π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟺𝟼

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"Aray! Ikay teka lang!" Sabi ko dahil halos kaladkarin ako ni Ikay papuntang gymnasium. Ngayon kasi ia-announce yung winners nung sports fest.

"Dalian mo dun tayo sa front seat!" Sabi niya at hinila agad ako paupo sa front seat.

Kasalukuyang nagsasalita yung principal sa harapan at nagco-congratulate dun sa mga nanalo nung sports fest.

"At hindi na natin patatagalin pa. May I call on Ms. Astrid Ford for the announcing of the winners in our competitions!" The principal said and clapped her hands. Parang Ms. Universe na umakyat si Astrid sa stage at kumaway kaway pa.

Model yarn?

"Goodmorning Forxians! First of all, thank you for all the participants who participated at the competition. And to all students for keeping the school safe and entertaining." Sabi niya. Tumingin ako sa may pintuan at nakitang may nakasilip doon.

"Wait lang ah." Sabi ko kay Ikay at tumayo. Nakita ata nung taong nakasilip na tumayo ako kaya mabilis itong umalis sa pintuan.

Patakbo akong lumabas at hinanap yung taong 'yun. Babalik na sana ako sa loob ng may kamy na tumakip sa bibig ko at hinila ako papunta sa kung saan.

"Shh. It's me." Bulong ng lalaking may hawak saakin. Kumalma ako ng konti kaya binitawan na niya ako.

"What the heck?! Why do you have to do that?!" Gulat na tanong ko.

"Wear this and don't you ever lose it. Okay? No matter what you find out, I want you to be the same. Don't change." Nagmamadaling sabi niya at sinuot saakin yung kwintas. "I have to go. Be careful on who you trust." He said and left.

"CJ? CJ?" Nagulat ako nang bigla akong tapikin ni Ikay. "Ayos ka lang?" tanong niya. Nakabalik na pala ako sa gym ng hindi ko napapansin.

"Ah. O-oo." Sabi ko. Tiningnan ko muna yung kwintas at sinuot 'yun.

Wait, why am I even trusting that guy who I barely know?

"And for the singing contest, our winner will receive 25,000 cash, second place 10,000 and third place 5,000." Sabi ni Astrid sa mic.

"Oh my god eto na." Kinakabahang sabi ni Ikay.

Yung totoo? Bakit parang mas kabado pa 'to kesa sakin?

Hindi ko alam pero mas okupado ang isip ko nung kwintas at nung Jack Leones. Bakit nga ba napakadali para saakin na pagkatiwalaan siya? Dahil ba kilala niya si mom? Dahil parehas sila ng apelyido? O dahil umaasa akong alam niya kung nasaan si Mom?

"And the winner, who will receive the 25,000 pesos, is...section 5?"

Napaigtad ako nang biglang tumalon si Ikay at tuwang-tuwa.

"OMG! OMG! OMG! Panalo kayo 'couz! Kyahhhhh I'm so proud!!" Sabi niya at hinila pa ako patayo.

"Huh? Saan?" Tanong ko.

"Tss. Stupid." Rinig kong sabi ni Ice na nasa tabi ko na pala at hinila ako.

"Woah excuse you?" Gulat na tanong ko. Raratratan ko pa sana siya kaso ansa stage na kami.

Hindi maipinta ang mukha ni Astrid nang iabot niya saamin yung trophy at cash. Nung una ayaw niya pa bitawan yung trophy kung hindi lang tumikhim ang principal. Nagpalakpakan yung mga tao at sumigaw ng,

"JACE! JACE! JACE! JACE!"

At sinong nangunguna diyan? Syempre walang iba kundi ang section 5. Bigla akong hinila palapit ni Ice at inakbayan ako. Napatingin tuloy ako sakaniya. Nakita kong seryosong seryoso talaga siya. Tapos may biglang nagflash sa harapan namin.

Potakte koyah weyt di pa po ako ready isang shot pa po.

Di naman kasi sinabing may pa-pictorial pa wengya.

Hinila ulit ako ni Ice pababa ng stage at pabalik sa pwesto namin kanina.

Tahimik lang ako at muling inisip yung kwintas.

Pisti 'pag nakita ko talaga ulit yung lalaking 'yun babatukan ko siya ng matindi tindi.

"Pwede bang mahiram si CJ? Saglit lang." Rinig kong sabi ni Ikay. Tumango si Ice kaya ngayon naman siya ang kumakaladkad saakin.

"Gah Ikay teka nga kanina niyo pa ako kinakaladkad." Suway ko sakaniya.

"Kailangan natin bilisan. Nagpatawag ng urgent meeting si Jas. Importante daw." Sabi niya. Tumakbo kami papuntang studio at nakitang kumpleto an sila doon kami nalang ang hinihintay.

"What's up?" Tanong ni Ikay. Sinenyasan kaming umupo ng hindi mapakaling si Jas.

"Okay guys so hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. Tinawagan ako ni Mr. Ford kagabi. And you know what he said?' Tanong niya.

"Magugunaw na ang mundo?"

"Na-resurrect na si Jack at magkakabalikan na sila ni Rose?"

"May season 2 na ang Julie and the Phantoms?"

"He said we're going to compete against Monasterio Academy and other schools! Guys this is the dance troupe's first competition!" Tuwang-tuwa na sabi ni Jas. Kung para sa iba ay good news iyon, para saakin bad news. "And isasabay iyon sa taunang school visiting natin!" Dagdag pa niya.

Okay super duper bad news nga.

"Oh? CJ? Bakit parang hindi ka masaya?" Tanong ni Jas.

"What? Pfft I'm happy! Hindi ako magiging masaya kung makikipag-compete kayo ng hindi ako kasama. Hehe." I said. Should I tell them that I came from that hell hole?

"Are you kidding? Of course, kasama ka! Yie excited na ako kyah! Okay so magmula mamaya araw-araw na tayo magpa-practice. Mula 1:30-3:30. Okay ba?" Tanong niya.

"Yeah sure." Sagot namin. Like I said, there are things that could be shared, and things that shouldn't be.

And me coming from that sh*tty school if one of the things that shouldn't be shared.

Napailing nalang ako ng biglang tumili si Jas sa sobrang tuwa.

"See yah later!" Sabi ko at lumabas na. Nagulat ako nang paglabas ko ay nakita kong nakatayo sa gilid sina Kyle at Renz.

"Ay anak ng gag*!" Napatingin ako sa paligid dahil baka may teacher na nadaan bago sinamaan ng tingin ang dalawang nagpipigil ng tawa. "Nakakatawa 'yun? Ano bang ginagawa niyo dito jusmiyo!" Reklamo ko.

"Pinapasundo ka ng prince charming mo." Sagot ni Kyle.

"Sino nanaman?' Inis na tanong ko at nag-umpisang maglakad.

"Si kuya Ice." Sinamaan ko sila ng tingin at inambaan ng batok.

Prince charming ampotek.

"Bagong kwintas 'yan Ate?' Tanong ni Renz at tinuro yung kwintas na suot ko. Tinago ko iyon sa loob ng blouse na suot ko.

"Yah." I said.

"Kanino galing?" Tanong naman ni Kyle. "Kay Ice? Yie kayo ah." Asar nanaman niya.

"Kapag hindi ka talaga tumigil sasamain ka saakin." Banta ko.

"Ay by the way, anong baon mo?' Tanong ni Renz. And random talag netong batang 'to jusko.

"Pera?" Patanong na sagot ko. "Bakit?' tanong ko.

"Wala akong baon eh. Hindi nakapagluto sila manang kanina. Mangbuburaot nalang ako mamaya kela kuya Clover." Sabi niya.

"Fishtea kasi 'yang Astrid na 'yan." Inis na sabi ko sinipa sipa yung mga batong nagkalat.

"Jas said the DT will compete." Sabi ko. Sabay silang napatingin saakin.

"And?" They asked. "Ay wait teka nga, ano palang ginagawa mo sa meeting ng DT kanina?" tanong ni Kyle.

"Secret bawal sabihin." Biro ko. "Moral support. Dzuhh." Sabi ko at tumawa.

"Ahh. Kala ko taga-spread ng negativity eh." Halos mapanganga ako nang maniwala silang dalawa sa dinahilan ko.

What the, ganon ba talaga ako kapani-paniwala?

"Ano na nga palang balita sa tracking?" Tanong ko.

"Sabi ni Eric malapit na raw. KOnting kembot nalnag." Sagot ni Kyle at kumembot pa talaga.

"Bakit ang tagal niyo?" Agad na tanong ni Ice nang makapasok kami.

"Kasi hindi kami mabilis." Sagot ko at naupo sa upuan ko. Biglang pumasok si Sir na may dalang test papers.

Wait, test papers? Holy shβ€”

"Good morning section 5. Please be ready our test will start in 5 minutes." Sabi ni Sir Kylo.

"Test? I thought next week pa po iyon, Sir?" Tanong ni Clover.

"No. Minove na today. Next week is preparation for our yearly school visiting." Sagot ni Sir.

"Sir unfair naman nun hindi kami nasabihan! Anong isasagot namin sa test?" Reklamo ko.

"What?" Gulat na tanong ni Sir. "Masyado atang na-focus ang lahat sa sports fest kaya nakalimutan nang i-announce. Sige bibigyan ko kayo ng 1 oras para mag-review. Start now." Sabi ni Sir. Mabilis kong inilabas ang notes ko at nag-review. Pasimple kong sinaksak yung earphones ko at nakinig ng music habang nagre-review.

"Psst. Ate." Kalabit saakin ni Renz. Tinanggal ko yung isang earphone ko at tiningnan siya.

"Whut?" Tanong ko.

"Pataasan tayo ng score. Kung sino mababa, gagawin yung dare nung panalo." Sabi niya.

"Ako pa talaga hinamon mo sa ganyan ah." Sabi ko. "Pero sige. Game." Sagot ko at bumalik sa pagre-review.

One eternity later~~~

"Okay class keep your notes and bring out your pen. This is a 1-100 items test. Dating gawi, ranking and scores are going to be posted at the bulletin board. Good luck, 5." Sabi ni Sir at pinamigay ang test papers.

Natulala ako sa first page. Owshi 100 items? Tapos ilan ang sub namin?

Dumudugo na agad yung utak ko shet.

Huminga ako ng malalim at nagsimulang magsagot.

---

"Hay salamat tapos na din!" Sabi ni Kyle at nag-inat pa.

"Inaantok ako." Sabi ni Riu at dumukdok.

"Class dismissed. Have a fun weekend." Sabi ni sir at naunang lumabas. Nakalong sleeves siya na kulay gray at nakatupi hanggang sa siko ang sleeves. Nun ko lang napansin na may tattoo si Sir sa may braso.

A rose tattoo.

"Ilang taon na si Sir?" Tanong ko. Gulat silang napatingin saakin. Maski si Riu na natutulog ay biglang nag-angat ng tingin.

"Bakt? Crush mo?" Tanong agad ni Renz.

"25. Why?" Sagot ni Clover.

"Nothing." I said and stared at my table.

Kuya LZ is 25, Kuya DZ is 25, Sir Kylo is 25, and the three of them both have the same tattoo, but on different part of their body. I knew it. That tattoo has its meaning.

Kuya, what are you hiding from me?

Napahawak ako sa kwintas na suot ko at tiningnan ito. Nabalik ako sa huwisyo ng kalabitin ako ni Riu.

"Tara na." Sabi niya. Tumango ako at kinuha ang bag ko.

"Saan tayo?" Tanong ko.

"Date." Sagot niya kaya napatigil ako.

"Ha?" Gulat na tanong ko na ikinatawa niya.

"Joke lang. Dun daw kela Ice." Sabi niya. Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakitang 11:30 palang naman.

"G. Uwi muna ako." Sabi ko. Sabay kaming pumunta ng parking lot. Katabi lang ng motor ko yung mamahaling motor ni Ice. Sasakay na sana ako ng mag-ring ang phone ko.

"Yeah?" sabi ko pagkasagot ko ng tawag.

"Zizi makikisuyo sana ako. Daan ka muna sa National Book Store. Pabili ako nung bagong labas na cookbook babayaran ko nalang." Sabi ni Ate HZ. Rinig ko ang ingay ng blender sa background niya.

Nasa kusina 'to for sure.

"Okie." Sabi ko at binaba ang tawag. Sinuot ko ang helmet ko at mabilis na pinaandar ang motor ko.

"Uuwi muna ako. Susunod nalang ako dun." Paalam ko sakanila.

"Sama ako!" Biglang sabi ni Renz at umangkas sa likod ko.

"Uuwi nga ako. Sumabay ka na kela Kyle." Sabi ko pero ang tigas ng iling niya. Wala akong nagawa kundi ang isama nalang siya.

"Dadaan muna ako sa NBS." Sabi ko. Nag-thumbs up lang siya kaya pinaandar ko na yung motor ko.

Pagdating sa NBS Mabuti nalang at konti lang ang tao. Agad kong hinanap yung bagong labas nilang cookbook at kinuha iyon. Papunta na sana ako ng counter nang may makabanggaan ako.

"Hala sorry po." Sabi ko at tinulungan yung babaeng pulutan yung nahulog na libro niya.

"It's fine." She said.Β  Inabot ko iyon sakaniya ng makilala ko ang mukha niya.

"Teka, hindi ba ikaw yung lalaking bigla-bigla nalang nagpapakita sa school? Sabi ko na babae ka talaga eh!" Sabi ko. Taka siyang tumingin saakin.

"I'm sorry, what?" sabi niya.

"Jack Leones, right?" Sabi ko. Tumingin siya sa paligid at hinila ako sa isang gilid.

"You saw Jack?" She asked.

"Hindi ba ikaw si Jack?" Tanong ko. Kinuha niya ang phone niya at hinarap saakin.

"Put your number here. I'll contact you as soon as I can." Sabi niya. Kahit nagtataka ay nilagay ko pa rin yung number ko.

"By the way, I'm Jill Leones." Sabi niya at mabilis na umalis.

Ngi? Akala ko ba Jack? I'm so confused as fudge!

Umiling nalang ako at nagpunta sa counter para bayaran yung librong hawak ko.

"Tagal mo naman Ate." Sabi ni Renz habang kumakain ng ice cream.

Ha? Teka, san bumili 'to?

"Saan mo nabili 'yan?" Takang tanong ko.

"Nilibre ako ng kuya dun. Sabi niya kaibigan mo daw siya." Sabi niya at tinuro yung itim na van hindi kalayuan saamin. Nakabukas ang bintana nung driver's seat. Kita ko yung driver na nakatingin saamin bago sinara yung bintana.Pero bago pa ito tuluyang sumara, may nakita akong pamilyar na tattoo sa leeg niya.

Rose tattoo.

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net