π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟺𝟿

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"I told you. I am a mother." Sabi ko at tumawa. "Anyways, bababa muna ako. Do you want to stay here?" Tanong ko sa mga bata. Tumango lang silang dalawa kaya iniwan ko na sila doon.

"Manang ako na po 'jan." Sabi ko at kinuha ang dala-dalang plato ni Manang Estelita.

"Sige na nga iha." Sabi niya. "Kamusta ka na? Ang tagal mong hindi dumalaw dito. Namiss ka ng mga bata." Tanong niya.

"Eto manang gaya ng dati. Wala namang pinagbago." Sagot ko.

"May nobyo ka na ba?' Tanong niya.

"Nako manang wala po akong oras sa ganyan ganyan. Alam niyo naman kung gaano kagulo ang mga bagay bagay ngayon." Sabi ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Manang, tapos na po kami magluto." Sabi nung mga cook.

"Pakidala na dito. Anak, pakitawag na ang mga kasama mo para makapag agahan na sila." Sabi saakin ni manang. Tumango ako at tinawag si Steve.

"Pakitawag yung iba." Sabi ko. Tumango siya at mabilis na umakyat. Nagpunta ako sa room kung saan nandun ang mga teachers.

"Maam, Sir, kakain na daw po." Sabi ko. Tumango lang sila at sinabing susunod na.

Nakita kong pababa na din ang ibang section.

"Mom! Daddy said bilisan mo daw." Lumabas galing kusina si Mikhaila.

Ang bilis naman nila. Teka, Dad?

"Dad? You mean Kuya Andy's here?" I asked her and went down the stairs with her.

"No. Daddy Ice." Sabi niya na nakapagpatigil saakin.

"What the? Who told you to call him Daddy Ice?" Gulat na tanong ko. Mula dito sa pwesto ko ay nakikita ko ang pagpipigil ng tawa ng mga kumag kong kaklase.

"Tito Kyle said." Sagot niya.

"And who told you to call him tito Kyle?" tanong ko ulit.

"Tito Kyle himself. Come on mom I'm starving!" Sabi niya at hinila ako papasok sa kusina. Tiningnan ko ng masama si Kyle.

"Kung ano-anong tinuturo mo sa mga bata!" Sabi ko at akmang babatukan siya.

"I'll just call hyung." Sabi niya at tumakbo papunta sa kwarto nila ng kuya niya.

"Oh, thank god. I'm sooo hungry." Rinig kong sabi ni Astrid pagpasok ng kusina.

Ang kapal ah. Mas makapal pa sa pader namin.

"Please, suit yourselves." Nakangiting sabi ni Steve. Naupo na kaming lahat at nagsimulang kumain.

"We're sorry for what our student did. It will never happen again." Sabi ni Ms. Fuhla at tiningnan ako ng masama.

"Oh, that's fine maam." Sagot ni Steve.

"Are the owners here? We would like to thank them for letting us stay here." Sabi ni Sir Kylo.

"You're already with her." Sagot ni Steve at tumingin saakin.

"No. Mom said you can't eat these."

"But she's here! I can eat that so give it to me."

"No."

Napatingin ang lahat sa dalawang batang nagtatalo papasok sa kusina. Hawak ni Mikhail ang box ng chocolate at pilit tinataas habang si Mikhaila naman ay inaabot ito.

"Mom oh! Si kuya ayaw ibigay sakin!" Sumbong ni Mikhaila at umupo sa tabi ko.

"Mom?" Takang tanong ng mga teachers. Niligid nila ang tingin at nakita si Manang Estelita.

"Oh, are you their mom?" Magalang na tanong ng isa sa mga teachers.

"Ay naku maam hindi po. Wala po akong asawa't anak." Sabi ni Manang.

"Then who?" Tanong nila.

"Stop whining. Ang aga-aga pa para sa chocolate." Masungit na sabi ni Mikhail at umupo sa kabilang gilid ko.

"Yah stop. Both of you. What did I say about fighting in front of the table?" Saway ko sakanila. Pareho silang napayuko.

"Sorry mom." Sabay na sabi nila.

"Now eat or else no one will get the chocolate." Sabi ko at sinandukan sila ng pagkain.

"What the?"

"Her?"

"CJ's a mother?"

"I think that explains why she's always like that to Renz. Diba lagi natin siyang nakikita na nag-aalaga?"

"Ang bata niya pa ah?"

Naging maingay ang table dahil sa bulong-bulungan nila.

"Iha, anak mo ang mga batang ito?" Tanong ni Ms. Hepburn.

"Well not biologically. When their mother died, she left them in our custody. Their father agreed with it since he have his family of his own now." I explained.

"Pero iha napakabata mo pa. You're not even on your legal age yet." Sabi ng isang teacher.

"That's why we have Manang Estelita to take care of them." I answered.

"We? You mean this house?" Gulat na tanong ni Ms. Fuhla.

"Yes, maam. This is her house." Sagot ni Steve.

"Akala ko ba broke ka?" Pabulong na tanong ni Clover na nasa harapan ko. Tinawanan ko lang siya.

"Dad you should try this. Kuya and I baked it." Rinig kong sabi ni Mikhaila. Napatingin ako sakaniya at sa katabi niya. Walang iba kundi si Ice.

"Sure." Sagot niya at kumuha ng cookie na binigay ni Mikhaila. "It's good." Sabi niya at ginulo ang buhok ng bata.

"I'm sorry but you can't enterβ€”"

"She knows me, I know her, we both know each other so yeah I can enter here."

Napatingin ako sa entrance ng kusina ng makarinig ng nagtatalo.

"Where is she?" Bungad ni Lara. Nakasunod sakaniya si May at ang dalawang bodyguard.

"I'm sorry, pinuno. I can't stop her." Paumanhin ni May at yumuko.

"Why does this always have to happen in breakfast." Bulong ko at napahawak sa noo. "What do you want?" Tanong ko. Lumapit saakin si Lara at hinila ako patayo.

"We have to talk." Seryosong sabi niya at hinila ako palabas.

"Stand down." I said when they got alarmed because of the way Lara is dragging me.

"What we're you thinking?! Why did you come back here?!" Galit na tanong niya.

"We have a school visit? And I'm competing with the DT." Sagot ko.

"God CJ! He's back! Lei's back! What do you think his reaction would be when he sees you?! Are you planning to start a WWIII?!" Sabi niya.

"Chill girl. Kahit naman ganon sila ka-war freak may hiya pa rin naman silang tinatago. Hindi sila gagawa ng gulo lalo na't may ibang school na pupunta sa lugar na 'yun. I'm sure ayaw nilang madungisan ang title nilang 'The most perfect school.' Kaya chill ka lang." Sabi ko naman. "Eh ikaw? What we're you thinking? Barging in here? They could've shot you!" Sermon ko sakaniya.

"As if they would do that." Sabi niya. "Nako CJ kapag ikaw talaga napahamak nakuuuu sinasabi ko sayo." Sabi niya pa at sinamaan ako ng tingin.

"You want to eat?" Alok ko. Inirapan lang niya ako at umalis na. Bumalik ako sa kusina.

"Is Tita Lara mad?" Tanong ni Mikhail. Umiling lang ako at sinabing magpatuloy lang sila sa pagkain.

May isang lalaking pumasok at bumulong kay Steve. Tumango siya at muling humarap saamin.

"Excuse us, we'll be right back." Sabi niya at sinenyasan ako. Ngumiwi ako at tamad na tamad tumayo sa upuan ko bago sumunod sakaniya.

"Ano nanaman?" Naiiyak na tanong ko.

Potspa hindi ko na na-enjoy yung pagkain ko!

"We found these two spying on us." Sabi ng isa sa mga myembro ng M.

"Search them." Utos ko. "Who sent you?" Tanong ko.

"The principal." Sagot nung isa kaya binatukan siya ng kasama niya.

"Oh. Pakisabi ligtas kaming nakarating dito. Makakaalis na kayo." Sabi ko.

"What?" Gulat na sabi ni Steve.

"We have guests, Steve." Sabi ko. "Don't come back here or else the guards will definitely shoot you." Dagdag ko at bumalik sa loob.

"Did you tell them?" Tanong ni Steve.

"No. Not yet. Do you think they'll believe me?" Sabi ko.

"Good point. Anyways, he's back. What's your plan?" Tanong niya.

"Nothing. If he's back, then good." Sagot ko. "Anyways, anong oras kayo nagt-train?' Tanong ko.

"Dating oras." Sagot niya. Tumango ako at bumalik na sa upuan ko. Nagpaalam siya na aalis na. Ganun din ang mga cook, maids at guards.

"Okay I have a question." Simula ko. "Will you believe me if I tell you there's people who's far more worse than section 5?" Tanong ko. Tumawa silang lahat. Samantalang ang section 5 ay tahimik lang. Palibhasa alam na nila ang sinasabi ko.

"No. Obviously." Tumatawang sabi ni Astrid.

"No offense, but you're the worst people we ever met. So, no." Sabi naman ni Mel.

"Well, honey saying the word no offense doesn't lessen the offensive message of what you said." Pambabara ko sakaniya. Ako matagal na akong napipikon sa babaeng 'to ah.

"CJ." Saway saakin ni KZ. Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Should we go?" Tanong ni Mikhail. Tumango ako kaya tumayo silang dalawa ng kapatid niya.

"Bye mom. Bye dad." Nakangiting sabi ni Mikhaila at lumabas ng kusina. Nang masigurong wala na ang mga bata ay agad kong hinampas si Kyle.

"Bwisit ka." Bulong ko. "Anyways, as I was saying, yes there are people worse than us." Sabi ko.

"And who will that be?" Natatawang tanong ng taga-section 4.

"You'll meet them tomorrow." Nakangiting sabi ko. "So, I'm going to warn you. Those people aren't like us. If you mess with one of them, they'll all mess with you. So, I suggest leaving your bratty, bad attitude in this place, and start being nice." Sabi ko.

"Tinutukoy mo ba ang Monasterians?" Tanong ni Astrid at tumawa. "Parang malabo yun Montefalco. Feeling ko nga kayo pa ang magsisimula ng gulo eh." Sabi niya kaya nagtawanan ang iba.

"You gotta believe her." Napatigil sila sa pagtawa ng pumasok si Steve na seryoso. Kasunod niya ang lahat ng myembro ng M. "They're war freaks." Sabi niya pa.

"Yeah. Kaya ikaw itikom mo 'yang bibig mo dahil kapag ginawa mo yan doon, puputok 'yang labi mo." Sabi ni May kay Astrid.

"Excuse me?! Do you know who I am?!" Galit na tanong ni Astrid at tumayo.

"No. I don't care. Pinuno is just giving you a warning and a heads up. It's up to you kung maniniwala kayo. But don't say we didn't warn you." Sabi ni May. Naglakad sila palabas sa back door.

"What do you mean?" takang tanong nung taga-section three. "How would you know?" Tanong niya pa kay Steve.

"Doon ako nag-aaral." Simpleng sagot niya at sumunod kela May palabas.

"I can't believe this people. I'm out." Galit na sabi ni Astrid at naunang umalis ng kusina. Sumunod naman sakaniya yung iba.

"Feel free to roam the house. Locked doors mean off-limits. And please be careful don't break anything." I said and followed Steve.

"Spread out people." I said. Sinunod nila ang sinabi ko.

"These are the new recruits. Hernandez, Gonzales and Perez." Steve introduced 2 boys and 1 girl to me.

"Montefalco. Nice to meet you. What made you guys join our group?" Tanong ko. Nakipag shake hands din ako sakanila.

"We wanted to be like you. Also, to know how to protect ourselves." Sagot nung babae.

"Next time people ask you why you joined this group, don't tell them because you wanted to be like someone else. Be yourself. Different people means different personalities, okay?" I said. The three of them nodded.

"Partner upβ€”wait what are you doing here?" Nagulat ako ng makita ang dalawang batang nakatayo kasama ng ibang members.

"Can we join?" tanong ni Mikhaila.

"No. This is for grown-ups only. You're too young for this." Sabi ko.

"Come on mom please? We just wanted to learn how to defend ourselves. Besides, Tito Steve taught us a little." Sabi ni Mikhail. Nilingon ko si Steve na ngumiti lang ng alanganin.

"Please." Pangungulit nila. Bumuntong hininga ako bago dahan-dahang tumango.

"Fine. But If I say stop, both of you will stop. Got it?" Sabi ko. Tumango sila bilang pagsang-ayon.

"Everyone choose your partner." Sabi ko. Nang makitang maghahanap ng partner yung dalawa ay agad ko silang pinigilan. "No. Kayo ang mag-partner."

"But mom..." Nag-aalangan silang dalawa. Tiningnan ko lang sila kaya wala silang nagawa kundi maglapit.

"Form a circle. First partners go in the middle. Any volunteer?" Sabi ko. Naunang kumilos si May at Steve. "At kayong dalawa pa talaga ang ang partner, ha?" Asar ko.

"Seriously?" Hindi makapaniwalang sabi ni May.

"Proceed."

Pinanood ko lang sila maglaban. Damuhan naman ito kaya hindi ako nag-aalalang may masusugatan sakanila. Maliban nalang kung shunga talaga sila.

Parang ikaw lang. Shunga.

Epal nanaman 'tong mga bulateng 'to.

"Stop. Steve, your strength. May, your speed. Next." Sabi ko. Tumango silang dalawa at umalis sa gitna.

Steve is fast. Mahirap habulin o iwasan ang mga atake niya. Ang kailangan lang ay ang lakas ng impact ng mga suntok na bibitawan niya. Samantalang si May naman, hindi ganon kabilis, pero her strength is her power. Isang suntok, para ka nang inumpog sa pader non.

Pumunta sa gitna ang dalawang recruit at naghanda.

"Proceed."

Magsisimula palang sila ng patigilin ko sila.

"Proper stance. One wrong move, bali 'yang paa mo." Sabi ko dun sa lalaki. Tumango siya at inayos yung stance niya. Pinanood ko silang maglaban. At ang masasabi ko,

Bihasa. Bihasa sila pagdating sa suntukan. Ngunit hindi sa proper stances.

"Stop. Perez, your stance. Hernandez, good. Next." I said.

Tiningnan ko ang tabi ko at sinenyasan ang dalawa.

"Go. Show me what Tito Steve taught you." Sabi ko.

"Mom, I can't hurt her." Sabi ni Mikhail.

"Then you're not ready for this. Masasabi mo lang na handa ka na, kapag malakas na ang loob mo. At masasabi mo lang na na malakas na ang loob mo, kapag kaya mo ng kalabanin ang lahat. Even your loved ones." Sabi ko at sinenyasan si Steve na pumunta sa gitna. Ganon rin ang ginawa ko.

"I'm not going to hold back." Bulong niya at parang nanghihingi ng consent.

"Sure." I said and attacked him. Pantay ang bilis naming dalawa. Pero kung lakas ang pag-uusapan, not to brag but ako ang lamang ng konti. Pero kumpara noon, halos maging pareho na rin ang lakas ng suntok namin.

But what I didn't expect is someone to sweep my feet of the ground. Gulat akong tumingin sa dalawang nakatayo sa harap ko.

"Are you sure you want to do this?" Natatawang tanong ko sakanila.

"Kuya said yes. So yeah." Nakangiting sabi ni Mikhaila. Mabilis akong tumayo at naghanda. Umalis na si Steve sa gitna pagkatapos ay unang sumugod si Mikhail.

Sinalo ko ang suntok na binigay niya. Akmang sisipain niya ako pero ni-block ko ito. Sunod na umatake si Mikhaila. Nagpakawala siya ng side kick na hindi ko naiwasan agad kaya tinamaan ko sa hita.

"I'm sorry!" Sabi niya agad at sumugod ulit. Gumulong ako pa-kaliwa at mabilis na tumayo.

Una kong hinawi ang paa ni Mikhail bago nag side kick din kay Mikhaila. Hindi naman ganon kalakas.

They're kids. My kids to be exact. And I don't harm kids.

"Dapat mabilis kayong kumilos. Malalamangan kayo ng kalaban niyo. Dapat rin mautak kayo. May teamwork. Kung hindi matataloβ€”" Hindi ko natapos ang sasabihan ko ng sipain ni Mikhail at hita ko pagkatapos ay ni-round house ako ni Mikhaila. Napahiga ako sa damuhan at gulat na tiningnan sila. Maski ang mga ibang members.

"Paano ba 'yan pinuno mukhang nakahanap ka na ng katapat mo." Nang-aasar na sabi ni Steve.

"Mommy! Sorry!" Sabi ni Mikhaila at tiningnan ang mukha ko. "Masakit po ba? Sorry!" Parang maiiyak na sabi niya.

"Ang galing niyo!" Natutuwang sabi ko at niyakap sila ng mahigpit.

"Huh? Mom sinipa ka namin. Anong magaling doon?' Takang tanong ni Mikhail.

"Sa tinagal-tagal naming nagt-training, ngayon lang may nakapag pabagsak sakaniya. Madalas kasi siya ang nagpapabagsak saamin. Kaya ayan tuwang-tuwa siya." Natatawang paliwanag ni Steve.

"Ahhhh." Sabay na sabi ng dalawa at tumang-tango.

"Mom who's that girl Tito EZ is kissing?"

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net