π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟹𝟿

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"Tapos kapag naman nakita mong palapit na siya sa'yoβ€”"

"CJ! Kalma lang okay? Mas kabado ka pa kesa sa aming maglalaro eh." Natatawang sabi ni Marc. Nakitawa naman yung mga teammates niya.

"Sa'yo na mismo nanggaling. Ngayon niyo palang sila makakalaban. Maraming beses ko na sila nakitang maglaro kaya hindi niyo ako masisisi kung ganito ako." Bulong ko at pabalik balik ang tingin sa loob ng court.

"Kalmahan mo lang okay? Sige na pumasok ka na don. Baka pati kami mataranta sayo." Natatawang sabi ni Tobey. Ngumiti lang ako at nag good luck sakanila bago pumasok sa court. Wala pa ang mga students ng Monasterio. 1-0 minutes na silang late.

"Ano? Successful ba ang pagbabahagi mo ng taranta sakanila?" Natatawang tanong ni Clover. Sinamaan ko siya ng tingin bago ibinalik ang tingin sa gitnang court.

"Pag talaga nabangasan o nadisgrasya si Marc o ang teammates niya pasasabugin ko mga mukha nila." Bulong ko at alam kong narinig niya iyon.

"Ang violent mo pala kapag kinakabahan." Biro ni Clover. Biglang umingay ang court at isa-isang nagpasukan yung mga students ng Monastrio. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Clover dahil sa kaba.

"CJ chill. Kaya ni Marc yan." Sabi ni Mykel na nasa likuran ko at tinapik tapik ang balikat ko.

"Magtiwala ka lang sa team natin." Sabi naman ni Dev. Tumango ako at huminga ng malalim.

"Good morning people!" Sigaw ni Astrid. Napangiwi ako dahil nakakabingi yung boses niya. Sumigaw kasi siya dun sa mic. "Let's welcome, our very own team, the Forx Warriors!" Sigaw nanaman niya. Nagpalakpakan kami nang isa-isang lumabas ang players namin. "And our opponent, from the Monasterio Academy, Monster Eaters!"

Tangmader isa pang sigaw isusungalngal ko sakaniya yung mic na hawak niya.

Matapos pumasok ng mga players ay sa wakas umalis na si astrid. Swear kapag sumigaw pa ulit siya gagawin ko talaga yung sinabi ko.

Nagsimula ang game ng maayos, walang dayaan na nagyayari, walang balyahan na nagaganap. Lamang ang school namin ng 5 points. Medyo kumalma naman na ako, pero nakabatay parin ako sa players ng kabilang team at sa players namin.

Natapos ang 1st round ng maayos. Akala ko hanggang sa matapos ang game. Pero nung 2nd round, ayun na. Nagsimula nang mangbalya yung Monster Eaters. Sa ngayon 2 players na namin ang na-injure dahil sa hindi nila malaman an dahilan, pero ako at ang section namin, alam kung ano ang nangyari. Hindi napansin nung referee dahil sa mga tactics na ginagawa ng Monster Eaters.

Hanggang sa may isa nanaman kaming player na na-injure, but I know. I know na napansin iyon ng referee but refused to give them a warning.

"Napansin nung referee." Sabi ko. Napatingin naman saakin ang mga kaklase ko.

"What?" tanong ni Ice na siyang nasa kabilang gilid ko.

"Napansin nung referee. Nakita niya. But he didn't do anything. Binayaran siya. That d*mn cheaters." Gigil na bulong ko. Akmang tatayo ako ng parehas akong hilahin paupo ni Clover at Ice.

"Huwag. Mas lalong magkakanda letse-letse ang laro kapag ginawa mo ang gusto mong gawin." Sabi ni Ice. Tama. May punto siya. Maaaring malagay lalo sa peligro ang mga buto ng players namin kapag kinompronta ko yung referee.

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga manlalaro. Nasa huling round na kami, at eto na nga ang ikinakatakot ko.

Nakabantay sila kay Marc.

Siya ang binabantayan ng kabilang players, kaya malayang nakakagalaw ang iba naming players. Magaling si Marc. Hindi man siya makabawi sa pangbabalya ng Monster Eaters sa players namin, binabawi naman niya sa pag-shoot ng bola. Kaya ngayon, siya ang binabantayan.

"They're forming." I said and watched them as number 1, number 9, number 15 and number 16 formed a diamond. They didn't notice it, but I do. And I know what they're going to do.

Tahimik akong nagdasal. Hindi ko na rin napigilan at kinutkot ng kinutkot ang balat ko sa daliri. Naramdaman kong may humawak dito at pinigilan ako. Napatingin ako sa kamay ni Ice na nakahawak saakin, pero hindi ko muna iyon inintindi dahil sobrang kinakabahan na ako. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya nang makita ang unti-unting pagdidikit ng apat, kinukulong sa formation nila si Marc.

But the next thing I saw is what I didn't expect. Sa tinagal tagal nilang ginagawa ang formation na yun, sa dami ng laro at taon nilang ginagawa iyon, wala ni isa ang nakaligtas sa kanila at palaging nauuwi sa injury ang target nila. But not Marc. Nilito niya silang apat. Kunwari ay inilabas niya sa labas ang bola kaya agad sumunod dun si number 1, kaya nakalabas si Marc sa formation nila at dali-daling nag three points shoot. Saktong pagpasok ng bola sa ring ay ang pagtunog ng buzzer.

"YES!" Naisigaw naming lahat. Napayakap ako kay Ice sa sobrang tuwa. Pero agad ding humiwalay nang tumikhim siya.

"Sorry." Bulong ko at mulingtumingin sa harap. Kitang kita ko ang saya sa mukha ng players namin.

Agad kaming bumaba at lalapitan sana si Marc pero may nauna saamin. Mga naka business attire sila. Nanatili lang kami sa isang gilid.

"Hindi ako makapaniwala. Sa loob ng matagal na panahon, that formation was deadly. Pero nalusutan ni Marc. Sh*t." nakangiting bulong ko.

Hinarap ko sina Kyle at Renz na nakangiti ng nakakaloko saakin.

"Ano nanaman?" tanong ko.

"Nakita namin yun." Sabi ni Kyle.

"Ang?" Takang tanong ko. Sa dinami-dami ba naman ng nangyari malay ko ba kung ano ang tinutukoy nila.

"Niyakap mo si ice. CJ napaghahalataan ka na." Sabi naman ni Renz. Sinamaan ko sila ng tingin at sasagot sana ng may yumakap saakin ng mahigpit at inikot ako sa ere kaya napatili ako.

"Thank you! Maraming maraming salamt CJ! Thank you! Thank you! Thank you!" sabi ni Marc at hinarap ako sakaniya tsaka ako niyakap ng mahigpit.

"T-teka lang. M-marc nasu-suffocate na ako." Sabi ko at tinapik tapik ang balikat niya. Lumuwag naman ang yakap niya saakin. "Kalma lang Marc. Bakit ka nagt-thank you? Ibinalik ka na ba sa team?" Tanong ko.

"Much bigger than that! They offered me a scholarship! CJ makakapag-aral ako sa ibang bansa!" Tuwang-tuwa na sabi niya. "Kung hindi dahil saiyo, hindi ko makukuha yung scholarship na 'yun. Kaya thank you!" Sabi niya at muli akong niyakap at inikot nanaman sa ere.

"Gah tama na nahihilo na ako." Tumatawang sabi ko kaya ibinaba niya ako at tumawa din.

"You might wanna let her go." Bumitaw agad saakin si Marc nang marinig niya ang sinabi ni Ice.

"Congrats pre!" Sabi ni Mykel habang naglalakad kami palabas ng school. Napag-usapan kasi namin na kakain kami sa malapit na kainan dito. Dito kami sa back gate dadaaan. Malapit lang iyon sa building namin. Para makaiwas sa dami ng tao sa front gate. Wala kasing taong pumupunta dito.

"Congrats. Matutupad mo na ang pangarap mo." Sabi naman ni Allan.

"Oo nga pre. At dahil diyan, magpapa blow out daw si CJ!" Sabi ni Marc.

"Ay ang kapal mo ah." Sabi ko na nakapagpatawa sa lahat.

"Montefalco!" Sigaw ng kung sino na nakapag patigil saakin sa pagtawa. Dahan-dahan ko itong nilingon.

"So, totoo pala ang balita. Dito ka lang pala nagtatago." Nakangising sabi nung babaeng nasa harap.

"Stacy." I said with no emotion.

"Oh, buti naaalala mo pa ako? I thought hindi na eh. How about Lei? Do you remember him? Do you remember how you almost crush his face and kill him?" Nakangising sabi niya.

"Stacy, stop. She might cry." Nakangising sabi ng katabi niyang lalaki.

"Hindi ka parin nagbabago, Alfonzo. Magmula noon, hanggang ngayon. Bully ka pa rin." I said. Hindi niya iyon sinagot at tumingin sa katabi kong si Marc.

"Ikaw! Ikaw yung binabantayan namin kanina. Valles, right? Unbelievable. Paano mo nalusutan ang diamond formation namin?" Tanong niya.

"Hindi kasi ako uto-uto. At mas lalong hindi ako tanga para hindi mapansin ang plano niyo." Seryosong sabi ni Marc. Manghang tumingin si Alfonzo sakaniya tsaka tumingin saakin.

"Boyfriend mo?" Tanong naman niya saakin.

"Hindi." Seryosong sagot ko.

"Eh yung nasa likod mo? Boyfriend mo?" Tanong naman ni Stacy. Tumingin ako kay Ice bago umiling.

"Hindi rin." Sagot ko. She scoffed.

"Eh ano? Friends with benefits? F*** b****?" nang-iinsultong tanong niya.

"You're hopeless." I said and turned my back on her. Sinenyasan ko na rin ang mga kumag na umalis na. Pero hinawakan ni Stacy ng mahigpit yung braso ko.

"I'm not done talking with you." She said.

"Well, sorry but I am." Sabi ko at pahablot na binawi ang braso ko.

"Stacy! What are you doing?!" Suway sakaniya ng kadadating lang na principal nila.

"Hoy tanda! Huwag kang mangialam dito!" Sigaw niya dito.

"Know your place you sh*t." mariing sabi ko. Gulat siyang tumingin saakin. "Just because umalis ako sa impyernong yon, doesn't mean you could do anything you want. I have eyes and ears all over that place. Wala kang karapatang magreyna-reynahan doon. At mas lalong wala kang Karapatan bastusin at tawaging tanda ang taong ito." Sabi ko at itinuro ang principal nila.

"Tandaan mo Stacy, ako at ako lang ang may karapatang gawin yun. Kilala mo ako. Hindi mo gugustuhing ipahiya kita rito sa lugar na ito." Sabi ko at tiningnan ng masama si Alfonzo. Tumingin saakin ang mga dati kong kaklase na nasa likuran nilang dalawa pero hindi ako nagpatinag.

"Hindi ko kasalanan ang nangyari kay Lei. Kaya tantanan niyo ako." Seryosong sabi ko at muling tumalikod.

"B*tch!" Sigaw niya at hinila ako bago iniharap sakaniya at sinampal ako ng malakas. Bigla namang lumapit si Alfonzo kay Marc at sinapak.

"G*go!" Sigaw ko at hinawi si Stacy bago lumapit kay Alfonzo at itinulak siya ng malakas.

"Ano bang problema mo pare?" Galit na atnong nila Mykel at sinugod si Alfonzo. Nang dahil sa ginawa nila ay sumugod na rin ang ibang classmates nila Stacy at nakipag rambulan sa mga kaklase ko.

"Section 5 stop!" Sigaw ko pero parang wala silang narinig.

"CJ!" Agad akong hinila patayo nila Lara at pia na sinundan pala kami. Pilit nila akong nilalayo pero pumalag ako. Sinubukan ko sialng awatin pero ayaw nilang makinig. Kulong-kulo na ang dugo ko.

"TANG*NA TUMIGIL KAYO!" My voice is like a thunder that made them stop. I bet pulang pula na ang tenga ko. Indikasyon na galit na ako.

"Section 5 layo! Isa!" Sigaw ko ulit. Lumayo sila Ice pero masama pa rina ng tingin sa kanila. Nang makalayo sila ay lumapit ako sa magkatabing si Stacy at Alfonzo. Parehas silang nakatingin ng masama saakin. Ramdam ko naman ang takot ng mga kaklase nila.

Alam nila kung paano ako magalit. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang reaksiyon nila ng marinig akong sumigaw.

Napa singhap ang mga tao sa gulat nang sapakin ko si Alfonzo.

"You son of a b*tch!" galit na sabi ko at muli siyang sinapak. "Ayoko sa lahat ang sinasaktan ang mga taong nakapaligid saakin. Ginagalit niyo ako, star section. Nagtimpi lang ako kanina sa ginawa niyong pananakit sa players namin. Inaabuso niyo ang kabaitan ko." Gigil na sabi ko. Star Section sila. Paano hindi magiging star eh parang mga artista yan sa sobrang famous. Mga basagulero at basagulera kasi. "Umalis na kayo habang hindi pa tuluyang nauubos ang pasensiya ko. Kilala niyo ako. Sinasabi ko sainyo. Hindi niyo gugustuhing makita ng mga taong ito kung paano ako magalit." Seryosong sabi ko. Tumingin ako sa principal nila. "Ilayo mo saakin ang mga gag*ng 'to bago ko pa sila magawan ng hindi maganda." Sabi ko at tumalikod.

"Hindi pa tayo tapos!" Sigaw ni Stacy. Hinayaan ko lang siyang dumakdak ng dumakdak diyan at tumuloy nalang sa building namin.

Dere-deretso akong pumasok sa room at hindi nagsasalita.

"Ate..." Pagtawag saakin ni Renz. Bumuntong hininga ako at uminit ang ulo ko nang makitang may bangas siya. Pinakalma ko muna ang sarili ko at hinawakan ang mukha niya.

"Renz sinasayang mo yung mukha mo. Ang gwapo mo tapos magpapa bangas ka sa mga 'yun?" Sabi ko. "Akin na yung med kit mo." Sabi ko pa at tiningnan sila.

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Marc. Ngumiti siya na nauwi sa ngiwi.

"Ayos lang. Ikaw? Gaano ba kalala ang galit nila saiyo at ginawa nila yun?" Tanong niya. Umiwas ako ng tingin at hinarap nalang si Renz.

"CJ..." Tawag saakin nila Riu. Bumuntong hininga ako at nagsalita habang nililinis yung sugat ni Renz sa gilid ng labi niya.

"Lei Solace. Vice president of Monasterio Academy, my former classmate, crowned as King of Monasterio. The person..." Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. "The person I almost kill."

(votes and comments are highly apprecited by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net