๐™ฒ๐š‘๐šŠ๐š™๐š๐šŽ๐š› ๐Ÿบ๐Ÿพ

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"Sinasabi ko saiyo CJ. Hindi ka pupunta. Hindi ka sasama sa school visiting na 'yan bukas." Sabi ni Kuya habang kumakain kami ng hapunan. It's Saturday today. Sunday kami aalis tapos may tutuluyan muna. Then Monday competition and school visit.

"Oo na nga paulit-ulit." Bulong ko at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos ay nilagay ko agad sa lababo yung pinag-kainan ko at umakyat sa kwarto. Ni-lock ko yung pinto at pumasok sa walk-in closet ko. I packed my things and hid them under my bed.

"CJ?" Inayos ko ang pagkakatago ng bag at binuksan ang pinto ko.

"Oh, Ikay bakit?" Tanong ko.

"Hindi ka makakasama? Paano 'yun?" Nag-aalalang tanong ko. Hinila ko siya papasok sa kwarto ko at sinara ang pinto.

"Sino nagsabing hindi ako makakasama?' Nakangising tanong ko. Nung una ay nagtaka siya, pero kalaunan ay tumawa din.

"You're crazy." She said.

"I know." Sagot ko at tumawa din. Sinabi ko sakaniya yung plano ko bukas at sabi niya siya ang bahala sa bag ko. Sabi sainyo kami talaga ang partners in crime.

Maaga akong natulog dahil kailangan daw 5:00 nasa school na. And luckily, 5:00 nagbubukas yung cafรฉ. Nakiusap ako kay ate Cami na i-cover muna ako dahil kailangan ko talagang pumunta sa competition. The team is counting on me, and I can't let them down.

---

Nang tumunog ang alarm clock ko ay mabilis akong kumilos. Sa sobrang pagmamadali ko imbis na hot water yung pampaligo ko, nailagay ko sa cold-water kaya buhay na buhay yung diwa ko sa lamig ng tubig.

Bob* mo CJ.

Nagbihis ako ng black ripped jeans, blue loosed crop-top hoodie at white sneakers. Saktong pagbukas ko ng pintuan ay dumaan si Ikay sa kwarto ko. Mabilis kong inabot sakaniya yung bag. Tumango siya at naunang bumaba. Nag-intay ako ng 10 minutes bago bumaba din.

"Where are you going young lady?" Mabilis akong hinarang ni Kuya.

"Cafรฉ." Maikling sagot ko at pinakita yung shoulder bag na dala ko. Tiningnan din niya ang likod ko, at ng masigurong yun lang ang dala ko ay umalis siya sa dadaanan ko.

"Umayos ka sa pagmamaneho!" Sabi ni Kuya LZ. Kumaway lang ako at lumabas na.

"See you." Sabi ni EZ. Taka ko siyang tiningnan bago tumingin kay Ikay. Napailing iling nalang ako.

Sabi ko nga trio kami.

Huminga ako ng malalim at tinawagan si yelong kumag.

"Oh?" Bungad niya.

Gandang bungad naman niyan erp.

"Sabay ako sayo." Sabi ko habang naglalakad papunta sa street nila.

"What? Why?" Tanong niya.

"Explain ko maya." Sabi ko at binaba ang tawag. Pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay saktong pasakay na siya sa motor niya.

"Seriously?" Inis na tanong niya.

"Yeah seriously." Sagot ko at kinuha yung helmet na inaabot niya.

"Your explanation should be acceptable Montefalco." Sabi niya at pinaandar yung motor.

"It is, Ashford." Sagot ko at kumapit sakaniya.

Mabilis kaming nakarating sa school, at gaya ng unang sakay ko sakaniya, pakiramdam ko humiwalay talaga yung kaluluwa ko sa katawan ko.

Pagdating namin dun ay sinalubong agad ako ni Ikay. Inabot niya saakin yung bag ko at bumalik sa pwesto niya.

"Hey. Good morning." Bati ni Clover. Ngumiti ako at binati din siya.

"Okay Section 5 listen carefully. Dalawang bus lang ang mapo-provide ng school. Kailangan niyong makisama sa section 1 and 2." Sabi ni Sir Kylo.

"Sir bakit sa section 1?!" Reklamo agad nila.

"Hindi namin kayo pwedeng isama sa section 4 dahil magkakagulo kayo. No choice kundi sa section 1." Sabi ni Sir at kinolekta yung letter.

Ang malas ko naman ata huhu.

"Malaki naman yung bus kaya kasya ang tatlong section. May mga teachers kayong kasama. Magtino kayo section 5 ayokong mabalitaan na may gumawa ng gulo sainyo." Bilin saamin ni Sir.ย  "CJ?"

Paniguradong dadakdakan nanaman ako ni KZ. Anong gagawin ko?

"CJ?"

Teka nga, bakit ba ako nag-aalala? As if naman may paki siya saakin.

"Earth to CJ?"

Ah alam ko na. Kapag dinakdakan niya ako, tatakutin ko nalang siya.

"CJ? Ayos ka lang?"

Ah! Alam ko na sasabihin ko sakaniya!

"Montefalco?"

"Kapag hindi ka tumigil ipapakulam kita." Sabi ko. Tama! Yun nalang! Paniguradong ititikom nun ang bunganga niya. Takot nalang niya kapag pinakulam ko talaga siya.

"Ano kamo, Ms. Montefalco?" Gulat na tanong ni Sir. Biglang nagtawanan yung mga kumag kong kaklase. Dun ko lang na-realize na nasabi ko pala ng malakas 'yun.

"Hala sir hindi po ikaw yun! Promise!" Sabi ko. Nakisabay siya sa tawanan ng mga kaklase ko.

"Ang weird ng sense of humor mo." Sabi ni Sir at tumingin sa bus. "Okay sumakay na kayo. Hawakan Mabuti ang mga gamit." Sabi niya pa. Kinuha ko yung phone ko at tinext si Ikay.

To: Ikay

Distract the target.

Naunang sumakay sila Eric. Hinila ko pabalik si Clover at sumiksik sa jacket niya.

"May problema ba?" Tanong niya. Tumango ako.

"Itago niyo ko." Sabi ko at nagsumiksik lalo sa jacket niya. Tinatawanan ako ng mga kumag kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Oh." Sabi niya at sinuot saakin yung cap niya tsaka hinila ako papasok. Nakayuko ako habang naglalakad. Nakita kong dini-distract ni EZ at Ikay si KZ. Nang makaupo kami ay nakayuko pa rin ako. Nagsimulang umandar ang bus at ako naman ay tahimik na nagdadasal.

Sana hindi niya ako mapansin. Sana hindi niya ako mapansin.

"Ano nanaman bang ginawa mo?" Natatawang sabi ni Riu na nasa harapan ko. Bale ganito kasi yung bus.

Mahaba siya. Hindi siya kagaya nung ibang pag-transpo na bus. Magkaharapan ang mga upuan. Tapos yung bandang dulong part ng bus nakaharap sa gitna yung upuan tapos may dalawahang upuan sa harapan nun. Di niyo gets? Ayos lang yan ang hirap din i-explain eh hehe.

"Sabihin nalang nating may ginawa akong illegal." Sagot ko kaya nagtawanan sila.

Nanigas ako sa pwesto ko at napatigil sa pagtatawanan yung mga kaklase ko ng marinig namin ang sigaw ni Jas.

"CJ! Andyan ka lang pala! Dito ka dali!" Sabi niya at kumakaway kaway pa. Katabi niya yung ibang members ng DT.

Holy motherf*cking sh*t!

Kitang-kita ko ang dahan-dahang pagtayo ni KZ at pagtingin sa pwesto ko.

"Anak ka ng tilapia! Ang tigas talaga ng ulo mo!" Galit na sigaw niya.

"Kelan pa naging tilapia si mama? Tsaka kelan ba naging malambot ang ulo?" Bulong ko at lalong nagtago sa jacket ni Clover.

"Isusumbong kita kay Kuya LZ!" Sigaw niya. Narinig ko ang mahinang pagtawa nila EZ. "Alam niyo?!" Baling ni KZ kela Ikay.

"Buhay niya yan, KZ. Alam mong hindi ko ugaling mangialam." Sagot sakaniya ni Ikay.

"Lagot kayong tatlo sinasabi ko sainyo." Banta niya.

"Ano ba talagang ginawa mo?" Bulong ni Clover.

"Dinoktor ko yung pirma dun sa letter." Bulong ko sakaniya. Ramdam ko ang pag-alog ng balikat niya kaya sinilip ko yung mukha niya. At wengya, dzaii pulang-pula ang mukha!

"Happy yan?' Sarcastic na tanong ko. Dumukdok siya sa bag niya para pigilan ang tawa niya.

"Bakit daw?" Tanong ni Riu.

"Dinoktor daw niya yung pirma." Pigil tawang sabi ni Clover. Ang mga kumag naman tawang-tawa with matching palakpak pa.

"Ikaw naman CJ di mo sinabi saamin pangarap mo palang mag-doctor." Asar ni Clover kaya hinampas ko siya.

"Bahala ka jan." Sabi ko at lumayo sakaniya.

"Paano ka nakaalis ng bahay niyo?" Natatawang tanong ni Kyle.

"Sabi ko pupunta ako ng cafรฉ." Bulong ko na lalong ikinatawa nila.

Mga baliw amp! Wala namang nakakatawa dun sa sinabi ko ah?!

Biglang nag-ring ang phone ko na naging sanhi ng pag kabog ng puso ko. Tumahimik din ang lahat ng nasa bus. Kinuha ko yung phone sa bag ko at halos maubos ang dugo ko sa mukha nang makita ang caller ID.

Kuya Luke calling...

Agad kong ni-shutdown yung phone ko. Natatakot akong sagutin huhu.

Bigla namang nag-ring yung phone ni Ice. Tiningnan niya iyon at hinarap saakin.

"Tumatawag kuya mo." Sabi niya. Pinindot ko yung decline kaya binulsa niya ulit yung phone niya. Sunod na tumunog yung kay Riu.

"It's your bro." Sabi niya.

"Taena bat may mga number kayo kay kuya?" Pabulong na tanong ko. Nagkibit balikat lang siya at sinagot.

"Hello po? Opo. Sige po." Sabi niya at binigay sakin yung phone. "Kuya mo daw." Sabi niya sabay tawa ng mga kumag. Sinamaan ko siya ng tingin at inambaan ng suntok. Huminga ako ng malalim at tinapat sa tenga ko yun phone.

"Helโ€”"

"CYAN JADE LUHENCE ZIA MONTEFALCO! NAPAKATIGAS NG ULO MO! SINABI KO NA SAYONG HINDI KA PUPUNTA SA LETSENG SCHOOL VISIT NA 'YAN! SINASABI KO SAYO KAPAG HINDI KA UMUWI DITO NGAYONG ARAW HINDI MO MAGUGUSTUHAN ANG MANGYAYARI SAYO!"

HAYOP NAKA LOUD SPEAK!

"Kuyaโ€”"

"Umuwi ka ngayon din! Kundiโ€”"

"Hello? Hello kuya? Oo chapi ka. Chapi di kita marinig. Sa martes ang uwi namin. Ano? Hindi kita maintindihan! Mag-ingat ako? Oo naman!" Sabi ko.

"Anong?! CJ!โ€”"

"Bye kuya! See you sa Tuesday!" Sabi ko at binaba ang tawag. Dun na sila nagtawanan.

"Ang epic mo HAHAHA!" Tawang tawa na sabi ni Kyle.

"Isa. Pag di kayo tumigil makakatikim kayo saken." Banta ko pero waepek. "Ice patigilin mo tong mga kumag na 'to." Sabi ko pero nakita kong tahimik na tumatawa si Ice. Napatitig ako sakaniya ng hindi sinasadya.

"Oh, dahan dahan sa pagtitig baka malusaw." Rinig kong bulong ni Clover kaya napalingon ako sakaniya. Pareho kaming nagulat nang makitang napakalapit ng mukha namin sa ias't isa. Agad kaming naglayo at tumikhim.

In-open ko ulit yung phone ko at sinaksak ang headphone ko. Unti-unting bumabagsak ang talukap ng mata ko. Bago pa ako tuluyang makatulog ay nakaramdam ako ng kamay sa ulo ko at sinandal ako sa balikat nila.

---

"Ang sweet naman niyan."

"Ehem may namumuo ehem."

"May chemistry!"

Nagising ako dahil sa ingay ng paligid. Nabibigatan ako sa balikat ko. Parang may nakapatong doon. Lumingin ako at nakita ang nakapikit na si Ice.

"Saan na tayo?" Tanong ko at humikab. Pipikit na sana ako ng ma-realize ang position namin ni Ice at ang nakakalokong ngiti ng mga kaklase ko. "Ice. Gising." Bulong ko at tinapik siya.

"Mamaya na." Bulong niya at lalong sumiksik sa leeg ko. Nakikiliti ako dahil sa mainit niyang hininga.

Teka lang kalma! Yung puso ko ayaw kumalma!

"Andito na tayo." Sabi ni Riu. Pinitik ko sa noo si Ice dahil ayaw umalis sa pagkakasandal sa balikat ko. Dinilit niya ang mata niya at sinamaan ako ng tingin.

"Hindi mo kailangan mamitik." Sabi niya at kinuha yung bag niya.

"Eh kung gumising ka kasi sana agad nung sinabi ko, hindi talaga kita pipitikin." Sagot ko. Inirapan niya ako at naunang bumaba.

Aba'y ang lakas ng sapak netong kumag na 'to ah!

Masama ang mukhang bumaba ako ng bus. Tiningnan ko ang paligid at na-realize na pamilyar iyon.

"Sino pa po ba ang hinihintay natin?" Magalang na tanong ni Ikay.

"Yung coordinator. Siya ang magtuturo kung saan tayo tutuloy." Sagot ng isang teacher. Tumingin ako sa kaliwa at sa di kalayuan ay natatanaw ko ang pamilyar na kulay pulang gate.

"Dun tayo." Sabi ko at naunang maglakad. Napatingin sila saakin.

"Montefalco stay here! That's a private property! Baka mapagalitan tayo ng may-ari!" Suway saakin nung teacher.

"Di yan maam. Makikisilong lang naman kesa mag-stay tayo dito sa ilalim ng araw. Baka ma-heat stroke tayo dito." Sagot ko. Nagtinginan ang mga teachers at tumango nalang din. Nang makalapit sa gate ay may mga umupo sa ugat ng puno. Tiningnan ko ang phone ko at may ni-dial na number.

"The subscriber cannot be reached. Please try again later."

"Anak ng pitumput-pitong puting pating ayaw sumagot." Inis na sabi ko at tiningnan yung loob ng gate. Nakita kong naka-lock iyon.

"Aakyatin ko na 'to." Sabi ko. Tinawanan lang nila ako.

Kala niyo nagbibiro ako?

Tinanggal ko yung bag ko at pinahawak kay Kyle. Mabilis akong lumapit sa bakod at sinampa ang paa ko.

"Montefalco! Get down here this instant!" Sabi ni Ms. Fuhla pero hindi ko siya pinakinggan. Nang makababa ako sa kabilang gilid ay tiningnan ko ng mabuti yung lock.

What the heck bakit pinalitan?!

Tumingin ako sa mansion na nasa gitna ng malawak na lupain. Nakita kong may mga lalaking nakatambay di kalayuan saakin.

"Wait lang." Sabi ko at lumapit dun sa tatlong lalaki.

"Cyan Jade get back here!" Saway ni Sir.

Sinuot ko yung hood ng hoodie ko at lumapit dun sa tatlo. Agad nila akong napansin.

"Hoy! Sino ka? Paano ka nakapasok dito?" tanong ng isang lalaki.

"Malamang dumaan sa pinto. Dzuhh." Pamimilosopo ko.

"Umalis ka na dito. Pumapatol kami sa babae." Pananakot ng isa.

"Make me." I said.

"Don't say we didn't warn you." Sabi nung pinuno nila at sinugod ako. Mabilis kong inilagan ang suntok na binigay niya at sinipa siya. Akmang sasapakin niya ulit ako ng lumusot ako sa ilalim niya tsaka sinipa sa likod. Hindi naman masyadong malakas.

"CJ! Ano bang ginagawa mo?!" Rinig na rinig ko ang sigaw ng mga tao sa labas.

"Ang bagal parin. Walang pinagbago." Sabi ko at binaba ang hood na suot ko. Sinamaan ako ng tingin ng lalaki pero agad ding binawi nang makilala ako.

"CJ? CJ!" Masayang sabi niya at mabilis na tumayo tsaka patakbong niyakap ako. "GUYS! ANDITO SI CJ!" Sigaw niya. Biglang naglabasan yung mga taong pamilyar saakin.

"Uy pinuno!" Bati nila.

"Bakit ang bagal parin netong si Steve?" Natatawang tanong ko. Sinamaan ako ng tingin ni Steve.

He's Steve Montefalco Riego. My cousin. He's also a Montefalco because of his mother. Siya ang second leader ng group namin. Our group is called M. We're like a gang, but we're actually not. Does that make sense?

"Bakit hindi mo sinasagot cell mo? Yung mga tao dun naghihintay sa labas." Sabi ko at binatukan siya. Napatingin siya sa gate at napahampas sa ulo niya.

"Ay hala oo nga pala! Teka." Sabi niya at kinuha yung susi sa bulsa niya. Sabay kaming naglakad palapit sa gate.

"Where's your things?" tanong ni May.

"Andun." Sabi ko at tinuro yung gate.

"Kunin na namin." Pagvo-volunteer nila at naunang maglakad papunta sa gate, pero bago pa man makalapit doon ay mabilis silang tumalikod at lumapit ulit saakin.

"Abort. Parang papatay yung mga tao dun." Sabi niya. Natawa ako dahil sa kaoa-han nila. Pero maski ako ay halos mapaatras nang makita ang tingin ng mga kaklase ko.

"Distansiya o ambulansiya?" Rinig kong sabi ni Ice. Mabilis naglayuan saakin yung boys na kasama ko. Samantalang si May naman ay natawa lang.

"Uy. Pinuno got herself a boyfriend." Nang-aasar na sabi niya. Inambaan ko siya ng batok kaya mabilis siyang umiwas.

"I'm so sorry for being late. I just got other things in my mind that I forgot about your arrival. Allow me to introduce myself, I'm Steve Montefalco Riego. Your coordinator for today. Please come in." Sabi niya at binuksan ng malaki ang pinto. "Welcome. Please feel free to feel at home." Sabi niya pa.

"Let's go." Nakangiting sabi ni Steve at binuksan ng malaki ang double door.

"Woah." Namangha sila sa laki ng loob ng mansion. White painted wall, a lot of decorations such as paintings, pictures and many more.

"Kindly show them their rooms, please. We'll just call you for breakfast." Steve said. Tinuro ng mga maid ang kwarto nila. Agad silang umakyat sa itaas.

"What's up bro!" Bati ni EZ kay Steve.

"Yow kuya ang tagal di nagpakita ah." Sabi ni Steve.

"CJ iha ikaw ba iyan?" Mabilis kong nilapitan ang tumawag saakin.

"Manang Estelita!" Tuwang-tuwang sabi ko at niyakap siya.

"Nako iha bakit hindi mo sinabing magpupunta ka? Hindi tuloy kita naipagluto ng paborito mo." Sabi niya.

"Ano ka ba manang ayos lang po. Basta ang importante ay mahalaga. Joke. Ang importante ay makita ko po kayong kumpleto dito." Sabi ko. "Siya manang aakyat na po ako ah? Andun na po sa itaas yung mga kaklase ko. Ibababa ko lang po yung gamit ko." Sabi ko at umakyat.

Pagpasok ko ng kwarto ay andun sila kasama si Sir Kylo.

"Sit down, Ms. Montefalco." Seryosong sabi ni Sir. Umupo ako dun sa kama at yumuko. "Don't do that again. Paano kung mapagalitan tayo ng may-ari?" Sermon niya.

Hanep di ata nakita yung pagyakap saakin kanina ni Steve.

"Sorry, Sir." Sabi ko. Bumuntong hininga siya at ginulo ang buhok ko.

"If only I'm your brother I'll ground you for the rest of your life." Sabi niya at tumawa. Saktong paglabas niya ng kwarto ay may kumatok ulit.

"Luhence? You have a visitor." Sabi ni Steve. Tinaasan ko siya ng kilay kaya binuksan niya ng malaki ang pinto.

"Eomma! Hyung it's eomma!" Sigaw ng batang babae at patakbong lumapit sa pwesto namin. Sumilip yung tinawag niyang lalaki at patakbong lumapit saakin.

"Mom!" Sabay na sigaw nila.

"MOM?!" Gulat na sigaw ng mga taong nasa likod ko.

"Hey! Ang laki niyo na ah." Nakangiting sabi ko at niyakap sila.

"Dad's asking for you yesterday." Sabi ni Mikhaila.

"DAD?!" Sigaw nanaman nila.

"Kingina isang sigaw pa!" Inis na sabi ko.

"Mom that's bad!" mabilis na saway saakin ni Mikhaila.

"Sorry baby." I said.

"Okay mind explaining things to us?" Gulat na sabi ni Riu habang tinitignan ang paligid. "Who are the kids?" Tanong niya.

"Introduce yourselves honey." I told them.

"Hi po! I'm Princess Mikhaila Leones. I'm 10 years old po. Nice to meet you!" Masayang sabi ni Mikhaila.

"I'm Prince Mikhail Leones. 12 years old." Pakilala ni Mikhail.

"Okay I'm getting confused." Sabi ni Clover. "They're your kids?" Tanong niya kaya tumango ako.

"And they call you mom?" Tanong naman ni Leo. Tumango ulit ako.

"I told you. I am a mother." Sabi ko at tumawa.

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,ย 

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net