π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟺𝟷

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

Napatigil ako sa pag-iisip nang tumugtog ang speaker namin. Tumingin ako kela Ate Shaira at nakita ang pagtaas-baba ng kilay nila. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagpupunas.

"This one is for the boys with the booming system
Top down, AC with the cooler system
When he come up in club, he be blazin' up.
Got stacks on deck like he savin' up."

"Take the floor CJ!" Sabi ni kuya Jun at nagsimula silang gumawa ng beat gamit ang kamay nila. Natawa nalang ako at pinagbigyan sila.

"And he ill, he real, he might gotta deal
He pop bottles and he got the right kind of build
He cold, he dope, he might sell coke
He always in the air, but he never fly coach
He a motherf*ckin' trip, trip, sailor of the ship, ship
When he make it drip, drip kiss him on the lip, lip
That's the kind of dude I was lookin' for
And yes you'll get slapped if you're lookin' ho"

Itinuro ko si Ate Joyce. Kinuha niya yung plastic bottle sa gilid at ginamit na mic.

"I said, excuse me you're a hell of a guy
I mean my, my, my, my you're like pelican fly
I mean, you're so shy and I'm loving your tie
You're like slicker than the guy with the thing on his eye, oh
Yes I did, yes I did
Somebody please tell him who the eff I is
I am Nicki Minaj, I mack them dudes up
Back coupes up, and chuck deuce up."

Sabay sabay kinanta nina Ate Cams, Ate Shaira, Bertha, Kuya Melvin at kuya Dylan yung chorus.

Gawain namin ito sa tuwing wala ng tao or di kaya kapag naglilinis kami. Jamming ang isa sa paborito naming gawin.

Nakita ko ang paglabas ni Ate MJ mula sa kusina dala ang order ng mga kumag.

"Table number 15!" Sabi niya at inilapag iyon sa counter. Mabilis akong lumapit doon at tinulungan si Kuya Dylan dalhin iyon.

"Eto nalang sayo. Mabigat yan baka hindi ka tumangkad." Sabi ni kuya Dylan.

"Ate Cami oh! Inaasar nanaman ako ni Kuya Dylan!" Sumbong ko. Hindi nila ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagkanta.

"Here's your order mga seΓ±orito." Sarcastic na sabi ko at inilapag sa table nila yung pagkain. Pero nagtaka ako nang makitang seryosong-seryoso sila. "May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko. Magsasalita sana si Kyle pero kita ko ang pasimpleng pag-iling ni Ice.

"Wala. Iniintay ka lang namin." Sabi ni Clover at ngumiti. Ngumiti na lang din ako at naupo sa tabi niya.

Habang kumakain kami ay unti-unti na ring dumadami ang mga tao. May mga taong galing sa school na nagco-congrats kay Marc kapag napapadaan sa table namin.

Biglang nag-vibrate ang phone ko kaya tumayo ako at sinagot ang tawag.

"Hello?" Walang nagsasalita sa kabilang linya. Maingay yung background niya, pero rinig na rinig ko ang paghinga niya.

"Hello? Sino 'to?" tanong ko ngunit hindi ito sumagot. Instead, binaba niya ang tawag. Tiningnan ko kung sino ang caller, unknown number lang ang lumabas. Ibubulsa ko na sana ito nang muling tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung ano yung text message.

Nagsalubong ang kilay ko nang makitang isa itong litrato. Litrato ng mga kaklase ko habang tumatawa at kumakain. Pinagmasdan ko yung background, Pagkatapos ay tumingin sa mga kaklase ko nang may ma-realize ako.

Sh*t. Ngayon ang kuha ng litratong ito!

Muling nag-vibrate ang phone ko.

From: 09*********

I hope they enjoy eating. Because sooner or later, they won't taste anything at all.

-Muerte

Mabilis akong bumalik sa pwesto namin na ikinagulat nila. Tiningnan ko kung anong anggulo ito kuha, tsaka luminga-linga. May nakita akong lalaking naka-black hoodie at black mask na dali-daling tumayo at lumabas. Sinubukan ko siyang habulin, pero mabilis siyang nawala sa paningin ko.

"CJ! Anong problema?" Tanong ni Clover. Tumingin ako sa kaniya at sa mga kasama namin na tapos nang kumain.

"We need to go. Now." I said. "Get them all and wait for me here. I'll just pay for our food." I added and walked towards the cashier.

"Kuya Zeke! Ito yung bayad ko sa food namin. Keep the change nalang." Nagmamadaling sabi ko at lumabas na. Nakita kong hinihintay na nila ako sa labas.

"Tara na." Sabi ko at sumakay sa motor ko. PInaangkas ko na sa likuran ko si Renz habang yung iba naman ay may kaniya-kaniyang dalang sasakyan.

"Kumalma ka nga!" Naiinis na sabi ni Ice pagpasok sa room namin. Kami pa rin daw kasi ang magbabantay ng mga booth, pero sigurado naman akong walang magtatangkang manloob dito sa school namin kaya tinawag ko muna sila para makapag-usap kaming lahat.

"I can't!" Inis na sagot ko at naglakad pabalik-balik. Ni-lock ko yung pinto at sinara ang mga bintana. "Give me your phone." Sabi ko sakanila pero walang ni isa ang kumilos.

"Why?" Tanong ni Clover. Hindi ko siya pinansin at humarap kay Renz.

"Give me your phone." I told Renz. Tumingin siya kela Ice na parang nanghihingi ng pahintulot. "Huwag kang tumingin sakanila. Give me your phone. Now." I said at nilahad ang kamay ko. Wala silang nagawa nang ilagay ni Renz ang phone niya sa kamay ko.

Hindi na ako magtataka kung madaling mabuksan ang phone niya. Ang gamiting passcode ba naman ay 12345abcde.

Nang ma-open ko ang phone niya ay mabilis akong nagtungo dun sa messages. At tama nga ang hinala ko.

Na-contact na niya ang mga kaklase ko.

"Kelan pa?" tanong ko sakanila at ibinalik ang phone ni Renz. Walang sumagot sakanila.

Tarages 'tong mga 'to kanina pa ako hindi kinikibo piste.

"Sumagot kayo. Please. Kelan pa?" Tanong ko pero wala pa ring nagsasalita. Napasuklay nalang ako sa buhok ko at napahilamos sa mukha. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinawagan ang numerong unang tumawag saakin.

"So, you have found out. I guess I have to change my plan?" Nang-aasar na sabi ng taong nasa kabilang linya. I gritted my teeth and clenched my fist.

"F*ck you. Whoever you are, f*ck you. Ako ang kailangan niyo. Lubayan niyo ang mga taong 'to." Gigil na sabi ko. "I swear to God if one of your kids touch these people, I'm going to hunt you for the rest of your d*mn useless life." Banta ko pero tinawanan lang ako nito.

"You're so funny Cyan. Dati mo pa ako hina-hunting. May nahanap ka ba? Wala! Kaya huwag ka nang umasang mahahanap mo pa ako." Sabi niya.

"You don't know me. You call yourself death? Eh ano bang ginawa mo? Magpadala lang ng magpadala ng mga tauhan mo. May napala ka ba? Wala! Kaya huwag ka ring umasang habang buhay kang ligtas diyan sa lungga mo. Dahil kahit saang lupalop ka pa ng mundo nagtatago, mahahanap at mahahanap kita. Itatak mo yan sa utak mong kinakalawang." Sabi ko at binaba ang tawag. Hinarap ko ang mga kaklase ko.

"You know this person?" Tanong ni Clover.

"No, I mean yes, but no. I mean kilala ko siya, pero hindi ang totoong pagkatao niya sa likod ng boses na iyan." Sabi ko. "That person is dangerous. Remember Finley and the other 2 persons that was caught? Isa sila sa mga tauhan ng taong iyan. So, I need to know. Kailan pa kayo nakakatanggap ng mensahe galing sakaniya?" tanong ko.

"The day you got confined in the hospital. Si Ice ang unang nakatanggap. Tapos sunod-sunod na kami." Sa awakes ay sinagot din nila ako. Si Clover na ang naglakas loob na sumagot.

"Akala namin prank lang. Not until we received a message last week. Picture mo iyon, pero amy nakalagay na skull sticker sa ulo mo." Sabi naman ni Riu at ipinakita saakin ang litratong itnutukoy niya.

Panget nung edit. Low quality tch.

Anak ng pitumput-pitong putting tupa! Mamaya na kayo magreklamo tungkol sa edit mga pisting bulate!

"We're trying to track the sender. Eric is currently doing it." Sabi ni Mykel. Bumuntong hininga ako.

"I'm sorry. Nadadamay pa kayo dito sa mga ka-echosan ng taong ito." Sabi ko at yumuko. Nagui-guilty ako. Kasi wala naman silang ginawang masama pero anng dahil saakin, nagagambala ang payapa nilang buhay.

"Psh. Etong mga death threats na ito? Wala sa amin 'yan. Sanay na kami jan. Diba guys?' Nakangiting sabi ni Kyle.

"Sa dinami-dami ba naman ng mga high school gangsters wannabe na nakakasalamuha namin at mga nakakaaway namin, hindi na bago 'yan samin." Dugtong naman ni Leo at nakipag-apir pa kay James.

"At talagang proud pa kayo ah." Nakangiwing sabi ko.

"Syempre!" Sabay sabay na sabi nila. Napairap nalang ako dahil dun.

"Basta. Everytime na makaka-receive kayo ng message from them, let me know." I said. May ideyang pumasok sa isip ko. "Wait." I said and took my phone out from my pocket. I dialed kuya LZ's number.

"Ano?" Ngumiwi ako sa unang salitang sinabi niya pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag.

"Ang sama mo sa kapatid mo kuya. Anyway, uuwi ako ngayon. May mga kasama ako. Ayos lang ba?" tanong ko.

"Basta huwag kayong maingay. Sure." Sagot niya. Nag thank you ako at binaba ang tawag.

"Bahay tayo. Dun na rin kayo matulog." Sabi ko. Nagtinginan lang sila at tsaka alanganing tumango. "Pumayag si Kuya kaya chill lang kayo." Sabi ko at kinuha ang bag ko.

---

"Woah stop right there young lady." Pagpipigil saakin ni Kuya. Paakyat na sana kami ngunit pinigil ako ni Kuya.

"Wae?" I asked.

"Dangsin-eun geudeulgwa hamkke issdago malhaji anh-assseubnida." ("You didn't tell me you're with them.") He said in Korean.

"Yeogieseo hangug-eoleul sayonghaneun geos-eun uimiga eobs-seubnida. Geuneun dang-eul ihaehal su issseubnida." ("There's no point in using Korean language here. He can understand you.") I said and pointed Kyle. He looked at Kyle before looking back at me. "Ulineun nae bang-eiss-eulgeoya. Nugungaleul chajgo issseubnida. Al janh-a..." ("We'll be in my room. We're searching for someone. You know...") I added. His eyes widened.

"Nugu? Muerte? Geu salam-eul chajji mallago malhan geos gat-ayo! Dangsin-eun dangsin jasin-eul deo gongyeong-e ppatteuligo issseubnida!" ("Who? Muerte? I told you stop looking for that person! You're getting yourself in more trouble!") He said angrily. I inhaled deeply before looking at my classmates.

"Mauna na kayo sa taas. Alam niyo naman kung saan ang kwarto ko. Susunod ako." Sabi ko. Tumango lang si Ice at naunang umakyat. Sumunod naman ang iba. Mabilis akong luampit kay Kuya at hinila siya papasok sa kusina.

"CJ ilang beses ko na bang sinabi saiyo? Stop it!" Galit na sabi niya.

"Kuya may nadadamay na eh! What do you want me to do? Tumunganga? Habang yung mga taong walang ginawang masama ay nadadamay dahil saakin?" nagsisimula na ring umalsa ang boses ko. "Kuya hindi kaya ng konsensya ko yun!" Sabi ko pa

"Kaya yung sarili mo namana ng ilalagay mo sa alaanganin? Ganun ba? Hindi mo kilala yung taong yan!" Sabi niya.

"Yun na nga kuya eh! Hindi ko alam kung sino yan! Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin! Yun ang nakakatakot kuya dahil hindi ko alam kung kelan siya aatake. Kung kelan siya gagawa ng hindi maganda!" Sagot ko.

"Kaya nga mas maganda kung huwag mo nang hanapin! Hayaan mo nalang ako, kami ang maghanap sa taong yan. CJ, we lost you once! I can't let that happen again!" Galit na sabi niya. Nagulat ako nang pagtaasan niya ako ng boses pero hindi ko ipinahalata.

"No! Tapos ano kayo naman ang mapapahamak dahil nanaman saakin? Naiintindihan niyo ba yung salitang ayokong madamay kayo sa kung anong nangyayari saakin? Tagalog yun kuya! Naiintindihan niyo naman yun diba?" Sagot ko.

"Huwag nang matigas ang ulo! Kapag sinabi kong tumigil ka, tumigil ka! Kami ang maghahanap sa taong yan. Tapos ang usapan." Dun na tuluyang naputol ang pisi ko.

"Nawalan ako ng kapatid kuya! Nawala yung kapatid ko dahil kanino? Dahil saakin! So, no! I'm not going to let you do that! Ako at ako lang ang maghahanap sa taong yun. Tapos ang usapan." I said and stormed out of the kitchen.

"CJ come back here!" Kuya LZ's voice echoed all over the house. Nakita ko ang paglabas ng mga pinsan ko sa kani-kaniyang kwarto nila.

"What's happening?" tanong ni kuya DZ.

"CJ ako ang kuya mo! Sumunod ka saakin!" galit na sabi ni kuya LZ but I ignored him.

"Oh for f*ck's sake don't use that card on me!" Sigaw ko.

"Cyan Jade watch your language! Kuya mo ang kausap mo." Sabi ni kuya DZ. I turned my back at them at umakyat sa kwarto.

"Talk to me kapag naiintindihan niyo na ang salitang ayaw kong may madamay nang dahil saakin!" Sigaw ko at binalibag pasara ang pinto ko.

"Ano bang hindi nila naiintindihan sa sinasabi ko? Tagalog naman yun ah?" Sabi ko sa sarili ko at hindi pinansin ang mga tingin an ibinibigay saakin ng mga kaklase ko at dumiretso sa computer. "They can speak more than 10 languages. Take note, fluently. And they can't understand what I'm saying? It's for the sake!" Sabi ko pa at pumasok sa walk-in closet ko para kunin ang laptop ko.

"Ano bang ginawa ko sa past life ko at nangyayari ito saakin?' Bulong ko at tumipa sa computer ko. I tried to track the sender, but it only says error occurred. "F*CK!" I shouted at halos ibalibag ko ang mouse na hawak ko. Npaatingala ako at huminga ng malalim.

"Zizi?' Rinig kong sabi ng kung sino sa labas. Bumukas ang pinto pero hindi ko siya nilingin. "Zi, can I talk to you for a sec?" Sabi ni ate HZ.

"Not now." Malamig na saad ko at pumasok sa walk-in closet at doon nagkulong. Dahan-dahan akong dumausdos paupo at niyakap ang tuhod ko. I buried my face there and started to cry.

"Why is she like that?" I heard they asked.

"I'm not in the position to tell you. It's best if it comes from her." Sagot ni ate HZ.

"We can't help her if we don't know why she's like that." Rinig ko ang boses ni Ice.

"Fine. Just a little bit info, okay? When she was little, we lost her. Her stepmom took her. Ni isang beses hindi namin siya nakausap. Wala siyang sinasabi saamin tungkol sa pinagdaanan niya kasama ang stepmom niya, pero alam naming meron dahil sa paraan ng pakikitungo niya. Then an accident happened and...she lost her other brother. She always blamed herself because of that. That's why ganiyan siya mag-react when she found out that you guys are receiving that text message. Ayaw niyang mangyari sainyo, saating lahat ang nangyari sa kapatid niya." Rinig kong kwento ni ate. "Napakabata niya pa nung mangyari iyon. Then dumagdag pa yung iniwan siyaβ€”" Tumigil si ate sa pagkukwento nang lumabas ako. Agad siyang tumayo at lumapit saakin.

"Please Zizi. Let's talk." She pleaded. I sighed and nodded.

"I'll be right back." I said and went out of the room first.

"Okay I won't beat around the bush. Please, talk to your brother. Pag-usapan niyo nang maayos 'to dahil kung magsisigawan kayo, pareho niyong hindi maiintindihan ang isa't-isa." Ate HZ said.

"Ate, we both know na sa aming dalawa siya ang hindi makaintindi saakin. I get it. He doesn't want to lose me again. Or me in danger. Pareho kami ng gusto! Ayoko ring mapahamak siya! Ate naman nawalan na ako ng kapatid. Pati ba naman si Kuya? Ayoko nun." Naiiyak na sabi ko.

"Kaya nga mag-usap kayo." Sagot niya at niyakap ako. "Don't blame yourself for what happened to DenDen. It's not your fault that there are evil people. Hindi mo kasalanan kung may mga taong haling ang bituka okay?" She comforted me.

"I'll try. But if pinilit niyang patigilin ako, sorry na agad." Sagot ko. Tumango siya at ngumiti. Nagpaalam na siyang matutulog at ako naman ay pumasok na sa kwarto.

"Sorry about that." I said. Ngumiti lang sila at sinabing ayos lang, naiintindihan nila, etc.

"Should we get started?" Tanong ni Eric. Tumango ako at tinuro yung computer ko. Agad siyang umupo doon at nagsimulang tumipa.

"How about we search, and both of you practice for your competition tomorrow?" Suhestiyon ni Clover. Sasagot sana ako kaso inunahan na ako ni yelong kumag.

"Okay." He answered. Napairap nalang ako at kinuha ang gitara kong nakasabit sa likuran ng pintuan ko. Naupo kami sa isang gilid. May kanya-kanyang gawain ang mga kumag at hindi kami pinapansin. Kinuhang opportunity iyon ni Ice para magtanong.

"What happened?" He asked. Napatigil ako sa pagto-tono ng gitara ko at napatingin sakaniya. "It's okay if you don't want to tell me." He said. I sighed and continued fixing my guitar.

"When I was a child, my...my mom left us. Dad got another woman, which is my stepmom. But things got messed up, so they broke up. My stepmom took me away from my father, saying he can't raise me well or take care of me. Of course, me as a child believed her. But I just got more miserable. They treated me like a garbage, like I'm not a human being." I said.

"It's fine if you don't want to continue." Napansin niya ang paggaragal ng boses ko, pero umiling ako.

"No, it's fine." I said then continued, "Then an incident happened, which got my life much more messier, much more miserable than ever. So long story short, my dad tried to take me from my stepmom, my other brother got involved, someone took him, tried to take him away from us, but unfortunately, they got in an accident. And now, he's somewhere safe." I wiped my tears away and smiled. "I was just so young when that happened. The worse is, I can't even remember his face, or his voice. Ang natatandaan ko lang ay ang nickname niya. Honestly kaunti lang ang naaalala ko from my childhood memories." I added.

"Kaya ganon nalang ang pagre-react ko ng makita ko yung text message. I lost someone already, I don't want that to happen again." I said. I froze when he held my hand and squeezed it softly.

"We're here for you, okay? We won't leave you. You're not alone in this. Kahit ayaw mo, sasama at sasama kami sa laban mo na ito. We're a family, remember?" He said and smiled slightly. Napangiti ako dahil doon at natawa nalang bigla.

"Bakit ba ang hilig mo akong paiyakin." Natatawang sabi ko habang pinupunasan ang luha ko. Ngumiwi naman siya at umupo ng deretso.

"Hindi kita inaano diyan. Di naman kita tinakot para umiyak ah." Sagot niya na lalong nakapagpatawa saakin.

"Mag practice na nga lang baka mabuang ako dito dahil sayo." Sabi ko at muling kinuha ang gitara ko.

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

---

Song title: Super Bass by Nicki Minaj

You are reading the story above: TeenFic.Net