. Nasa meeting daw." Saad niya ng mabasa niya ang pagtataka sa mukha ko. Napa-ahhh nalang ako.

"Ikaw? Bakit--" Naputol ang sasabihin niya ng mapatingin siya sa likod ko sa bandang baba.

"Ano?" Tanong ko sakaniya. Sumeryoso ang mukha niya at nagpunta sa likod ko bago ako yakapin.

"Huy anong problema mo?" Tanong ko sakaniya. Lumapit siya sa tenga ko bago bumulong.

"May tagos ka." Nanlaki naman ang mata ko at nagpanic.

"A-ano teka may dala ata akong--" Naputol din ang sasabihin ko ng may ma-realize ako.

Kakatapos ko lang ah? Ibig sabihin.....

"PU.TANG.INA!" Sigaw ko. Kumalas ako sa pagkakayakap niya saakin at sinilip ang palda ko. May pinturang pula doon.

"A-anak ng tipaklong!" Aishhhh!!! Dali-dali akong tumakbo pabalik sa room. Pagpasok ko ay nagtatawanan sila. Tiningnan ko sila ng masama. Agad kong binuksan ang bag ko para tingnan kung may dala ba akong extra na plada. But I guess I'm unlucky for the day kasi wala!

"Wooo!! HAHAHAHAHAHA"

"Yeah ang galing talaga ni Ice magplano HAHAHAHAHAH"

"Stan Ice for good grades!!"

"Mali! Stan Ice for better future!!"

Napahawak nalang ako sa sentido ko.

No choice.

Hinubad ko yung longsleeves ko kahit andyan sila. Why? Hindi ko na kakayanin pang bumaba doon dahil sa kahihiyan! Pre may mga nagvi-video kanina! Nakasando naman ako so yeah.

Show off? Nah. Bahala kayo jan isipin niyo ang gusto niyong isipin basta ako magpapalit kasi punyeta para talaga akong tiangusan wengya.

Potaena kase sino bang nag-imbento ng napakalaking building for section 5, tapos walang cr?! Kakausapin ko lang. Pramis usap lang.

Buti nalang at may jacket akong dala kaya pwede ko itong patungan. Bakit kaya hindi ko nalang itali sa bewang ko para matakpan yung mantsa? yun ay dahil leather jacket toh. Isa pa may mantsa din yung pang-itaas ko aya nga hinubad ko long sleeves ko. Alangan namang gumala gala ako dito ng naka sando lang ano?

Nang maisuot ko na ang jacket ay sunod ko namang tinanggal ang palda ko. Buti nalang ay naka denim shorts ako. Hindi maikli, hindi rin mahaba. Sakto lang.

Napatahimik naman sila doon. Hinampas ko yung lamesa bago ako humarap sakanila.

Bakit nga ba ako nagagalit? Yun ay dahil si Ate FZ ang gumawa ng uniform ko. Mehn marunong akong magpahalaga ng mga bagay noh.

"Sino si Ice?" I asked. Sabay sabay silang tumingin dun sa lalaking nakatayo malapit sa pintuan. Matalim akong tumingin sakaniya.

"Ikaw ang nagplano neto?" Tanong ko. Ngumisi lang siya bago sumagot.

"Yeah. Any problem with that?" Mapang-asar na sagot niya. Binato ko sakaniya yung uniform ko.

"Labhan mo yan. Kung ayaw mo, palitan mo yan." Seryosong saad ko. Nawala yung mapang-asar na ngiti na labi niya. Nagseryoso siya.

"I don't take orders. Especially from a weirdo like you." And with that lalabas na siya ng room. Sa galit ko ay walang pagdadalawang isip kong hinubad ang sapatos ko at ibinato yun sa likod niya. Tumigil siya sa paglalakad at humarap saakin. Napaatras ako ng makitang napaka dilim ng mukha niya.

Paktay CJ play dead!

Tanginang mga bulate talaga toh fishtea.

"Hala lagot siya"

"Tanga takbo HAHAHAHAHA"

"Pre pusta ako 5 daan titiklop yan. Si Ice pa eh nakakatakot yan."

"Pupusta ako 1 libo kay CJ ako."

Potaena pinagpustahan pa. Naglakad palapit saakin si Ice ng madilim ang mukha. Tumayo ako ng deretso. Handang salubungin siya. Kala niya matatakot ako sakaniya? Ugh bitch please.

Ng makalapot siya saakin ay nagsalita agad siya.

"Did you just fvcking throw your shoe at me?" Gigil na saad niya.

I smirked.

"Yeah. I did just fvcking throw my shoe at you. Any problem with that?" Panggagaya ko sa sinabi niya kanina. He gritted his teeth.

Yan ganyan nga. Manggigil ka lang. Di ako titiklop sayo noh. Baka CJ toh.

"You will pay for it. Sinasabi ko sayo pagbabayaran mo yon. Hindi mo ba ako kilala?" Gigil na saad niya.

"Nah. I don't need to know some fvcking asshole like you." I said. Lalo siyang nanggigil. Kinwelyuhan niya ako at itinaas. Naramdaman kong umangat ang paa ko at halos wala nang tinatapakan na sahig.

"I am Ice Clark Evan Ashton. President of Section 5. And I will make your life hell." He said.

"Go on. Have fun trying." I said then smirked. Pabalibag niya akong ibinaba. Inayos ko ang leather jacket ko at ipinagpag.

"You have no idea who you are challenging." He said while smirking.

"And you have no idea who you're threatening." I said. He licked his lower lips then smiled playfully.

"The game is on then, Ms. Montefalco." Saad niya at talagang binagalan pa ang pagsambit sa apelyido ko, tsaka siya umalis. Napabuga ako ng hangin dun.

Ano ba 'tong pinasukan ko?


(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net