π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟺𝟽

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

Dumaan ang isang linggo ng hindi ko napapansin. Friday nanaman ngayon. At sa lunes na ang araw na pupunta kasi sa Monster este Monasterio Academy. Naging busy kami ngayong week. Nilinis namin ang buong building, tinanggal yung mga kalat at basura. Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng classroom. Sila Renz naman ay pilit akong ine-entertain with their corny jokes.

"Eto pa ate. Anong pak ang masakit?" Tanong niya.

"Ano?" Walang ganang tanong ko.

"Edi ang PAKiligin tapos i-ghost. HAHAHAHAHA." Tawa siya ng tawa. Ganun din ang mga kumag.

"Happy ka na diyan?" Nakangiwing tanong ko.

"Eto pa ate last na. Anong tawag mo sa isdang ayaw kumilos?" Tanong nanaman niya.

"Ano nanaman?" Tanong ko.

"Edi tamad. Ano ba 'yan Ate." Sabi niya sabay tawa. Halos maluhod na sa kakatawa yung mga kumag samantalang ako 'di ko alam kung makikitawa ba ako o maaawa sa batang 'to.

"Ako mag tanong sa'yo." Sabi lo. Tumigil sila sa kakatawa at nakinig saakin.

"Sige sige." Sagot ni Renz.

"Anong tawag sa linyang pwedeng maglapit, pero hindi pwedeng magsama?" Tanong ko.

"Ano?" Sabay sabay na sabi nila.

"Edi asymptote dzuhh nakikinig ba kayo sa teacher?" Nakangiwing sagot ko. Bigla silang tumawa ng malakas. Mas malala sa tawa nila kanina habang si Renz nagtataka.

"Asan ang joke dun?" Tanong niya.

"Wala. Sabi ko diba magtatanong ako." Simpleng sagot ko na lalong ikinatawa ng mga kumag.

"Ang saya-saya niyo 'no?" Sarcastic na tanong ko dahil hindi pa rin sila maka move on.

Actually, wala namang nakakatawa dun sa sinabi ko, pero dahil mga baliw sila, tumawa ng tumawa. Oh diba?

May sasabihin pa sana ako ng biglang bumukas ang pintuan namin at pumasok ang dalawang estudyante na hinihingal.

"Montefalco! Sumama ka saamin dali!" Natatarantang sabi nung dalawang student at hinila ako patayo.

"Woah woah teka lang kumalma kayo!" Sabi ko. Mabilis na sumunod ang section 5. Dinala nila ako sa grounds kung saan amraming nagkukumpulan na students. Pati teachers nakatayo lang sa gilid.

"Nasaan si Montefalco?!" Rinig kong sabi ng kung sino.

"Andun sa mars nagkakape." Kung hindi ako nagkakamali, si Pia yung sumagot.

Hinawi ko ang mga tao at pagdating sa gitna, nagulat ako nang makitang hawak ng dalawang lalaki si Pia.

"Jesus Christ what happened to you?' Gulat na tanong ko ng makita ang nanghihinang si Pia. Lahat sila napalingon saakin. Agad kong nakilala kung sino-sino ang mga lalaking eto.

"Bradley? What the f*cking hell you doin' here?" takang tanong ko. Pabalibag na binitawan nila si Pia at akmang lalapitan ako ng biglang humarang ang section 5 sa harapan ko.

"Oh wow. You got yourself a knight in shining armors!" nang-aasar na sabi ni Bradley.

"Actually, they're wearing a uniform." Pamimilosopo ko sakaniya. Pinatabi ko sila at lumapit.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.

"Nabalitaan namin yung ginawa mo kay Alfonzo." Seryosong sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang braso ko.

"And? He deserves it. He punched my friend first." I said. Nakita ko yung mga teachers na nasa gilid, nanonood lang at natatakot na lumapit. "What did you do to the teachers?" takang tanong ko.

"That doesn't matter. Baka nakakalimutan mo ang batas namin. Hurt one of us, we all hurt you." Sabi niya.

"Oh, I don't. Kaya nga ginawa ko yun kay Alfonzo eh." I said and smirked. I saw his fist clenched.

"Brad, ano pang hinihintay mo? Simulan na natin matagal na akong nagtitimpi sa babaeng 'to." Sabi ng kasama niyang si Greg.

"Ako rin naman matagal ng nagtitimpi sayo, pero 'di ko finlex." Sagot ko. "Alam niyo, kaya tayo natatagalan dito kasi puro kayo satsat. Puno yung sched ko, boys." Sabi ko.

"Section 5, walang mangingialam." Sabi ko at tinanggal yung blazer ko. Kinuha naman nila Dev si Pia at nilayo.

Unang sumugod si Greg. Isang sapak lang sa panga, atras agad.

"Ano na? Kala ko ba kabilang kayo sa star section? Entertain me." I said. Nagulat ako ng biglang nagsigawan ang mga tao. At pagtingin ko, may apoy sa isa sa mga classroom ng bagong building.

"Boss! Nagawa ko na!" Sigaw nung isang lalaki na nasa third floor kung saan may room na nasusunog. Na-trigger yung water sprinkler nang lumaki yung usok. Naapula naman agad yung apoy. Sinamaan ko ng tingin si Bradley.

"Okay bro you crossed the line." I said at mabilis sinapak yung dalawang lalaki na nasa gilid ko. "Hindi na kayo nadala! Wala mga tanga pa rin kayo." Inis na sabi ko.

Lumapit ako sa isang student na may hawak na baseball bat. "Pahiram." Sabi ko. Hinawakan ko yung dulong part at hinarap kay Bradley yung handle nung bat.

"What?" Takang tanong niya.

"You said you want revenge for what happened to your assh*le friend, I'm giving you a chance para matapos na 'to." Sabi ko. Nang akmang hahawakan niya yung dulo ay diniin ko iyon sa leeg niya. Sa mismong adam's apple niya at tinulak ko siya gamit yung bat hanggang sa masandal siya sa pader.

"Listen very carefully Star because I'm going to say this once." Madiin na sabi ko. "This is my last warning. If I ever see your face, or your dogs' face here, I'm going to beat the sh*t out of you." Diniin ko pa lalo sa leeg niya yung bat na hawak ko at bumulong.

"You don't want to end up in a hospital like Lei, right?" I said. Lumayo ako at hinapas yung pader sa tabi niya. "I'll give you 3 seconds to run. Or else..." Banta ko. "One!" Sigaw ko. Agad silang tumakbo paalis. Pero bago pa sila tuluyang makalayo, narinig ko siyang sumigaw.

"He's back! Magkikita kayo sa lunes! Good luck nalang sayo!" Sigaw niya at tumakbo. Nung una nagtaka ako kung sino ang tinutukoy niya. Pero kalaunan ay na-gets ko din.

"You okay?" Tanong agad ni Pia. Tiningnan ko siya at ningiwian.

"Is that question for me or for you?" Tanong ko at inakbayan siya.

"Lara warned me those assh*le's are gonna come here and do something. So, before they could reach you, I stopped them. But that resulted getting beaten the sh*t out of me." She said and laughed.

"Where's EZ? Ikay? KZ?" Tanong ko.

"They're locked up." Sabi niya na ikinagulat ko.

"What?!" Gulat na tanong ko at tumakbo papunta sa lugar na sinabi niya. Isa iyong vacant room sa bagong building.

"Can anyone hear us?! Let us out!" Rinig kong sigaw ni KZ sa loob.

"Get away from the door!" I shouted and kicked the door. Mga naka 3 sipa ako bago tuluyang bumukas yung pintuan. "Ayos lang kayo?!" Nag-aalalang tanong ko.

"Mukha ba kaming ayos?! Nasaan na yung mga lalaking naghahanap sayo?" Inis na sabi ni KZ.

"Umalis na." Sagot ko. "Bakit wala manlang tumulong sainyo?" Takang tanong ko.

"Pinagbantaan nung lalaking mukhang sintu-sintu. Susunugin daw ang buong school kung mangingialam sila." Sagot ni EZ.

"Ano nanaman bang ginawa mo ha?! Sino nanaman yung mga 'yun?!" Tanong ni KZ.

"It's for me to know and for you to find out." Sabi ko at naunang maglakad.

"Settle down Section 5!" Rinig kong sigaw ni Sir Kylo. Ang ingay ng room namin. Parang nagde-debate na ewan. Pagpasok ko nagulat ako ng makita ang president ng bawat section.

"No! Sir hintayin natin si CJ then tsaka natin pag-usapan! Kabilang siya sa section namin kaya importante ang opinion niya!" Rinig kong sabi ni Clover.

"Para naman may mababago kapag kinuha niyo ang opnion niya." Mataray na sabi ni Astrid.

"Ayan na si Ate!" Sigaw ni Renz. Bigla silang tumahimik at tumingin saakin.

"What's with the look?" I asked and went in.

"Yung floor ng first year's ang sinunog." Sabi ni Mykel. Tumango lang ako para magpatuloy sila.

"Kailangan ipaayos yung classroom." Dugtong naman ni Dev.

"And?" Tanong ko dahil hindi ko pa rin talaga makuha kung anong koneksyon nung nangyari kanina at kung bakit nagti-tipon tipon dito yung mga president ng bawat section.

"Stupid. They need a new classroom so they could continue to learn until their classrooms are fixed. They wanted it here. In our building." Sabi ni Ice.

"Isa pang pagtawag mo saakin ng stupid sasapakin na kita!" Inis na sabi ko. "Kung nilinaw niyo kase agad edi sana kanina ko pa na-gets. Parang mga gag* eh." Dagdag ko pa at sinamaan ng tingin si Ice.

"Language young lady." Saway ni Sir Kylo.

He reminds me of kuya LZ and Kuya DZ huhu.

"Code yellow. Now." Sabi ko. Agad na tumayo ang mga kaklase ko at pinaikutan ako.

"What's code yellow?" Rinig kong tanong nung isa sa mga president.

"Class meeting. It won't take long." Rinig kong sagot ni Sir Kylo.

"So, what's your decision?" Tanong ko sakanila.

"Ewan. Ikaw ba?" Tanong naman nila saakin.

"Well, there's nothing wrong with sharing the building with them for a mean time, right?" Sabi ko.

"What? Are you serious?" Reklamo nila na ikinangiwi ko.

"Akala ko ba wala kayong desisyon?" Sabi ko. Nagkamot sila ng ulo at nag-iwas ng tingin. Tumingin ako kay Ice para hingin ang opinion niya.

"You're the class president. Your decision is the most important." I said.

"Tap one for yes, tap twice for no." He said and tapped my table once. Lahat naman sila ay nag-tap ng isang beses.

"The decision is final." Sabi ko at tumayo. Humarap kaming lahat kela Sir Kylo.

"We'll let you use our building, but we have our rules. Simple lang naman 'yun. Kung hindi niyo kayang sundin, I'm sorry but you have to find another building." Sabi ko.

"Fine." Sagot ni Astrid.

"Keep the building clean. Yun lang." Sabi ni Ice. "Oh, and the fifth floor is off limits." Dagdag niya pa.

"Okay. Whatever." Sabi ni Astrid at naunang lumabas. Sumunod naman yung iba.

"A thank you will be very appreciated." Bulong ko. "Sir, pasensya na po sa nangyari dun sa bagong building." Sabi ko.

"Why? Hindi naman ikaw ang nagsilab ah." Natatawang sabi ni Sir.

"But I know those people. They came here for me." Sabi ko.

"Narinig ko nga. Mukha silang students, pero hindi ko alam kung saang school." Sabi naman ni Sir at umupo sa desk niya.

"Those guys are from Monasterio sir. They're my former classmates." Sabi ko at nag-iwas ng tingin. "Sir ako na ang nagsasabi sainyo yung eskwelahan na yun mas masahol pa kesa sa section namin. Lahat ng tao dun mga war freak. Especially high school students. Nangunguna na dun ang star section." I said.

"Is that why your records are like that?' Tanong ni Sir at parang baliwala lang sakaniya ang sinabi ko tungkol sa eskwelahan na yun.

"Opo. Marami kasi akong fans dun kaya naging ganon record ko hehe." Nahihiyang sabi ko at nagkamot ng ulo. Tumawa si sir at napa-iling iling nalang.

---

Pag-uwi sa bahay ay binaba ko yung gamit ko sa kwarto at pupuntahan sana si Kuya LZ nang harangin ako ni KZ.

"You're not going." Sabi niya.

"What?' Tanong ko. Akmang kukuhanin niya yung hawak ko pero agad ko itong iniwas at tinago sa likod ko. "You're not going to make the decisions for my life, KZ. Mind your own." Sabi ko at nagpatuloy sa kwarto ni Kuya.

"Kuya?" Tawag ko.

"Come in!" Rinig kong siagw niya mula sa loob. Binuksan ko iyon at lumapit sakaniya.

"Kuya, may yearly school visiting na magaganap sa lunes. Papapirma ko lang po sana 'to." Sabi ko at inabot sakaniya yung approval letter na ipinamigay kanina ni Sir Kylo.

"Monasterio? Diba dun ka nanggaling?' Tanong niya matapos basahin. Tumango lang ako. "You're not going." Sabi niya na ikinagulat ko.

"What?! But why?" Gulat na tanong ko.

"Because I said so." Sagot niya at muling humarap sa laptop niya.

"Pero kuyaβ€”" Hindi ko natapos ang sasabihan ko ng nagtaas siya ng boses.

"Zia 'wag nang makulit!" Masama ang loob na lumabas ako sa kwarto niya at pinuntahan si Kuya DZ. Nakita ko ang paglabas doon ni KZ pero di ko siya pinansin at nilampasan.

"Kuya DZ!" tawag ko. Tumingin siya saakin at ngumiti.

"Hmm?"

"Kuya may papapirma lang ako please." Sabi ko at inabot ang letter sakaniya. Binasa niya iyon at bumuntong hininga.

"Did you ask your kuya about this?" He asked. Nag-iwas lang ako ng tingin. "I'm sorry. But if your kuya says no, then I can't sign this." Sabi niya at binalik saakin yung letter. Bagsak ang balikat akong lumabas sa kwarto niya.

Okay may tatlo pa. Keri yan!

Sunod kong pinuntahan si Kuya BZ.

"Kuya? Busy ka?" tanong ko at sumilip sa pinto niya.

"Hmm medyo. But for you I can make time. What is it?" Sabi niya. Ngumiti ako at inabot sakaniya yung letter. "Ano 'to? Invitation? Sino may kasal?" Biro niya.

Corny mo kuya ksksks.

Binasa niya yung letter. Nagliwanag ang mata ko ng kumuha siya ng ballpen at handang pirmahan yung letter.

"Anong sabi ng kuya mo tungkol dito?" tanong niya.

"I...uhm..." Walang ako maisagot kaya tumingin siya saakin.

"Teka nga, he said no, right?" Sabi niya. Tumango ako at halos maiyak nang makitang itinabi niya yung ballpen.

"Kuya please? Kasali ako sa DT magco-compete kami." Pagmamakaawa ko pero umiling siya.

"Mapapagalitan tayo ng kuya mo. Gusto ko man kaso he's your brother. I can't do anything about it." Sabi niya. Lumabas ako ng kwarto niya at dumiretso sa kwarto nila ate FZ at ate HZ.

"Ate! I need your help!" Sabi ko. Sabay silang tumingin saakin at nagtaas ng kilay.

"What is it pansit?" Sabi ni ate FZ. Pinakita ko sakanila yung letter pero bago pa man ako makapagsalita ay umiling na sila.

"Hindi ka pupunta saamin kung pinirmahan 'yan ng kuya mo. At dahil hindi niya pinirmahan, that means it's a no." Natatawang sabi ni ate HZ. "Sorry, Zi." She said.

"It's okay." Malungkot na sabi ko at lumabas. Bumalik ako sa kwarto ko. Nakasalubong ko si KZ na nakangiti.

"Told 'ya you're not coming." He said.

"Shut up jerk." I said at pinagsarhan siya ng pinto.

Okay CJ. There's only one thing left to do. Here comes doctor kwak!

Mabilis kong binuksan yung drawer ko at naghanap ng mga excuse letter, o kahit ano na may pirma ni kuya LZ or ni kuya DZ.

"Yes!" Naisigaw ko ng makikita ako ng letter na may pirma ni kuya LZ. Binakat ko ito sa isang malinis na papel at nag-practice.

"Mission accomplished." Bulong ko at tinabi yung letter. Pinunit punit ko din yung papel na pinag-practice-an ko tsaka tinapon sa trash can.

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net