π™²πš‘πšŠπš™πšπšŽπš› 𝟹𝟼

Background color
Font
Font size
Line height

CJ's POV:

"Ano?!" Napatakip ako ng tenga ng sabay-sabay silang sumigaw.

"Ang sakit niyo sa ears jusmiyo kinakawawa niyo ang eardrums ko." Reklamo ko.

"Akala ko ba broke ka?" Tanong ni Marc. Nagkamot lang ako ng ulo.

"Eh basta may kuryente na tayo. Yun na yun." Sabi ko.

"You shouldn't decide on your own, CJ. Pwede naman tayong mag-ambagan eh." Sabi ni Clover.

"Edi sa susunod na bayarin mag-ambagan." Sabi ko. Tumango siya na ikinareklamo ng mga kumag.

"I'm broke mga pre."
"I'm invisible. You can't see me."
"Ambagan well. Sorry ah. Eto lang ako. Gwapo lang ambag."

Sinamaan ko ng tingin yung huling nagsalita. Ang kapal ah!

"Tara baba tayo dali try natin yung mga booths." Yaya ko sakanila. May mga tumango at nauna pang lumabas saakin, may iba naman na mamaya na daw ie-enjoy muna yung aircon.

"San tayo?" Tanong ni Renz. Napaigtad ako dahil bigla nalang siyang nagsalita sa gilid ko.

"Bakit ba bigla bigla ka nalang sumusulpot? Kabute ka ba?' tanong ko.

"Ang cute ko namang kabute." Mahangin na sabi niya na ikinangiwi ko.

"Huwag kang feeling Renz. Alam naman ng lahat na ako ang pinaka cute sa ating lahat." Sabi ni Kyle. At ayan nanaman nagsimula nanaman silang magtalo.

"Dun tayo!" Sigaw ko at hinila silang dalawa papunta dun sa booth na may nakita akong Pikachu stuff toy.

"Kuya! Magkano po ito?" Tanong ko at tinuro yung pikachu.

"Nako bebe pang prize 'yan. Kailangan mong ma-hit yung bullseye para makuha 'yan." Sabi nung kasama ni kuya. Sa tingin ko mga third year highschool sila.

"Laro tayo!" Nakangiting sabi ko kela Kyle.

"Uy sila Dev at Jane! Punta ako dun Ate ah." Biglang sabi ni Renz at tumakbo palapit kela Dev. Nakita ko ang pagsama ng timpla ng mukha ni Dev habang si Jane naman ay tuwang-tuwa.

"Tayo nalang." Sabi ko kay Kyle. Ngumisi naman siya ng nakakaloko.

"Sige ba. Kiss mo muna ako." Sabi niya at ngumuso pa.

"Eh kung paduguin ko yang nguso mo?" Banta ko at itinaas ang kamao ko. Tumawa naman yung dalawang nagpapalaro. Pati si Kyle ay tumatawa na din. Biglang nag-ring yung phone niya. Mabilis niya itong sinagot at nagpaalam saakin.

"CJ, uuwi muna ako ah. Kailangan daw ako sa bahay. Mabilis lang babalik din ako." Sabi niya. Tumango alng ako kaya umalis na siya.

"Ako nalang maglalaro Ate. Iniwan ako nung mga kumag eh." Sabi ko. Natawa naman si Ateng nagpapalaro.

"Nako. Ganyan talaga ang mga lalaki. May mga loyal na pipiliing manatili sa tabi mo, at may mga manloloko na hindi marunong makuntento sa isa." Sabi ni Ate at pasimpleng tumingin dun kay kuya na kasama niya.

Ay, may LQ ata.

Tatlong dart ang ibinigay saakin tapos 20 pesos isa. Parang lugi ata ako dun, pero wapakels. Para kay pikachu!

Unang tira, sablay. Pangalawa, sablay pa rin. Huminga ako ng malalim bago ibinato ang huling dart na hawak ko.

"Aww. Better luck next time nalang bebe. Eto ang price mo." Sabi ni Ate at binigay saakin yung keychain na pikachu.

"Salamat!" Sabi ko at in-examine mabuti yung keychain. Hangkyut!

"Hi miss!" napalingon ako nang may magsalita sa gilid ko. Tumingin pa ako sa paligid ko bago itinuro ang sarili ko. Ngumiti siya at tumango.

"Hi?" Patanong na sabi ko.

"Are you mine? Cause I'm yours." Biglang banat niya. Ngumiwi naman ako.

Wews luma na yan erp!

"Luma na yan kuya. Alam mo, nagkakahulihan na. Itigil mo na ang paghithit." Sabi ko na ikinatawa niya.

"You're funny." He said.

"And you're creepy." Sagot ko naman. Muli siyang tumawa. "Tsaka mali yung pick-up line mo eh. Corny. Dapat ganito, "Wattpad ka ba? Cause you're making me crazy." Ganern dapat." Sabi ko. Taka siyang tumingin saakin.

"What's the connection of wattpad and being crazy?" tanong niya.

"Ay, hindi mo ba alam? Basta wattpader, buang buang yan! Kaya nilang tumawa, umiyak, magalit, mainis at kung ano-ano pa sa loob lang ng ilang minuto!" Sabi ko. "At bilang babaeng wattpader, may motto kami. Don't judge us by our looks because we might judge you by inches." Proud na dagdag ko.

"De joke lang. We have our 7B's. Books before boys because boys brings babies." Sabi ko. Tumawa lang siya ng tumawa.

Loh what's so funny koyah? Happy yarn?

"You're so funny." Sabi niya.

"Uhm...thank you? Salamat? Arigatou? Kamsahamnida? Xie xie?" Sabi ko. He just chuckled and shaked his head.

"What's your name?" Biglang tanong niya.

"Nunya." Sabi ko. Kumunot ang noo niya.

"Nunya?" Tanong niya.

"Nunya business." Sabi ko. Ngumiwi siya. "Excuse me ah. Hindi ako kagaya ng iba na easy to get just because gwapo ka. Tsaka I have my 7B's with me so no. Hindi uubra sakin yang mga pagbanat banat mo." Sabi ko.

Pansin ko lang, para siyang babae. Pero hindi. Gets niyo? Basta mukha talaga siyang babae.

Tumingin siya dun sa pikachu stuff toy tsaka ibinalik saakin ang tingin.

"Sige ganito nalang. I'll get the stuff toy, in exchange, you'll give me your name." Sabi niya. Tumingin ako dun sa pikachu, tapos dun sa mga darts bago dahan-dahang tumango.

Sige pagbigyan. Ako nga hindi naka bullseye eh. Siya pa kaya.

"Deal." Sabi ko. Inabot niya ang bayad niya tsaka kinuha ang dart.

Unang tira, sablay. Sabi na eh. Feeling ko may daya talaga toh.

Baka mina-magic nila yung dart.

Pasimple nalang akong umiling dahil sa mga pinagsasabi ng bulate ko. Pangalawang dart na, and ayun malapit sa bullseye! I crossed my fingers. Bumuga siya ng hangin bago ibinato ang huling dart na hawak niya.

BULLSEYE!

Inabot sakaniya ni kuya yung pikachu. Humarap saakin si kuyang mukhang babae at inabot yung stuff toy.

"Your name?" Tanong niya. Kinuha ko muna yung pikachu bago ngumiti.

"Cyan Jade. CJ nalang." Sabi ko at niyakap ng mahigpit yung stuff toy.

"Nice. Boyish name pero bagay sayo. Parang ako, bagay sayo." Biglang banat nanaman niya. Tinawanan ko lang siya. Bigla siyang tumigil at tumingin sa likuran ko.

"Nice meeting you, CJ. But I have to go." Sabi niya at mabilis tumalikod.

"Wait, your name?" Tanong ko. Humarap siya saakin at ngumiti.

"Jack Leones." Sabi niya at mas binilisan pa ang lakad. Sinubukan ko siyang habulin hanggang labas ng gate kaso ang bilis niyang nawala.

Hala gagi baka naman multo talaga yun? Bali-balita kasi na dati daw sementeryo yung school namin.

Napasigaw ako ng biglang may humawak sa braso ko.

"Ay mumu!" sinamaan ko ng tingin yung nakahawak saakin.

"Who are you talking to? And where is that guy?" tanong ni KZ.

"What?" Takang tanong ko.

"Yung lalaki! Nasaan yung lalaking kausap mo kanina?!" Pagalit na tanong niya.

"Aba malay ko! Mukha ba akong hanapan ng mga nawawalang tao?! Umalis na!" Sagot ko at lumayo sakaniya.

"Don't talk to strangers Cyan Jade." Sabi niya at umalis.

"Alam ko! Hindi na ako bata!" Sigaw ko at umirap.

"Oh, bat nasigaw ka jan?" Tanong ni Kyle. Napatingin siya sa hawak ko. "Nice nakuha mo." Sabi niya.

"Hindi ako. May lalaking naglaro para saakin. Ang galing nga niya eh." Sabi ko. Kumunot ang noo ni Kyle.

"Sinong lalaki?" tanong niya.

"Jack Leones daw. Gwapo siya pero mukhang babae. Hindi mo ba nakasalubong?" tanong ko. Umiling lang siya at niyaya akong kumain. Pumunta kami sa isang food stall at dun ay nakita namin si Renz na kinukulit sina Dev at Jane.

"Woy CJ! Kunin mo na nga itong alaga mo ang kulit!" Inis na sabi ni Dev samantalang si Jane ay tawa ng tawa kay Renz.

"Weh inggit ka lang kasi sabi ng girlfriend mo mas cute ako kesa sayo. Blehh." Asar sakaniya ni Renz.

"Hoy bata bawal ka jan for adults lang diyan." Sabi ko at hinila na si Renz. "Pasensya na naistorbo niya pa ata ang date niyo. Enjoy lovebirds!" Sabi ko at hinila na palayo sakanila si Renz.

"Ay waw ang cute!" Sabi niya at sinubukang kunin si Pikachu pero agad ko itong niyakap ng mahigpit.

"Che wag kang ano jan hindi mo ako tinulungan makuha 'to hmp." Sabi ko. Bumili lang ako ng milktea tsaka bumalik sa room.

"Oh ano nagsawa na din kayo?" Sabi ni Mykel. Tumango lang ako at umupo sa sahig. Nakagilid na kasi ang mga upuan. Kumuha ako ng chips kaso biglang dinagit ng mga kumag. Sinamaan ko ng tingin yung mga nagkakagulo sa malaking bag ng Nova.

"Thank you ah!" sarcastic na sigaw ko at kumuha nalang ulit.

"Attention, please proceed to the gymnasium. The game will start in 10 minutes." Someone said over the speaker.

"Ano daw sport?" Tanong ko.

"Volleyball. Pwedeng hindi na pumunta." Sabi ni Allan. Tumango ako at hindi na nagsalita. Tumabi ako kay Riu at sumilip sa pinapanood niya.

"Ay gag*." Sabi ko at mabilis na umiwas ng tingin. Paano kasi yung movie na pinapanood niya may kissing scene tas saktong yun pa yung nakita ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Ending part na pala yun.

"Panood." Sabi ko at muling tumabi sakaniya. Nang lumabas yung title ay agad akong lumayo.

P*ta! Anabelle pa ang panonoorin.

"Takot yan?" Nang-aasar na tanong niya.

"Asa ka! Ayoko lang panoorin yung mga ganyan." Sabi ko pero lalo siyang ngumisi nang mapang-asar.

"Dito ka lang. Samahan mo ako manood." Sabi niya. Inirapan ko sya at muling lumapit sakaniya.

Kasalukuyan akong nakasandal sa balikat niya dahil parang inaantok na ako.

Seriously? Inaantok ka sa horror movie?" Natatawang tanong niya.

"Ang boring eh." Sabi ko pero biglang lumabas si Anabelle at sobrang lapit pa niya dun sa screen kaya napasigaw ako. "Ay hin*yupak!"

Tawa ng tawa si Riu kaya hinampas ko siya sa braso.

"Sige tawaβ€”ay p*nyeta! Sa likod mo bob*!" Sigaw ko ulit. Shunga ni ate girl sinilip pa yung ilalim ng kama.

Muli akong napasigaw ng biglang lumabas ulit si Anabelle.

Wala na babangungutin na ako neto mamayang gabi.

Nang matapos ang movie ay pakiramdam ko napaos ako. Tangmader kasi si Anabelle huhu.

"Ate! Ate dali papakita ko na sayo yung moves ko!" Sabi ni Renz at tumatalon pa sa harapan ko. Napaka hyper netong batang 'to samantalang ako lagging inaantok.

"Sige nga." Sabi ko. Nagsimula siyang gumalaw. At ang masasabi ko lang,

Tang*na kung eto ang sasayawin nila sa stage bukas, ako ang mangunguna sa pagtawa.

Paano kase. Taena nag chicken dance sa harapan ko.

"Ano Ate? Ayos ba? Eto pa! Eto pa!" Sigaw niya at bigla siyang nanigas at nanginig with matching tirik pa ng mata.

"O ano naman ang tawag jan?" tanong ni Riu.

"Manok na kinakatay!" Sabi niya at muling ginawa yung chicken dance niya kanina. Tawa tuloy ako ng tawa.

"Tumigil ka na mukha kang manok na pagod!" Sabi ko. Nahihirapan na akong huminga dahil hindi ko talaga mapatigil yung sarili ko sa pagtawa.

"Woah! Guys tingnan niyo 'to oh!" Biglang sabi ni Kyle at lumapit saamin tsaka ipinakita ang phone niya. May nagp-play dun na video ng dalawang bata na sumasayaw ang break dance.

"Ang galing! Ilang taon na 'yang mga 'yan?" tanong ni Renz.

"Yung lalaki 12 tas yung babae parang 6 lang yata or 7." Sagot ni Kyle.

"When was that video published?" tanong ni Riu.

"10 years ago. Ang sabi sa comment section nag-hiatus daw yung babae. Tas yung lalaki nag continue and now known as Lee Dong Hyun." Sabi ni Kyle.

"Lee Dong Hyun? As in yung stockholder ng school natin? Seryoso?" Tanong ni Marc na nakikinig pala saamin.

"Oo. Etong babae daw is best friend niya. Sabay silang nag debut noon kaso nga ayun nag-hiatus yung babae sa hindi malamang dahilan. Wala ding sinasabi yung company na may hawak sakanila." Sabi ni Kyle.

"Diba best friend mo Dong Hyun? Kilala mo itong babae?" Tanong ni Renz. Nag kibit balikat lang ako.

"Malay." Sabi ko at lumayo sakanila. Kinuha ko ulit yung gitara at pumunta dun sa balcony. Sira na yung balcony. Walang harangkaya nakasara lagi yung pintuan papunta dito dahil kapag hindi nag-ingat, maaaring mahulog.

I strummed the guitar while feeling the wind. Malakas ang hangin at masarap sa pakiramdam.

"I know that song." Someone said behind me. Umupo siya sa gilid ko at kinanta yung chorus part.

"It's a d*mn cold night
Tryin' to figure out this life
Won't you take me by the hand, take me somewhere new?
I don't know who you are, but I
I'm with you."

His deep voice sent chills down my spine. Ang ganda ng boses niya. Bumagay din iyon sa kanta.

"What if ito nalang ang kantahin natin sa Thursday?" tanong ko. Tumango alng siya at tumingin sa mga punong nasa harapan namin.

"Pasok na tayo sa loob." Sabi niya at naunang tumayo. Sumunod lang ako sakaniya. Dumiretso lang ako sa isang gilid at sinaksak ang earphones ko sa phone ko.

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

You are reading the story above: TeenFic.Net